logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 2

Chapter 2
Hindi na mapakali si Kuya Kaius nang makita akong hirap sa paghinga. His anger towards Zain was halted because of my sudden allergic reaction.
"I-I'm... sorry!" naiiyak na si Claudia nang sabihin iyon. "I didn't know-"
Pumikit ako nang marinig ang pagtaas ng boses ni Kuya. "Call an ambulance!"
Nang dumilat ay nakita ko ang pagtango ni Claudia. Hinawakan ni Kuya ang braso at balikat ko. Hinagod niya ang likod ko kaya huminga ako nang malalim. He was looking at me worriedly as he told me to breathe in and out.
"W-Water..." utas ko sa hirap na boses.
"Eliza! Beth! Nasaan na ang tubig?"
Napahawak ako sa braso ni Kuya Kaius. Nahihirapan lalo akong huminga habang tumatagal.
"Sir! Ito po ang tubig at g-gamot." Inabot ni Eliza kay Kuya ang dalang baso at gamot gamit ang nanginginig na kamay.
I put the familiar med inside my mouth as I drank the water. Nakahilig na ako sa inuupuan at nakapikit habang inaayos ang paghinga. Naramdaman ko ang pagpunas ni Kuya Kaius sa aking noo at leeg gamit ang towel kaya dumilat na akong muli.
"Nahihirapan ka pa bang huminga? Shall I take you to the hospital now?" he finally spoke after a couple of minutes.
Umiling ako sa tanong niya. Huminga siya nang malalim at pinagpatuloy ang pagpupunas ng pawis sa aking leeg.
I was so young when we discovered my allergies to nuts. I'd usually take some antihistamine for faster effect if it was only mild.
There was one time, years ago, when I had to be confined in a hospital because of my allergy. Hindi dahil sa naparami ang kain ko ng mani, kundi dahil sa kadahilanang nalaglag ako sa hagdan habang nasa school kami matapos kong makakain ng pagkaing may mani at halos kapusin ng hininga at mawalan ng malay.
"Is she okay?" the familiar rough voice resounded.
Natigilan ang kamay ni Kuya sa ginagawa at nilingon ang nagsalita. Lumingon din ako at tiningala ang tila walang muwang na si Zain.
"What do you think? Idiot!"
"Hey, you have to put some money in the penalty box," I told my brother.
I saw how his brows furrowed. "I didn't even curse!"
"But you called him idiot. It's a bad word."
He groaned and rolled his eyes. I was just only kidding, though. Pero nagulat ako nang lumapit siya sa may estante kung saan nasa ibabaw nito ang penalty box. Humugot siya ng papel na pera mula sa wallet at naglagay doon.
"Kuya, the ambulance is coming!"
Namilog ang mga mata ko sa anunsiyo ni Claudia. Oo nga pala at inutusan siya ni Kuya na magtawag ng ambulansiya. Pero ayos naman na ako.
Minutes later, the ambulance came. Si Kuya Kaius na ang kumausap sa mga taong nasa labas habang ako, si Claudia at ang kaibigan niya ay nanatili sa sala. Kuya knew how I hated to be in a hospital and now that I felt alright, I didn't have to go there.
Namumula ang ilong at mata ni Claudia nang lingunin niya ako. Muntik pa akong atakihin sa puso sa nakakabigla niyang ayos. Kung iyakan niya ako ay parang nag-aagaw buhay ako, ah?
"I'm really sorry, Ate Aisa. Hindi ko alam na may peanut butter sa mga sandwich na ginawa nina Eliza at Beth..."
"It's okay. It wasn't your fault."
Kung hindi pa siguro kumain si Kuya Kaius ng sandwich habang binabara ng tanong si Zain ay hindi ko pa napansin agad ang kinakain ko. There was a bad habit of mine where I eat whatever someone's giving me every time I'd feel sad, lonely or pissed off. Kaya hindi ko agad napagtantong peanut butter na pala ang kinakain ko.
"Buti na lang at may antihistamine sa first aid kit," wala sa sarili kong saad. Hindi ko maalala kung may nadala bang gamot si Kuya pero siguro ay meron nga at iyon ang ininom ko.
Claudia looked at her friend. Zain's presence was dark as he looked at me bluntly.
"Galing kina Zain ang gamot, Ate."
Oh. Hindi ko napansin na nawala siya sa bahay namin habang inaatake ako ng allergy. Ang bilis niya namang umalis at bumalik? They lived few meters away from our house, anyway, so it must be possible.
"Thanks," sabi ko at nilingon si Zain.
He only nodded in response. Nang pumasok si Kuya ay seryoso ang kanyang mukha. He only glanced at us and his eyes remained on me.
"Aalis ako, Aisa. Ikaw muna ang bahala kay Claudia."
Kumunot ang noo ko. "Saan ka pupunta? Malapit nang gumabi, a?"
"Something important. Just... stay here, alright? Huwag kayong aalis ng bahay."
Nilingon ko si Claudia. Umamba siyang magsasalita pero inangat ko na ang kaliwang kamay ko para pigilan siya.
"We're going somewhere later, Kuya. Sasamahan ko si Clau sa lakad nila ng mga kaibigan niya-"
"Ano?" Kuya stopped me from talking harshly. Nilingon niya si Claudia.
"Magpapaalam kami ulit kina Mom at Dad," ani Claudia.
"Uh, yeah..."
"Sinong mga kaibigan, Clau?" seryoso at malamig na tanong ni Kuya sa kanya.
Lumikot ang mga mata ng kambal ko. She looked at Zain helplessly before turning to me. Ngumuso ako at nag-abang din ng isasagot niya.
"Toni, Reah, Zed... Zain."
Tumaas ang kilay ni Kuya Kaius at nilingon si Zain. My lips slightly parted when I saw him discreetly glancing at me.
"Ikaw na naman?" Kuya groaned. "Tell me, Clau. Why does it seem like he's always been here in our house?"
"Because... he's my... uh, best friend, Kuya," Clau answered him with utmost fear in her voice.
"Best friend!" Kuya repeated unbelievingly with wide eyes.
I rolled my eyes at him.
"A-And he's living beside our house," patuloy ni Claudia, dahilan kung bakit lalong nalukot ang mukha ng kapatid namin.
"He's living..." hindi na naipagpatuloy ni Kuya ang sasabihin dahil mukhang hindi pa siya makapaniwala.
"You're so OA, Kuya." Umirap ako sa kanya. "Ano naman ngayon kung best friend siya ni Clau at nakatira sa tabi natin?"
He looked at me with wider eyes. "Hindi mo naiintindihan!"
Ano ang hindi maintindihan? Siya itong hindi ko maintindihan, e. He was acting like he'd just found out, once again, that I had another boyfriend. Only that his anger was directed toward my twin.
"I can't see what's wrong being a friend to your sister."
Lahat ng mata ngayon ay nakatingin kay Zain nang sa wakas ay nagsalita na. His thick brows were tied in a knot as he looked grimly on my brother and moisted lips slightly protruded.
When he stood up, he was almost the same height as my Kuya. If my calculation was right, my brother stood six foot and four inches so this guy was also a six footer. Only my brother was one or two inches taller than him.
Sa katawan, hindi maipagkakaila na mas malaki ang pangangatawan ni Zain. Kuya did exercise, but Zain probably went to gym to achieve that massive body.
"I don't like you around my sister," Kuya spat viciously.
"But I like being around your sister," naghahamong balik ni Zain kay Kuya.
"What did you say?" Kuya advanced forward and grabbed his collar.
Mabilis ang pagtayo ni Clau para paghiwalayin ang dalawang lalaki. My sight dropped down on the tiled floor. Pinaglaruan ang mga daliri at hinintay na matapos ang pagtatalo ng mga ito.
"Kuya, please, stop it. Mabait si Zain at-"
"Oh, damn it!"
Umangat ang ulo ko at ngumisi. "That should be worth of thousands, Kuya Kaius. Direct, clear, and absolutely a cuss."
Ngayon, tatlong pares ng mga mata ang nakatuon sa akin. Kumunot ang noo ko at pinatulis ang nguso.
"Did I say something wrong?"
Marahas na binitiwan ni Kuya Kaius ang kuwelyo ni Zain. Hindi natinag ang huli at sa halip ay nagtunggali sila ng tingin.
"Hindi pa tayo tapos. Tandaan mo 'yan!" mayabang na sinabi ni Kuya bago naglabas muli ng pera sa kanyang wallet at inihulog sa penalty box.
Zain resumed talking to my sister like nothing happened as soon as Kuya walked out of the living room. Kinalma ko muna ang sarili bago nagpaalam sa kanilang dalawa na aakyat muna ng kuwarto para magpahinga.
Nang dumating ang mga magulang namin ay wala na sina Zain at Kuya sa bahay. Samantala, nagpaalam naman ulit si Claudia sa mga magulang namin sa lakad na tinutukoy niya. Naging kampante sila na magkasama kaming dalawa at dahil siguro na rin ay kilala nila ang mga kaibigang tinutukoy ng kapatid ko.
I expected them to get strict, though.
"Don't stay out too late, girls. Magmo-movie marathon lang ba kayo?" tanong ni Mommy.
Ngumiti si Claudia habang tumatango. "Yes, Mom, as always."
As always? Mukhang madalas ginagawa ito ng kapatid ko, ah? At mukhang ayos na ayos lang sa magulang namin? Kung ganoon ay mas istrikto pa pala si Kuya sa akin noon. Ni hindi nga ako makaabot ng alas nuebe sa labas kasama ang kaibigan o kaklase.
"Mag-o-overnight kayo?" si Daddy naman ang nagtanong ngayon.
"Pwede po ba, Dad?" Pinagdikit ni Clau ang dalawang palad at nagpa-cute sa aming ama.
"As long as you're with Hadassah, it's fine with me..."
Nanlaki ang mata ko sa agarang desisyon niya. Seryoso ba sila sa sinasabi nila? Hahayaan nilang makitulog itong kapatid ko, pati ako, sa bahay ng kaibigan niya na hindi ko naman kilala?
Lalabas na sana ang protesta sa bibig ko nang makita ko ang tuwang-tuwang reaksiyon ng kakambal. Napakawalang puso ko naman kung sisirain ko pa ang maliit na bagay na nagpapasaya sa kanya.
Maliit na bagay... tsss.
Sinabihan ako ni Clau na magdala ng kahit dalawang pares ng damit. Isang pantulog, at isa ulit para sa araw ng uwi namin. Marami pa siyang ibinilin bago ako nag-ayos ng gamit para sa sinasabing overnight.
"Excited na ako! Lika na, Ate Aisa!"
Dala ang isang backpack na may lamang damit at ilang gamit, nagpatianod na ako sa hila ni Claudia palabas ng bahay.
Busangot ang mukha ko nang tuluyan kaming makalabas ng gate. Hawak pa rin ako ni Claudia sa braso nang tumigil kami sa harap ng isang kulay pulang SUV.
"Teka lang, Ate. Nakalimutan ko pala 'yong cell phone ko." Mabilis niyang binitiwan ang braso ko at nagmamadaling pumasok ulit ng bahay.
Hinampas ko ang braso nang maramdamang may maliit na insektong sumisipsip ng dugo ko roon. Bumaba ang tingin ko sa braso nang marinig ang pagbukas-sara ng SUV na nasa harap.
Mula roon ay lumabas ang isang mestizo, matangkad, at mukhang hambog na lalaki. Bahagyang nakangisi at kagat ang ibabang labi habang ang mga mata ay pilyong kumikinang sa ilalim ng buwan nang tumama ang tingin niya sa akin.
At ang kanyang buhok ay naka-wax at nakataas na akala mo ay papatay na ng mga butiki.
"Long time no see, Claudia," he greeted arrogantly as soon as he stopped and towered over my 5'6 height. I could smell his manly scent from where he was standing.
Natuod ako sa kinatatayuan nang yumuko siya para dampian ng mababaw at mabilis na halik ang pisngi ko. Tumingala lang ako para tingnan siya gamit ang nanlalaking mga mata nang marinig ang halakhak niya.
"This is a miracle! You did not pinch me for kissing you?" tila namamangha pa siya nang sabihin iyon.
Mas lumaki ang ngisi niya nang hindi ako nakapagsalita o nakagalaw man lang.
Did he just kiss me? Because he thought I was Claudia when basically I wasn't?
Biglang nag-init ang ulo ko sa naisip. Sa sinabi niyang iyon ay para bang ipinaalam niya pa sa akin na madalas niyang gawin iyon sa kapatid ko na labag sa loob nito. How could he! Ginawa pang cheap ang kambal ko!
Awtomatikong lumagapak ang palad ko sa kaliwang pisngi niya. He didn't flinch, though, as if expecting it to happen anytime. My palm stung but I pretended it didn't hurt.
Sa liwanag na nagmumula sa poste malapit sa bahay namin ay namataan ko ang bakas ng kamay sa kanyang pisngi. Nakita ko rin kung paano gumalaw ang kanyang pormadong panga at sumeryoso ang kanina'y pilyo at ngumingiting mata nang magtagal ang titig niya sa akin.
"You are not Claudia," he observed.
Humalukipkip ako at mas lalong nag-angat ng tingin para pantayan ang mapanghusgang titig mula sa kanya.
"Yes, I'm not Claudia. But that doesn't mean I don't have the right to slap you-"
"Shit! You really are not Claudia!" putol niya sa sinasabi ko. "Then who are you? Oh, fuck..."
His dark, menacing pair of eyes widened when he probably realized something.
"You fucking are not Claudia!" he repeated for the nth time.
Umikot ang bilog ng mga mata ko. Ano bang meron sa lalaking ito at makailang ulit kung sabihin ang sinabi? Sirang plaka?
I was about blow some fire on him when the gate noisily open and revealed my twin. Nilapitan ko ang kambal at hinawakan sa braso bago itinuro ang lalaking nambastos sa akin kanina.
"That guy, Claudia, do you know him?"
Kumunot ang noo niya at nilingon ang tinutukoy ko. Ang malambot na ekspresyon ng kapatid ko ay nalukot nang makita ang taong nasa harap namin.
"X-Xayvion? I thought you're in New York?" Claudia asked him confusedly.
Son Goku, or Xayvion as his real name, was looking at us back and forth. Umawang ang kanyang labi at kung may ilalaki pa ang mga mata niya ay ginawa niya na. Ilang sandali pa ay kumurap-kurap naman siya at itinuro kaming dalawa.
I bit my lip to supress a chuckle. In all fairness, he looked like a lost, confused, and cute kitten. But he was too big to be called kitten so I'd rather take it back.
"There are two Claudia here!"
Isa lang ang Claudia, Xayvion. Iyon ang kakambal ko. My name is Hadassah Leona. Malayong-malayo sa Claudia.
"Wow!" he exclaimed as he slowly smirked. "I have seen identical twins before but..." Tinuro niya ako. "You... you look like Clau's doppelganger! You are so much..."
Hinawi ko ang kamay niyang nakaturo sa akin at kumunot ang noo. Anong doppelganger? Kababanggit niya lang ng salitang twin tapos sasabihin niyang doppelganger ako? Was he kidding me?
"Save!" tawag ni Claudia.
"For your information, I'm not Claudia's doppelganger or whatever. I'm her twin."
Nagulat ako nang nilahad niya ang kamay niya sa harapan ko. Nanumbalik ang malokong ngisi sa labi at mata niya habang hinihintay akong abutin ang kanyang kamay.
"Nice to meet you, Claudia's twin," bakas ang panunuya sa sinabi niyang iyon.
I don't wanna be rude like him so... I reached and accepted his hand.
"Call me Aisa," I introduced politely.
Hindi nawala ang ngisi niya sa kanyang labi habang tinitingnan ako. Bumagsak ang titig ko sa malaki at magaspang niyang kamay na halos sakupin ang buong kanang kamay ko. Bahagya ko iyong pinisil at agad binawi ang sariling kamay.
"Oh! Sorry!" Tumawa siya. "Pareho kayo ng kamay ni Claudia. Hmm.... smooth and soft."
Hindi ko na pinansin ang pang-aasar niya. Nilingon ko si Claudia at nakitang tahimik lang siyang nanonood sa amin. Kung hindi ko pa siya siniko ay hindi pa siguro siya matitinag sa pagkatulala.
"Uh, s-si Zain? Akala ko ay siya ang s-susundo sa a-amin?" nagkandabuhol na ang mga salitang lumabas sa bibig niya.
I watched her as she looked like a riped tomato who could not look at Xayvion's wicked eyes. Inabot ng lalaki ang bag na dala ng kambal ko bago ito nagsalita.
"Nauna na si Zain sa bahay ni Reah. Bakit? Ayaw mong ako ang magsundo sa... inyo rito?" he asked playfully as he took a glance on me.
Sinubukan niyang kunin ang bag na dala ko pero umiling ako. Ngumisi siya lalo at pinagbuksan si Claudia sa front seat ng kanyang Trailblazer.
"Hindi naman. Uh, 'di ko lang ine-expect na nandito k-ka na pala sa Pilipinas." Pumasok na si Claudia matapos sabihin iyon.
Xayvion then opened the backseat for me. Tahimik akong pumasok sa loob at pinanood siyang ilagay sa tabi ko ang bag ni Claudia.
"Thanks," mahina kong sinabi bago sinara ang pinto.
Kahit tinted ang salamin ay nakita ko pa ang pagkunot ng noo niya bago umikot sa harap ng sasakyan para pumasok sa loob. Nilingon ako ni Claudia mula sa harap.
"Okay ka lang diyan, Ate?"
Tumango ako. Humalakhak si Xayvion bago binuksan ang makina ng sasakyan.
"Damn. It feels weird to be in the same tight and closed place with two Claudia," aniya habang nagmamaneho.
"Save, ano ba? Tigilan mo nga 'yan. Baka mailang si Ate," saway ng kambal ko sa kanya.
Sumilip ako sa rear view mirror at nagsalubong ang mata namin ni Son Goku.
"So, Claudia's twin-"
"Can you please call me by my name?" iritado kong putol sa sinasabi niya.
Mabilis kaming nakalabas ng subdivision. Sakto lang ang bilis ng patakbo niya sa loob kanina pero nang nasa highway na ay halos atakehin ako sa puso nang humarurot ang sasakyan.
Holy Mother of Jesus Christ.
"Save! Slow down!"
Napakapit ako sa hawakan sa may pintuan dahil sa kaba. Xayvion laughed and made a sharp right turn. Pumikit ako at nagdasal ng Apostle's Creed at Ave Maria sa isip. Kahit ang buhay ay parang impyerno, ayaw ko pang mapunta roon nang tuluyan.
"We're here!" anunsiyo ni Xayvion na nagpadilat sa akin.
Mabilis pa ang pintig ng puso ko at tingin ko'y nanlalambot pa ang mga binti. Tahimik din si Claudia kaya naman agad akong pumagitna sa harap nila at nilingon siya.
"Clau? You okay?"
Mabilis ang pag-angat-baba ng kanyang dibdib pero nagawa niya pa ring tumango. Goodness! Kapag may nangyaring masama sa kapatid ko ay malalagot ako panigurado.
"Hey, it's okay. We're here..." ani Xayvion kaya nilingon ko siya.
I couldn't hide my irritation towards him. Paanong nagawa niyang halos patayin kami sa kaba sa bilis niyang magpatakbo at sabihing ayos lang iyon? Kung hindi makapagreklamo ang kapatid ko dahil mala-anghel ang ugali niyan, puwes ako, hindi!
Sa sobrang inis ko, sinabunutan ko ang mala-Son Goku niyang buhok. Nag-react agad si Claudia nang makita ang ginawa ko habang panay naman ang angil at reklamo ng hudyo.
"Ow! Aw! Shit! What the hell! Not my hair!"
Halos buong lakas ko ay binigay ko na sa pagsabunot sa kanya. Hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako sa ginagawa.
"Ate! T-Tama na 'yan, please!" Hinawakan din ako ni Clau sa braso at bahagyang hinila.
Isang sapak pa sa mukha ni Xayvion at napamura siya nang sunod-sunod. Hinila ulit ako ni Claudia kaya humiwalay na ako sa lalaking iyon.
Ha! Buti nga sa kanya! Inayos ko ang aking buhok at pinagtaasan siya ng kilay, hindi pa rin umaalis sa pagitan nilang dalawa.
He glared at me as he tried to fixed his hair.
"You ruined my hair!"
Nagtaas ako ng kilay at ngumisi. Mas maarte talaga ang mga lalaki pagdating sa kanilang buhok.
"You're so arte," I drawled and widened my smirk.
Kumunot ang noo niya at tila handa na akong sapakin nang tinawag ulit ako ni Claudia. Nilingon ko na siya at bumuntonghininga.
"Let's go now, Ate," malamig niyang utas bago nagtanggal ng seatbelt at lumabas ng sasakyan.
"Nagalit tuloy," rinig kong natatawang sambit ni Xayvion.
Umirap ako at hindi na siya pinansin. Kinuha ko ang bag namin ni Claudia at lumabas ng sasakyan. Padabog kong sinara ang pinto at luminga para hanapin ang kakambal pero ibang tao ang bumungad sa akin.
"Let me help you," Zain said with his natural deep, husky, and almost alluring voice.
Nanlalambot ang mga binti at nanginginig ang mga kamay na tumango ako. He extended his strong arm with visible, almost popping veins to reach the two bags I was holding. Is he some sort of a wrestler or what?
"Ayos ka lang?" tanong niya sa mas malalim at mas mababang boses.
Tumango ako at tiningala siya. Naningkit ang mata ko nang tamaan ng ilaw ang hikaw sa tainga niya.
"You look pale," puna niya at walang pasubaling idinampi ang likod ng palad sa aking noo.
With that, I hyperventilated as I heard Xayvion's voice calling out for Claudia's twin.

Komento sa Aklat (42)

  • avatar
    s******1@gmail.com

    Sobrang ganda basahin nito based sa review. Highly recommended story. worth it sobra. Keep it up author!

    22/06/2022

      3
  • avatar
    Sejirou02

    wow great plot im excited to read this

    09/04/2022

      3
  • avatar
    CastilloClemente

    nice one

    22/07/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata