Maureen's POV Pagpasok pa lang namin ay nagkakalat na naman ang mga couple dito sa classroom. No, rephrase that. Simula corridor pa lang ay nag kakalat na pala ang mga mag-jowa dito, mga mag-jowa na walang ibang ginawa kundi ang mag-landian. "Hindi ba sila napapagod? Araw araw na lang ha." Inis na bulong ko dito sa katabi kong nakaupo at nagbabasa ng mga notes niya. "Wag mo nalang kasing pansinin ang mga yan. Ang mabuti pa tulungan mo 'kong mag review para sa quiz para pareho tayong malaki ang score." Sabi niya sabay bigay sa 'kin ng mga notes niya. Ang hilig niya talagang mag-aral. Kahit alam naman naming 10 items lang yun tinotodo niya talagang mag-aral. Siguro may ganun talagang mga tao, yung sisikapin talagang malaki ang points na makukuha nila "Mamaya na akong mag-aaral. Pupunta muna ako ng CR." Sabi ko at binalik ko na sa kanya ang kanyang mga SANDAMAKMAK na notes. "Sige sige, bilisan mo ha!" Pagkasabi niya non, dumeretso na ako sa CR para mag-bawas. *** Pagkalabas ko pa lang sa cr ay may nakita na akong couple na nag-aaway mula sa malayo. Wala na talagang matitino na lalaki dito sa mundo. Yan tayo eh, pagkatapos niyang ligawan, iiwan niya din pala. Napanganga na lang ako nang biglang lumipad ang kamay nung babae sa pisngi nung lalaki. Di ko alam kung anong mararamdaman, maawa ba ako o sasabihing deserve niya naman? Tumakbo na papalayo ang babae at pumunta siya sa kung saan. At dahil may lahi ata akong pagka-chismosa, ayun sinundan siya. Habang sinusundan ko siya, bigla nalang siyang huminto at umupo dito sa isang bench ng garden. Umiiyak pala siya. Ano ba yan?! Iniwan na nga, pina-iyak pa. "Ehem.." Tikhim ko sa kanya. Pero wala, snob pa rin siya. Tsk broken hearted nga. "Ehem.." "Ehem.." "EHEM!!" "EHE--" "Alam kong nandyan ka. Hindi mo na kailangang tumikhim ng paulit-ulit." Sabi ni brokenhearted girl, na hanggang ngayon ay umiiyak pa din. Ayy, pahiya ako dun ah. Tumikhim na lang ko ulit at umupo sa tabi niya. Mabuti na lang at kami lang ang nandito, baka pagbintangan pa ako na ako ang dahilan kung bakit umiiyak siya. "Oh." Sabi ko sabay bigay sa kanya ng panyo. Kinuha niya naman yun at pinunas niya sa kanyang luha. "Pwede magtanong?" "Nagtanong ka na nga diba?" Pamimilosopo niya. Kaka-break pa nga lang nila eh naging bitter na agad. Sabagay, ako nga, hindi iniwan pero bitter amp. "Bakit ka niya iniwan?" Tanong ko sa kanya. Napangisi naman siya ng mapakla. Pero unti unti ring nawala yun at umiyak na naman siya. Jusko ‘te, umayos ka at baka mapagkamalan kitang nababaliw na "Ang tanga tanga ko kasi. Naniniwala na naman akong magbabago siya." Ahh kaya pala ganyan na lang ang naging reaksyon niya. Well, parte ng buhay yan, ang masaktan. Wala tayong magagawa kung choice nung tao na magloko. Buhay niya yan at karma na ang bahala sa kanya. "Alam mo, sana pala sinunod ko na lang ang sinabi nila." Sabi niya sabay punas na naman ng luha niya. "Sinong nila?" "Mga taong nasa paligid ko." "Bakit ano bang sabi nila sa iyo?" Tanong ko ulit rito Napahinto naman siya sa tanong ko. At ayun umiiyak na naman siya. Kinuha ko nalang ang tubig sa bag niya at inabot ito sa kanya. Oyy baka sabihin niyong magnanakaw ako ah. Hindi kaya! Nag-mamagandang loob lang kaya ako at nakita ko agad yung tumbler kaya kinuha ko na. Uminom naman siya at nagsalita na ulit. "Sinabi nilang mas mabuti pang hiwalayan ko na lang siya, na sana ay maghanap na lang ako ng iba. Pero hindi ko ginawa ang mga yun. Hindi ko ginawa yun dahil mahal ko siya, mahal na mahal. Kahit sinasabi ng iba na ang tanga ako, na bobo ako. Hindi ko siya sinukuan dahil mahal ko siya. Pero bakit ganun, ginawa ko ang lahat, pinagtanggol ko pa siya sa lahat ng mga taong naawa na sa akin dahil nagpakatanga lang ako sa taong walang ibang ginawa kundi ang lokohin ako ng paulit-ulit. Siguro tama nga sila mabuti pa iniwan ko na lang siya. Tama nga sila ang tanga ko, ang bobo ko." Ang swerte naman nung lalaking yun. At sa sobrang swerte nung lalaki, dun naman naging malas si ate girl. Kung sana ay hindi na siya nag loko edi sana masaya sila ni heartbroken girl. "Pasensya na ha nag-drama pa ako sa harapan mo. Nakakahiya, hindi nga pala kita kilala." "Okay lang yun. Alam naman natin na normal lang ang masaktan, pero pag nasaktan ka na ng paulit-ulit, hindi na yan normal. Alam mo tama naman yung mga tao na nasa paligid mo. Pero mas tama ka naman, hindi mo naman kasalanan kung nagmahal ka ng lubos sa lalaking mali ang dinulot sa'yo. Pero sana naman pinakinggan mo 'to" Sabi ko at minuwestra ko sa bandang ulo ko. "Wag lang puro dito" Binanda ko na naman ang kamay ko sa banda ng puso ko. "Advise lang ha, wag puro siya ang laman ng puso mo, tumingin ka din sa ibang direksiyon, malay mo nandiyan lang pala sa tabi tabi mo ang totoong para sa'yo." Tumayo na ako sa kinaupuan ko at tiningnan siyang muli. I hope she’ll have everything she deserves "Salamat ha at dinamayan mo pa ako dito." Nginitian ko na lang siya at naglakad na ako pabalik sa room. Tignan mo nga naman nag-iisa na naman ako ditong naglalakad pabalik sa room. Sana naman magiging ok na si brokenhearted girl. Tss, kaya ayaw ko sa mga lalaki ehh! Mga pasakit sa ulo, mga paasa, mga-- Bigla akong napaupo dito sa hallway nang may nabunggo akong tao. Nakaka-bwiset ha! Di pa nga ako tapos sa sentence ko! "Aray ko po!" Ang sakit talaga ng pwet ko huhu. Pero teka, sino yung bumangga sa akin? Walang hiya yun ah! hindi man lang ako tinulungan! Inis akong tumayo at tinignan ko ang likod niya. Aba tinakasan pa ako! Tumakbo ako palapit sa kanya at humarang ako sa kanyang dinaanan. "Hoy! Wala ka bang balak mag sorry ha?!" "Bakit? May kasalanan ba ako sa iyo?" Pa-cool na sabi niya. Seryoso ba siya?! Nakakabwiset talaga ha! Ang sarap niyang kainin este ipa-kain sa buwaya! "Oo meron kang kasalanan!! Dalawa pa nga ehh. Kaya mag-sorry ka na!" "Look miss, hindi ko kasalanan kung haharang ka sa daan. At hindi ko kasalanan kung lampa ka. Practically it's not my fault, it's yours." AKO? LAMPA?! HINDI NA NGA SIYA MARUNONG MAG-SORRY, MANG-LALAIT PA!! Pinapa-init niya ang ulo ko. Susuntukin ko na sana siya sa mukha nang nagsalita siya ulit. "Oops, wag sa mukha, madaming babaeng nahuhulog diyan." Napilitan akong ibaba ang kamay ko at inis ko siyang tinignan. Lord, nung nagpaulan ka ba ng kakapalan ng mukha ay sinalo niya na ba ang lahat? Ang kapal niya! Unti unting nawala ang inis ko nang may naisip akong kalokohan para makaganti. Dahan dahan kong nilagay ang kamay ko sa pisngi niya at ngumiti ng matamis. "Talaga? Maraming nahuhulog dito?" Sabi ko sabay tapik sa kanyang pisngi. Tss, ngumiti naman siya, uto uto. Dahan dahan kong nilalapit ang katawan ko sa kanya. Hanggang sa— "UGHH!!" Angal niya kaya tumakbo na ako papunta sa room. Pagpasok ko palang dito sa room ay dumeretso na ako sa upuan ko at ginulat si Claire. "Makagulat ka naman!" Gulat na sabi niya sabay hawak sa bandang puso niya. Magsasalita pa sana ako, pero dumating na ang teacher namin. I hid my smirk when I suddenly remembered something. HAHAHAHA Naalala ko na naman yung lalaki kanina. Ang epic ng mukha niya pfft. Hindi porket gwapo siya, mag-aasta na siya ng ganun. Hindi niya siguro inaasahan yung nangyari. Well sino nga ba ang aasa na ganun ang mangyayari. Sinipa ko lang naman yung toot toot niya hehe. ____________________
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
It's nice
15/02/2025
0Thankyou
14/11/2024
0ml games
09/09/2024
0Tingnan Lahat