logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7: THE PROJECT

"12! 13! Wooh, 14! Ugh! 15!!" humingal-hingal ako sabay sa pawis na pumapatak mula sa ulo ko. Ang sakit-sakit na ng katawan ko! natapos ko narin yung mga pinagawa sa'min ni Coach Patrick na workouts, at inaantay nalamang yung mga kaklase kong mga babae na hindi pa tapos.
Ganun rin si Evie di pa siya tapos, ako yung nauna sa mga babae kaya medyo nasiyahan ako dahil malaki yung scores na makukuha ko, sabi kasi ni Coach Pat sa'min na kung sino daw ang makakauna o makapagtapos ng workouts ay bibigyan niya ng malaking score.
Yung boys naman ay kanina pang tapos, halatang naiinip na kakahihintay sa'min upang makauwi na o nagmamadaling makahanap na ng mga magical butterflies para sa project namin kay sir Nicolas, sobrang strikto kasi yun eh.
Hinihingal-hingal parin ako at parang ilang segundo ay babagsak na ako sa groundfields, grabe kay coach, pagpunta kasi namin dito ay agad siyang nag-utos na magpalit na ng mga sportswears at maghanda na daw for an intense workout!
Nagbend muna ako habang hawak-hawak sa hita habang pinagmamasdan ang mga paligid.
Yung iba ay nakatapos na rin at hingal na hingal ring puno ng pawis sabay nanghihina, umupo muna ako sa groundfield at humiga habang nakatitig sa kalangitan.
Ang ganda...Napakaklaro, parang nagkaroon ako saglit ng katahimikan. Nanatili lang akong ganun hanggang sa napansin kong may sumulpot na isang lalaki sa aking pananaw tss, si Xavier na naka sportswear rin you could really tell that he has well defined muscles.
"What are you doing there? Coach is waiting" naka-upside down ang position namin kaya pumunta siya sa giliran ko at inalay ang kanyang kamay, hinila niya ako patayo at nakitang nagtitipon-tipon na pala ang mga kaklase ko sa di kalayuan.
"Thanks" maikling pagpapasalamat ko at tumango-tango naman siya at nagsimula nang maglakad nauna sa'kin, sumunod naman ako.
Ng makarating na kami dun hinanap agad ng paningin ko si Evie, asan na ba siya? Hm, baka nag CR lang, nakinig nalang muna ako kay coach tungkol sa mga gawain namin, every classes daw namin sa kanya ay ganito na, palaging nagwoworkout to sustain our body fitting and to have stronger bones and muscles.
Pinauwi na niya kami at pinagbawalan na kumain ng marami at dapat na uminom ng maraming tubig, gagawin daw namin ito for 1 month at pagkatapos nito, pupunta na kami sa next level. Yep this is really horrifying.
Pagkatapos ay nagsi-uwian na kami sa aming rooms. Agad kong hinanap si Evie, asan na ba siya? Pumunta ako sa East Wing upang hanapin siya at nagtanong-tanong sa mga estudyanteng nakasalubong ko pero hindi rin nila daw nakita huh? San ba yun nagpunta? Nagpatuloy lang ako sa paghahanap sa kanya hanggang sa may nakita akong hagdan pababa at pinuntahan ko ito. I didn't know why to myself, I could just tell that she's here?
Ang kalat kalat naman pala dito! May mga sirang shelves at malalaking cabinet na hindi na ginagamit. May mga kalat na mga papeles at kung ano ano din dito, nagpalinga-linga muna ako dito hangga't sa may nakita akong pintuan sa dulo, agad ko naman yon pinuntahan.
"Let me out! You Jerk!" isang pamilyar na tinig ang nanggagaling sa kwartong ito kaya alam ko na sa wakas ay nahanap ko narin siya. Tangkang bubuksan ko na sana ang pintuan ng makarinig pa ako ng isa pang boses, it was a voice of a guy.
"No Eves, this is my revenge, revenge for spilling sauce on my head infront of my friends last week, are you kidding to say that I'd immediately let you out?" sambit nito. Sa kanyang boses ay parang manglalaro ng mga babae, tss he has this husky voice at ang malumanay niyang magsalita.
"Hoy ikaw yung bumuhos ng chocolate drink sa mukha ko at napahiya pa ako noon, you started it!" sigaw muli ni Evie sa kanya at dinig ko pang tumawa yung lalaki.
"Aw Evie ang kyutt mo talagang magalit no?" my hands went unto my mouth.
"Anong sabi mo? You freak! Let me out!" singhal niya muli at mas linakasan ng lalaki yung tawa niya, sino ba tong lalaking toh?
"Lucas Gabrielle Venth! Let me hecking out!" I gasp, it was Lucas?
"Not until you like me Eves"
"That's never gonna happen! Ayaw kong magpalista lamang ng pangalan ko sa isang ikaw! I'm not like any other girls who likes to throw their lives at a monster like you." Ooh tumpak! I can't help to feel proud.
"I know haha! Kaya nga diyan kalang till tomorrow, bye Evie good Eves nadin pala" sambit pa nito at isang malakas na sigaw muli kay Evie ang aking nadinig, ramdam kong papalapit ang lalaki sa pintuan kaya agad naman akong tumakbo papunta sa mga malalaking cabinet upang magtago, wooh. Inantay ko munang maka-alis na talaga siya, I was scared when he stopped because I think he feels a presence of mine I was hecking closing my eyes and prayi he wouldn't notice me. But thankfully tuluyan na nga siyang umalis.
"Evie?" paghahanap ko sa kanya nung pumasok sa room na iyun.
"Andito ako sa loob ng cabinet Val!" oh shocks, nasa loob pala siya ng malaking kabinet! Grabe namang Lucas na yun walang awa.
"Nasa ibabaw yung susi sa kabilang kabinet please buksan mo na ako sa pesteng kabinet na'to!" pfttss haha, ewan ko pero natatawa lang ako bigla, binuksan ko na siya at yung mukha niya ay parang di ma drawing.
"I'll get that Jerk that freaking Jerk!" sigaw niya muli habang pumipiglas na parang batang nagtatantrums.
"Pftts, uhm okey, haha!" mahina kong tawa kaya tiningnan niya akong masama.
"Why are laughing? Dapat nga tinutulungan mo ako sa pesteng Lucas na yun!" sigaw niya sa'kin.
"Ano bang klaseng tulong?" pang-aasar ko sa kanya.
"Val!" sigaw niya muli kaya natawa ako.
"Hm, kaya pala nung dinedescribe mo si Lucas, may I hate him in additional ka pa tas haha! Sige na, labas na nga tayo, may project pa tayo diba?" sambit ko ng biglang nanlaki nalang yung mga mata niya.
"Bakit?" tanong ko.
"P-partners pala kami" nanlulumo at parang naiiyak niyang sabi.
"Tsk, tsk, tsk, don't worry he can't touch you while I'm here" sabi ko at inalalayan na siyang tumayo at tuluyan ng lumabas. Para na siya kasing natulala.
Pumunta na kami sa 2nd floor at patungo na sa kwarto namin, pero nanlaki bigla yung mga mata namin ni Evie dahil nakitang nakasandal na sina Xavier at Lucas sa harapan ng aming kwarto. Linapitan namin sila at bahagyang nagulat si Lucas na nahulog pa yung dala-dala niyang libro at tuminging deretso kay Evie pataas at pababa, nakanganga pa at halatang hindi makapaniwala na nandito siya.
"How---paano? How did you---" di na siya pinatapos ni Evie ng kagatin na ito ang kanyang braso.
"Ah! Get off me!" singhal ni Lucas sa kanya na itinulak pa siya papalayo. Tumingin ako kay Xavier at parang wala lang at halatang naiinip na.
"Guys stop. We're running out of time let's hecking go." seryosong saad ni Xavier, kaya agad silang umayos at sumunod na sa kanya paalis.
Lumakad na kami pababa ng 2nd floor at lumabas na ng main Door ng paaralan, at ngayon patungo na ng main gate palabas ng Academy.
"Wait guys, lalabas tayo? Meron namang mga magical butterflies sa mga garden dito eh" sambit ni Evie na ikinahinto naming lahat.
"Eves those butterflies here, are not that powerful. And besides, we needed to find a good quality of magical butterflies to get a better score, tama ba ako Xave?"
"You know me, I don't like getting B's, I may be hard headed but this hard headed guy could be called a genius" he smirked. "So let's go, we needed to get A's, and I bet y'all would like that, huh?" saad niya at tumingin pa sa akin ng may nakakairitang ngisi psh, gusto kong tapihin yung nakakairitang ngisi na yun. So full of himself.
Ng makarating na kami sa main gate, may dalawang guard kaagad na humarang sa'min. They looked so big ang scary.
"Sa Class A ba kayo? kay Sir Nicolas niyo?" maangas na sambit ng isang guard at may kinuhang gadget at iniscan kaming lahat, astig.
"Oo sa class A nga sila sige, pwede na silang palabasin. Sabi nga pala ng guro niyo na hanggang alas nuebe lang kayo, may mga kaklase na kayong nauna dun kaya dalian niyo na, mag-aalas otso na" sabi naman ng isa sa kanila kaya lumabas na kami at tumango sa kanila.
Tahimik kaming naglalakad ng basagin nanaman ni Evie ang katahimikan.
"Ah guys, pwede ba magtanong kung saan nga pala yung forest na pupuntahan natin, you know? Maraming Forest dito"
"Arcane Forest, how about you two?" parang nabigla si Evie sa mga sinabi ni Xavier, tumingin siya kay lucas na parang binabalaan na huwag silang sasama. Magsasalita na sana si Lucas nang pinigilan siya ni Evie at bahagyang yinakap pa ito at tinapik-tapik sa ulo.
"Ah, sa Alluria kami ni Lucas Oo, or sa Charmia, ay hindi! Sa Alluria nalang talaga, d-diba?" siniko niya si Lucas at napangiwi ito.
"But Xavier--sure ba talaga kayo na sa Arcane kayo? You know it, that's the most mysterious and dangerous forest that no one ever dares to go--"
"Wait, excuse me can you just repeat it again? Or have I just heard it wrong. Most Dangerous? You kidding me?" tanong ko dahil sa mga narinig kay Evie, tumingin ako kay Xavier at halatang pinapakalma niya lang ako at binalaan ng tingin si Evie na sana hindi niya nalang sinabi iyun.
"Just, trust me okey?" sabi niya lang at hinila na ako agad ako papalayo, Oh shocks no.
"Val! Stay safe okey?!" pahabol na sambit ni Evie kaya napatango nalang ako mula sa kalayuan.
Ng makarating na kami sa destinasyong pupuntahan namin, kinalabutan ako bigla, nakakatakot sobra. Mula dito ay nakikita ko na ang napakadilim na kagubatang papasukan namin, at mula dito ramdam ko na ang napakalamig na hangin na dumadaan sa mga balat namin. At isa pa ang mga naglalakihang mga kahoy na nakakatakot, bumuntong hininga nalang ako habang dahan-dahan kaming pumapasok sa kagubatang ito.
Di ko talaga maiwasang mapatingin-tingin dahil nakakapagpatayo ng mga balahibo, nuway napakadilim.
"W-wala ka bang flashlight?" tanong ko sa kasama ko ng bigla siyang ngumisi. Mas lumaki yung takot ko sa ngisi niya. Nakakatakot rin ang isang to. Bakit ba ako pumayag na hilain niya lang ako pupunta dito?
"Ba't ka ngumingisi ha? Sabihin mo lang kung may balak kang patayin ako, O di nga--" napayakap ako sa aking sarili hala? Hindi.
"Wag ka ngang mag-imagine" sabi niya at pinitik yung noo ko.
"Ah!" I winced in pain.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad ng biglang lumiwanag ang mga paligid! Wait woah, glow in the dark ang mga halaman. Napakaganda naman, hinawakan ko ito at biglang mas lumiliwanag sila! Sinibukan ko rin yung iba pang mga halaman at ganun din, lumiliwanag kapag hinahawakan.
"Pumunta tayo rito upang maghanap ng magical butterflies hindi upang magtanaw-tanaw at hawak-hawakan yung mga halaman" napanguso ako tsk, kill joy talaga.
"Oo na boss, sigeh maghanap na tayo" saad ko, at nag-action pa ng pang military, tumalikod naman siya at sumonod na ako sa paglalakad tss.
Medyo dumilim ulit ang paligid ng tuluyan kaming makalayo dun, nakaramdam ulit ako ng takot ng biglang may narinig akong nagsitakbuhang mga hayop. Napatalon ako sa pagkabigla at napayakap ng mahigpit kay Xavier.
"Ano yun?!" natatakot kong pagtatanong.
"Those are just dears" sagot niya kaya napatingin ako sa kanya at nang mapansin kong amoy na amoy ko ang kanyang mabangong uniporme at yakap-yakap ko na pala ang kanyang braso. Napaiktad ako at binitawan na siya kaagad. Shocks!
"Ay sorry, nabigla lang" nahihiya kong sabi at inayos-ayos yung long sleves niyang hinawakan ko kanina, hayst kakahiya naman, tumingin ako muli sa kanya at nakita ang nagtataka niyang mukha.
"Ah, mag hanap na tayo" sambit ko nalang at napakamot sa aking batok.
"Tss, we go there" inakbayan niya ako at hinawakan ang pisngi bago pinatingin sa tinutukoy niyang lugar. Napatahimik nalang ako at pinagmasdan iyon.
Habang papalapit ng papalapit kami dun, tahimik ko lang na pinagmamasdan ang aking mga nakikita, napapalibutan ang malalaking puno ng napakaliwanag na mga nakasabit na mga halaman, para silang Christmas lights na umiilaw-ilaw, ang amin namang inaapakan ay lumiliwanag tuwing inaapakan mo ito, nakakamangha, pinalilibutan ang paligid ng mga magagandang bulaklak at ibat-ibang uri ng halaman, ang mga paru-paru nanaman ay nakaka-aliw, may mga malalaki at maliliit, pero siyempre may mga katamtaman lang din. Ang kanilang mga pakpak ay kumikinang-kinang pa, yung iba naman ay lumilipad-lipad lang sa paligid habang ang karamihan naman ay dumadapo sa mga nakakaengganyong bulaklak. Kaya pala di na siya nagdala ng flashlight e, tss.
Sa di ko inakalang may biglang dumapong paru-paru sa aking, balikat, malaki ito at ang kanyang mga pakpak ay pinalilibutan ng kuryente? Napanganga ako at di makapagsalita, kinuha ko siya dahan-dahan at ngayon ay nasa ibabaw na ng aking kamay, napangiti ako dahil kumikislap-kislap ang kanyang mga pakpak tuwing iginagalaw niya ito.
Napangiti ulit ako at ipapakita sana kay Xavier ng nakatingin na pala siya sa akin, napatikhim ako. "Um, anong klaseng paru-paru ito?" tanong ko, kaya linapitan niya ito.
"It's an Electra butterfly as you have noticed sa mga pakpak niya, It helps produce lights to the plants gaya ng mga nakikita mo ngayong halaman" sabi niya sabay turo sa mga halaman. May kinuha siyang glassed bottle sa kanyang bag at dahan-dahang kinuha sa'kin yung paru-paru, napansin kong mas kumislap ang mga pakpak nito ng hinawakan niya ang paru-paru! I see, the butterfly noticed his spark.
"We'll take this, It's one of the most rarest butterfly here and probably one of the strongest one's, I find it unique" napansin kong sumilay ang konting ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan yung paru-paru, kaya tiningnan ko siya ng pang-asar na tingin dahil of course first time ko yatang makita siyang genen eh haha. Maliban sa mga nakakairitang ngita niya tss.
"What? let's find a healing butterfly now that's the strongest of them all" saad niya kaya nagsimula na kaming maghanap, silver colored daw yung pakpak ng butterfly kaya yun ang hinahanap ko ngayon.
Habang tumitingin-tingin ako, may napansin akong silver colored butterfly sa dulo kaya sinundan ko ito, mukhang papalayo itong papalayo, ang bilis nito pero sinundan ko parin ito, hanggang sa napansin kong dumapo ito sa isang bulaklak malapit sa malaking kahoy, napangiti ako at tinawag na ang aking kasama.
"Xavier! Halika na dito! May nakita akong healing butterfly!" sigaw ko habang ngumingiti pa rin na nakatingin sa kumikinang na paru-paru. Silver, you looked astonishing!
Nang napansin kong hindi sumasagot si Xavier, lumingon ako sa likuran upang tanawin siya nang sa ikinabigla ko, isang madilim at mga naglalakihang kahoy lamang ang aking nakikita.
"Xavier!?" medyong nagpapanic ko nang sambit dahil di ko inakalang sinundan ko ang paru-paru na hindi ko na pala alam kung saan na ako nito dinala.
Humakbang ako ng ilang beses ng biglang may narinig akong kumakalas sa mga halaman, napahinto ako at animo'y pinakiramdaman ito nang biglang--
"Ah!" napayuko ako sa sakit na nararamdaman ko, sumasakit nanaman ang aking mga katawan at mas masakit pa ito sa una at ilang beses kong naranasan. It's happening again, oh no.
Nabigla at napatingin ako sa isang dereksyon, dahil sa may narinig akong nakakatakot na tunog na parang isang Oso, nanlaki ang mga mata ko at nanginginig ang aking mga kamay dahil tila papalapit ito sakin. Tumakbo akong paika-ika at napahawak sa isang malaking puno
"Er! Agh!" muling sigaw ko dahil sa sakit na aking dinadama, napahawak ako sa aking bibig dahil sa pagkabiglang ramdam na ramdam kong nasa likuran ko na ngayon ang isang nakakatakot na Oso. Such a very bad timing for me.
Parang di ako makagalaw, trap na ako, pinipigilan ko ang pagsigaw muli sa sakit, hirap na hirap na ako at parang nagsolow-motion na yung paligid! Tanging hingal na hingal kong hininga nalamang ang aking naririnig,
Dahan-dahan kong liningon sa aking likuran ang nakakatakot na Oso at nakitang napakaitim at napakalaki niya, namumula ang kanyang mga mata na tumitinging deretso sa'kin, napaatras ako sa takot ng biglang natisod ako sa malaking bato sa aking likuran kaya tuluyan akong natumba.
Papalapit ng papalapit sa'kin ang nakakatakot na Oso na parang gustong-gusto na akong kainin, kaya paatras lang akong paatras na parang hindi na makatayo sabay ng takot at sakit ng aking nararamdaman.
Tangkang aatakihin na ako nito ng mabilis akong nakaiwas at pilit na makatayo ng bigla ako nitong kinalbot sa braso.
"Ahh!" sigaw ko muli sa sakit pero pinilit ko talaga ang sarili ko na makatayo muli at makaalis kahit na dumagdag pa ang sakit ng aking nararamdaman. Mabilis lang akong paika-ikang tumakbo habang habol-habol parin ng isang malaki na Oso.
"X-Xavier" mahinang sambit ko na parang bulong na lamang ito, napaluhod ako ng tuluyan sa muling pagkasakit ng aking mga katawan, kahit na ang malaking sugat ko sa aking braso ay hindi ko na mararamdaman, parang may dumadaloy na hindi ko alam sa aking katawan, papunta ito saaking mga kamay at papunta sa aking ulo at ibat-ibang pang parte ng aking mga katawan.
Pumikit nalang ako ng maramdamang aatakihin na ako ng nakakatakot na Oso sa likuran, inihanda ko na ang sariling masaktan ng--biglang
tumahimik ang lahat at napansin kong ilang segundo na ang nakalipas ay walang maynangyari sakin, dahan-dahan ako muling lumingon at nakitang--
Hawak-hawak na ni Xavier ang pugot na ulo ng nakakatakot na Oso habang seryosong nakatitig sa akin.
Bigla akong nakaramdam ng kaligtasan at matinding pagpapasalamat, nakahinga ako ng maluwag hangga't sa--bumagsak na ako sa matigas na lupain at di namalayang unti-unting namumuo ang dilim sa aking mga paligid.

Komento sa Aklat (14)

  • avatar
    Ma Ye

    I like reading utopia and it's amazing, its so very beautiful reading.

    19d

      0
  • avatar
    AlfilerNikko

    haha

    03/08

      0
  • avatar
    Yocela Gamboa

    love it 😍

    28/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata