logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 6

"Oh, by the way, bago ko makalimutan," Prof Thalia inserted. Lahat kami napalingon sa kaniya.
"Every friday, after your culinary class. Starting today, magkakaroon ng Sing Freedom Program. Required magkaroon ng 2 participants. It's either a band or solo. Halimbawa, yung klase niyo ay may isang banda at isang soloist, o di kaya may dalawa kayong soloist, pwede ring dalawang band, ganun. Basta, every performer will perform one to two songs every friday." Mahabang saad niya.
Tumaas ng kamay yung isa naming ka-block mate. "Kailangan po ba na iba-iba ang kanta na kakantahin every friday?"
Tumango si Prof. "Of course, wala nang makikinig kung uulit-ulit niyo. Ang purpose ng Sing Freedom Program ay para makapag-enjoy kayo dito sa university kahit isang araw lang kada linggo."
Tumango-tango yung iba, habang ako'y nanatiling nakikinig. Wala naman akong planong sumali, eh.
"So, sino ang sasali sa inyo dito?"
Tumaas ng kamay si Tyn. "Ma'am, Pantone Band. Sasali po kami!"
Tumango si Prof. Lumingon-lingon rin siya para tingnan kung sino pa ang sasali. Napalingon ako kay Kheir at kasalukuyan siyang nakikipag-usap kay Tyn at sa isa pang lalaki na ka-blockmate namin.
Yumuko ako. May banda pala sila Tyn? Kasali ba si Kheir? Kung banda sila, sino ang kakanta sa grupo nila?
"Si Vion!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang pangalan . Pag-angat ko ng tingin ay nasa akin na ang atensyon nila! I glared at Ely, the one who shouted my name. Aba't, nakangisi pa siya!
Gulat na lumingon sa 'kin yung iba. Ano 'to?
Lintik na naman, oh!
"Palaging siyang kumakanta pag may mga program nung High School. Magaling rin siyang kumanta, at hindi na kailangan ng ka-banda! Perfect for a Soloist!"
Napalingon ako kay Prof Thalia na kasalukuyang nakangiti ng malaki sa akin. Umiling ako ng paulit-ulit sa kaniya. Pero parang hindi niya lang ako pinansin, dahil may sinulat siya sa isang bond paper. Pangalan siguro ng kakanta mamaya!
I cried mentally. Noong high school, pinilit lang ako ng adviser namin. Hindi ko yun ginusto! At mas lalong hindi ko gustong kumanta ngayon, dahil mas marami ang mga college students ngayon, kaysa no'ng high school! Mas nakakahiya ngayon!
I felt someone staring at me, so I glanced to my right. Nakitang kong mariing nakatitig sa 'kin si Kheir habang nakasandal sa kanyang upuan! Tinaasan ko naman siya ng kilay kaya umiwas siya ng tingin. Naalala ko tuloy yung naging usapan namin sa ig.
Pagkatapos ko siyang pabirong tanungin kung gusto niya ako ay hindi na siya nagreply at naging inactive, nakatulog tuloy ako habang naghihintay sa reply niya.
"So it's settled, si Vion at ang Pantone Band ang representative niyo." She grabbed her folder and faced us.
"Morning class dismissed." Hay.
Tumango-tango ako. Masarap lahat ng pagkain dito sa cafeteria. Syempre, BC University is a culinary school. Alangan namang maging pangit ang lasa ng mga niluto ng chef dito.
"Anong gagawin mo mamaya?" Mahina kong tanong ko kay Yolo, kasama ko sa cafeteria. He glanced at me and continue to eat burger.
"Culinary time?" I nodded. "Leche Flan," he shortly said.
Kumunot ang noo ko. Anong problema nito?
"Hoy!" Malakas kong bulong. He gave a confused look. "Wag mong sabihin na nagseselos ka talaga, dahil lang tinanong ko kung ano ang ig name ni Kheir?"
Binigyan naman niya ako ng nandidiring tingin. "Sinabi ko namang joke lang yun, diba? And why would I? It's not the reason why I'm pissed now," uminom siya ng tubig at nagpatuloy.
"I just got rejected by someone."
Ano? Sa gwapo niyang yan, ni-reject? Kawawa naman. Patago akong tumawa.
"Kala mo naman sobrang gwapo, hindi naman."
Mahina niyang bulong na imposibleng marinig ng iba, pero hindi ako. Hindi ko na lang siya tinanong dahil baka nagkamali lang ako ng ring.
"Grauntes, may... kaibigan ka ba?" Curious kong tanong sa kanya.
"Ikaw!" Malakas niyang sabi, napalingon tuloy yung iba sa 'min. I glared at him. "Don't tell me, you still don't treat me as a friend?"
"Are we?"
"Of course!"
"No we're not."
"Ha! Change topic please?"
Napangiti ako. Kahit papano ay para ko na rin siyang kaibigan. Siya lang naman ang kasabay kong maglunch ng tatlong araw, including now.
Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil yung pananalita niya ay minsan panbabae. Hindi ko nga alam kung straight ba talaga siya o hindi.
Bukod sa akin ay wala na akong nakitang babae na kasama niya. Alam ko namang normal lang kung mas marami ang kaibigan mong lalaki, kung lalaki ka. Pero kasi, parang iba yung pag interpret ko kay Grauntes, hindi ko lang matukoy kung ano.
"You can now start making dessert."
Hudyat ni Chef para makapagsimula na kami. Pumunta akong ingredient storage area, at namangha dahil kumpleto na naman ang mga ingredients para sa isang desserts, pero hindi na ako nagtaka kung paano.
Sabi kasi ni Chef kanina na kada sunday at thursday ng uwian ay may mga staffs na nagpapalit ng mga nandito na ingredients. For example, ngayon week ay cupcake at desert ang ginawa at gagawin namin, ilalagay ng staffs lahat na kakailanganing ingredients para ngayong linggo.
Nang makuha ko na lahat ng kakailanganin kong ingredients ay sinimulan ko na ang paggawa ng mango float.
Una ay hinugasan ko muna ang hinog na mangga para matuyo siya agad. Naghalo ako ng nestle cream at condensada na sakto lang ang rami para ibang klase ang tamis ng float. Naglagay rin ako ng konting asin para hindi mauumay sa sobrang tamis ang kakain nito.
I sliced the mango into thin, wide and long size. In making mango float, it's important to put not too much mango. Dessert are supposed to be sweet, not sour.
There are people who think that ripe mango is sour. Which is... partly true for me. I can taste some sourness in it, but I think ripe mangoes are originally sweet. I'm not sure.
After I sliced the mangoes, I started putting the milk cream on the container for the dessert. Mas mabuti kung lalagyan muna ang lalagyan ng dessert para hindi maging bland ang lasa ng ilalim ng dessert. Pagkatapos, naglagay ako ng graham crackers, at milk cream sa ibabaw nun. Naglagay ako ng mangga at milk cream na naman. Inulit-ulit ko lang ang proseso hanggang mapuno na ang container.
Nang matapos ay nilagay ko muna ito sa fridge para malamigan. Ilang minuto pa kasi ang hihintayin bago tikman ni Chef yung mga ginawa namin. Napangiti ako ng malaki. Kakainin ko 'to mamaya sa bahay pagkauwi.
Palagi kaming hindi magkapareho ng klase nila Ely at Yolo dahil pinaghiwa-hiwalay ang iba sa amin. Pero pareho naman yung meal na gagawin. Ely didn't mention what's she's gonna make. Leche Flan naman kay Yolo.
Napalingon ako para tingnan ang mga ginawa ng iba. Walang nagbago sa space arrangement namin noong Lunes kaya agad ko ring nakita ang desserts ng mga ka-table ko.
Kheir made coffee jelly with sago. Tyn is still waiting for the leche flan to be done. And the other girl made a small red velvet cake with something written on it.
Napahalumbaba ako. I suddenly remember the program. I sighed. Wala akong ibang choice kundi kumanta mamaya sa harap ng maraming college students. I couldn't even prepare a song!
Konti na lang yung naalala ko na kaya kong kantahin. Napatingin ako sa labas ng pinto at naging lutang ng ilang segundo.
Napatayo ako ng makapili ng magandang kanta para mamaya. Napangiti ako ng malaki.
Sana nga lang hindi ako mapiyok.
Nagsimula na si Chef Kyle sa pagtikim ng mga desserts. Minsan yun reaksyon niya ay hindi mabasa, pero minsan naman ay hindi niya maitatago ang pagngiwi dahil sa lasa ng kanyang tinitikim.
Sa aming table ay inuna niya akong lapitan para tikman ang mango float. Pinakiramdam ko ang nanlalamig kong kamay at namumuo kong pawis sa nuo.
Kumuha siya ng isang kutsarang ng dessert ko at tinikman iyon. Hindi nagbago ang kanyang reaksyon habang nginunguya ang mango float, pero bigla na lang tumaas yung dalawa niyang kilay at tumango. Nagliwanag ang mukha ko.
"What did you add to lessen the milk's sweetness?"
"Asin po," tumango siya at nagtungo kay Tyn para tikman naman yung kanyang leche flan.
Nakahinga ako ng maluwag nang maalala ang reaksyon ni Chef sa ginawa ko. Buti naman, sing freedom program na lang ang pro-problemahin ko ngayong araw.
"You really can sing?" Namamanghang tanong ni Nessa. Tumango naman ako bilang sagot.
"Dating international singer lang naman yung Lola niya." Ely said.
Shekinah's mouth gaped in shock. "Which one?"
"The famous, Villion Pelonia." They scanned my face to find any resemblance of my grandmother. Tumango naman sila pagkatapos ng ilang segundong pagtitig sa mukha ko.
Kapag sumulyap ka lang sa 'kin, wala kang mapapansin na kahit ano, dyosa lang talaga. Pero kapag tinitigan ako ng ilang segundo saka lang makikita ang pagkakahawig ko sa lola ko.
"Woah, I haven't seen her in person, but I'm pretty sure she does have a graceful voice." Louise added which they all agreed.
Napangisi ako. "Cut the crap," sabay silang napalingon sa akin. "You girls are really talking about her in front of her only granddaughter?"
Isa lang ako na apo niyang babae dahil yung dalawa ko pang pinsan na anak ni Tito Dave ay parehong lalaki.
Umikot yung mata ni Ely. "Oh come on, Vion. As if, you didn't loudly announced this during high school. Tapos ngayon, yan ang masasabi mo?" Sarkastiko niyang sabi sa 'kin.
Napatawa ako. "Ang sinasabi ko lang naman, ay wag niyong i-praise si Lola Villion sa harapan ko. Lalaki ang ulo ko niyan!"
"Maliit pala 'yang ulo mo?"
Sinamaan ko ng tingin si Yolo dahil sa sinabi niya. Magkakasama kaming anim maglunch, hindi magtatagal ay magsisimula na rin ang program. Ayaw naman naming magutom mamaya.
Sila Ely nga lang dapat yung kasabay ko ngayong mag-snack pero gusto rin ni Yolo maki-share kasi ako lang naman daw ang kaibigan niya. Nang malaman naman nila Ely na makikisabay si Yolo, ay open arms silang pumayag.
Isa daw kasi siyang hottie.
"By the way," Nessa stared at me. "May napili ka na bang kanta para mamaya?"
Tumango ako sabay ngiti. "Meron," I ate 4 pieces of fries at the same time and chewed it fast.
Napainom ako ng maramdamang parang bumara yung lalamunan ko. Ngumiti ako sa kanila nang mapansing nasa akin pa rin ang kanilang atensyon.
"Isa lang rin yung kakantahin ko, ayokong magtagal sa stage." They nod in chorus.
"Good luck, and just enjoy it later!" Nessa cheered, while the rest of them just gave me a fighting sign.
Ngumiti ako sa kanila ng malaki, and replied in low tone.
"Thanks..."
Pumunta agad akong backstage ng sumapit ang alas kwatro. Malapit ng magsimula ang program. Marami-rami na rin kaming magpe-perform, dahil two performers each class. We have four class, and since, we are the class two. Ikalawa kaming klase na magpe-perform.
Napatingin ako sa suot ko. Ito yung suot ko nung pumasok ako kanina. Mint green long sleeved crop top, black loose jeans, and white adidas shoes. I also tied my hair into high ponytail because even though the temperature isn't not that high, crowded places are still pretty hot.
Narealize kong ito yung unang beses kong pagtali ng buhok na ponytail ngayong third year college dito sa BC University, kasi noong mga nakaraang araw ay palagi akong nalugay. Sa bahay lang naman kasi ako nagtatali ng buhok.
Nang mag-start ay program ay nag speech muna yung Master Teacher ng University na 'to at inexplain kung ano yung purpose ng program. Hindi ko nga lang pinakinggan yung mga sinabi niya dahil na mental block 'ata ako dahil sa kaba.
Pagkasabi niya na magsisimula na ang performances ay napatakip ako sa tenga dahil sa lakas ng mga sigaw. Meron silang kanya-kanyang pag cheer sa kanilang representative. Pero mukhang sikat talaga ang Pantone Band dahil lumalamang ang dami na sumisigaw sa pangalan ng banda nila.
"Pantone Band!"
"I love you, Tyn myloves!"
"Ray, Asawa ko! Ah! Galingan mo please!"
"Go, baby Kheir Rontero!"
Napakunot ang nuo ko dahil sa huling narinig.
Baby?! Ano siya, damulag?!
I shook my head to divert my attention to the first performer of Class one. Dalawang soloist, ah.
Nanlaki yung mata ko ng makarinig ng tikhim sa likuran ko. Sobrang pamilyar na tikhim! Kay Kheir lang naman. Lumingon ako sa kaniya at nagkrus ng braso sabay taas ng isang kilay.
"Bakit ka nakacrop-top kung alam mo namang maraming tao ang makikinig at titingin sayo mamaya?" What did he say?
My raised brow formed into furrowed. Anong namang problema kung nakacrop-too ako? Hindi naman siya ang nakasuot nito.
Also, for his information, ngayon ko lang rin nalaman na magpe-perform ako, hindi na ako nakapagpalit pa!
Tass noo ko siyang tiningnan.
"If Pooh can wear a crop-top, so can I."
Napaawang yung bibig niya dahil sa sinabi ko. Ano? May masasabi pa siya tungkol sa kulang sa telang suot ko?!
"Look, I'm trying to be a gentleman here," mahinahon niyang sambit. "A lot of men will just focus on your tummy and not on your voice, when you perform!"
"I can sing in a bikini suit, Kheir."
Napaawang yung bibig niya dahil sa sinabi ko. May nakakagulat ba do'n? Singing freely doesn't require costume!
"You..." Bumuga siya ng hangin at napahawak sa likod ng ulo niya. "Fine, whatever."
"Here we have from class two, Vionsre Hariz!"
Nanlaki ang mata ko ng marinig na time ko na palang kumanta. Masyado 'ata akong nabusy sa pakikipag sagutan kay Kheir at hindi ako nakapagfocus na turn ko na pala.
I glanced at Kheir first, who gave me a nod, before I nervously went to the stage. Maraming manunuod kaya kailangan kong galingan!
I held the microphone, before inhaling deeply. Just like what Nessa said, I should also enjoy it. Okay.
(Play 'Never Be The Same' by Camila Cabello, for better experience.)
I started the first line in a low voice, and the crowd went silent. Naramdaman ko ang panginginig ng kamay ko habang nakahawak sa mikropono.
I know this is one of the hardest songs to sing, but I really wanted to try this in front of many people.
Pinagpatuloy ko ang pagkanta.
Ginanahan ako ng sobra nang magsimula na silang mag-cheer.
I took a glimpse of Kheir who was staring at me intently, so I quickly got back my sight at the crowd and continued to sing while smiling widely.
Napahinga ako ng malalim at kinanta ang huling linya.
I breathed heavily after the last line. Napakurap-kurap ako dahil parang naiiyak 'ata ako. Nakaya ko!
Nagsimula na silang pumalakpak ng malakas pagkatapos ng ilang segundong katahimikan kaya ngumiti ako ng malaki at nagbow.
"Ang galing mo Idol!"
"Whoooo! Isa pa, ate!"
"Crush!"
Nakangiti akong bumalik sa backstage. Nanlaki ang mata ko ng humarang si Kheir sa dinadaanan ko.
Mas mataas siya sa akin kaya kailangan ko pa siyang tingalain.
My heart beat became wilder, when I saw the clear vision of him smiling brightly at me.
"You really are different..."

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    Ezekiel Luciano

    Sobrang ganda ng kwento may napupulot na aral

    31/07

      0
  • avatar
    JoAnjo

    nice

    31/07

      0
  • avatar
    eroyjohn paul

    Ang Ganda nang kwento

    23/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata