logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

In My War, I Found Love

In My War, I Found Love

PaleShadedMe


Introduction/1

“I only need justice. I just wanna win my war. I am not here to entertain anyone. Specially, I have no intention to love someone”
“You don't know how to smile. You don't know how  love. But I love you so, that I would do anything just to make you smile and love me back”
"I'm not born as a quitter, I am born to be a fighter"
“I want to be free. I want to fly with my wings. And I can't fly without you.... because you are my wings”
“Try to accept it, air! You can't control everything! You can't control our feelings...”
“Sa pamamagitan man lang nito, mabigyan ko ng hustisya ang isa sa mga unang taong minahal ko simula nang magmulat ako sa mundong 'to”
“We have our own love story. But without it's happy ending, it'll be cut off by me”
“You're air, you're rain. I am Thunder. Combining us will make a storm appear”
“In my war, I found love”
__________________________
How does it feel to be happy?
How does it feel to be loved?
How does it feel to be free from your past?
How do people smile even if the world is on their shoulder?
How does one can cry because of happiness?
How does it feel to have someone beside you everytime?
How does it feel to have a family?
How does it feel to have everything?
How does it feel to be a normal person?
How does it feel to be praised?
How does it feel to be saved?
I'm very curious about those things. Because I'm naive about those things. Children are saying, I am a monster. That I will eat them alive. While the elderly said I'm no human because of my 'wierd' characteristics.
Lumaki akong malayo sa mga tao. Hindi nakikihalubilo rito. Dahil walang preno ang mga bibig nila. Napakadaling manghusga para sa kanila.
Pinatay pa nila ang kaisa-isang taong hindi nanghusga sa akin. Pinatay nila ang ina ko. Dahilan kung bakit ngayon, nag-iisa ako.
At ngayon, susuungin ko ang gyera. Pipilitin kong iwasan ang mga naglilipanang mga palaso. Pipiliting mabuhay upang makamit ang hustisyang inaasam ko.
Pero paano ko mahahanap ang hustisyang gusto ko kung napakaraming sabit sa plano ko?
Sabi nila “in order to claim your happiness, you need to love  and to be loved”. Alam kong walang magmamahal sa akin kaya hindi ko gustong magmahal. Kung meron man ay kaibigan ko lang.
At kung gustuhin ko man, hindi ako pwedeng magmahal. Dahil sa mundong kinalakihan ko, mamamatay ka kapag nagmahal ka. O 'di kaya'y ang maaga kang iiwan ng mahal mo dahil maaga siyang kinuha sa'yo.
Walang puwang ang pagmamahal dahil paniguradong iyon ang magiging rason upang ika'y masaktan. Iyon ang iyong  magiging napakalaking kahinaan.
Magulo ang mundo ko, ngunit mas magulo ako. Ni kahit ako nga ay hindi mahuli-huli ang ugali ko.
Ngunit alam kong wala akong laban sa laro ng tadhana. Hindi ko alam kung ano ang kanyang dereksiyon.
At kahit anong tanggi ang gawin ko, alam kong hindi ako mananalo.
---------
Her POV
Coming back to the county where I've spent my childhood with is better, not until something happened and it became the setting of my worst nightmare...
Philippines
Simoy ng hanging polluted. Mga sasakyang panlupa na dahilan ng napakabigat na traffic. Mga taong halos lahat ay may mapanghusgang mata. Ang iba'y walang pakealam kung dadaan ka ngunit ang iba'y kahit nandoon ka na sa kabilang kanto, sinusuri ka parin nila.
Mga batang nanlilimos sa kalsada. Marurungis at nag-iisa. At mga matapobreng sinisigawan sila.
Poverty
Iyan ang laganap sa Pilipinas. Napakaliit na bansa ngunit napakaraming tao. Maraming magagandang tanawin, bagay at lugar ngunit kadalasa'y inaabuso.
Mas maraming mahihirap kesa sa mayayaman. Mga korap na nandoon sa pamahalaan. At higit sa lahat, hustisya ay madalas natatabunan.
Napailing nalang ako sa naisip ko. Malinaw na malinaw ang puot ko. Tsk.
Anong nangyari Pilipinas? Hindi ko maiwasang ikompara ang noon mo, sa ngayon mo.
Noon, wala pang masyadong sasakyan. Nakakapaglaro pa ng patentero ang mga bata sa kalsada ng hindi nasasagasaan.
Noon hindi ganito ka init ang mararanasan. Sa mga bayan ay napakaraming punong kahoy na nagsisilbing masisilungan.
Habang nasa sasakyan ako at naghihintay na umusad ang nakakairitang traffic ay may nakita ako isang lolong uugod-ugod na.
Tatawid na sana ito nang may isang binatilyong tumulong dito. Sa tulong niya nakatawid ng ligtas ang lolo.
Ngayon lamang ako nakatapak sa iyo mula nang mawala ako sa ritmo. Maraming nagbago ngunit masaya akong hindi nagbago ang ugali ng mga Pilipino.
Maya maya pa'y nakarating ako sa isang liblib na lugar. Walang tao ngunit mayroong naglalakihang mga damo. Ewan, pero inihinto ko ang sasakyan ko.
Kagubatan na may maraming damo ngunit puno ng mga patay na halaman. Hinahati ito ng isang lubak-lubak at napakahabang daanan.
Naglalakihang mga patay na punong kahoy, mga ugat nitong unti-unti nang gumagapang sa daan. Habang ang mga walang buhay na sanga ay nagsisilbing bubong ng daanan. Kaya nagmistula itong kweba na pinagsho-shootingan ng mga nakakatakot na pilikula.
Madilim, napakadilim....
Nakakatakot...
Kung hindi ko lamang alam ang naroon sa dulo nito, tiyak na iyan ang mararamdaman ko.
Makapanindig-balahibo ang katahimikan. Na para bang bawat hakbang mo ay maririnig mo. At bawat galaw mo ay may sasakmal sayo.
Wether it's a wild animal, a serial killer or the grim reaper.
Napabuntong hininga nalang ako at saka in-i-start muli ang sasakyan ko. Hindi ko akalaing ganito ang naging kinahinatnan nito.
Unti-unting sumulong ang aking sasakyan. Panay ang iling at buntong hininga ko. Nakakadismaya na ang pinaghirapan ko noon ay parang wala na ngayon.
A-anong?
Ganon nalang ang pagmamadali kong maapakan ang break ng sasakyan ko nang may mamataan akong isang bagay na paniguradong masasagasaan ko kapag hindi ako nagpreno.
Agad akong bumaba upang masigurado. Baka kase namamalikmata lang ako.
Doon nakita ako ang isang bagay na nababalot ng isang puting tela. Napalunok ako at mas lumapit pa.
Lampin....
Oo, lampin. Lampin ang puting tela na nakita ko. Sa isang edge nito ay may nakabordang salita na kulay blue.
AIRFLEA  
What the heck is this?  Nagpalinga linga ako sa paligid. Pinaglalaruan ba ako ng kung sino?
"Uwahhh...uwahhh...uwahhh."
Napabuntong hininga at napailing nalang ako nang may marinig akong umiiyak na sanggol. Tsk, hindi ako naniniwala sa maligno pero baka ngayon maniwala na ako. Anak ng baka tiyanak pa 'yon.
"Wahhhhh....uwahhhhhh."
Ayon na naman siya. Err...teka, kumurap kurap pa ako saka tumingin sa lampin.
Mahabagin. 'Wag naman sana. Kung saka-sakali, hindi naman po iyon malas ngunit jusko...hindi ko naman po alam kung paano mag-alaga ng bata. Okay, alam ko. Pero napakatagal na panahon na mula no'ng huli akong makapag-alaga ng bata.
Abot langit ang kaba ko habang dahan-dahan kong hinahawi ang lampin. Anak ng... hindi ko kaya .. nanginginig ang katawan ko!
Ganoon na lamang ang panglalamig ko nang makita ang isang sanggol! Putlang-putla ito at doon ko lang napagtantong basa pala ang lamping kinalalagyan nito.
“Mahabagin. Bakit naman may pusod pa 'to?” Sabi ko nang makita ko ang pusod ng sanggol na nakonekta pa sa katawan nito.
Agad kong inihiwalay ang bata doon at kinarga. Dinala ko ang bandang dibdib nito sa may tenga ko.
Nabunutan ako ng tinik nang malaman kong normal pa ang paghinga nito.
Pumunta ako sa sasakyan ko. Doon sa may passenger seat at kinuha ang nakasampay kong coat doon.
Nanginginig pa ang kamay ko habang hawak ang walang saplot na batang babae gamit ang kanan kong kamay habang ang kaliwa naman ay gamit ko sa pag-aayos ng coat para ilagay doon ang bata.
Nang masigurong nakabalot na ito sa bata ay pumasok ako sa sasakyan at inihele ang bata.
Maliit pa siya. Napakaliit. Siguradong kapapanganak lang nito sa mga araw na lumipas. Mga 3 araw, siguro. May pusod pa eh, though hindi na ito gano'n ka sariwa para isiping bagong panganak palang to.
“Hay...asaan ba ang nanay mo at napadpad kang mag-isa rito?” Bulong ko rito habang hinahanap ang med kit ko. Wala kaseng sign na nandito ang ina niya eh. Lampin lang ang nakita ko. Malinis na lampin.
Nakakapagtaka nga lang na...May pusod pa ito ngunit malinis na ang katawan. Ano yun? May napadaan dito tas nilinisan lang dahil hindi gustong kunin?
Lame.
Hindi ito sumagot. Natural. Nakapikit pa nga mata eh. Pero laking gulat ko ng pumorma sa isang ngiti ang labi nito.
Napangiti nalang din ako. Sinong mag-aakalang sa edad kong to eh mag-kakaanak na ako? Hindi ko naman kase to pwede pabayaan lang.
Sanggol palang ito at wala pang muwang sa mundo. 
Sinimulan ko nang guntingin ang pusod nito nang mapatingin ako sa mukha niya.
“Kakayanin mo kaya ang gyerang papasukin ko? Ang liit mo pa, sana lang maprotektahan kita. Kapag may nakaalam na may anak ako, paniguradong gagamitin ka nila para ibagsak ako.” Mapait akong napangiti habang sinasabi ko iyon. “Pero di bale, gagawin ko lahat para maprotektahan ka. Kahit ikamatay ko pa. Para naman may tama akong magawa sa buhay ko kahit papaano. Baka binigay ka sakin ng Diyos para maging parusa at source ng kaligayahan ko. Kahit pa, alam kong magiging sabit ka sa plano ko.”
Hindi ko binitawan ang bata habang nagdadrive ako. Maraming gumugulo sa isip ko ngayon.
Tulad nalang kung paano ko patatahanin to kung sakaling umiyak to ng umiyak sa gabi?
Paano magtimpla ng gatas?-----nanlaki ang mata kong napatingin sa bata. Wala pa pala itong mga gamit! Agh! Kahit gatas man lang wala!
Paano to ngayon!?
Napabuntong hininga nalang ako habang dahan dahan ini-U-turn ang sasakyan ko papuntang syudad.
Mabilis tumakbo ang oras. Nandito na ako ngayon sa isang mall. Napailing na naman ako. Ano naman ang bibilhin ko ngayon?
Napatingin ako kay Flea. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang unti-unting idinidilat ang isang mata pero hirap na hirap na idilat ang dalawa.
Ngingiti na sana ang labi ko nang may mga yabag ng paa akong narinig. Pinakiramdaman ko muna ito at nang masigurong walang dalang hindi maganda ay lumingon ako rito.
Bahagya pa itong  nagulat nang mabilis ay humarap ako.
“Ahm...H-How...err ...I-is there anything I-i can help m-ma'am?” Utal-utal na aniya.
“What do you think?” She was taken a back with my language or should I say voice. Her face is horrible. Gano'n ba 'ko ka nakakatakot? Tsk.
I sighed
“I need stuffs for my baby,” doon niya pa napansin na may hawak akong baby.
Napakurap kurap pa ito. Paniguradong nagtataka kung bakit nakalagay sa coat ang bata.
“We just came from outing. Unfortunately, nahulog ko sa tubig ang mga gamit niya habang sakay sakay kami sa bangka papauwi rito,” pagrarason ko pa. Mukha namang naniwala yung sales lady o baka natakot. Tsk.
“Ah...If you want, I can accompany you  while you're picking stuffs for your baby, ma'am.” magiliw ang pagkakasabi nito pati narin ang pagkakangiti nito. Pero naroon parin ang takot sa mga mata nito.
“Lead the way” tugon ko.
Iginiya niya kami sa baby section. Panay ang tingin na ipinupukol ng mga tao sa amin. Nailing nalang ako at yumuko. Sinalubong ang mga bagong mulat na mata na kanina pa nakatingin sa akin.
Mabuti nalang talaga at hindi ka iyakin. Magkakasundo talaga tayo d'yan
Bagaman sinabi ko lamang iyon sa aking isip at napakahilaw pa ng utak niya para maka intindi, ngumiti siya na para bang naiintindihan niya talaga ako.
Normal lang bang ngumiti ito? Ngumingiti ba agad ang mga sanggol? Aish.
Muli kong inangat ang tingin ko. I'm surprised on how organized this section was. May mangilan-ngilan din na namimili. Mostly are couples with their babies. May iba ding mag-asawa, at nagbubuntis pa lang.
“Ma'am, would you like me to help you in picking baby stuffs?” Basag ng sales lady sa kung ano man ang lumilipad sa utak ko.
“Yes, please. Where's the milk? She's only 1 month old. Can you recommend one for her?”
“Hmm...of course” she walked out with a sincere smile plastered on her face.
In less than a minute she walked back to me. Handling me some boxes.
“Promill 1, para iyan sa mga bagong panganak pa lang na sanggol ma'am.” Tinignan ko ito at napag-alamang tama nga ang sinabi niya.
“Hm.” Tango ko habang lumilinga linga. Humahanap ng susunod na bibilhin. Nang walang mahagilap ang mata ko ay lumingon ako ulit sa babae.
“Where are the clothes?”
“Oh, follow me, please,” sinundan ko naman kaagad ito.
'Di naglaon ay napunta kami sa isang row. Lahat ay mga pambatang damit. Since bagong panganak palang ito, white clothes ang pinili ko. Pati narin sa gloves at socks.
Matapos non ay dinala niya kami sa row ng mga diapers. Pampers, EQ, Huggies at ang dami pang iba. Sa huli kumuha ako ng tig isang supot ng lahat ng brand. Iniisip ko kaseng baka magka-allergy o magkarushes siya sa makukuha ko.
Mas mabuti nang may reserba.
Pagkatapos ay inirekomenda rin niya na bumili ako ng baby wipes, pulbo, cotton bands, baby soap at shampoo.
I'm surprised on how the soap and shampoo I am currently using are far more different from those baby soaps and shampoos.
Bumili rin ako ng strollers. 'Yong parang bag na nilalagyan ng baby pag kinakarga mo, ewan nakalimutan ko anong tawag.
Humigit kumulang 25,000 ang nabayaran ko. I'm not surprised though, mall 'yon eh.
Habang nasa sasakyan panay ang lingon ko kay Flea. Nasa car seat siya na binili ko para sa kanya. Wala siyang ibang ginawa kundi ngumiti o di naman kayay matulog.
Tapos ko na siyang bihisan. Nanghingi rin ako kanina ng mainit na tubig sa karenderyang malapit lang sa napagparkingan ko. Kaya napakain ko na rin siya.
Ang inaasahan ko talaga ay magiging iyakin siya dahil napakalakas ng palahaw niya kanina no'ng nakuha ko siya.
Napailing na lang ako at hinayaang maglayag ang isip.
Ano nang gagawin ko ngayon?
I sighed frustratedly. Sakto namang napunta ang mata ko sa cellphone ko kaya napangisi ako. Sa wakas, nakaisip din.
Kinuha ko iyon gamit ang kanan kong kamay habang ang isa ko pang kamay ay patuloy sa pagmamaneho.
“Hello, Mil,” bungad ko sa linya.
"W-what? Who the fvck are you? How did you knew me?!" Napangiwi ako dahil sa lakas ng sigaw niya!
“Gago, ako to insekto. Ano? Limot mo na ako?” sandaling natahimik ang kabilang linya. Ngunit maya-maya pa'y..
"W-who?? Sia? Sia is this you?! Oh, God!"
“May iba pa bang tumatawag sa'yong insekto? Tsk, pati ba common sense mo limot mo?”
" H-ha? Is this really you?! Pumuti na ba ang uwak!?"
“Hindi eh, itim parin,” sarkastiko kong sabi.
" Oh, God! Oh, God! Ohhhh!!! GGGOOOODDDD!! THIS IS REALLY YOU!"
“Yeah, my dear friend. Long time no talk.”
" Asus! What do you want?" Mapang-usig na tanong pa niya.
“Tsk, kabisado mo talaga ikot ng bituka ko ano?” Natatawa pang saad ko saka lumiko sa isang kanto.
" Aba! Syempre naman 'no! Sanay na kaya ako sayo! Nakikipag-communicate ka lang naman saken kapag may kailangan ka eh!" Nagtatamping aniya na paniguradong may irap pang kasama.
“Yeah, yeah. You have to do a thing for me..”
"Grabeh! Hindi man lang nagpakabait at sinabing 'I have a favor to ask my beautiful friend' o di naman kayay 'Can you do me a favor my oh so good friend?'" reklamo niya na hindi ko na pinagtuunan ng pansin.
“Ano, gagawin mo ba o hindi?”
"Asus, as if naman may choice ako. Oh, ano nga yon?"
“You're boyfriend has connectionis right?”
" Unang una madam! Hindi ko boyfriend si Jay! At oo! May mga connection siya! Baket?!"
“I need you to make him register my child's name.”

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Kįm Cîê Perez

    wow.

    10/08

      0
  • avatar
    Prin Cess

    🤭❤️

    05/07

      0
  • avatar
    Jude Ezekiel Castor

    ok na

    13/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata