Maureen's POV Habang nag-kaklase kami, biglang nag-excuse si ma'am at lumabas ng room. At nung nawala naman siya, nagsimula nang magdaldalan ang mga kaklase ko. "Omg girl!! Narinig mo na ba ang chika?!" "What chika?" Palihim akong napairap dahil sa lakas ng chismisan ng mga babae sa likod ko. "What?! You don't know?! Hay nako. You're not updated talaga." "What is it nga?!" Ako lang ba? O parang dumudugo na ang ilong ko dahil sa ka-conyohan nila. "Easy nga. Well, narinig ko lang naman ‘to eh. They said, dito daw mag-aaral ang anak ng owner ng school at dito daw sa section natin siya naka-assign. And the best part is. It's a boy!!" "OMG!! Talaga?! OMG na talaga!! Another hearthrob na naman!!" "And that's not all. Dito din mag-aaral ang bestfriend niya na lalaki din! AAAAAA!" Bulong pa ba yun? Umabot na dito sa amin eh. At it’s a boy? Gender reveal yarn? Wait, anak ng may ari ng school? Sana lang walang special threatment na magaganap, napaka-unfair kaya pag ganun. Di ko na pinansin ang palakas nang palakas na bulungan sa paligid ko. Pupusta ako, marami na namang iiyak na kababaihaan nang dahil sa mga transferee na yun. "Okay class, I would like to make an announcement." Excited na sabi ni ma'am. Dahil wala naman akong pake sa mga transferee na yan, tumingin na lang ako ulit sa libro ko. Ang tagal naman ng break, gutom na ako eh. Ilang minuto pa at nakarinig na ako ng malakas na hiyawan at tilian dito sa room. Papasok na siguro ang mga unggoy dito. Tumingin na lang ako sa pinto para malaman na kung sino yung mga transferee. Napaubo ako ng tuluyan nang pumasok na ang mga transferee. WHAT THE?! I AM SO DEAD. Bakit sila pa?! Dalawang lalaki na naka-uniform ang pumasok sa room. At isa sa dalawang transferee ay yung sinipa ko sa ano. Huhu sana naman hindi siya yung anak ng may-ari. Baka ipa-alis niya ako dito sa school. Isang taon na lang at gragraduate na ako, ayaw ko magkaroon ng bad record. "Hi! I am Joseph Travis Alvarez," sabi nung lalaking medyo singkit na moreno Pero teka, Travis? May naalala ako sa word na travis. Ano kaya yun or sino kaya yun? Pero, HINDI FORD ANG APILYEDO NIYA!! Huhu wag naman sana Lord. Mahal ko pa po yung buhay ko. "I am John Tyler Ford." Sabi naman nung isang lalaki na may matangos ang ilong HUHU FORD ANG APILYEDO NIYA!! WAAAAH!! Ano na gagawin ko?! Patay na ako!! Sana mapatawad pa niya ako. Hindi naman yun malakas eh, ang hina kaya nun. "Thank you for your introduction and welcome to our section. Class, do you have something to ask to them?" Kanya-kanya namang nag-pataas ng kamay ang mga classmate ko ng dahil sa sinabi ni ma'am, halos silang lahat ang nagpataas except lang sa akin at kay claire. "Single kayo?" "Pwede kayo ligawan?" "Can we be friends?" "Akin ka nalang!!" At na sundan ng iba't ibang walang saysay na tanong. Huhu hindi man lang ako binigyan ni Lord ng pagkakataong mag-paalam sa mga mahal ko sa buhay. "Class that's enough, Mr. Alvarez you may seat at the right side beside the chair of Ms. Perez. Speaking of Ms. Perez, Maureen asan na nga pala ang kapatid mo?" Napa-ayos ako ng upo dahil sa tanong ni ma'am. "Sorry po maam, hindi daw po muna siya papasok. She's not feeling well.." pag-sisinungaling ko sa kanya. Alangan namang sabihin ko na tinatamad yun pumasok. Umupo na yung Travis dun sa upuan na katabi ng upuan ni ate. Feel ko, ayaw ni ate na may katabi, at lalaki pa. "Mr. Ford, you may sit beside Maureen." Nanlamig ako bigla ng dahil sa sinabi ni ma'am. Seryoso ka ma’am?! Huhu ang lupit naman ng tadhana oh! Kailangan ko nang humanap ng paraan, kung hindi, goodbye Ford University. Nag-pataas ako ng kamay at tumayo. "Ma’am if you'll excuse me po. Pwede po bang dito na lang sa tabi ko uupo ang kapatid ko bukas?" sabi ko sabay turo sa katabi kong upuan. Pakiusap po wag niyo pong ipa-upo yang lalaking yan dito. "I'm sorry miss Perez, pero hindi pwede ang hinihiling mo. Nasa seating arrangement na natin na boy and girl ang pattern dito." Napaupo na lang ako dahil sa sinabi niya. Relax Maureen, malay mo nakalimutan ka na nyan. Umupo na yung Tyler sa katabi kong upuan. Yumuko nalang ako sabay tago sa mukha ko gamit ang buhok ko para hindi niya ako mapansin. Wag kang lilingon kung gusto mo pang mabuhay Maureen Margaux. Nagsimula na ulit magturo si ma'am. Huhu kasalanan ko to eh, kung sana hindi ko sinipa yung ano niya jusko. "Kahit anong gawin mong yuko diyan, kilala kita, kilalang kilala kita." Nanlamig ako bigla sa sinabi niya. Huminga muna ako ng malalim bago inangat ang paningin ko. Matapang ka Maureen. Hindi ka nagpapatinag. "Anong ibig mong sabihin?" maang-maangan kong sabi. Akala niya aamin ako agad? Hindi ako aamin para maka-lusot pa ako sa problemang ‘to. Sana lang hindi niya ako maalala at mahalata. "Akala mo makaka-lusot ka pa sa ginawa mo? Kilala kita, ikaw lang naman ang babaeng sinipa ang ano ko." Sabi niya habang dahan dahang nilalapit ang mukha niya sa akin. Huhu naalala niya ako! Pero bakit niya nilalapit ang mukha niya? Hahalikan niya ba ako? Ay, wag mag assume. Palapit ng palapit ang mukha niya sa akin. Nanganganib ang first kiss ko! Pumikit na lang ako dahil malapit na talaga, sana hindi niya itutuloy. "AAAAAHHHH!!!" Tili ko. Nakapikit ako habang pa ulit ulit na huminga ng malalim. Ng unti unti na akong nakahinga ng maayos, unti unti ko ring binuka ang mga mata ko saka narealize ko ang ginawa kong kagagahan. Nilibot ko ang paningin ko sa kanilang lahat at nakatingin lang naman sila sa akin, as in sa AKIN. Tinignan ko naman si Tyler at nakita ko siyang nakangisi sa akin. "Maureen, okay ka lang?" Tanong ni ma'am sa akin Nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. I can feel my face burning. Tumango ako ng bahagya saka tinignan ang katabi ko, nagpipigil ng tawa ang loko. Ugh, this is his fault! "Excuse me ma’am, can I go to the CR??" Nahihiyang tanong ko sa kanya. Tumango na siya, at sign na yun na pwede na akong lumabas. Hiyang-hiya na talaga ako sa sarili ko. Tumayo na ako at tinignan ko ng masama ang katabi ko na nag-pipigil pa rin ng tawa hanggang ngayon. Bakit ang malas ko ngayong araw?! Sa susunod mag-iingat na talaga ako, ika nga nila, think before you act! Pero teka, narinig ko na talaga yung pangalan na Travis eh. Saan ko kaya yun narinig? Ahh basta, hinding hindi ko talaga makakalimutan yung lalaking nangangalang JOHN TYLER FORD! Ugh, Nanggigil talaga ako eh! __________________
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
It's nice
15/02/2025
0Thankyou
14/11/2024
0ml games
09/09/2024
0Tingnan Lahat