logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Transferee.

There were piles of dead leaves and branches as we stood up in the parking space. As I looked up and took a deep breath, there I saw how pale crescent moon shone like a silver claw in the night sky.
My meditation stopped when I felt someone holding my hand. I looked at her, she keeps staring at me like she wants to say something and it feels so uncomfortable.
"Hey, Froi? You're still mad?" she asked. Silence greets me while staring at her. Kaagad din naman akong umiwas nang magtama ang paningin namin.
I don't know. Am I still mad or I just kinda miss her, but I'm not that comfortable anymore like what we used to.
"Bro, hindi pa ba tayo uuwi? Kanina pa kayo nakatayo riyan at ilang sa isa't isa," Lorence groaned. Tiningnan ko siya nang masama pero nilakihan lang niya ko ng mata at tinaasan ng kilay.
"Let's go, it's getting late. Hatid na kita." Pagtingin ko sa kaniya ay napansin ko na parang nagulat siya sa sinabi ko. Hindi ko iyon pinansin at pinagbuksan siya ng pinto.
Naiilang na sumakay siya kaya nang makapasok sa loob ay isinarado ko na ang pinto at tumingin sa tatlo.
"Ang arte ninyo. Tara na nga!" sigaw ni Russell at pumasok na rin sa kotse nito.
"Bakla," kutya naman ni Tayler. Bago siya pumasok sa kotse nito ay binatukan ko siya.
Napakamot na lang siya sa ulo niya at tuluyan nang sumakay sa kotse. Habang ako ay huminga muna nang malalim bago pumasok sa loob. Nang maka-ikot sa kabila at maka-upo sa driver's seat ay sinimulan ko munang buksan ang makina upang uminit, kasabay niyon ay ang pag-init sa loob kaya nilakasan ko ang aircon.
Don't be pressure. She's just a past.
"Are you sure na ikaw na ang mag-hahatid sa 'kin? P'wede naman akong sumabay—"
"No. Ako na ang maghahatid sa'yo, because I'm sure that Tito will get mad if he finds out that we are together at hindi kita hinatid. Lo entiendes?" I cut her off.
Maybe, we were both uncomfortable with each other, but I know my responsibility as a man.
"But—"
"No but's. Just sit there, relax and do as I said," giit ko. Wala na s'yang magawa kundi ang tumango kaya binusinahan ko muna ang tatlo, senyales na aalis na kami. Kaya sinimulan ko nang paandarin ang kotse at umalis lugar na 'yon.
Buong byahe kami tahimik dalawa at nang makarating sa bahay nila ay hindi pa siya muna bumaba, na naging dahilan upang kumunot ang noo ko.
"Before you left, I just want to say sorry for what I did when we were in Madrid at that time," pag-wika niya. Doon ko siya tiningnan and again, I saw her teary-eyed and I can't control myself to wipe it. Nagulat siya sa ginawa ko kaya nginitian ko na lang ito.
"Hey, you're forgiven. It all happened in the past, so you don't have anything to worry about. Nakalimutan ko na 'yon," pagpapatahan ko sa kaniya. Tumingin lang ito at walang inilabas na kahit anong salita.
Nagpakurap-kurap ako nang muntik na palang mag-dampi ang labi namin kung hindi pa nagbukas ang ilaw ng bahay nila. Kaya agad akong lumayo sa kaniya at hindi na ito tiningnan pa.
"Sige na, bumaba ka na. See you tomorrow sa school. Sa CLIS mo itutuloy ang pag-aaral 'di ba?"
"Yeah, see you tomorrow and keep safe on the road!" Tumango lang ako rito nang makababa siya. Tiningnan ko muna ang pagpasok niya sa gate nila bago makaalis. Subalit nakita kong lumabas si tito kaya lumabas ako ng kotse.
"Good evening po," pagbati ko. Pumunta ito sa harap ko at tinitingan ako na parang sinusuri.
"Mabuti naman at ikaw ang naghatid sa anak ko," pagwika niya. Nakita kong nag-aalalang nakasulyap sa'min si Andrea kaya nginitian ko lang ito.
"Of course, Tito. As a guy and your most trusted person when it comes to your daughter, it's my responsibility po." Naningkit pa ang mata nito bago ako tinanguan.
"Dapat lang. Sige, umalis ka na." Tumungo muna ako bilang senyales ng pagpapaalam at bumalik na sa kotse ko. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at umalis na sa lugar na 'yon.
Pag-uwi ay dire-diretso na ako sa kuwarto kahit tinatawag ni Papa. I'm not in the mood to gather their meeting. Sobra-sobrang dami ang nangyari ngayong araw.
Nang nakarating sa kuwarto ay padabog na nahiga ako sa kama at pilit inaalis sa isip ko ang mukha niya, ang muntikang pagdampi ng labi namin at ang mukha ni tito. Feeling ko tuloy ang nagbalik lahat ng alaala namin noong nasa Madrid kami.
My chest began to feel heavy. Tears were dripping down my eyes. All of our good memories and my love for her. All of them are faded away, but I can't resist thinking about her. I don't know. I want to forget everything about us!
Dahil sa mga nangyari ay hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako sa maingay na katok, kaya kahit antok pa't tinatamad ay tumayo ako at pinagbuksan ng pinto ang tao sa labas.
"What? Ang aga-aga!" pagsusungit ko rito. Bigla naman niya akong binatukan kaya ro'n ko lang napagtanto na si mama pala iyon.
"Anak ka talaga ng tatay mo! Tanghali na! Kanina pa naghihintay sa 'yo sa baba ang mga kaibigan mo. Ano bang nangyayari sa 'yo, anak? Kagabi ay tinatawag ka namin upang kumain, dire-diretso ka naman sa kuwarto mo. Is there something bothering you?" Hindi ko siya pinansin at iniwan ito sa pinto upang kuhain ang tubig ko at inumin iyon.
"Aba! Sagutin mo nga akong bata ka!" pagtangis nito.
"Ma! Please lower your voice? Nakakarindi." Nakita ko na natigilan siya sa sinabi ko. Napabuntonghininga na lamang habang inilalapag ang baso.
"Respect your mother, young man." Paglingon ko sa kaniya ay parang lumamig ang kapaligiran dahil sa kakaibang titig niya.
Mierda! I think I hurt her feelings. She's soft pa naman when it comes to us, her sons.
Lumapit ako sa kaniya at naglalambing na inakap ito. "I'm sorry."
"It's okay. Go and take a bath, puntahan mo na lang sila sa ibaba kapag tapos ka na. I love you my baby." Napangiti na lang ako nang pilit. Tumalikod na siya at humakbang na paalis.
I'm not baby anymore, Mom.
Nang mapagtantong tanghali na ay dali-dali akong naligo at naghanda para sa araw na 'to. Matapos mag-ayos ay bumaba na ako. Nasapul ko na lang ang noo dahil sa mga hampas lupa na nakita ko sa bahay namin.
"Mukhang napasarap ang tulog natin, Froi ah?" pangungutya ni Lorence. Hindi ko siya pinansin, dumiretso ako ng kusina para kumuha ng ham. Bumalik din ako sa sala kaya panay ang kutya nila sa 'kin.
"Akala ko ay hindi na naman tuloy ngayon eh. Ano tara na? Larong-laro na ako!" usal ni Russell habang nakahiga sa sofa namin.
Wow! Boss na boss ka talagang animal ka!
"Oo na!" Nagtawanan sila sa sinabi ko kahit seryoso naman ako sa sinasabi ko. Minsan talaga, ayoko na nandito sila sa bahay namin. Mga walang magawa sa buhay.
Dahil linggo ngayon at walang pasok, sa likod ng bahay namin kami pumunta. May sarili akong court dito kaya goods lang para sa aming lahat. Malaki naman ito, pero mas malaki ang sa CLIS.
"Froi! Alam mo na ba 'yong balita?" Pagdating sa court ay unang nagsalita si Lorence.
"Hindi ko alam na chismoso ka na rin pala," tugon ko rito. Nagtawanan ang buong team namin kaya lalong umusok ang ilong ni Lorence.
"Bonak! What I mean is about our team captain." Natigilan ang lahat. Para silang chismoso na lumapit sa amin at hinintay ang sasabihin ni Lorence. "Tinanggal siya ni Coach kasi hindi na napasok, hindi na nagagawa ang responsibilidad bilang team captain at pinatanggal na sa CLIS dahil bagsak sa lahat ng subject."
Para akong nalagutan ng hinginga sa balitang iyon. Lahat kami ay natahimik at parang nag-iisip nang malalim. That news was important to us. Magaling ang team captain namin at talagang nirerespeto ng lahat dahil sa pagiging leader niya sa amin. Pero kahit gano'n, never n'yang pinaramdam sa amin na under niya kami. Na siya ang captain kaya siya ang masusunod. No, he never did that. He sees us equally.
"And said the news that the new captain will be you, Froilan." No one spoke. That line apparently echoed inside my ear and even I couldn't move. Everyone was looking at me, as if I did something terrible. I stiffened and my body froze because of that unexpected news.
Mierda! Anong katarantaduhan 'to!
     
      
     
    
Bricelle
Nakakapagod pero bawal sumuko. Naniniwala kasi ako sa kasabihang "Kapag napagod, h'wag agad susuko. Magpahinga ka at kapag okay na ang lahat, tapusin mo na ang sinimulan mo."
Madilim at malamig na habang bagsak ang balikat kong umuwi galing sa trabaho. Pero kailangan tiisin, para may maipakain ako sa'min ni Lola at mabuhay nang matagal. Ako na lang kasi ang inaasahan ng lola ko. Gusto ko, kahit mahirap kami ay nakakakain pa rin kami nang tatlong beses sa isang araw.
Kasalukuyang nandito ako sa kuwarto namin ni lola. Tulog na siya. Mabuti na 'yon, dahil ayokong hinihintay pa niya ang pag-uwi ko. Minsan kasi, sobrang late na ang uwi ko at dahil matanda na si lola, ayokong napupuyat siya kahihintay sa'kin. May mga nag aasikaso naman sa kaniya kapag wala ako— 'yong mga kapit bahay naming kahit baril ang bunganga ay mabait pa rin ang pakikitungo sa 'min.
Alas dose y medya na ng umaga nang pumunta ako sa hapag-kainan at binuksan ang maliit naming ilaw. Nakalimutan kong may projects pa pala akong gagawin kaya bago ako pumasok bukas ay kailangang tapos ko na ito. Kalaunan ay natapos ko naman iyon kaya niligpit ko na muna ang mga gamit ko at tumabi na kay lola.
Bago makatulog ay may biglang sumagi sa isipan ko. Ano kaya ang magiging buhay namin ngayon kung buhay pa ang parents ko? Ang sabi kasi ni lola, namatay sila noong bata pa lamang ako. Nakakainis lang! Bakit kailangan kong makaranas ng gano'n? Bago pa tumulo ang luha ko ay inalis ko na lamang sa isipan ko iyon. Kailangan kong pumasok ng maaga bukas. Ayokong ma-late.
Alas singko pasado na't malaya akong naglalakad para makapasok. Malapit lang naman ang school sa 'min kaya kaysa gumastos ay mas magandang mag lakad na lang. Exercise din ito 'no.
Mga ilang hakbang na lang ako sa gate nang may biglang tumigil na sasakyan sa harapan ko at binuksan nito ang bintana. May anghel na bumungad dito at agad niya akong nginitian.
Grabe ang ganda niya!
"Hi Miss, dito ka rin nag-aaral?" tanong nito sa mahinhin na boses. Sa sobrang pag-iidolo ko sa kaniya at sa nakalalaglag panga n'yang ganda ay tango lang ang naisagot ko sa kaniya habang naka-awang labi.
Bumaba ito sa kotse na kaniyang sinakyan at may sinabi saglit doon sa nagmamaneho. Sinuri ko ang kabuoan niya. May kurba ang katawan niya at may porselanang kutis. May kaonting klorete ang mukha niya at kumikinang ang ngipin nito nang bumaling siya sa akin at pumorma ng kurba ang kaniyang labi.
"Hi, I'm Andrea. Can we be friends?" Nilahad niya ang kamay sa akin kaya nanlaki ang mata kong napatingin sa kaniya.
Kahit magkadikit ang kilay ko ay nakipagkamay ako sa kaniya at ngumiti rin nang wagas— 'yong ngiting kita ang gilagid at hanggang mabanat ang bibig ko.
"I'm Bricelle," pagpapakilala ko. Siya na ang kumalas sa kamay namin at muli akong binigyan ng munting ngiti.
"Puwede sumabay sa 'yo sa loob?" aniya. Tinanguan ko lang siya at nagsimula nang maglakad. Pagpasok sa loob ay iilang mga estudyante pa lang ang nakikita namin.
"Bricelle? P'wede mo ba akong samahan sa Dean's office?" Nakangiti pa rin kung siya'y magsalita at mahinhin din iyon.
Hindi katulad ng iba na kapag nagpapanggap maging mahinhin ay nagiging pabebe ang boses. Ibang-iba ang sa kaniya. Napaka natural ng pagiging mahinhin niya.
"May kailangan pa akong tingnan sa library para sa next topic namin eh," pagpapaliwanag ko.
Gusto ko s'yang samahan pero talagang kailangan ko pag-aralan 'yong next topic namin dahil baka mapagalitan ako.
"Please? Saglit lang naman eh. Pagdating natin doon, p'wede ka nang umalis. Please?" Hinawakan niya ang magkabilang kamay ko at binigyan ako ng nakaaawang tingin.
Ang sarap n'yang sapakain, sinabing busy ako eh! Bakit para s'yang si Zavry na makulit! Juice colored!
"Pero kasi kailangan ko—" naputol ang sasabihin ko nang biglang may humila sa 'kin.
Paglingon ko sa may gawa niyon ay nakita ko ang isang halimaw. Isang lalaking nagliliyab ang mata at umuusok ang ilong habang nakatingin sa 'kin.
"Anong ginagawa mo kay Andrea?" hiyaw niya. Napatingin ako sa paghawak niya sa 'king siko. Marahil dahil sa sobrang inis niya ay hindi na nito namamalayang dumiin ang hawak niya roon na nagsasanhi ng kirot sa siko ko.
"Ano ba? Bitawan mo nga ako! Nasasaktan ako!" Sinubukan kong bawiin ang aking siko pero hindi sapat iyon upang bitawan niya.
"Wala akong pakialam! Anong ginawa mo sa kaniya?" tukoy nito kay Andrea na kasama ko kanina.
Pansin ko sa kaniya na parang maski siya ay hindi inaasahan ang inaasta ng halimaw na ito. Dumarami na rin ang mga tao sa paligid namin dahil sa malakas na sigaw ng halimaw na ito kaya naging sentro kami ng atensyon. Hindi ko tuloy lubos na maituon ang atensyon sa kaniya dahil sa mga bulong-bulungan ng ibang estudyante.
"Froi, listen. Nagpapasama lang ako sa kaniya sa Dean's office but she refuse because she said that she was busy, pero pinilit ko pa rin siya. Wala s'yang kasalanan. Let her go, mukhang nasasaktan na siya sa hawak mo," paglilinaw ni Andrea. Tila kumalma naman siya ro'n at tiningnan ako nang masama.
"Don't you ever touch this woman again, or else..." pamimitin nito.
"I will kill you," dagdag niya pa. Binitawan na niya ang siko ko kaya hinawakan ko iyon dahil sa kirot na naramdaman. Bumaling siya sa kasama at hinawakan niya ang kamay nito. Kalaunan ay humakbang na sila paalis kaya pati ang mga estudyante na nakisosyo ay nawala na rin.
Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Ang aga-aga, nag-iiba ang mood ko. Bwisit na Froilan 'yan! Akala siguro niya ay matatakot ako sa kaniya? Ha! No! Sino ba siya para katakutan ko? May sapak lang talaga siya sa ulo!
"Kahit siguro adik na babae, hindi magkakagusto sa kaniya. Isang anghel pa kaya? Ang sama ng ugali, akala mo kung sino!" Pinagpagan ko ang damit at sinulyapan ang tinahak nila. "Hindi naman kaguwapuhan at kabaitan, pero kung umasta akala mo siya na ang pinaka pogi ng bayan! Tse!"
Umuusok ang ilong at nakakunot ang kilay kong nilisan ang lugar na iyon at dumiretso sa library upang pag-aralan ang topic namin ngayon. Hindi ko na muna inisip ang nangyari at mas tinuon doon ang atensyon.

Komento sa Aklat (127)

  • avatar
    yaneeee_

    an interesting story. a must read, syug. agos, author!!!

    08/05/2022

      1
  • avatar
    bendulaheart

    nice one

    21d

      0
  • avatar
    Celie Licec

    kkkkk

    27d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata