logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

(Akira Pov)
Nagising ako sa loob ng isang silid na kulay puti ang buong paligid.
‘Nasan ako? Patay na ba ako? Nasa langit na ba ako?’ Sana totoo ngang patay na ako. Para hindi ko na ulit maranasan ang sakit na idinulot ng katangahan ko. Para matapos na lahat at wala na akong problemang kakaharapin. Sana panaginip nalang lahat. Sana panaginip lang ang pagpunta ko sa South Korea. Tapos kapag nagising ako, bubungad sakin ang nakangiting mga labi ni mama at papa.
Ngunit na dissappoint ako nang marinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang isang matandang lalaki na nakasuot ng damit pang doctor. Buhay pa pala ako at hindi rin ako nanaginip.
Tumingin ang doctor sakin. Ngumiti siya kaya nawala ang mga mata niya. Singkit kasi ang mga mata niya at kahit na may edad na ay bakas pa rin sa kanyang mukha ang kagwapohan at kakisigan ng kanyang pangangatawan. Lumapit ito sakin habang may sinusulat sa dala niyang papel. Ang angas ng pormahan niya. Para siyang artista sa napapanuod kong mga korean dramas.
“So you’re awake. How are you?” Nagulat ako ng marinig ko siyang magsalita habang nakatitig sa braso kong may sugat. Nababakas ang pag aalala at lungkot sa kanyang mga mata. Pero ang mga labi niya ay nanatiling nakangiti.
Nakatitig lang ako sa mukha niya habang nagiisip kung ano ang sasabihin ko. “I-im o-okay!” Tangi kong nasabi sa kanya. Speechless ako sa kagwapohan niya. Pero sayang, matanda na. May anak ba siya? Baka pwede niya akong ireto? Siguro yummyness din ang anak niya kung meron man. Habang tinitignan ko ang mukha niya ay iniimagine ko ang younger look niya. Gwapo talaga mga beh!
“I was driving on my way to the hospital yesterday when I saw you lying on the road with a wound on your arm. May I ask what happened and where did you get that?” So siya pala ang nagligtas sakin? But wait how did he know na hindi ako nakakaintindi ng korean language?
“It is too obvious in your face that you’re not a korean at bago ka lang dito.” Ay naku! Isa ring manghuhula. Paano kaya nila nalalaman na nagtatanong ako sa isip ko. May powers ba sila? Mind reader lang ang peg? O di kaya majikero na rumaraket tuwing may fiesta sa bayan? Char!
Nagulat ako ng magsalita ito ng tagalog. Omg! Ang galing naman! Naalala ko tuloy si Ms. Kim. Napatitig ako sa mukha niya at biglang nagflashback ang isipan ko. Naalala ko bigla ang mga nangyari sakin sa mga naunang araw ko sa Korea. Namalayan ko nalang na umiiyak na pala ako habang nakatitig pa rin sa kanya. Mukha akong tanga na ngumawa. Para akong bata na inagawan ng lollipop dahil sa ginawa ko.
“Hey what happened?” Nagaalalang tanong niya. Tinulongan niya akong bumangon saka niya ako binigyan ng tubig na di ko alam kung saan niya kinuha. Iyak lang ako nang iyak habang hinahagod naman niya ang likod ko. Binuksan niya ang bote ng tubig at tinulongan niya akong uminom.
“No o-one will be-believe me!” Nauutal kong sabi habang patuloy pa rin na umiiyak. Sumisikip ang dibdib ko. Nadudurog ang puso ko habang patuloy na nagpaulit ulit sa isipan ko ang mga nangyari. Nakakatakot, nakakanginig. Parang gumuho ang mundo ko. Bakit sa dinami dami ng babae sa mundo, bakit ako pa?
“I believe in you, okay! Now tell me!” Kalmado niyang sagot habang nakayakap sakin to give me a comfort. Kahit papaano ay nakalma ko ang loob ko. Para siyang tatay na nagpapatahan ng anak. Bigla ko tuloy namiss ang papa ko. Pero iyong yakap ng doctor na ito is kakaiba. Parant nakakaginhawa at the same time ay medyo nakakalungkot. Hindi ko alam kung bakit.
Huminga ako ng malalim. Dahan dahan kong ikinuwento ang lahat sa kanya habang siya ay seryoso lamang na nakikinig sakin. Kinwento ko lahat at sinigurado kong wala akong nakaligtaan na impormasyon tungkol sa nangyari sakin. May nakinig sakin, ito na iyong chance kong makahingi ng tulong. Sana hindi ako mascam ng doctor na ito. Baka isa rin siya sa kanila. Nakakatakot magtiwala pero nagkwekwento pa rin ako dahil nga baka siya na ang pag asa ko. Sana nga! Sana!
Kitang kita ko ang gulat sa kanyang mukha at kasabay nito ang pagigting ng kanyang panga habang nakakuyom ang kanyang mga kamay.
“So isa ka rin pala sa nabiktima ng babaeng yon. Napaka hay*p!” Galit na sabi niya. “Sumusobra na talaga ang babaeng iyon. Kahit sino nalang ang kinukuha!”
Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Kilala mo siya?” Huhu ito na nga ba! Baka budol budol din ito. Baka nagkukunwari lang siyang doctor tapos kikidnappin niya ako at ibabalik kay Ms. Kim. Ayoko na! Paano ba ako tatakas dito? Paano ko ba siya layuan?
Teka nga! Nasa hospital pala ako. Napalinga linga ako sa bawat sulok ng kwarto. Hala! Mukhang mamahalin ang ayos ng kwarto. Saan ako kukuha ng pangbayad? Wala akong pera. Kahit barya ay wala ako. Ano nang gagawin ko?
Tumango naman siya. “Yes I knew that woman. I can help you young lady para makatakas ka sa kamay ni Kim at makauwi ng Pilipinas. Ilalapit ko ang kaso mo sa mga authoridad na kakilala ko rito. Just trust me arasso?”
Napakurap kurap ako sa narinig ko. “To-too ba yan?” Naninigurado lang. Baka kukunin niya lang ang loob ko. Pero nakaginhawa naman ako ng maluwag nang makita ko siyang tumango at ngumiti. Dama ko naman ang sensiridad niya. Mukhang hindi naman siya isang scammer. Phew! Atleast alam kong may matataguan na ako. Ligtas na yata ako.
Napangiti ako sabay tango. Naramdaman ang kaligtasan sa mga salitang binitawan niya. I am somehow lucky kasi may taong nakatagpo sakin sa mundong to na handa akong tulongan kahit na hindi ako kilala. Sana lang talaga totoo siya. Susubukan kong magtiwala sa kanya.
Napangiti ako sa kanya saka tumango. “Thank you!” I said with teary eyes. Gusto ko sanang ngumawa sa harap niya pero huwag nalang. Baka lumubo ang sipon ko. Nakakahiya kapag ganoon.
“Btw, I am Ryan Lee. I am a filipino-korean citizen and a doctor here in South Korea! “ Pagpapakilala niya sa kanyang sarili. Naks! Bigtime! Nilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko upang makipagshake hand. Ang ganda ng kamay niya. Ang linis. Parang nakakahiyang hawakan kasi parang walang germs, alaga sa alcohol.
Tinanggap ko naman ang kanyang kamay at ipinakilala ko na rin ang sarili ko. “I am Akira!” Tipid kong tugon. Name lang, sapat na siguro yon. Tinatamad akong magkwento ng buhay ko. Mamimiss ko lang sila mama.
He genuinely smiled at me na nagbigay ng kakaibang pakiramdam sakin. Ang ganda ng mga ngiti niya gosh mas lalo siyang gumwapo. Oh geez Akira! Matanda na yan! Shut up! Hindi mo yan pwedeng ibigin. Loyal ka kay Shin remember? Saka kahit gwapo pa yan, bawal yarn. Mas matanda pa yata siya kay papa. Huhubels! Kaka kdrama mo yan. Yong ibang bida kasi sa korean dramas, umabot na ng 40 years old pero baby face pa rin. Ang babata pa tignan tas ang gwapo at ang hot. Nakaka inlove!
“Myghad self ang landi mo!” Bulong ko sa sarili ko. Mukhang hindi naman ito narinig ni Mr Lee dahil abala ito sa pagiisip. Nakatulala lang siya habang nakatingin sa bintana. Parang may malalim na iniisip si Doctor Pogi. Baka iniisip niyang bigyan ako ng baby char o baka ireto niya ako sa anak niya. Char ulit! Pero malay mo diba? Baka may maganda ring mangyayari sakin dito sa South Korea.
“Akira may favor lang sana ako.” He said.
“Ano po yon?” Sagot ko out of nowhere habang nakatitig pa rin sa gwapo niyang mukha. Ano kaya ang hihingiin niya sakin? Nakakatakot naman kung pera, wala akong pambayad. Pero baka ano? Ehemz! Baka lang naman pero baka ito na nga? Yong retohan ng anak chariz! Baka iarrange marriage niya ako o iblind date.
Gosh! Akira! Yong imaginations mo umabot na sa Mars!
“Habang inaasikaso ko ang papel mo. Maaari mo bang samahan muna ang pamangkin kong tumira sa condo niya? Lonely boy kasi ang isang iyon. Can you be his personal maid.” Whut? Yon na yon? Maid? Omg! But did he say pamangkin niya ang paglilingkoran ko? What if--- Hep! Hep! Hep! Stop na sa kakaimagine dzai! Hindi yan matutupad! Iiyak ka lang kaka asa!
Napatingala ako sa ere. “Okay po! Basta hindi lang makulit ang pamangkin mo kasi baka isabit ko siya sa pinto!” Ay hala nasabi ko pala iyon! Akala ko sa isip ko lang yon inisip. Nakakaloka!
Natawa si doc sa sinabi ko. Mukhang hindi naman niya sineryoso yong sinabi ko kasi hindi naman siya nagalit. Baka ako ang isabit niya dito sa hospital. Nakakatakot! Baka gawin niya akong sample model ng human body.
“Don’t worry, magswesweldo ako.” Dagdag niya sabay hawak sa kamay ko. Napalunok naman ako habang nakatingin sa malambot niyang kamay na nakahawak sa kamay ko. Punyemassss kahit ikaw nalang, wag na sweldo. Pwedeng pwede na. Charot! Sabi ko nga bawal. Baka may asawa itong si doc tas sabunotan ako. Ayokong makalbo ng di-oras dahil sa kalandian ko.
Napalunok ako nang may naisip akong itanong sa kanya. “Si-sige po. Pe-pero la-lalaki po ba ang pa-pamangkin nyo po?” Pinagpawisan kong tanong habang nakatitig pa rin sa kamay niya. Kailan ba niya bibitawan ang kamay ko? Tumatayo yong balahibo ko dahil sa lamig ng kamay niya. Nakakakiliti!
“Yes. Be his personal maid at the same time, you will pretend as his sister to hide your identity. Don’t worry mabait naman yon.“ I wonder kung anong itsura ng kanyang pamangkin? Sana kasing gwapo rin katulad ni Doctor Lee. Kyaaahhhh! Oks na oks na!
‘Self loyal ka kay Shin reme—oh scratch that! Magmomove on na ako. Hindi naman mali diba na iopen ang puso ko sa iba lalong lalo na sa lalaking nasha harap keee, este sa pamangkin pala niya.’ Napangiti nalang ako dahil sa kalandian ng utak ko.
Narinig kong bumukas ang pinto at pumasok ang isang babaeng pinay na pinay ang itsura ngunit may maladyosa na kagandahan. Bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko si Doc Lee bago siya tumayo at lumapit sa babae.
“Hey hon I want to meet you Akira. Siya yong babaeng natagpuan kong dugoan sa daan kahapon.” He said.
Did I just heard the word hon? Sabi ko na nga ba eh! May asawa si doc Lee. Buti nalang hindi ako umasa. Masasaktan lang ako.
Ngumiti naman ang babae sakin. “Oh such a pretty lady. Akira, I am Shiona. Ryan’s wife.” Sabi niya sabay lahad ng kanyang kamay. Napatingin ako sa kamay niya. Ang kinis ng kamay niya. Katulad kay Doc Lee, parang nakakatakot hawakan. Mas lalo pang gumanda ang kamay niya dahil sa singsing na makintab na suot niya.
Itong si Doc Lee kung makahawak, parang walang asawa. Pero baka ganun lang talaga siya tapos ako lang tong nagbigay ng malisya. Ghad kakaloka. Doctor siya diba? Natural lang na may care siya sa mga patients niya. Ako lang talaga itong abnormal mag isip.
Anyway, baka single yong pamangkin niya. Siya nalang HAHAHAHAHA! Sana huwag akong pahirapan ng pamangkin niya. Baka maisabit ko talaga iyon sa pinto.
Ok tigil muna ako sa kalandian ko. Serious talk muna! Nakakaloka!

Komento sa Aklat (110)

  • avatar
    Ron AG

    good

    3d

      0
  • avatar
    Adonis Alicante

    sana naman maging uk Ang lahat

    19/08

      0
  • avatar
    Jusinan Daring Tarami

    okay

    07/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata