(Resignation Letter) Sapo-sapo ko ang ulo ko habang bumabangon ako sa pagkaka-higa. Syete! Naka-inom nga pala ako kagabi. Halos gapangin ko na ang daan patungong banyo ko para maligo. Masasakit din ang ibang parte ng katawan ko dahil sa ilang daplis ng bala na tinamo ko. Grabe! Sobrang tinatamad ako ngayong araw. Halos mabuhayan ako ng dugo nang lumapat na ang tubig sa balat ko, kung bakit ba naman kasi sira pa rin hanggang ngayon 'tong heater ko. Nagbabayad naman ako ng tama sa oras ah? Minsan talaga ang unfair-unfair ng mundo sa 'kin? Tsk! Matapos kong maligo ay bumaba na ako papuntang kitchen. Hindi na ata ako kumain pagkarating ah? * * * Lutang akong nakarating sa quarter namin, wala ako sa sariling umupo sa harapan ng desk ko. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na gano'n, dahil sa sobrang lutang ko ay nabigla na lang ako sa pag-dating ni Kapitan. Diretso lang s'yang pumasok sa loob ng opisina n'ya at hindi ako binati. Ayytt... hindi naman n'ya pala talaga ako binabati. Etchosera lang talaga ako 'pag minsan. Dali-dali kong kinuha ang papel sa desk ko at patakbong pumasok sa loob ng opisina n'ya. Agad ko namang inayos ang sarili ko bago ko s'ya tinawag. Mabuti na lang talaga at lagi s'yang naka-tingin sa may bintana kapag pumapasok ako. Iniisip ko nga baka naiinis s'ya sa 'kin o ano ba? Basta! Nakaka-inis kaya! Hindi na ako mag-tataka kung ba't s'ya bad mood. Kasalan ko rin naman kagabi. I made a wrong move again...as always. "Good morning Capt!" Masiglang bati ko sa kan'ya, with a smile na parang walang nangyari, halos mangawit na ang labi ko dahil sa tagal n'yang lumingon. Mga 30 seconds ba. Matagal din 'yon ha? Ang sarap n'ya talaga minsang batuhin ng heels. 'Yong sakto sa mukha kapag saktong harap n'ya. 'Oopps! Bad.' "What do you want?!" tanong n'ya ng harapin ako. 'Tingnan muna? S'ya pa ang galit? Eto s'yang hindi kaagad namansin? Ang sarap talagang batuhin!' Huminga muna ako ng malalim, saka ko inilagay sa table n'ya ang balak kong ibigay sa kan'ya, na dapat ay no'ng isang araw pa pero lagi naman kaming busy sa mga nasa target list namin. "Hindi ba't napag-usapan na natin ang tungkol dito?" sabi nito habang matalim n'ya akong tinitingnan. Hindi naman ako nagpa-tinag. I may be rude towards to our Captain, pero hindi mo ako masisisi. Siguro ugali ko na lang talaga 'yon. "Cap---" "No. Hindi ka magre-resign!" Matigas n'yang sabi habang naka-kuyom ang kamao dahil sa galit. "I'm sorry Capt... But I already fix my mind. Maybe the Chairs are now satisfied to what I did for them. And also, I gave all my efforts to do that. So that means, credits are all yours." Dire-diretso kong sabi habang nakatingin lang sa mata n'ya. 'Lord, take me now. Tumalas na naman ang dila ko. Hindi na pala bale, magre-resign na nga pala ako.' "If you may please, excuse me." Huling sabi ko sa kan'ya, saka ako nag-bow sa kan'ya, for the last time, at hindi na s'ya pinag-salita pa. "'Yan na ba talaga ang gusto mong mangyari?" I suddenly frost, when I heard his cold voice that he really NEVER used to me ever since. Parang pinagsisihan ko na agad na nag-pasa pa ako ng resignation letter sa kan'ya ah, gayong p'wede namang umalis na lang ako basta rito sa quarter ng walang pasabi. But, I'm still afraid to the Agents Chair, baka pati pamilya ko, madamay. They have the power to track every one of us, but I can be invisible to that trick, but still, I'm afraid to do so. Alam kong iba ang kakayahan nila, lalo na kapag nalaman nilang kakalas ka na sa grupo. Pero syempre, kailangan pa ring mag-doble ingat. Mahirap na. "So be it. Pero sa oras na lumabas ka ng pintong 'yan, get ready for the consequence that Chairs may give you." 'I know Captain, you don't have to remind me.' "You know them too well. Goodbye Ms. Geminaihya Gonzales. Agent GK9." After that, wala na s'yang sinabi kaya nag-lakad na ako palabas, ni hindi na ako nag-lingon-likod pa. Halos manlambot ang tuhod ko, at halos hugutin ko na ang hininga ko nang makarating ako ng desk ko. Feeling ko tuloy umakyat pa ako ng hagdan. Ramdam kong parang kikisigin ako, kaya tinanggal ko muna ang pesteng heels ko at ini-relax ang binti ko. 'Curse these stilettos!' Pero, nagtataka pa rin talaga ako, sa lahat ng Agents Man, bakit nasa akin lahat ang atensyon ng mga Chair Heads? Since my very first day of being an Agent, iba na ang tingin nila sa 'kin. Like, I am danger, a threat for every Agents enemies. Kaya naman siguro, gano'n na lang ang tingin ng ibang Agent Man sa akin, isa akong malaking kahilian at isang sagabal sa lahat ng mga misyon nila. 'Coz I'm outstanding to all of them! Masisisi mo ba ako? And for the first time in history, ngayon ko lang ulit narinig ang buong pangalan ko. At kay Kapitan pa talaga?! Kaya iba ang epekto no'n sa 'kin. Pero, mas masama naman siguro kapag sa Chairmans pa nanggaling 'yon hindi ba? H'wag naman na. Alam ko na naman ang p'wedeng mangyari sa 'kin. Rules are rules, but my decision is final. Kailangan kong harapin ang mas mapanganib na iniwan ko. RULE NO. 1: NEVER RULE YOUR EMOTIONS OVER YOUR ANYTHING. Eh, ano ako? Hayop? Walang emotions? Hindi ko ipapa-todas na lang ng ganito at gano'n na lang ang buhay ko dahil hindi ko nasunod ang rule na 'yon. Ni hindi ko nga kayang bumuhay ng ipis eh. 'Pero bakit ko kinayang pumatay?' * * * Lahat ng mata nila ay naka-tingin sa 'kin habang nagla-lakad ako palabas. In whole 10 years, I spend my life as a secret agent, serving them by killing those people who hinder their ways. Legal ang negosyo nila...sa labas, but they are under with that so called dark society. We stand as their assassins, and I am one of them. "GK9!" Si CF. Boses palengkera talaga ang lalaking 'toh. Ang lakas-lakas ng boses. Maano bang lumapit saka sabihin ang gustong sabihin? "Anong kailangan mo?" "No. Ikaw ang may kailangan sa 'kin." "Sa pagkaka-alam ko, naayos ko na ang lahat nang dapat kong ayusin. Kaya wala na akong dahilan para kailanganin pa kita." Dire-diretso kong sabi sa kan'ya. "'Yan na lang ba ang paraan mo para sabihin sa 'king aalis ka na?" Biglang naging malungkot ang boses n'ya. Kung kanina, hindi ko s'ya pinapansin ngayon---wala eh? Nagpa-pansin. "CF, p'wede ba? Huwag mo ng pahirapin pa ang pag-alis ko?" Knowing that he's my bestfriend here, kahit hindi halatang may koneksyon ang ang bawat isa sa amin. We are assassins. We should be HEARTLESS. Pero hindi rin naman kami gano'n kahayop para walang maramdaman 'di ba? "Bakit hindi mo agad sinabi sa 'kin?" Maktol pa n'ya habang naka-pout. Amputek...sarap tapyasin ang nguso. Madali ko s'yang hinila papunta sa kabilang gilid ng walang nakakakita. As assassin, one of our main rules also, is not to show our real emotion to others. Pero itong si CF, dinaig pa ang namatayan. Hindi ko naman s'ya masisisi. After all, s'ya talaga ang kilala naming soft-hearted dito. Nagmama-tigas lang kapag may mission kami, at syempre kaharap ang Agents Chair. "CF, hindi lahat ng galaw ko p'wede kong sabihin sa 'yo. Kaya p'wede ba? Para ka laging bata d'yan." "Gan'yan ka naman eh. Kala ko ba, bestfriend tayo?" Sabay nguso pang muli nito. Anak ng?! "Tapyasin ko kaya yang nguso mo?" Agad naman n'ya itong kinain paloob. "Ako CF tantanan mo ha? Hirap na nga ako kay Kapitan, dadagdag ka pa?" "E, kasi naman. Edi, wala na akong partner?" "Nand'yan naman si MK ah? 'Di ba s'ya naman talaga ang original partner mo?" "Ano ba Ge-GK, alam mo namang malaki ang galit nun sa 'kin, simula pa lang nung ikaw na yung naging partner ko. Alam mo naman ang ugali nun. Kulang na lang patayin ako sa tingin pa lang n'ya." Pangangat'wiran n'ya. "Bading ka lang talaga." Sabay layas ko sa harap n'ya. Dahil baka bigla na naman s'yang mag-super science at ganutan ako. Hindi s'ya bakla. For your information. Puro babae lang kasi ang mga kapatid n'ya, kaya s'ya mahilig manabunot. Hindi ko nga ma-imagine kung pano sila nag-aaway eh. "Tawagin mo pa talaga akong bading, hahal'kan na kita." Banta nito. "Tss. Whatever. Tulungan mo na lang kaya ako na mag-ayos ng gamit ko, para naman may silbi ka sa huling pagkakataon." Tinulungan nga n'ya akong ayusin lahat ng mga gamit ko, pati ilang mga files and documents tungkol sa society. I need to burned them into ashes. 'Coz that's the rule. * * * "Ingat!" Sigaw nito sabay kaway. Bumusina ako, saka lumabas sa parking lot. Marami na agad akong na-isip bago pa lang ako lumabas sa building na 'to. Lalo na kapag nakalayo-layo na ako ng konti o baka nga hindi pa e. I swear this will be the biggest gamble that I'm going in. But I'm ready for it. ~~🍀
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 34 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (8)
GulleElvin Jude
good
09/11/2024
0
Mcloween Lapurga
magan da
16/10/2024
0
JerwinBunao
umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif
good
09/11/2024
0magan da
16/10/2024
0umalis jsjdjjdjsjdjcjcjsnnxjcjj jcjdjvividoiskdkfviivkvjvkvkvjividiiidjfjvisoaowowofoiiifkdkmcmvk idisoeoodfovoviofofodididiicii I I I I I ibivifif
03/09/2024
0Tingnan Lahat