logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Antonia 5

Mansiyon ng mga De Vega, 2015
KAGAGALING lang ng pamilya De Vega sa isang prestihiyosong Awards Night. Muli ay nakahakot na naman ng award ang mga De Vega. Si Mark ay pinarangalan bilang Best Actor of 2015, si Anastasia ay nakatanggap ng dalawang parangal. Best movie actress at Best media personality. Si Elizabeth ay naparangalan bilang Best Magazine Cover ng isang sikat na Magazine, at ang bunsong anak nilang si Kaye ay isa nang ganap na child actress.
Kung inyong tatanungin, wala si Antonietta dahil ngayon ay abala pa siya sa kanyang Magazine Photoshoot sa London ngunit ilang araw mula ngayon ay uuwi na ito sa bansa. Pagod ang pamilya De Vega, lalo na ang bunsong anak na si Kaye dahil ala-una na ng madaling araw sila nakauwi.
Nang makarating sa bahay ay nagmistula silang mga lantang gulay sa pagod.
"Mom, akyat muna ako sa kuwarto mo. May binilin kasi sa'kin si Antonietta bago siya umalis, naroon raw sa loob ng kuwarto mo. Kukunin ko lang," pagpapaalam ni Elizabeth kay Anastasia. Dahil sa pagod ay tango na lang ang isinukli ng ina sa kanyang anak.
Hindi na nagpatumpik-tumpik pa at agad na pinasok ni Elizabeth ang kuwarto ni Anastasia. Nasa salas ang kanyang ina kasama si Mark kaya naman sinamantala na niya ang pagkakataon. May isang bagay kasing binilin ang kapatid na si Antonietta dito bago ito umalis. Isang bagay na naiwan niya sa loob ng kwarto ni Anastasia, na hindi dapat malaman ng kahit sino.
Pagkapasok sa kwarto ni Anastasia, isa-isang hinanap ni Elizabeth ang bagay na iyon sa bawat sulok ng silid. Sandaling tumigil sa paghahanap si Elizabeth nang bigla niyang maalala ang binilin ng kapatid sa kanya.
"Oh sis, napatawag ka, may problema ba?" sagot niya mula sa telepono. Ilang minuto lang nang makaalis si Antonietta papuntang NAIA upang lumipad patungong London, halos isang linggo ring mawawala sa mansyon ang dalaga.
"Ate Liza! I forgot to tell you something. May nakalimutan kasi ako sa loob ng kuwarto ni Mama and I want you to search for that! Please, Ate, kailangan mong mahanap iyon, tiyak na nandiyan pa 'yon sa kuwaro ni Mama," nag-aapurang sabi nito at halos 'di mapakali.
Ngumiwi si Elizabeth. "Ano naman ang ipapahanap mo sa'kin, aber? Your phone? Your sunglass? Naku, bumili ka na lang diyan, 'di uso ang courier sa London!"
"Baliw ka talaga. Bakit ko pa ipapahanap 'yon sa'yo if kaya ko namang bumili, 'di ba?" Narinig niya pang bumuntong hininga si Antonietta sa kabilang linya. Sandaling natahimik ang dalawa hanggang sa nauna nang basagin ni Antonietta ang katahimikan sa pagitan nila. "There was a box just placed there... Find it and open the box. Then, ipakita mo kay Mama ang laman," bilin ng kapatid kay Elizabeth.
"Saang there?!" 'Di sinasadyang mapagtaasan ng boses ang kapatid. "There ka ng there d'yan, sabihin mo na lang kaya!"
"EWAN KOOO!" Si Antonietta naman ang bumulalas sa kabilang linya, galit na 'ata. "Nakalimutan ko, okay? I forgot where I placed it, just find it at kapag nahanap mo na, buksan mo at ipakita mo kay Mama ang nilalaman. Call me back when you found," bilin niya ulit dito. Nainis ng bahagya si Elizabeth, kung makaasta kasi ang nakababatang kapatid e akala mo'y mas  matanda pa ito sa kanya.
Buwisit na babaeng 'to. Natutong pumasok sa kuwarto ng may kuwarto, tapos hindi man lang naalala kung saan niya inilapag ang bagay na 'yon?! Tsk tsk, 'di pa niliwanag kung ano'ng kahon ang tinutukoy niya. Paano na lang kung baril pala ang laman no'n, tapos ipakita ko pa kay Mama? Loka-lokang 'yon! Sabi niya sa isip.
Kahit inis na inis na sa kapatid ay sinunod niya pa rin 'to. She thought of something about it. Kung ano man 'yon, well, let's find it!
Ipinagpatuloy ni Elizabeth ang paghahanap, tila turumpong paikot-ikot sa bawat sulok ng silid ni Anastasia. Sa sobrang pagtitimpi, aksidente niyang nasipa ang ilalim ng kama ni Anastasia, kung gayon ay nakita niyang lumabas mula sa ilalim ng kama ang isang maliit na kahon.
Ahuh, ito na nga siguro ang tinutukoy ni Loka-loka, bulong niya sa sarili. Agad niya itong kinuha at binuksan---isang liham ang kanyang nakita at ang sa ilalim no'n ay ang kutsilyong puno ng dugo. Gulat na gulat man, pinilit niyang magpakatatag. Binuksan niya ang laman ng liham at binasa.
Matapos basahin ay napatitig siya sa kutsilyong puno ng tuyong dugo. Tiyak na may kinalaman ito sa pagkawala ni Toni.
"Elizabeth?" Napapitlag si Elizabeth matapos marinig ang boses ng ina. Sinubukan niya pang itago ang kahon na kanyang natagpuan ngunit huli na ang lahat. Agad na pinasok ni Anastasia ang kanyang silid, at naabutan niya roon ang anak na may hawak na kutsilyo at isang papel. "Ano 'yang hawak mo, bakit may hawak kang kutsilyo?"
"M-mama," Wala nang nagawa pa si Elizabeth kundi ilabas iyon. "I-I just found it there at the window. H-hindi ko alam kung paano napunta 'yan diyan pero nang mabasa ko ito," Nanginginig na iniabot ni Elizabeth ang liham kay Anastasia. "Alam ko na kung sino ang may pakana."
Maluha-luhang binuklat ni Anastasia ang liham na iniabot sa kanya ni Elizabeth. Hawak pa lang niya 'yon ay kinakabahan na siya, tiyak na hindi maganda ang mensaheng iniaabot nito. Pagkabukas niya ng liham ay halos manghina ang kanyang mga tuhod sa kanyang nabasa.
Mr. & Mrs. De Vega, January 03, 1998
I just want to tell you that Toni & I are going on tonight. Dadalhin ko ang anak mo sa hotel to have instant sex. Just for you to know, at hindi niyo ako mapipigilan sa gagawin ko sa kanya. Huwag niyong sisihin si Toni, wala siyang kasalanan. Magpaalam na kayo dahil ITO NA ANG HULING ARAW NA MAKIKITA NIYO ANG INYONG ANAK. Hindi dahil itatanan ko siya, kundi para tapusin na ang buhay ng pinaka-iingatan niyong anak. Magsisisi kayo na hindi niyo ako tinaggap bilang nobyo ng anak niyo.
PS: Huwag kayong mag-alala, makikita niyo pa ang anak niyo---sa Manila North Cemetery.
Nambabanta,
Grey Boriones
"H-hindi, hindi maaari! Hindi maaaring patay ang anak ko!" Wala nang nagawa pa si Anastasia kundi iiyak ang sama ng nararamdaman. Gaya ng pinangako sa kanya ni Mark noon, na kahit wala man sa tabi nila si Toni ay tiyak na buhay pa ito ngunit ngayon ay pakiramdam niya, nagkamali ito.
Dinamayan siya ni Elizabeth kahit pa litong-lito ito sa mga nangyayari. "Mama, sabi ko naman po sa inyo e, wala na si Toni. Wala na ang kapatid ko. Just accept it. Bakit ba kasi ngayon lang lumabas ang liham na 'yan kung kailan, maayos na ang lahat?"
"Hindi ako makapaniwalang magagawa ng lalaking iyon na paslangin ang anak ko! Ang masama pa nito, nagawa niya pang ilibing? Ano'ng klase siya? Maling-mali ang pagkakakilala ko sa Grey na 'yan! Magbabayad siya sa ginawa niya kay Toni. Elizabeth," tawag niya sa anak. "Tumawag ka ng pulis at i-report mo ang nangyaring ito. Makukulong ang lalaking 'yan," Buong-tapang na sinabi nito. Tanging tango lang ang isinukli ni Elizabeth sa kanya.
***
Makalipas ng tatlong araw...
Matagumpay na naikulong si Grey Boriones matapos ihain ang tambak-tambak na kaso ng mga De Vega laban sa kanya. Ngunit para kay Anastasia, hindi pa rin ito mapalagay. Para bang walang tinik na nabunot mula sa kanya. There's something wrong with this situation and she thought that Grey's imprisonment is not the right way to solve the problem. Sa katunayan ay hindi man lang niya nakausap ito dahil sa galit niya rito. Pero gayon pa man, pinilit niyang tanggapin ang katotohanang si Grey nga ang may gawa noon.
Ngayon ay nasa Manila North Cemetery at pinagmamasdan ang puntod ni Toni. Dala-dala ang paborito nitong bulaklak na Yellow bell, sinindihan ni Anastasia ang kandilang hawak niya. Sandaling katahimikan ang nanaig sa pagdarasal, at ang kasunod no'n ay ang pagiging emosyonal ng bawat isa.
Hindi rin mapigilan ni Elizabeth na mapaiyak. Kahit paano'y may konsensya naman ito, hindi dahil kapatid niya si Toni ngunit dahil sa kanyang natuklasan mula kay Antonietta noong muli silang nagkausap sa telepono.
"Nababaliw ka na ba, bakit mo ginawa 'yon? Sa dami-dami ng paraan na p'wede mong gawin para isipin ni Mama na patay na si Toni, iyon pang gumawa ka ng fake letter at lagyan mo ng sarili mong dugo ang kutsilyo para lang palabasin na kay Toni ang dugong nasa kutsilyong iyon? Pambihira ka talaga," sermon ni Elizabeth kay Antonietta matapos matuklasan ang sa likod ng iniuutos nito.
Hindi naman matigil sa katatawa si Antonietta. "Ikaw talaga ang OA mo. Obvious naman na ginusto mo ring mangyari iyon e. Wala akong choice, sis. I need to do this para naman matapos na ang issue ni Mama d'yan kay Toni since wala naman silang nakitang bangkay, kaya inutusan ko ang mga Rogelio ko na maghukay sa sementeryo at gawing puntod ni Toni. Just see the fuck I did, I won!"
"Ewan ko sa'yong babae ka. Pero once na malaman nila ang ginawa mo, huwag mo 'kong idadamay diyan, lalo na kung biglang lumantad si Toni."
"Ha ha ha!" Hindi pa rin mapigilan ni Antonietta ang kakatawa dahil tingin niya'y nagbibiro pa ang kapatid. "Kung malaman nila. And who knows na ang isang taong inakala ng lahat na patay na, ay aahon muli mula sa hinukay na puntod? Just calm down, Ate Liza, kung sakali mang mahanap ko ang totoong Toni, hahayaan ko siyang makalapit sa pamilya ko, pero hindi ako papayag na malaman nila ang katotohanan. Mamamatay muna ako bago mangyari iyon!"
Oo, naging masama akong kapatid sa'yo, Toni. Pero may puso rin ako. Alam ko kung gaano kahaba ang sungay ni Antonietta kaya niya nagawa ang lahat ng ito pero kahit ganoon man ang nangyari ay sana, mapatawad mo siya, Lumuluhang saad niya na halos ibulong na lang sa hangin.
Hindi na nagtagal ang pamilya De Vega sa puntod ni Toni at umalis na rin ang mga ito. Dumerecho sila sa isang beach sa Isla Manansala, upang mag-relax sa mga nangyari. Pagkarating nila roon, nag-stay sila sa isang cottage malapit sa karagatan. Doon nila piniling manatili hanggang sumapit ang umaga.
Para ring Boracay ang isla Manansala dahil sa dami ng turistang dumadayo doon. Marami ring cottages at maliit na hotel sa kalapit nito kaya puwedeng-puwede kang manatili doon ng matagal. Habang hinihintay na dalawin ng antok, naglakad-lakad muna si Anastasia sa mababaw na bahagi ng dagat. Inilubog niya ang sarili doon, habang nilalanghap ang malamig na simoy ng hangin.
Hindi nagtagal ay nakaramdam ito ng pagkauhaw. Pabalik na sana siya sa kanilang Cottage nang masulyapan ito na siyang pumukaw ng kanyang atensyon.
Toni... Hindi ito p'wedeng magkamali. Nakita niya si Toni! Nakita niya ito sa isang maliit na tindahan ng alak, na magiliw na nakikipag-kuwentuhan sa mga customer. Ang babaeng nakita niyang si Toni, ay doon nagtatrabaho bilang bartender.
"Toni! Toni, ako ito, ang Mama mo!" Anastasia shouted at the top of her lungs ngunit hindi siya narinig nito, kaya naman dali-dali itong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng nakita niyang si Toni. Pero sa isang iglap, bigla itong nawala sa paningin niya. Napahawak siya sa kanyang sentido. Namamalik-mata na naman ako, ang mabuti pa'y itulog ko na lang ito, sabi niya sa sarili. Imbis na mag-isip ng kung anu-ano, dumerecho na lamang ito sa kanilang cottage at doon lang ay dinalaw na ito ng antok.
***
"ANTONIA, isang shot pa nga," utos ng isang customer sa kanyang gilid. Agad niya namang binigyan ito ng isang tagay ng scotch. "Salamat," anito.
"Wala 'yon, basta ikaw, libre," saad ni Antonia dito. Alas onse na ng madaling araw at balak na niyang magsara kanyang maliit na tindahan ng mga alak dito sa Isla Manansala. So far, malaki-laki rin ang kita niya ngayon dahil maraming turista ang dumating. Tuwang-tuwang umuwi ng kanyang bahay ni Antonia.
Sa Isla Manansala nakatira si Antonia. Kasama niya roon ang kaibigan na si Esme, kapwa nagtatrabaho rin sa isa pang tindahan ng mga alak doon. Matagal nang magkaibigan sina Antonia at Esme, kumpara kay Anne, kahit kailan ay hindi naghiwalay ang dalawa. Pareho rin silang walang mga magulang at napariwara ang buhay. Gayon pa man, pilit nilang inaahon ang bawat isa sa kahirapan. Kahit sa ganoong paraan ng pagtitinda ng alak ay nasusuportahan nila ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
Ilang hakbang lang mula sa pinagtatrabahuhan ay nakauwi na sa kanilang tahanan si Antonia. Ngunit imbis na tuwa ang sasalubong sa kanya, galit ang siyang lumamon sa kanyang pagkatao. Naabutan niya kasi ang dalawang armadong lalaki na abala sa pangangalkal ng kanilang mga gamit. Mabuti na lamang ay may itinatagong tapang si Antonia kaya isa-isa niyang tinuruan ng leksyon ang mga ito.
Walang kalaban-laban ang mga armadong kalalakihan, kaya agad na niya itong sinipa palabas ng bahay. "Subukan niyo pang bumalik kung ayaw niyong umuwi ng walang kamay at paa!" pambabanta pa sa mga ito.
Ngunit, ilang sigaw at pagpupumiglas ang kanyang narinig mula sa loob ng bahay---mula ito sa kuwarto ng kanyang kaibigang si Esme, mukhang hindi ito maganda!
Halos madapa na si Antonia sa katatakbo para lang tignan ang kalagayan ng kaibigan. Doon, gulat na gulat siya nang makita si Esme na pinagpye-pyestahan ng tatlong armadong kalalakihan. Tiyak na kasabwat nito ang dalawa na nasa labas. Gaya ng nangyari kanina, isa-isa niyang inupakan ang mga ito.
"Mga hayop kayo, wala kayong kadala-dala! Ngayon, matitikman niyo ang galit ko," asik ni Antonia habang sinisipa sa mukha ang mga ito. Makikita sa mukha ng dalaga ang galit na siyang lumamon sa kanya simula noong masira ang kinabukasan niya.
Panagdag na kaalaman---kusa niyang natutunan ang self-defense simula noong disisyete anyos pa lamang ito. Dahil sa galit at pusok ng kanyang damdamin, ginawa niya ang lahat upang sa ganoong paraan ay maiganti niya ang sarili sa nangyari sa kanya noon.
Hindi nabigo si Antonia na parusahan ang mga kalalakihang nagtangkang gumahasa sa kaibigan. Puno ng dugo ang sahig at halos hindi na makatayo ang mga lalaking iyon. Isa-isa niyang hinila ang mga ito at tinapon na parang basura sa harap ng kanyang tahanan.
Hindi mapaliwanag ang ekspresyon ng mukha ni Antonia nang pumasok siya sa loob ng bahay. Padabog nitong iniayos ang mga bagay na nakakalat sa sahig, at doon ay nakita niya ang isang larawan---lawaran niya ito, kasama ang kanyang kakambal.
Naiyak na lamang sa gilid ang dalaga habang pinagmamasdan ang larawan nito. "Kung mabibigyan lang ng pagkakataon na magkita tayong muli, gagawin ko para makaalis na sa imbyernang buhay na 'to!"
"Antonia," Lumapit si Esme at hinagod-hagod ang likod nito. "Tahan na, darating ang panahon na magkikita kayong muli ng kapatid mo. At kapag nangyari 'yon, tiyak na hindi na kayo paghihiwalayin ng tadhana."
"Hindi tadhana ang naghiwalay sa aming dalawa, Esme. Kundi ang walanghiyang 'yon," aniya at biglang kumuyom ang kanyang palad. "Sa oras na magkita kami, pagsisisihan niya ang ginawa niya sa'ming magkakapatid."

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    Aviby Prudenciado

    nice story

    1d

      0
  • avatar
    Susana Aboloc

    nakapagtapos ako

    12d

      0
  • avatar
    Rafael Silva

    olha essa estória é muito legal eu gostei muito de mais ela é muito boa pra ler

    05/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata