logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

To her new home

Isang malamig na bagay sa mukha ni Reese ang gumising sa kanyang nahihimbing na diwa. Dahan, dahan niyang iminulat ang mga mata at natagpuan niya ang sarili sa loob ng isang malamig na kweba.
Inikot niya ang paningin sa paligid, paano siya napunta sa lugar na iyon?
Sa pagkakaalala niya ay kasama niya si Ivan, kanina nina lang and something happened which is out of her control.
She remembered killing a vampire with her bare hands at hindi niya alam kung paano niya nagawa iyon, there's something wrong with her nang gawin niya iyon, at meron ding kakaiba sa paligid niya ng mga oras na iyon.
Nasa ganoon siyang paghihinuha ng mapansin niya ang isang altar sa dulo ng naturang kweba.
Tumayo siya mula sa pagkakasalampak sa basang lupa at naglakad patungo doon.
Malayang binabasa ng tubig na nadadaanan niya ang kanyang talampakan, while she was walking towards the altar.
"Masaya akong bumisita ka." Napaigtad siya sa boses na biglang nagsalita sa kanyang likuran.
Kaagad niyang nilingon iyon at natigilan siya, nang makitang kamukha niya ang babaeng nakatayo sa kanyang likuran.
"Sino ka? Bakit kamukha kita? Panaginip ba 'to?" sunod, sunod na tanong niya.
Napa atras siya nang bigla itong lumapit sa kanya at hinawakan ang mukha niya.
Saka ito ngumiti.
"Ako ay ikaw. Ikaw ay ako, nasa loob mo ako. You and I are inseparable. Alam kong hindi mo pa ako naalala pero, lagi mong tandaan nandito lang ako kapag kailangan mo ako. But, you first need to fulfill my desire." anito sa kanya.
The woman hugged her at mula sa yakap na iyon ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na kaginhawaan sa puso niya.
Then after a few seconds ay nawala na ang babae sa kanyang harapan, ngunit may naiwang bagay sa kanyang kamay, hindi siya sigurado kung anong bulaklak iyon.
Lumiliwanag iyon at maya maya pa'y lumutang iyon sa ere at nakita niya kung paano iyon pumasok sa katawan niya. There was a strange flower inside her body.
"Reese!" isang pamilyar na boses ang kanyang narinig at sinundan niya kung saan nanggaling ang boses na iyon.
Then she woke up from her deep sleep.
Bumungad sa kanya ang nag-aalala na mukha ng kanyang ina. She was a bit confused, the moment she saw her mother's face.
Hindi niya maalala kung paano siya umuwi matapos ang mga nangyari sa gubat ng kaleidoscope. Ang tanging naaalala niya lang ay si Ivan ang huling kasama niya ang huling nahawakan niya. Inihatid ba siya nito pauwi?
Anong nangyari kay Camille? Bakit wala siyang maalala?
"Ma, bakit parang nag-aalala kayo?" tanong niya sa ina. Nakatingin lang ang babae sa kanya at tila ba may gustong sabihin, ngunit hindi nito magawang sabihin.
"Sino ba ang hindi mag-aalala? Isang buwan ka ng natutulog lang! Isang buwan na akong naghihintay na imulat mo ang iyong mga mata! And I'm glad you did." naiiyak na sambit nito.
Nagsimula na itong maging hysterical ng mga oras na iyon. Habang siya naman ay hindi pa na process ng maayos sa utak niya ang sinabi nito.
"Isang buwan? Pero-" aniya. Sandali siyang natigilan.
She was sleeping ng isang buwan? Pero bakit? Paano?
"Ma, kailangan kong umalis. May kailangan akong puntahan" aniya dito, ngunit mabilis nitong hinawakan ang kamay niya at pinigilan siyang bumaba mula sa kama.
"Saan ka pupunta? Nababaliw kana ba? Kailangan mong magpahinga! Hindi ka pa pwedeng maggagalaw!" sita ng ina niya sa kanya. Saka ito tumayo mula sa pagkakaupo sa higaan niya.
"Pero Ma-"
"No! You stay here young lady! Tatawagin ko lang si Doc. Joshua." anito. Ang tinutukoy ay ang family Doctor nila. Bumuntong hininga siya, sa mga oras na iyon ay hindi niya maintindihan ang nangyayari.
Kung isang buwan na siyang tulog lang, ibig sabihin ay hindi totoo lahat ng mga nangyari sa kanya ng buong buwan na nagkita silang ulit ni Ivan. Hindi pwedeng maging panaginip lang lahat ng mga nangyaring iyon.
At sigurado siyang ang boses na narinig niyang tumawag sa kanya sa pangalan niya doon sa kweba, ay boses ni Ivan. Hindi boses ng ina niya.
That's why she followed that voice, sigurado siyang boses iyon ni Ivan.
Ngunit wala ito nang magising siya. Panaginip lang ba lahat ng mga nakita at naramdaman niya ng buong buwan na iyon? O, natulog siya ng isang buwan matapos ang nangyari ng gabing iyon?
Hindi na niya alam, naguguluhan siya. Wala siyang maintindihan ng mga oras na iyon.
She knew something was wrong, ngunit hindi niya mahanap ang tamang kasagutan sa kanyang mga katanungan.
Nasa ganoon siyang paghihinuha nang pumasok na ang Doktor sa kwarto niya. Sandali pa siyang nagtaka, dahil napakabilis nitong nakapunta sa bahay nila, ngunit alam niyang ilang kanto lang naman ang layo ng bahay nito mula sa kanila.
"So? Finally, you're awake! Sinabi ko sa Mama mo na magigising ka rin and I'm glad you did! Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ng lalaki sa kanya. Saka ito lumapit sa kanya, at hinawakan ang braso niya na kaagad namang ipinagtaka niya.
"Ayos lang po." sagot niya. Nanatiling nakatingin lang ang lalaki sa kanya.
Sa mga oras na iyon ay nagsimula na siyang mag-isip na merong kakaibang nangyayari.
There's something wrong, sa Doctor na iyon at sa bawat tingin ng ina niya sa kaniya.
May tinatago ito, may hindi ito sinasabi sa kanya.
"Pwede na po ba akong lumabas Doc? May kailangan lang po akong puntahan?" tanong niya sa lalaki. Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang kaagad na pagsilay ng pagka disgusto sa mukha nito.
Natigilan ang lalaki, saka mahigpit na hinawakan ang braso niya.
"No! Hindi ka pwedeng umalis!" nagulat siya sa malakas na boses nito. At napangiwi siya nang higpitan pa nito ang hawak nito sa braso niya.
Tila may plano itong ihiwalay ang braso niya sa kanyang katawan.
There was something wrong at kailan niya iyong malaman at kailangan na niyang kumilos.
"Bitawan mo ako!" singhal niya sa lalaking may hawak sa braso niya. Kaagad siyang tumayo mula sa pagkakaupo niya sa kama at tinungo ang kabilang bahagi nun.
Nanlaki ang mga mata ng kanyang ina.
Ngunit kaagad namang nagbago ang mukha ng lalaking ilang hakbang lang ang layo mula dito.
"You are a stubborn one! Matapos ang isang buwang pagtitiis ko para mapagaling ka!" sigaw ng lalaki. Nanlaki ang mga mata niya ng bigla itong magbago ng anyo.
Naging isang malaking aso ito at bigla siyang sinugod, malakas ang naging sigaw niya nang maramdaman niya ang matalim na ngipin nito sa braso niyang pilit na inililigtas ang kanyang mukha ng mga oras na iyon.
"Shape shifter!" bulalas ng utak niya. Hindi siya pwedeng magkamali.
Alam niyang nangyari ang lahat ng nangyaring iyon kasama si Ivan, dahil naaalala pa niyang binasa niya ang Shape shifter noong inaalam niya kung anong uri ng nilalang si Ivan. Hindi siya pwedeng magkamali.
Totoo ang lahat ng mga nangyaring iyon.
"You ungrateful b*tc*! Hindi ko alam kung bakit ka kailangan ni Boss! Pero, papatayin na muna kita bago ka mapunta sa kanya!" sigaw nito sa kanya.
Saka nagbago ang anyo nito sa isang ahas.
Pumulupot ito sa kanya, dahilan upang hindi siya makahinga ng maayos, he's really going to kill her.
"Tandaan mo. Nandito lang ako kapag kailangan mo ako." isang pamilyar na mga salita ang namutawi sa kanyang utak.
Nang mga oras na iyon ay bigla niyang naalala ang sinabing iyon ng babaeng kamukha niya sa kanyang panaginip. She can't barely breathed ng mga oras na iyon.
And her only option was to call out for her kung totoo man ang babaeng iyon.
Magbabakasali siya.
Susugal siya.
"Joshua! She's bleeding!" narinig niyang sigaw ng ina niya. She was just looking at her suffering ng mga oras na iyon at tila mas concerned pa ito sa halimaw na unti unting pumapatay sa kanya ng mga oras na iyon.
Something was wrong, alam niya na ito ang totoo niyang ina. But, she was different ng mga oras na iyon.
Wala itong pakialam sa kanya.
Wala itong pakialam.
Tila hindi siya nito anak.
"Wala akong pakialam! She's gonna die anyway!" muli siyang napatingin sa kanyang ina.
Hindi na talaga siya makahinga and her body is giving up.
"You idi*t! Maamoy siya ng bampirang iyon!" sigaw pa ng ina niya. At nasa ganun siyang sitwasyon ng maamoy niya ang isang pamilyar na amoy. Kaagad siyang natigilan. She immediately looked for his familiar face.
Sa kabila ng pakikipaglaban niya sa buhay niya ay nagkaroon siya ng pag-asa.
"Ivan!" her voice cracked. Kasabay ng pilit na paghahanap ng hangin upang pumasok sa kanyang dibdib.
Ivan's face was serious as usual, ngunit bigla siyang natakot nang maging pula ang kulay ng mga nito.
He immediately turned towards her at sa mga oras na iyon ay humigpit pa ang pag-ipit sa kanya ng ahas na nakapulupot sa kanya, dahilan upang tuluyan ng mandilim ang kanyang paningin.
"Reese!" Ivan called out her name. Pinilit niyang magising, pinilit niyang manatiling gising.
He wanted her to stay awake. Maya maya pa ay naramdaman niya ang pagbagsak niya sa sahig.
Ganoon din ang pagbagsak ng katawan ng kanina nina lang ay ahas pang lalaki, he was back to his human form, at sa mga oras na iyon ay unti unti itong naglaho sa harapan niya.
Then she felt Ivan's cold hands on her face. She turned towards his gaze, sandaling nagbunyi ang puso at isipan niya.
Hindi niya alam kung bakit masaya siya na makita ang lalaki ng mga oras na iyon.
She had to admit, natakot siya na hindi totoo ang lahat ng mga kakaibang nangyari na kasama niya ito.
"You!" tanging salitang namutawi sa bibig nito. He looked so worn out, ngunit hindi niya alam kung bakit tila may kakaiba sa mukha ng lalaki ng mga oras na iyon. He was a vampire, she can't really tell if his stressed or tired.
Nasa ganoon siyang paghihinuha ng maalala niya ang kanyang ina. Kaagad niyang hinagilap ang babae sa paligid, ngunit wala na ito doon.
She was nowhere to be found at nagbigay iyon ng lungkot sa sistema niya. Her mother acted differently.
"Let's go home." untag ni Ivan, mula sa nalulungkot niyang isipan. Sandali siyang natigilan, tumingin siya sa lalaki gusto niyang malaman kung seryoso ba ito sa sinabi nito.
But she was already home.
Nasa bahay na niya siya.
Saang bahay ang ibig sabihin nito?
"I am home." sagot niya sa lalaki. Nanatili lang itong nakatingin sa kanya.
"No. Let's go home to your real home. My home." natigilan siya. Ivan, carried her at hinayaan niya itong bitbitin siya. Hindi niya nakuha ang ibig nitong sabihin ng mga oras na iyon but she was sure of one thing.
Dadalhin siya nito sa mismong bahay nito.
"Ivan. There is something wrong with me." aniya.
He was still carrying her and gently holding her. May kakaiba sa tagpong iyon sa kanilang dalawa.
There is something wrong with her.
She feels safe at his arms at hindi niya pwedeng ipagkaila ang bagay na iyon.
His arms, his cold embraces, his hands, his smell.
Tila pamilyar sa kanya ang lahat ng mga iyon and all of him was telling her that everything will be alright as long as she was in his arms.
Ngunit hindi niya maintindihan ang isa pang pakiramdam na naramdaman niya ng mga oras na iyon.
She wants him to stay by her side.
Gusto niya itong angkinin, gusto niya itong mapa sa kanya.
"I know." sagot ni Ivan sa sinabi niya. Nanatili siyang nakatingin sa lalaki. Hindi niya alam kung bakit ang lalaki lang ang may kakayahan na gawin iyon sa kanya.
Gawin ang kakaibang pakiramdam na iyon sa puso at isipan niya. Gustong gusto niya itong angkinin and she doesn't want anyone to steal him from her.
She wants to devour him.
Iyon ang literal na gusto niyang gawin ng mga oras na iyon.
Ni minsan sa loob ng halos sampung taon ay hindi nawala ang lalaki sa isipan niya.
Her desire to get revenge from him nang i reject siya nito ay mas lalo pang sumidhi sa paglipas ng maraming taon. She even fantasize about him at maraming beses niyang inisip ang mga posibilidad na pwedeng mangyari kapag muli niyang nakita ang lalaki. But, everything was different from what she thought it would be.
Masyadong maraming nangyari sa buhay niya, simula ng bumalik ito.
He brought her to a world na hindi niya inaasahang nage-exist talaga. She never expected that all of those things would happen at mas lalong hindi niya inaasahang magiging kakaiba din ang lalaki.
He was indeed Strange, ngunit sa pagkakataong iyon ay alam niyang maging siya ay kakaiba din.
There is something wrong with her.
There is something wrong inside her.
At alam niyang hindi lang dahil kay Ivan kung bakit siya hinahabol ng mga kakaibang nilalang.
She had something inside her, ngunit hindi siya sigurado kung ano iyon.
Hindi niya alam kung nasaan iyon.
All she knew was she was also different.
She's also Strange. kailangan niyang malaman kung ano ang bagay na nasa loob niya and she needs to know everything as soon as possible.

Komento sa Aklat (11)

  • avatar
    Kely Añasco Lomocso

    I'm okay 😊

    24d

      0
  • avatar
    Ch Arm Gerona

    good story

    01/06

      0
  • avatar
    Joan Santos

    darating rin po ang panahon ay kaialangan natin magbago s bwat maling nagawa natin noon at kaya natin itong baguhin dahil ito ang mga gawa natin na kayang baguhin ng bawat tao kasi po may tinataaag po tayo isang pagkakamali molang ay para samga tao na hindi ka naiintindihan ay isng maling gawain na ang nakikita nila para syo dahil kilala ka nila bilang masamang tao at hindi campante kung paunti unting itatama ang pagkakamali natin ay kaya makita ng mga tao ang pagbabago mo sa bawat pagkakamali m

    11/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata