logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5

Chapter 5
Kinabukasan lang ay nalaman na namin ang resulta ng entrance exam ko. Wala lang sa akin nang makitang pasado ako. Actually, the exam was easy as one, two, three so I had expected that I'd pass it.
"The enrollment is still on going until next week, Wednesday. Kailan ka pupunta ng campus?" tanong ni Kuya matapos makita ang resulta.
I shrugged my shoulders. Nasa loob siya ng aking kwarto at prenteng nakahiga sa kama habang niyayapos ang pillow hotdog na may disenyong HK.
"Monday?"
"Tuesday na lang. Aalis ako ng Monday. Samahan kita sa Tuesday."
My brows furrowed. "Wala ka bang pasok, Kuya? Baka mamaya ay tanggal ka na pala sa trabaho, ah! Isusumbong kita, 'kala mo!"
Pumikit siya at ngumisi bago nagpagulong-gulong sa kama. My bed seemed smaller than it already is because of his large frame. Napailing ako at hinarap ang sarili sa salamin ng tukador.
"Paano na ang balak mong pag-masteral kung 'di ka naman nagtatrabaho nang maayos?"
Buti na lang at nadala ko itong mga anik-anik ko sa mukha. I can't sleep at night without doing my skincare routine.
"Don't worry too much, Ais. I'm still doing good with my work." Tumikhim siya. "Ano ba 'yang pinaglalagay mo sa mukha mo?"
I put a generous amount of cream on my face using my forefinger before spreading it. Sinipat ko si Kuya sa aking gilid na ngayon ay nakaupo na at nakakunot ang noo habang pinapanood ang ginagawa ko 
"This is what I do to avoid pimples, etcetera... and of course, to make my face smooth and soft."
"You have freckles. Not flawless, though." He chuckled.
I frowned. "Ba't may pag-atake, Kuya? Umalis ka na nga rito at matutulog na ako."
"Ayoko nga. I want to watch you. Ganyan pala kayong mga babae? Dami niyong arte—"
Mabilis kong hinablot ang hairbrush na nakapatong sa tukador bago ko hinagis sa kanya. I really hate it when someone tells me I'm maarte. Lagi pa niya akong inaasar na ganoon kaya nakakairita talaga.
"Jesus, I'm just kidding! Sakit," natatawa niyang saad habang hinihimas ang dibdib na tinamaan.
I shook my head and proceed to what I'm doing. Umalis na rin naman siya matapos niyang mangulit.
I could hardly sleep that night. Lagi naman, simula nang mangyari iyon. Halos isa hanggang dalawang oras muna akong natutulala sa kadiliman sa sobrang pag-iisip at saka na lang ako biglang makakatulog.
I've never told this to anyone yet but I guess I should buy some sleeping pills. Pero baka kailanganin ng reseta mula sa doktor. Subukan ko na lang sigurong bumili muna sa drugstore. Kung hindi pala puwede nang walang reseta, edi saka na ako pupunta sa doktor.
Nabulabog ang pagtulog ko kinabukasan nang may kumalabog sa pinto ng aking kwarto at tinatawag ang pangalan ko.
God, it's Sunday. Can't they leave me alone?
"Ate! Ate! Ate!"
My eyes snapped open. Ang aga-aga, boses ni Claudia ang bubungad sa akin? Bahala siya riyan. Puyat ako kaya matutulog pa ako.
Tinalukbong ko ang kumot sa buong katawan ko.
"Ate, bubuksan ko itong pinto mo, ah? Gising na po!" Sabay kalampag niya ulit sa pinto.
I purred like a kitten underneath my sheets. Sa pagkakaalam ko ay na-lock ko naman iyon kaya...
Oh, shiz. Right. She probably got the key in my room.
"Good morning!"
What's good in the morning when the first thing I've seen is her face? Looking so ever ready to hike on her gray tank top paired with black leggings plus the black and white Nike rubber shoes.
Yes, I got to see her outfit in a split second because the moment she pulled my sheets to uncover me, she hopped on the side of my bed and started to jump.
In short, nayanig ang buong mundo ko sa umagang iyon. Tama bang talunan ang kama ko habang nakahiga ako at nakasuot siya ng rubber shoes?!
Do I have to always remind her that she's already seventeen and not a ten year-old kid?
"Let's go jogging!"
Kinusot ko ang mga mata kong puno pa yata ng muta. Naniningkit pa ang mga matang tinapunan ko ng tingin ang alarm clock sa ibabaw ng lamesita.
Matalim na tingin ang binigay ko sa aking kakambal na ngayon ay umalis na sa ibabaw ng kama ko.
"You woke me up in 4 o'clock in the morning just to go jogging?"
Ngumiti siya sa akin at tumango.
"Gabi ako nag-jo-jogging."
"Mas magandang mag-jog kapag madaling araw, Ate. Walang araw."
I raised my brow. "Kailan pa nagkaroon ng araw sa gabi, Claudia?"
Humaba ang kanyang nguso, mukhang natanto ang pinupunto ko. Pinalayas ko na siya ulit at natulog na lang nang mahimbing. Mabuti at hindi na niya ako pinilit pa. Baka 'di ko siya matantiya kung nagkataon.
Alas nuebe y media nang gumising ako ulit. Kumukulo na ang tiyan ko kaya hindi na muna ako nag-abala pang maligo bago bumaba para kumain.
"Finally, you're awake! Good morning!" Ngiting-ngiti ang bruhong bumungad sa akin sa may sala.
Napamulagat ako at kumurap-kurap bago sinampal-sampal nang mahina ang mukha para siguraduhing hindi ako nananaginip. Hindi nawala ang lalaking nasa harapan ko.
"Who the hell let you inside our house?!"
Tumaas lang ang kilay niya habang nakangisi. Bahagyang bumaba ang tingin niya kaya pumilantik ang mga daliri ko sa ere.
"Pwede ba, umalis ka rito! Ang aga-aga, pagmumukha mo ang bubungad sa akin. Nakakasira ng araw." Umismid ako.
He chuckled. "Aga-aga, bad mood ka? I'm just being polite here, you know."
Nanlaki yata ang butas ng ilong ko sa sinabi niya. Paano naging polite ang pagpasok sa bahay ng may bahay nang hindi ko nalalaman? Did Claudia asked him to go here? At pumayag naman ang mga magulang namin?
"Nasa church ang parents mo pati si Claudia. Pinabantayan ka sa akin ng parents niyo."
Say what? Dear Lord, please tell me that this is just a joke. Bata ba ako na kailangang may bantay pa? And what is he? A babysitter? Gwapo namang babysitter nito. Kaya lang ay hambog.
Umirap ako at nilagpasan siya. Dumiretso na ako ng kusina at hinayaan siya roon. I called for our maids but no one complied to me.
Where are they? Natigilan ako sa pagkuha ng plato at kutsara nang maisip na baka wala silang pasok tuwing Linggo. 
Great. Just great! Now, am I really stuck with Son Goku?
"I know you're hungry so I cooked something."
Kunot ang noo na binalingan siya habang nagsasandok naman ako ngayon ng kanin. Umirap ako at pumunta sa may kalan kung saan may nakasalang na kawali. Binuksan ko ang takip nito at nakita ang nangingitim na... teka, hotdog ba ito o longganisa?
"Pasensiya na at nasunog nang kaunti. Nagbanyo kasi ako tapos pagdating ko rito..." Ngumisi at nagkamot siya ng tainga habang nakatingin sa akin.
"Balak mo akong pakainin ng sunog na hotdog?"
He pouted. "That's Tender Juicy. Masarap pa naman ang loob niyan."
"Pinakialaman mo ang ref namin?" Sabay tingin ko sa aming two-door refrigerator.
"Ah, yes—"
Padarag kong binitiwan ang pinggan sa mesa at tiningnan siya nang masama. Umangat ang isang kilay niya at may ngisi pa rin sa labi.
"Ba't ba ang sungit mo sa akin?" he asked after a couple of seconds.
"Do you really want me to answer that?" I retorted.
"Kung galit ka pa rin dahil sa nangyari noong unang pagkikita natin, then I'm sorry, okay?" Humahakbang siya palapit sa akin kaya ako naman ang napaangat ang kilay.
Hindi ko alam ang tunay niyang ugali. Kung mabait siya kaya naging kaibigan ni Claudia, hindi ko iyon makita ngayon. Yes, I'm still quite offended by what he did on the first time we've met. Sino ba ang hindi mababastos sa ginawa niya? Kahit napagkamalan niya lang ako, mali pa rin na gawin iyon lalo na't hindi naman siya boyfriend ni Claudia.
At kung umasta at magsalita pa, ang yabang!
"Magkano ang binayad sa 'yo ng mga magulang ko para bantayan ako?"
His eyes narrowed. "Your parents did not pay me to watch over you."
"Then, how much should I pay you to leave me alone?"
Mas tumalim ang titig niya sa akin. Binasa niya ang kanyang labi gamit ang dila kaya nangintab iyon.
"Hindi ako bayarang lalaki, Hadassah," mariin niyang saad.
Bahagyang umawang ang labi ko. For the first time, he called me by my name.
"Umalis ka na rito sa bahay namin. I don't need a chaperone or bodyguard or babysitter!" giit ko.
"Pinabantayan ka sa akin. Pumayag ako. Responsibilidad kita ngayong araw kaya wala kang magagawa roon."
Halos matawa ako sa sinabi niya. Responsibilidad talaga?
"Hindi ko nga kailangan. Please? We're not even friends, you know?" Plastik akong ngumiti at lalagpasan na sana siya nang hawakan niya ang aking braso.
"Paano kita magiging kaibigan kung ganoon? What do you want me to do? Gagawin ko lahat... kahit ano," he said seriously
Nakatingin lang ako sa kamay niyang nakapalibot sa aking braso. It was large and calloused.
Pinag-isipan ko ang sinabi niya. Just because he's friends with my twin doesn't mean I'd also be his friend. Hindi rin pinapakiusapan ang pagiging kaibigan.
Pero... ang tempting ng pagkakasabi niya ng gagawin niya ang lahat. Ganoon ba niya kagusto maging kaibigan ko?
Ngumisi ako. Napatitig siya sa akin at bahagyang ngumuso.
"Gagawin mo lahat?" ulit ko at tumango naman siya. "Kahit ano?"
Tumango ulit ang uto-uto kaya mas lumawak ang ngisi ko.
"Hmm..." Nilingon ko ang kawali sa may likuran niya. "Since sinunog mo ang dapat ay ulam ko, gusto kong bumili ka ngayon ng makakain ko."
Umaliwalas ang mukha niya. "Sure. Anong gusto mo? Magpapabili ako—"
Nanlaki ang mata ko. "Anong papabili? May utusan ka?"
Sumimangot siya. "Okay, ako ang bibili. Anong gusto mo?"
Kunwari ay nag-isip ako. Mga ilang minuto kaya mas lalong nalukot ang mukha niya.
"Gusto ko ng adobong palaka. Adobong puti, ah? Mas masarap kung medyo masustansya kaya sana may halong gulay. Papaya o 'di kaya ay pechay. I don't eat sitaw and patatas kaya 'wag iyon."
His lips potruded then he slightly chuckled. Binitiwan niya na rin ang aking braso.
"Naglilihi ka ba? Parang pinaghalong adobo, tinola at nilaga na ang sinabi mo," aniyang natatawa.
"Nope. Ano? Bibili ka ba o hindi ako papayag maging kaibigan mo?" hamon ko.
"Okay, bibili na po..."
Masunurin ba siya o sadyang gullible lang? Saan niya naman hahanapin ang sinabi kong ulam?
"Teka, saan ka bibili?" tanong ko nang makitang palabas na siya ng kusina namin.
Nilingon niya lang ako nang bahagya. "Baka sa hardware. Maghahanap ng imbentong ulam na binanggit mo," sarkastikong aniya.
Magsasalita pa sana ako kaya lang ay nawala na siya sa paningin ko. Laglag ang panga ko sa kinatatayuan habang iniisip na baka nga maghanap siya sa hardware ng pagkaing binanggit ko.
Seriously? Ewan ko sa lalaking 'yon. Alam kong alam niya na wala namang ganoon pero bakit sumige pa rin siya? O baka naman meron talaga at hindi ko lang alam na nag-e-exist naman pala?
I sighed and walked towards the stove. I looked at the poor burnt hotdogs. Kumuha ako ng tinidor at tinusok iyon. Even though I know what it would taste, I still tried a bit.
"Shiz!"
Naidura ko iyon sa pait. Hindi na nga talaga pwede, pinilit ko pa. Nagmumog na lang ako ng tubig mula sa gripo sa lababo. Nagpunas ako ng kamay sa towel na nakasabit sa may pinto ng ref nang mapatingin ako sa suot kong damit.
My eyeballs almost popped out from their socket when I realized what I'm wearing. Isang puting spaghetti strap at sobrang iksing short na halos kita na ang singit ko! Ang malupit pa roon, wala akong suot na bra!
SHIT. Walang hiyang Xayvion! Hindi man lang ako sinabihan?! Nakalimutan ko na rin na ganito ang suot ko dahil iritado ako sa kanya. Bwiset! Manyak pa naman iyon!
Nagmadali akong umakyat sa kwarto ko. Where's Kuya, anyway? May trabaho? Pero Sunday ngayon at ang alam ko ay rest day niya dapat ngayon. I don't think he's in church, though.
Mabilis akong naligo at nagpalit ng pambahay na blouse at shorts na medyo mahaba na ngayon. Uminit ang pisngi ko habang pinapatuyo ang buhok nang maisip muli ang tingin kanina ni Xayvion noong bumaba ako. Kaya pala bumaba ang tingin niya mula sa mata ko... naninilip na!
"Kaasar!" Para akong timang na kinuha ang isang stuffed toy sa kama at binalibag iyon sa sahig.
Nanlaki ang mata ko at agad pinulot iyon.
"Oh, my! Sorry!" Niyakap ko agad ito at napasimangot na naman.
Matapos kong mag-ayos ay bumaba na ako. Inabot na ako ng halos isang oras pero niisip kong wala pa rin si Xayvion. Natigilan ako nang makita siya sa kusina at naghahanda na ng pagkain sa mesa.
Nilingon niya ako at ngumisi matapos pasadahan ng tingin. Kumulo ang dugo ko at inirapan siya.
"Ano 'yan?" Baling ko sa hinahanda niya.
"Adobong puti na may palaka, pechay at papaya," simpleng sagot niya.
Lumapit ako roon sa mesa at sinilip iyon.
"Where did you get this?" I asked.
"I cooked it," pagmamalaki niya.
Weh? Nasunog nga 'yong hotdog niya tapos nakaluto siya nito.
Humalakhak siya. "I really cooked it!"
"At saan mo kinuha ang palaka?" Humalukipkip ako at nanliit ang mata sa kanya.
Ngumisi siya. "Sa bakuran ng kapitbahay namin. Nahuli ko..."
Pumikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Pagdilat ko ay binalingan na ang wirdong pagkain na nasa harapan ko.
"Hindi ba ang sabi ko ay bumili ka?"
Tumango siya.
"Why did you cook, then?" Humarap na ako sa kanya.
"Wala ka namang sinabing bawal kong lutuin."
"But I don't eat... I mean..." Nilingon ko ang kawawang palaka na nasa mangkok.
"Sa arte mong 'yan, halata namang hindi ka kumakain ng palaka," aniya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
What did he just say? Ako? Maarte? Hindi kaya ako maarte!
Okay, slight. But hindi totally! Judgmental.
"Don't worry, advance akong mag-isip. Kapag hindi mo kinain iyan, may isa pa akong ulam na niluto at dinala."
Nawala agad ang irita ko sa sinabi niya. May pa-compromise bigla, e. Umalis siya ng kusina at ilang minuto bago siya dumating ulit. May dala na siyang panibagong tupperware.
"What's that?" Naupo na ako sa isa sa mga upuan.
Binuksan niya iyon. Hindi ko mapigilang sumilip agad nang sumingaw ang pamilyar na maasim na amoy mula roon.
"Sinigang?" Nangiti ako agad nang makitang iyon nga ang dala niya. "That's my favorite!"
"I know," he said proudly.
Kumunot ang noo ko. "How did you know?"
Hindi na siya sumagot. Tinalikuran niya ako para kumuha ng panibagong mangkok at inilagay na roon ang sinigang na baboy. Kumuha rin siya ng baso na may laman nang tubig.
Nagsimula na akong magdasal saglit bago sumandok ng ulam at nilagay sa pinggan na tinakpan ko kanina rito. Unang subo pa lang ay natigilan na ako nang ma-realize na nakatayo lang siya sa tabi ko. Diretso at parang sundalong binabantayan ako.
"Uh... you can get your own plate and eat with me," sabi ko.
His face remained serious. Nakakapanibago talaga kapag seryoso ang mukha niya. Feeling ko hindi na siya si Son Goku. Para na tuloy siyang si Zain.
"Just eat..."
"Marami naman ito," sabi ko ulit at nilahad ang ulam na dala niya.
The muscles on his jaw moved and he looked away. Pinatulis ko ang aking nguso sa pagsusuplado ng lalaking ito.
"Next time, wear at least decent clothes before you go out of your room," seryoso pa rin niyang saad, hindi makatingin sa akin.
Wala sa sariling napainom ako ng tubig. Napapunas ako sa pawis na namumuo sa aking noo at leeg. Uminit yata bigla sa loob ng kusina?
Dahil ayaw niyang kumain, nagpatuloy na lang ako. Nasa tabi ko pa rin siya at nakatayo. Nakakailang tuloy. Sinabihan ko naman na siyang umupo pero ayaw pa rin.
"You're making me uncomfortable, you know that?"
He smirked without humor. "At least, I'm making you feel something towards me except feeling mad or annoyed."
Kainis! Ano ba 'yang pinagsasabi niya? Mas lalo lang akong naalibadbaran sa kanya, e.
Natapos na rin naman akong kumain. Kinuha ko ang pinagkainan ko sa mesa para hugasan iyon. Ang kaso ay hinawakan niya rin ang pinagkainan ko kaya nagkatitigan kami.
"Ako na!" Pilit kong inaagaw iyon sa kanya.
Ang malamlam niyang mga mata ay biglang pumungay na para bang antok at pagod na siya.
"Ako na, Hadassah."
Hearing him mentioning my name made my legs trembled a bit. Para bang mas makapangyarihan siya at dapat sundin. Wala akong nagawa kung hindi ang ipaubaya iyon sa kanya.
Not wanting to be rude afterall, I sat on one of the chairs and waited for him to be finished. Nangalumbaba ako at tinitigan ang likod niya hanggang dumapo iyon sa kanyang ulo.
Kung hindi lang sana ganoon ang hairstyle niya...
Biglang umalingangaw ang tunog ng isang kanta. Napaigtad pa ako sa gulat! Luminga ako sa paligid nang magsalita si Xayvion.
"Can you please answer the call? That's my phone."
"Huh? Saan nakalagay?" Tumayo ako.
"Taas ng ref."
Kinuha ko nga iyon at lumitaw ang pangalan ng aking kapatid. She's calling him? Pero bakit? Hindi ba ay nasa church siya?
"Answer it. It's Claudia," he said. Paano niya nalaman?
I swiped the green button and put the loudspeaker on. Para marinig ni Xayvion, syempre.
"Hello? Save?" bungad ni Claudia.
Tumikhim ako. "Claudia?"
Matagal bago siya sumagot. Lumapit ako kay Xayvion para sana ibigay na iyon dahil tapos na siyang maghugas pero sinenyasan niya akong ituloy lang ang pakikipag-usap habang nagpupunas ng kamay sa suot na pantalon.
"A-Ate? B-bakit ikaw ang sumagot? Si S-Save?" nauutal pang aniya.
"Naghuhugas siya ng pinggan kaya pinasagot niya sa akin. Tapos naman na siya kaya ibibigay ko na..."
Nilahad ko ang phone kay Xayvion. He sighed deeply and received the phone. May pinindot siya roon sa screen bago iyon itinapat sa kanyang kaliwang tainga.
"Yes, Claudia," he said with his low voice.
I raised my brow and rolled my eyes. Tinalikuran ko siya at lumabas na ng kusina. Baka kasi hindi pa sapat ang ginawa niya at kailangan pa nila ng mas matinding privacy.
Dumiretso ako sa labas ng bahay. Napagdesisyunan kong diligan na lang ang mga halaman na nakita roon. Magwawalis na rin siguro para naman kahit paano ay may pakinabang.
Inayos ko na ang water hose at binuksan ang gripo na nakakonekta roon bago itinapat sa mga halaman. Pasalamat 'tong mga halaman at madidiligan sila ngayong araw. Mukhang natutuyo na kasi sila.
Napatalon ako sa gulat nang tumunog ang doorbell namin. Si Kuya Kaius kaya 'yon o sina Claudia? Wala ba silang susi?
"Wait lang!" sigaw ko dahil sunod-sunod ang pagpindot niya roon.
Binitiwan ko ang hose bago pinatay ang gripo. Sasapakin ko talaga si Kuya kapag siya iyon. Hindi makapaghintay? Gigil na gigil lang?
"Wait nga lang! 'Di makapaghintay!"
Handa na ang kamao kong tatama sa kapatid nang buksan ko iyon.
"Hindi ka ba makapag—"
Isang pares ng misteryosong mga mata ang bumungad sa akin. "Sorry. Did I disturb you?"
Nangapa ako ng sasabihin. Bakit nandito itong si Zain?
"Wala rito ang kapatid ko kung siya ang hinahanap mo," mataray kong sinabi.
"I know."
"E, bakit ka nandito? Ban ka rito! Shoo!" Hinawi ko pa ang kamay ko para paalisin siya.
He glared at me. I raised my head and met his sharp eyes. Umigting ang panga niya at bahagyang tumagilid ang ulo. Kuminang tuloy ang hikaw niya.
"I'm not a dog that you can just shoo away."
Akala niya naman ay matatakot ako?
"Yes, you're a dog! You're my twin's pet! Lagi kang nakasunod sa kanya, 'di ba?" pang-aasar ko at ngumisi.
Isang malaking hakbang paabante ang ginawa niya kaya napaatras ako. Nawala rin ang ngisi ko sa mga labi.
"I'm not your sister's pet!" Pulang-pula ang kanyang tainga nang tingnan ko iyon.
I laughed mockingly. Oh. Did I just trigger his mad button? I'm so proud, then!
"Bakit ka lapit nang lapit sa kapatid ko? Ganyan ang mga aso, e. Sunud-sunuran. Ikaw, sa kapatid ko—" I was cut off when he suddenly grabbed my arm harshly.
Ngumiwi ako sa sakit. Sobrang diin nang hawak niya roon. Mariing nakatikom ang kanyang mga labi at sobrang lapit ng kanyang mukha sa akin.
"Aray ko! Let go of me!"
Tinulak-tulak ko ang kanyang matigas na dibdib pero ni hindi man lang siya gumalaw kahit kaunti.
"Bawiin mo ang sinabi mo!" sigaw niya sa mukha ko.
"Bitiwan mo ako sabi, e!"
"Bawiin mo ang sinabi mo kung hindi ay makakatikim ka sa akin," seryosong sambit niya.
Kumabog nang malakas ang dibdib ko at nanlamig ang buong katawan. With his massive body, isang sapak lang niya ay baka isugod na ako sa ospital.
Labag man sa loob ay wala akong ibang nagawa kundi...
"XAYVION!" buong lakas kong isinigaw ang pangalan ng taong iyon na halos pumiyok ako.
Zain's eyes widen and his lips parted a bit before he let go of my arm. Wala pa yatang dalawang segundo ay narinig ko na ang yapak mula sa likuran ko. Sa mga oras na iyon ay halos sumabog na ang dibdib ko sa sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko.
"HOY! Ano 'yan?!"

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    s******1@gmail.com

    Sobrang ganda basahin nito based sa review. Highly recommended story. worth it sobra. Keep it up author!

    22/06/2022

      3
  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im excited to read this

    09/04/2022

      3
  • avatar
    CastilloClemente

    nice one

    22/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata