logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 6

(Saucy Breakfast)
GEM POV
Ang sarap talaga sa pakiramdam na natutulog ka na sa talagang bahay n'yo.
Nakaka-higa ka na sa sariling kama mo. At higit sa lahat, kasama mo na muli ang pamilya mo.
Halos gabihin na kaming matapos sa ginawang kaek-ekan ni Chen para daw saken. Syempre, dahil simple lang talaga akong tao, appreciated ko ang hirap nila. Una sa lahat, hindi ako mata-pobre.
* * *
Kinabukasan, maaga akong nagising. As usual, four o'clock. Naging body clock ko na ito nung nasa Manila pa ako. Mahirap na, baka kasi malintikan ako kay Kapitan kapag na-late ako.
'Ano ba?! 'Di ba nga?--kinakalimutan mo na 'yung buhay mo noon?'
Gaya ng naka-sanayan ko simula pa lang, nag-punta na ako sa kusina namin para mag-luto.
Well technically, hindi sa kusina ng bahay namin. Sa hotel kitchen ako pumupunta kung saan doon talaga ako usual na nag-luluto.
Mas komportable kase akong gumalaw doon. Mas malawak ang space. Pero hindi naman sa sinasabi kong maliit ang space ng kitchen namin sa bahay. Pero, parang ganun na nga.
(-^○^-*)
"Good morning Mr. Swift!" Masiglang bati ko rito ng makita ko s'ya.
Ang aga n'yang nagp-plating. Siguro may maagang guest ang hotel ngayon?
"Oh? Hi there!" Sabi naman n'ya at kumaway ito pabalik sa akin.
"Can I taste it?" Sabi ko ng makita ko ang bake salmon na ina-artehan n'ya.
"Hands-off." Saway n'ya saken ng makitang dadamputin ko ito mula sa may plate.
"Hehe. Alam mo namang hindi ko gagawin 'yun cheft." Sabay ngisi at kamot ko sa ulo.
Pinag-masdan ko lang muna s'ya hanggang sa matapos n'ya ang pag-iinarte n'ya sa niluto n'ya.
"Dine!" Bulalas nito. Kinuha n'ya ang isang food cart sa gilid at ipinatas ito doon. "Sherlie! Bring this to 404!" Lumapit naman ang babaeng tinawag n'ya at hinila na ito.
"So? How about our best-seller?" Pangungu-musta ko sa kan'ya.
"Great. Pero maiba ako ha? Totoo bang may pa-party si mayora kagabi?" Tanong nito habang naka-taas ang isang kilay.
Umatake na naman ang malambot n'yang part. Hahaha.
"Oo. Si Chen ang sisihin mo ro'n. Wala akong kinalaman do'n." May pag-depensang sabi ko.
"Oh? Ba't masyadong defensive? Ikaw ha?" Sabay sundot pa nito sa tagiliran ko. "Anyways, anong sadya mo dito binibini?"
"As usual." Casual kong sagot. "Is my place still mine?"
"As always dear." Pa-sweet n'yang sabi at inikot-ikot ang dulo ng buhok ko. "Sige na! Mamaya na ang chika. May bagets pa akong iintindihin dun! Nakaka-stress." Sabay tapik n'ya sa balikat ko at umalis na.
Kinuha ko na ang mga kakailanganin ko sa pag-luluto ng umagahan namin. Gusto ko naman kahit papano eh, maka-bawi ako kay mama.
Lumipas ang ilang minuto at mabilis kong natapos ang apat na dish na paborito ng sambahayan namin.
Tinola. Pritong itlog. Adobo at ang hindi mawawalang vegetable salad.
Nag-patulong ako sa ilang bellboy ni Mr. Swift dahil hindi ko kakayanin kapag ako lahat ang nag-dala nito mag-isa.
Nang madala ng lahat sa bahay ang pagkain ay inayos ko na ito sa hapag.
5:30 na. Malamang ay mag-babaan na ang mga ito. Para matiyak ko ay sinabihan ko na sila sa intercom.
Naunang bumaba si Chen na pupungas-pungas pa ang mata. Pero mukhang naka-hilamos na naman s'ya. Lugi lang talaga sa mata dahil halatang antok pa rin s'ya.
Agad s'yang dumiretso sa tapat ng table at kumuha ng apple sa gitna ng lamesa.
"Hey! Don't disrespect food! Mag-mumog ka muna." Sigaw ko sa kan'ya.
"FYI. Nag-mumog na ako no! Ano ako? Baliw. Bababa na agad dito ng hindi man lang nakaka-tooth brush?" Pagta-taray pa nito habang umi-ikot pa ang mata nito.
"Malay ko ba? Nand'yan pa kaya 'yang bakas ng laway mo sa pisngi mo."
Agad naman s'yang tumakbo sa may sink at hinilamusan ito.
"Olags! Hindi ako nag-lalaway no!"
"Oh? Eh, ba't ka nag-hilamos?"
"Pano ikaw." Sabay nguso n'ya. Hindi nanaman s'ya nag-salita bagkus ay kinagat na lang n'ya ang masanas n'yang kinuha.
"Si mama?" Tanong ko sa kan'ya ng makitang halos lahat ay nandirito na sa hapag.
Kita ko rin namang nag-bubulungan ang iba naming kasambahay.
Hindi kasi nga nila alam na bumalik na ako kahapon.
"Ah. Nasa kwarto pa. Wait lang. Kukunin ko." Akma na s'yang tatayo pero pinigilan ko na s'ya.
"Ako na."
Agad akong tumayo at pinuntahan ang kwarto ni mama. Nandito na lang ang kwarto n'ya sa baba. Naka-wheel chair na kasi s'ya because of what happen.
Kumatok ako sa pinto ng kwarto n'ya. Hindi ko naman na inintay ang tugon n'ya at pumasok na ako.
Katulad pa rin ng dati, ugali na n'yang tumingin sa labas ng bintan n'ya kung saan kita rito ang kabuoan ng dagat.
"Ma." Tawag ko sa kan'ya upang mapukaw ang atensyon n'ya.
Inikot n'ya ang wheel-chair n'ya at himarap sa gawi ko. Sinalubong naman n'ya ako ng matamis na ngiti.
"Totoo ba ang nakikita ko?" May halong pagka-mangha sa boses n'ya at halata mo ring pabagsak na ang mga luha n'ya.
Bago pa man tumulo ang mga oyon ay agad na akong lumapit sa kinatatayuan n'ya at mahigpit na yakap ang iginawad ko sa kan'ya.
"I miss you ma." Bulong ko sa pagitan ng pag-hikbi ko.
Hindi ko na namalayan na umiiyak na rin pala ako. Maya-maya pa'y pinahid ko na ang luha ko at hinarap s'ya.
"Ano ba naman 'to ma? Aga-aga, umiiuak tayong dalawa." Sabi ko habang napapa-tawa.
"Oo eh." Sabay pahid din n'ya ng luha gamit ang mang-gas ng damit n'ya.
"Kumain na nga lang tayo ma." Sabi ko at tumayo na. Wala naman s'yang naging sagot kun'di tanging pag-ngiti lang.
Halos kompleto na ang laman ng hapag. Tanging bakante lamang ay ang upuan ni papa at kayna Kuya na malamang ay nasa kani-kanilang mga trabaho pa.
Kasama namin ang mga katulong/kasambahay namin habang kumakain. Tinuruan kasi kami ni papa noon na isabay din sila, kasi part na rin sila ng pamilya namin. Bukod sa dito sila nagta-trabaho. Dito na rin sila nakatira.
Wala sa kanilang na-uumay dito. Walang nagta-tangkang lumipat pa ng ibang amo. Saan ka pa? Full service na. Dito sa bahay namin hindi ka magugutom. Basta masipag ka lang pumunta sa kusina.
Inihatid ko si mama sa pwesto n'ya. Halos lahat ay naka-masid lang sa amin at parang may ini-intay na kung ano. Kaya nang maka-upo na rin ako ay pinag-simula ko na sila.
Manalangin. Tradisyon talaga 'yun, kaya hindi mawawala. Sige ka, kalimutan mo. Ewan ko lang kapag bigla kang nabila-ukan habang kumakain ka.
Si mama ang nag-lead. Nang matapos na ay saka parang mga lalaban sa gerang kumain.
"Kumusta naman anak sa Manila? Hindi ka ba nahirapan doon?" Tanong ni mama habang hinihiwa ang karneng nasa pinggan n'ya.
Hindi ko naman alam kung bakit biglang tumabang ang panlasa ko.
Nasanay din siguro akong walang nag-tatanong sa'ken ng mga bagay na tulad nun. Walang nanganga-musta.
Ako din naman kasi ang may kasalanan eh. Pinutol ko ang lahat sa kanila. Tapos ako ito ngayon, umuwi ng walang pasabi.
"Ayos lang naman ho. Nakakain pa naman ho ng tatlong beses sa isang araw." Pagsi-sinungaling ko.
Ang totoo kasi n'yan, halos malipasan na rin ako ng gutom. Lalo na kapag lagi kaming nasa mission. Wala ring tulog kung madalas sa minsan.
Mahirap na, baka bigla kaming maisahan ng kalaban.
Naibaba naman ni mama ng madahan ang kubyertos n'yang hawak. Marahil ay nanibago s'yang bigla sa pakiki-tungo ko.
Pansin ko din namang biglang tumahimik din ang hapag, na halos konting galaw lang ng bibig mo sa pag-nguya ay maririnig mo.
"Eh 'yung tinitirhan mo ayos lang din naman." Tanong n'ya pang muli sa malumanay pa rin boses.
'Bakit ba hindi agad madaling magalit saken si mama? Dahil ba nanay s'ya ganun?'
Sa tanong n'ya pa lang ay alam mo na at mapapansin mong may hinihintay s'ya.
"Maayos naman ho. Masarap nga ho ro'n. Kaibahan lang, maingay do'n, tahimik dito."
Pero, hindi ko ginawa. Hindi ko magawa. Hindi ko magawang maging sweet muli sa kan'ya.
Kita ko naman ang pag-buntong hininga n'ya at parang pagka-walang gana n'ya, pero hindi n'ya iyon pinahalata sa karamihan.
"Nak, bakit ka gan'yan?" Sa tanong n'ya ay nag-bago ang ihip ng hangin.
Ngumiti ako ng parang nang-iinsulto.
Hindi ko alam, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na gawin ang mga bagay na iyon. Lumalabas ata na naman ang mga sungay ko.
"Bakit ho? May nag-bago ba sa'ken?" Pa-inosente kong tanong.
"Nak, hindi ka naman dating gan'yan ah?"
"Ma? Nanaginip ba kayo?"
"Watch your word brat!" Sigaw ng malaking boses na mula sa likuran ko.
Ang mga kasama naman namin sa hapag ay tila nakikiramdam na lang sa nangyayari at wala ng gumagalaw sa pagkain nila.
"Yan ba ang natutunan mo sa pag-tigil mo sa Maynila?" Dagadag n'ya pang tanong ng makarating na s'ya sa upuang katabi ko lamang.
'Ang Kuya kong doktor. Malamang ay nag-aalala na s'ya sa maaaring mangyari kay mama kaya sumabat na s'ya.'
Kanina ko pa kasing naramdamang dumating s'ya. Hindi lang s'ya tumuloy agad dahil narinig n'yang nag-uusap na kami ni mama.
"And look who's talking here?"
"Yang bibig na 'yan Geminaihya ha? Tatahiin ko kapag hindi mo pa inayos ang pananalita mo kay mama." Banta n'ya na hindi ko man lang ikina-takot.
George Gonzales.
"Ano bang paki-alam mo kuya?"
"Huh? At nanagot ka pa ngay--"
"Tumigil na kayong pareho!" Sigaw ni mama at padabog niyang inilapag ang kutsara n'ya. "At kelan pa kayo natutong mag-sagutan sa harap ng pagkain? 'Yan ba ang itunuro sa inyo ng papa n'yo? Ang babastos n'yo."
Galit na galit na sabi mama. Ekspresyon pa lang ng mukha n'ya, maging ang dig-in ng pananalita n'ya. Alam kong galit talaga s'ya.
Hindi na kami naka-kibong parehas ni kuya. Alam ko sa sarili ko na nasaktan ko nanaman si mama.
'Lagi na lang Gem.'
"Chen, ihatid mo na ako sa kwarto ko." Agad namang tumayo si Chen at inalalayan si mama na tumayo. "Sa susunod, huwag n'yo na akong isama sa pagkain n'yo kung pagtatalo lang gagawin n'yo."
Pagkatapos nun ay ibinalik na ni Chen si mama sa kwarto n'ya.
"Talk to me in my room later." Sabi ni kuya bago s'ya umakyat papuntang kwarto n'ya.
Hindi ko lang naman ito pinansin. Dahil nawalan na ako ng tuluyan ng gana, hindi ko na nagawang ubusin pa ang pagkain ko.
Kung buhay lang si papa. Pamihadong may kurot na naman ako sa kan'ya. Ayaw n'ya kasing may natitirang pagkain sa plato namin. Mas naawa daw kasi s'ya sa mga taong nasa likod ng pagpa-pagod nun. Bago pa raw nila ma-ani 'yun, ay gayon na lang namin 'yun sasayangin?
"I'm sorry po. Magpapa-hangin po muna ako." Paumanhin ko sa mga kasama ko sa hapag. Ngumiti lang naman sila at tumango.
What's that breakfast for? Akala ko ba babawi ka kay mama? Pero mukhang pinasama mo pang lalo ang loob n'ya.
I let my sigh.
I'm sorry for the breakfast.
( •̥́ ˍ •̀ू )

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    GulleElvin Jude

    good

    09/11/2024

      0
  • avatar
    Mcloween Lapurga

    magan da

    16/10/2024

      0
  • avatar
    JerwinBunao

    umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif

    03/09/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata