logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Four

Lotus Alexandria
I am thankful this weekend kasi wala akong kaibigan na nang istorbo at nang gulo sa condo ko kahit pa si Leo. Mula noong Friday ay wala talaga kahit isa. Kung nasaan na silang lupalop ng mundo ay magpakasaya muna sila dahil magpapakasaya din muna ako.
Sunday na kasi ngayon at nandito ako sa loob ng grocery store. Inisip ko na lang na 'me' time ko 'to. Tutal hindi pa ako inaabala ng mga ugok kong kaibigan.
Chinecheck ko ang dala kong listahan para tignan ang mga hindi ko pa nabili o kung kompleto na ba. Puno na din kasi ang kinuha kong cart at pinagkasya ko lang din ang iba para hindi na ako kumuha pa ng isang cart or basket.
As I turned around, I thought wala akong matatamaan but turns out wrong. May natamaan ako kaya nag angat ako ng tingin para makita ito and I stop what I'm doing. Natamaan ng cart na tulak-tulak ko ang babaeng may suot na business attire.
"Miss Liandro." Medyo may gulat kong bigkas sa pangalan ng Professor ko.
Ang propesor na pilit kong inaalis sa isipan ko. Ano ba kasing meron sa kaniya at kailangang maging laman siya ng isip ko? Sa dami ng iniisip ko sa buhay ay dumagdag pa talaga siya.
Hindi siya nagsalita. Nakatitig lang ito sa akin at ako ay medyo nakatingala talaga para lang tumitig sa mukha nitong may konting makeup. As usual, maganda na naman siya at ang professional pa rin ng dating kahit anong suotin. Baka nga pag pinagsuot mo siya ng dahon lang ng saging ay baka mahiya pa akong may suot na talagang damit. Dahil baka magmukhang mahal ang dahon ng saging na suot niya pag nangyari 'yon.
"Hey, Miss Liandro. Sorry, hindi ko kasi tinitignan ang daanan ko." Pag amin ko dito. Hindi kasi siya gumagalaw sa p'westo niya. Wala rin naman siyang dalang basket or cart. Itinaas ko lang ang papel na hawak para sabihing kasalanan ng papel kaya hindi ko tinitignan ang daanan.
She stared at me blankly which makes me conscious kaya napaiwas na ako ng tingin. Medyo nangalay na rin kasi talaga ako sa pagkatingala dito.
"Ms. Gabriel." Napalunok ako at halos mapamura ng marinig ko na naman ang apelyido ko mula sa kaniya. Putek talaga e, bakit pag siya ang tumatawag ng surname ko e ang ganda sa pandinig? Pag iba naman ay parang pang kanto ang datingan kung tawagin ako. Bakit siya parang ang sosyal?
"M-Ma'am?" Pinasadahan ko ng tingin ang itsura niya. Para talaga siyang hindi propesor. Nakabusiness attire ito na akala mo CEO ng isang napakalaking kompanya.
"Try to breathe sometimes. Looks like you are about to pass out." Nakagat ko ang gilid ng pisngi ko. Kinakabahan akong nakatingin ng deretso sa kaniya dahil baka may makita siya sa mga mata ko. Hindi ko kasi magawang umiwas ng tingin.
"I am okay naman po, Miss Liandro. Sorry po ulit." Parang bigla akong naging maamong tupa sa naging dating ko. Kailan pa ako naging ganito?
Sunday din ngayon at mukha siyang galing sa trabaho. Nagwowork pa rin ata siya kahit weekends. Pero grabe naman na kahit Sunday hindi na pinalagpas pa.
"Stop staring." Nagulat ako sa sinabi nito. Nanglalaki tuloy ang mata kong napapahiya sa harapan niya. Lalo na ng muling magtama ang mga mata namin. Medyo inis lang dahil sa matangkad siya kaya naman nakatingala pa rin ako dito. Ramdam kong nag init pati ang tainga at pisngi ko dahil sa hiyang nararamdaman ko. "And oh, you're blushing."
Putek talaga, alam kong halata ang sobrang pagpula ng tainga ko dahil nakabun lang ako. Pero iyong tono ng boses niya ay may pang aasar.
Nahihiya lang ako at hindi nagba-blush. Wala namang dahilan para mag blush 'no.
"Pero hindi naman po ako nag ba-blush, Miss." Kontra ko sa kaniya. "Nahihiya lang po ako." Dagdag ko pa sa kaniya.
I saw her face looking amuse while nodding her head pero mabilis ding nawala 'yon.
She's good at hiding her emotion, looks like front niya lang ang boredom sa mga mata niya. What makes her stop? Her lips twitch in some manner I didn't expect. Parang gusto niyang pagalitan ang sarili niya.
Magsasalita pa sana ako para magtanong ng tumalikod na ito ng walang sabi-sabi at mabilis nawala sa paningin ko. Doon ako nakahinga ng maayos. Para kasing hinuhugot nito ang natitira kong buhay paalis sa katawan ko.
Ayoko na talaga!
Para akong nasu-suffocate sa presensya niya! Hindi magandang pangitain ito dahil mukhang iba ang mapuntahan nito. Baka rin bigla akong mamamatay dahil sa suffocation e. Sayang ang lahi namin kung hindi ko maimamana sa soon-to-be anak ko.
Soon-to-be anak agad, boyfriend nga wala tapos anak agad ang naisip. Siguro dahil lang ito do'n sa propesor ko kaya kung ano-ano ng pumapasok sa isipan ko.
Nakakahiya talaga ako panigurado kung tuluyan akong nabaliw at nadala sa mental hospital.
I shooked my head para mawala ang tumatakbo sa isip ko. Dumeretso na lang ako sa counter. Sa ibang grocery store ko na lang bibilhin 'yong ibang hindi ko pa nabili. Muli kong tinignan ang listahan ko at oo nga, meron pa talaga akong hindi nakukuha pero okay lang.
Dahil kung mananatili pa rin ako dito sa iisang lugar kasama niya ay hindi ko na kakayanin pa. Hindi naman ganito ang nangyayari pag nakikita ko ang mga propesor ko sa labas ng University. Binabati ko pa nga sila pero ngayon—
I cursed loudly. Pinagtinginan ako ng ibang nadaan na nag go-grocery rin pero hindi ko sila pinansin.
Pinaglalaruan ako ng destiny.
Kasi seriously? Kasi naman pumila ako sa counter para makaalis na sa lugar na 'to not only to see her again!
Nasa kabilang counter siya sa tabi ng counter na pinipilahan ko.
Ano bang meron sa kaniya?
Iyong puso ko kasi ay parang lalabas na e. Grabe kung mag react. Hindi ko na nga pinapansin ang kakaibang pintig nito pero mas tumatalon ito palabas sa katawan ko.
Hindi ko na naalis ang tingin sa kaniya. Napansin kong may lumapit sa kaniyang malaking lalaki. Ano ba naman 'yan, ang daming kapre sa mundo. Kung matangkad kasi si Miss Liandro ay mas matangkad pa sa kaniya ang lalaking lumapit sa kaniya.
Asawa kaya niya? Pero wala naman siyang suot na singsing.
Oo nga ano?
Ilang taon na kaya si Miss Liandro?
Mukhang kasama niya naman ang lalaki dahil nagbaba siya ng ibang item sa cart na hawak ni Miss Liandro at nag uusap pa. Kaya siguro walang hawak na cart si Miss Liandro kanina dahil hawak ng kasama niya.
Hula ko din ay hinila lang ng lalaking ito si Miss Liandro na sungit dahil halatang nagwowork ang madam ngayon. Nakapambahay lang kasi 'yong kasama niya. Tipong mukhang bagong gising nga lang din e. O baka si Miss Liandro pa ang naghila sa kaniya dito sa store na 'to.
Masyado din silang matangkad kaya pansinin at lingunin ng ibang taong nakakakita sa kanila. Buti na lang talaga at cute lang ako.
Lumaki ang mata ko ng mapansing nakatingin na sa akin ang lalaking kasama niya. Mabilis akong umiwas ng tingin dahil alam ko, oo alam ko! Nakita niyang titig na titig ako sa babaeng kasama niya.
Ito na nga ba ang sinasabi ko e. Bakit naman kasi ako tumititig?
Napabuntong hininga na lang akong tinulak ang cart palapit sa counter. Isa na lang ay ako na. Malapit na akong matapos.
"LOTUS ALEXANDRIA!" Napalingon ako bigla sa gilid ko ng may sumigaw ng pangalan ko. Galing siya sa pwesto nila Miss Liandro kaya nagtataka ako.
Magkakasama kaya sila o do'n lang talaga siya dumaan?
Nagsalubong ang kilay ko ng maalalang tinawag niya ako sa pangalan ko kasama ang first name ko.
Pero ngumiti na lang din ako ng tumakbo ito payakap sa akin.
"Hey, dimwit! Nagpalit ka na ba ng number? Hindi kita macontact e." She's Sherez Delgado, my cousin sa part ng Mommy and si ate Antonette Gabriel ay sa part ng Daddy.
"Stop calling me dimwit! Matangkad ka lang, stupid!" Niyakap ko ito pabalik pero binatukan ako nito. Mahinang singhap tuloy ang nagawa ko at napairap na lang sa kaniya bago tinulak ang cart dahil turn ko na. Habang naglalagay ako ng mga pinamili ko sa counter ay tinulungan din ako nito.
"After mo diyan may ipapakilala ako sayo." Lumingon ako sa kaniya. Tama kaya akong sila Ma'am Liandro ang kasama niya?
Huwag naman sana.
"Ayoko." Ayoko talaga. Baka mamaya hindi ako umabot sa morgue pag sila Miss Liandro lang ang ipapakila niya.
"Ang sungit mo naman, Alex. Ang tagal nga kitang 'di nakita tapos ngayon ayaw mo pa ata akong makita at makasama." Ayan, diyan siya magaling! Ang mag drama. "Ano? Sama ka sa akin pagkatapos mo dito— ang dami mo namang pinamili." Bigla niyang reklamo ng maubos ang laman ng cart ko.
"Alam mo kasi ate busy ako—" Tinaasan ako ng kilay kaya't napatahimik na lang ako at tumango. Alam ko na iyan e. Huwag na daw ako magsalita at magrason pa. Kaya tatahimik na lang ako kasi baka mamaya bawiin pa niya 'yong bigay niyang mga dress no'ng isang buwan sa akin. Hindi ko pa nga na ibibigay kay Carli iyon— I mean naisusuot pala.
Mabilis naman natapos ang pag pack ng mga nabili ko.
"Ate samahan mo muna akong ilagay sa sasakyan ko ang mga 'to." Pasuyo ko dito.
"Sure, sure basta ba sasama ka sa akin." Napatango na lang ako. "Wait lang at sasabihinan ko lang ang mga kasama ko." Wala akong naging sagot dito. Lumapit siya mga taong hinihiling kong hindi sila ang kasama niya.
Pero sila Miss Liandro nga talaga.
For sure din naman kasi na hindi ako nito iiwanan or titigilan hangga't hindi ako pumapayag.
Bumalik rin naman agad siya at sinamahan akong dalhin muna sa sasakyan ko ang mga pinamili.
Hihintayin na lang din daw namin 'yong mga kasama niyang lumabas. Kakain daw kami ng lunch sa malapit na restaurant. Hindi ko napansin na past 12 na pala kaya nagugutom na rin ang mga alaga ko sa tiyan.
"Matagal pa ba sila ate?" Tanong ko rito pagkasara ko ng sasakyan pagkatapos mailagay ang mga dapat kong ilagay.
"Sandali na lang siguro— oh, ayan naman na pala sila." Napatingin ako sa tinitignan ni ate Sherez.
Sabi ko nga.
"Hey." The guy approaches us with Miss Liandro behind him. Nahigit kong muli ang hininga ko sa kaba. Bigla na naman akong kinabahan na parang tanga dito sa gilid. "Are you Shere'z cousin? I am Mike or Kuya Mike na lang." I shake his hands and smile a little.
"Yes, po. I am Alex po."
"Nice to meet you Alex and by the way this is..." Hinila niya si Miss Liandro sa likuran niya at pinaharap sa akin na ikinanoot ng noo ko. Ano kayang meron sa kanila? "This is Tala, my cousin."
Cousin?!
Napapahiya ako sa loob-loob ko dahil sa mga kung ano-anong naiisip ko tungkol sa dalawa.
Tsaka ano daw ang name ni Miss Liandro? Tala hindi ba?
Tala Liandro.
Naks! Ang ikli ng pangalan at ang cute pa. At least naman 'yong pangalan niya ay bumagay sa kaniya kasi mukha naman din talaga siyang tala sa kalangitan na bumaba lang dito para mainggit ang lahat— ito na naman tayo sa katangahan na iniisip ko e.
"Yes, and ano? Tara na mag lunch?" Aya ni ate Sherez sa dalawa.
Hindi ko man lang nabati si Miss Liandro. Well, magkakilala naman na kaming dalawa hindi ba? Okay lang naman siguro 'yon sa kaniya.
"Para kayong mga kapre sa tangkad niyo." Bigla kong komento. "Nakakangalay kayong tignan." Dagdag ko pa na ikinatawa nila.
"Nasa lahi na namin ang matatangkad, Alex." Sagot ni Kuya Mike sa akin.
"Nasa lahi rin namin pero ako lang ang naligaw." Parang nagrereklamo kong saad sa mga ito. Ginulo naman ni ate Sherez ang buhok ko.
"Tara na?"
Tumango-tango na lang ako sa kanila kahit na alam kong medyo naco-conscious na rin ako sa tingin ni Miss Liandro na hanggang ngayon ay tahimik lang.
"Sunod ka na lang ba sa amin, Alex? May dala ka kasing car e." Tumango ako kay kuya Mike.
"Ako rin Mike, sunod na lang din. Dala ko rin naman ang car ko e." Tinapik ko ang balikat ni ate Sherez bago pumasok ng sasakyan ko.
Napansin ko din na pumasok si kuya Mike sa isang sasakyan. Isang sports car, isang Hyundai Veloster. Nice car.
Hinayaan kong mauna ang mga sasakyan nila at mabilis din akong sumunod. Hindi rin naman pala gano'n kalayo ang kakainan namin.
Sa tingin ko ay nasa 10 minutes lang kaya mabilis din kaming nakadating doon.
Tahimik akong nakasunod sa likuran nila papasok ng restaurant. Nasa unahan kasi si Miss Liandro at kuya Mike. Habang si ate Sherez ay nakasunod at ako sa likuran nila.
Pumili sila ng mauupuan sa gilid. Okay na rin para sa akin. Tumabi naman ako kay ate Sherez at magkatabi din ang dalawa sa harapan namin.
"Order mo, Alex?" Tanong ni ate Sherez sa akin ng dumating ang tinawag nitong kukuha ng order namin.
"Pasta na lang sa akin tsaka hot wings." Patango-tango kong sagot habang nakatingin sa menu. "Oo nga pala lasagna na din." Habol ko dito. Natawa na lang sila sa akin maliban kay Miss Liandro na laging nakapoker face.
Nagugutom na rin kasi ako at kailangan ko ng maraming kakainin.
Ate sherez ordered pasta and two slices of pizza. While Kuya Mike ordered rice and something na 'di ko naintindihan 'yong pagkakasabi niya. Sabi pa niya no'ng una ay gusto daw niya ng mabigat na lunch today dahil wala daw siyang breakfast kaya mag ra-rice na lang siya. At si Miss Liandro? She just orders vegetables salad and water.
Is she on a diet? Kung titignan, hindi naman siya payat. Sakto lang na may laman.
Nang may maalala ako ay lumapit ako kay ate Sherez at bumulong. "I want coffee ate Sherez." Ang kaso ay sumimangot lang ito sa akin.
"Alex, sure ako na sa Condo mo puro kape ka na. Hanggang dito ba naman sa labas ay kape pa rin? Sigurado namang tambay ka doon kay Toni dahil nag start na rin ang klase niyo. Sasabihin ko sa kaniya na ipa-ban ka sa Coffee shop niya." Napakamot ako sa kilay sa haba ng litanya niya.
Hindi rin naman niya magagawa 'yon.
"Kape lang naman e! Pwede namang oo o hindi lang, ate. Ang dami namang sinasabi para kang si ate Summer lang kadaldal." Banggit ko sa isa niyang best friend na doctor.
Umirap lang ito sa akin. "Basta no, ang init init na nga." Reklamo pa nito sa akin. Hindi na ba p'wedeng mag kape sa ganitong oras? Bawal na ba 'yon?
Walang bawal, bawal.
"Edi ice coffee!" Suhestyon ko pa dito. Pero sumama lang ang tingin niya at tumawa si Kuya Mike sa aming dalawa.
"You love coffee, Alex?" Tanong pa niya sa akin.
"Opo, Kuya. Mas bet 'yon kaysa sa soft drinks and beer." Ngumiti ito ng malaki sa akin.
"I agree but blood needs alcohol sometimes." A-agree sana ako kaso napaungol ako ng mahina sa munting sapok na pabaon ni ate Sherez sa akin sa mga oras na 'to.
"Ate sherez! Masakit kaya." Reklamo ko na ikinairap na naman niya. Ano bang meron sa pag irap at ang hilig nila doon?
Baka mamaya hindi na bumalik ang mga mata nila sa dati.
"Kaysa beer daw! Nakita ko iyong nakatagong mini-fridge mo sa wall ano! Puno ng beer at ibang alak 'yon!" Napangiwi ako. Paano kaya niya nakita 'yon? Nakatago nga e. Ang talas talaga ng mata, baka nga mamaya kumuha pa siya doon para kay ate Hydra e.
"Wala kang pakialam, ate Sherez. Isusumbong kita kay Mommy mo." Irap ko dito na kinatawa lang niya. Kanina panay irap ngayon biglang tumawa. Aba, baliw.
Buti na lang din at dumating na ang mga order namin. Gutom na gutom na ako e.
Galit-galit tuloy kaming nag umpisang kumain.
Si Miss Liandro naman is just silently eating her food. Mabubusog ba siya sa salad niya? Puro gulay. Ano parang kambing lang?
Bahala siya.
Basta ako ay nilalantakan ko ang pasta sa harapan ko habang sinusunod naman ang hot wings at lasagna.
Mabilis lang din naman ako kumain e.
"Matakaw ka pa rin hanggang ngayon Alex." Papansin talaga itong si Ate Sherez. Pinansin na naman ang pagkain ko e.
"Mas matakaw naman si ate Summer at si Chabelita no." Banat ko dito. Dahil totoo naman. Parehas kasi silang dalawa e.
"Well, I agree but by the way. Bakit pala hindi mo kasama sila Chabe?" Takang tanong nito. Hindi ko naman din sila kasama minsan pag gusto kong mag isa sa buhay.
"Buti nga iyon at ng walang nang gugulo sa akin." Balewalang sagot ko dito. Mabilis na inubos ko ang pagkain ko. Kaso parang bitin naman. Kumakain pa rin ang tatlo hanggang ngayon. Ang bagal naman nila. Ako na nga mas maraming nakain ay ako pa ang naunang natapos.
"So, Mike how's your Bar pala?" At Sherez asked Kuya Mike. Mabuti na lang at nagsimula na rin silang mag usap.
So, Kuya Mike owns a Bar?
"Ow, about my bar, of course, sobrang saya!" He beamed proudly. Kahit sino naman siguro ay masaya sa mga nagiging business nila.
"That's nice, next time aayain ko sila Summer do'n. How about boyfriend Mike? Meron ka na ba ngayon?" Halos mabulunan ako dahil sa narinig. Boyfriend? Bakit boyfriend ang sinabi ni ate? Nagkamali lang ba si ate? O—
"Hey, you okay?" Nag aalalang tanong ni Kuya Mike sa akin habang nakatingin lang sa akin si Miss Liandro at natatawa naman si Ate Sherez.
"Sorry, nagulat lang ako kay ate Sherez, kuya Mike. The Fuck." Nakamot pa ako sa kilay. Hindi ko naman kasi inaasahan ang narinig. Mukhang hindi nga nagkamali si ate Sherez. Hindi niya ni-correct e.
"Watch your words, Miss Gabriel." Napangiwi ako ng marinig ang boses ni Miss Liandro na kanina pa tahimik.
Nagmura nga pala ako sa harapan ng professor ko!
"S-sorry Miss." Bakit ba nakalimutan kong professor ito? Nakakahiya na talaga ako.
Hindi naman na ito umimik ulit at nagpatuloy na sa pagkain.
"Gabriel? Bakit mo tinatawag na Gabriel itong si Alex, Tala?" Takang tanong ni kuya Mike na ikinataas ng tingin ng isa.
"She's my student and that's her surname. Is there something wrong?" Bakit ba ang lamig nito magsalita? Tapos 'yong presence niya napakabigat pa. Ang sungit, her eyes are complicated din kahit ang ganda ng pagkabrown no'n. Napa 'O' naman ang dalawa pero iba ang tingin ni Kuya Mike kaya hindi ko na lang pinansin.
Napatitig ako kay Miss Liandro. Oo, professor ko siya tapos hindi ko man lang nabanggit kay ate Sherez.
"I told you to stop staring, Miss Gabriel. Didn't I?" Napaiwas ako ng tingin.
Nahuli na naman ako.
"Ehem." Halata namang fake ang ubong 'yon mula kay ate Sherez. "Hindi mo nasabi kanina na professor mo pala itong si Tala."
"Kaya nga, Tala." Sang ayon ni Kuya Mike. "Magkasama naman tayo sa sasakyan kanina pero hindi mo man lang nabanggit na magkakilala na pala kayo."
Hindi naman na siguro mahalaga kung magkakilala na kami hindi ba? Basta ang mahalaga ay alam na nila ngayon.
Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin ako sa kanila. Libre naman ni kuya Mike 'yong lunch e. It's nice to have lunch with them mainly with Miss Liandro na pag tinatanong siya ni Kuya Mike ay sa akin nakatingin pag sumasagot.
Nahihiya lang akong nag iiwas ng tingin at kunwari'y hindi siya napapansin.
I already bid my goodbye to ate Sherez dahil mag aayos pa ako sa bahay. Buti na lang at pumayag sila. Dahil ang totoo ay kulang pa iyong nabili ko sa grocery store kanina. Nagmamadali pa naman din akong lumabas kanina tapos makakasama ko pa rin pala ang dapat na iiwasan ko.
Tadhana nga naman ako pa ang napagtripan.
Bago ko makalimutan ay si ate Sherez nakita lang daw pala sa loob ng grocery kaya napasama siya sa dalawa.
Sighing heavily and closed my eyes before letting myself understand what happened.
Great Sunday!
Note the sarcasm destiny!

Komento sa Aklat (75)

  • avatar
    aureaaaaa

    The story is so nice

    02/05/2025

      0
  • avatar
    pangilinandang

    hi author another story naman po sa mga circle of friends ni alex

    23/02/2025

      0
  • avatar
    Maekay

    nice story

    15/10/2024

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata