Homepage/Once In A Lifetime ( Lifetime Duology 1)/
Chapter 7
AMYSTIEL'S POV Tinignan ko lang ang naglalakad na palayong si Wind. Ang weird naman ng hangin na yon. Napailing nalang ako at nagsimula ng maglakad palabas. Nakita ko naman sa gilid ko ang pagsakay ni Mina sa sasakyan ni Tyson. Napangiti ako ng mapait. Ano ba, Tiel? Gusto mo lang naman si Tyson pero bakit ganyan ka masaktan? Pakiramdam ko para akong niloloko kahit wala naman kaming ugnayan at halata naman ang nararamdaman nya kay Mina. Dumiretso nalang ako palabas at saktong nakita ang sundo ko. Lumabas si Manong Fred at pinagbuksan ako ng pinto. "Parang ang tamlay mo naman Hija." Sabi nya ng binuksan nya ang pintuan ng sasakyan. "Pagod lang po siguro, Manong." Pilit na ngiting sagot ko bago pumasok sa loob. Agad akong sumandal at pumikit ng maramdamang umandar na ang sasakyan. "Diretso na tayo sa airport, anak ha?" Narining kong sabi ni Manong. "Opo" sagot ko at tumingin sa bintana. Nawili nalang siguro ako kakatingin at hindi namalayang nakarating na kami. Agad akong lumabas at pumasok ng airport. Ang daming tao. Lumingon ako sa paligid at nagmasid mabuti. Baka nakababa na sila. Lumapit ako sa receiving area at nag antay sa mga lumalabas. Maya maya pa ay agad akong kumaway ng makita si Daddy kasunod si Mommy. "Daddy! Mommy!" Agad akong tumakbo at sumalubong ng yakap sa kanila. "Aw, i miss you dear." Sabay hagod ni mommy sa buhok ko. Grabe, ilang linggo din sila sa ibang bansa para sa trabaho. "Mas namiss ko kayo. Ang tagal kong mag isa sa bahay." Napanguso nalang ako habang iniisip ang mga nangyari sakin nung nakaraan na wala sila sa bahay. "Sobra naman yata kaming namiss ng unica hija namin." Napangiti ako sa sinabi ni Daddy. "Eh ako ba? Hindi mo namiss?" Agad akong napahiwalay sa kanila at tumingin sa nagsalita sa likod. "KUYA?!" Napangiti naman sya at biglang binuka ang nga kamay nya. Sinalubong ko sya ng yakap. "I miss you so much, Kuya. Sobrang miss kita." Mas isinubsob ko ang sarili ko sa kanya. "Hilahin mo na ang kapatid mo at hindi yan bibitaw sayo, nakaharang na tayo sa daanan." Napatawa kami sa sinabi ni Daddy at naglakad sa isang gilid. "Are you staying here for good na ba?" Tanong ko sa kanya. "Yeah. Aalis lang siguro ako kapag may meeting abroad." "Seryoso na ba yan?" Natawa sya sa sinabi ko. "Opo, mahal na prinsesa." Pagkatapos nun ay ginulo nya ang buhok ko. "Naninigurado lang ako. The last time you told me that was 2 years ago." Napairap ako sa kanya." Sabi mo meeting abroad pero 2 years kang nawala." Agad nya akong hinila papalapit sa kanya para sa isang yakap. "Hindi na talaga aalis si Kuya. Kawawa ka naman kasi e, walang naghahatid sayo." "Hey! Hinahatid kaya ako ni Manong." Humiwalay ako sa kanya at tumingin sa mga magulang ko na nakatingin din sa amin. Dr.Alvin and Dra.Yves Torres. Napangiti ako. Parehong nasa larangan ng medisina ang mga magulang ko. Kaya din ako nasabak doon ay dahil tinitingala ko sila, gusto kong maging katulad nila paglaki ko. Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko. Seraphiel Alvin Torres. 3 years ang age gap namin. Siya rin ang namamahala sa iniwang business ni Lolo dahil hindi mabitawan ni Daddy ang trabaho nya. Pero kahit ganoon, hindi pinabayaan ni Daddy si Kuya. Ginagabayan nya pa rin ito kasabay ng pagtatrabaho nya. "Ah, kumain nalang po kaya tayo ng dinner sa labas?" Pagtatanong ko sa kanila. "That's a good choice." Napangiti si Daddy. "Tara na po?" Anyaya ko sa kanila. "Teka lang, Yvhone. May inaantay pa ako-oh wait, ayan na pala sya." Napatingin naman ako sa direksyon kung saan nakatingin si Kuya. Isang matangkad na lalaki ang naglalakad papunta sa amin. Agad nanlaki ang mga mata ko ng tumigil sya at dahan dahang binuka ang mga kamay nya na parang nag aanyaya ng isang yakap. "A-aeyos?!" Agad akong tumakbo para salubungin sya ng yakap. "A-anong...paanong.." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng hinigpitan nya ang yakap sa akin. "Surprise?" Natatawang sabi nya. Aeyos (e-yos) Chazer Alvarado, 19 years old at best buddy ni Tyson. Kung close sa akin ang Vergara Twins, mas close sakin ang lalaking to. Kulang nalang yata ay sabay kaming ipinanganak. "Sobrang na-miss kita." Titig na titig ako sa kanya habang kumakain kami ng dinner. "Ilang beses mo ng sinasabi yan,Yvhone." Natawa naman sila sa sinabi ni Kuya. " Seryoso, are you staying here for good na rin ba? " Di ko pinansin yung sinabi ni Kuya at muling kinausap si Aeyos. "Yep, I'm staying here for good." Ngiting sabi niya. Hindi ko naman napigilan ang sarili ko at napatili. "Meron na naman kasing kukunsinti dyan kaya masaya." Napapailing na sabi ni Daddy. "Hindi ko naman po siya kinukunsinti, Ninong." Natatawang sagot naman niya kay Daddy. Naging masaya ang dinner namin sa oras na iyon. Gusto pa sana naming gumala ngunit pagod sila sa biyahe at may pasok pa ako bukas. Nang makarating kami sa bahay ay nasa labas na rin yung sundo ni Aeyos. Sa kabilang subdivision lang naman siya nakatira. "Paano, at mag iingat ka ha? I-kumusta mo ako sa Daddy mo." Bilin ni Daddy sabay tinapik ang balikat niya at unang pumasok sa bahay. Agad namang sumunod si Mommy na nagbilin pang sabihin sa mga magulang ni Ae na mag dinner dito sa bahay sa isang gabi. "Ayos na ba yung mga papeles mo?" Tanong ni Kuya sa kanya. "Yup. Papasok na ako bukas." Sagot naman niya. Ibig sabihin ba nito.. Napatingin naman siya sa akin at ngumiti. "Oo, nag transfer ako sa school mo." Hindi ko naman mapigilang ngumiti. Parang kuya ko na rin kasi tong si Aeyos. Nako, bigla kong naalala si Briella. Dati pa man ay gustong gusto na niya si Ae pero etong isang ito ay puro pambabasted lang ang ginagawa kay Brie. "Mauna na akong pumasok." Tumingin sa akin si Kuya at kinuha ang mga gamit ko." Sumunod kana ay may pasok ka bukas." "Ako na susundo sa kanya." Pahabol ni Aeyos kay Kuya. "Next week ka na! Ako muna maghahatid dyan!" Napatingin naman ako sa kanya nang bigla niya akong hinila para sa isang yakap. "Na-miss talaga kita." Napangiti ako sa sinabi niya. Kung hindi lang niya alam kung gaano ko siya na-miss. "Sobra din kaya kitang na-miss." Lumayo ako sa kanya at tinitigan siya. "Alam ko namang gwapo ako, given na iyon since birth kaya wag mo na ako masyadong tignan at magkikita pa tayo bukas." Natatawang sabi nya. " I just can't believe that you're really here." "Why? This is my home, I should be here. I'm home." Ginulo niya ang buhok ko kaya napangiti ako. "How are you and Tyson, by the way?" Hindi ako agad nakaimik sa sinabi niya. He's Tyson's buddy, but he knew what I really feel for his friend. "He's courting someone now." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko." When you look at him, you will easily know he is inlove." It just hurts that it's not me.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 26 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (8)
Maricel Marayan
nice
23/11/2024
0
Sopmac padilla dinlasanAbhiepot
Goòds
16/09/2024
0
Reyna Dela Cruz
book 2 please. and its title..
love the story. thanks
nice
23/11/2024
0Goòds
16/09/2024
0book 2 please. and its title.. love the story. thanks
23/08/2024
0Tingnan Lahat