logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Unwanted Love

Unwanted Love

Gemorya


Simula

Have you asked why you are still alive? Kahit gustong-gusto mo nang mawala? Kapag sinabi mo sa iba na gusto mo nang mamatay ang isasagot nila. "Ang daming naghangad na mabuhay sila tapos sasayangin mo lang ang buhay mo?" Why? Hindi rin ba nila alam na ang hirap ng mabuhay. Sa bawat paghinga ang hirap-hirap na.
"Hoy bruha, ano naman 'yang iniisip mo?" Napatingin ako sa babaeng nasa harap ko na, one of my best friends.
"Nothing, I was just curious why I'm still alive?" Kibit-balikat kong sabi.
Tinulak niya naman ang noo ko. "Tanga, malamang ayaw pa ng Diyos na mamatay ka, tigilan mo nga 'yang mga pinagsasabi mo at ako'y naiinis na, tumayo ka na r'yan, pupuntahan pa natin si Mary."
Ramdam ko ang bakas na inis sa tono niya, she sat down at the couch habang inaantay ako. Inayos ko rin naman ang gamit para makaalis na kami. Pupuntahan pa namin ang isa naming kaibigan.
"Wait, how did you come in?" I asked. Hindi ko naman siya pinagbuksan kanina, bigla lang siyang dumating sa likuran ko.
"Obviously, you didn't lock the door, duh." Umirap siya sa'kin. "Pag ikaw naluoban dito ng masasamang loob nako! Baka talaga matuloy na 'yang pinapangarap mong mamatay."
Bigla naman akong natakot sa sinabi n'ya. Yeah, I want to die pero ayaw ko naman mamatay dahil pinatay, I want accident or may sakit. See? Ang choosy ko.
Nakalabas na kami at pumunta na sa kung nasaan sakayan. "Huwag ka ngang manakot," wika ko. She looked at me and her eyebrows frowned.
"Kailan pa natakot mamatay ang gusto nang mamatay?" she said. Napabuntong hininga ako, oonga ba't ako natatakot eh, gusto ko na ngang mamatay.
"I don't know," sambit ko habang nakatingin sa kawalan. I saw her shrugged her head.
"My friend, stop thinking your problem, isa palang 'yang problema mo marami pang nag-aantay d'yan."
"Are you motivating me or you're just giving me some shit of advice? Mag-aantay ako na may problema pa?" I asked habang nakataas ang isa kong kilay.
"Yes, gusto mo 'yon hindi ba? Ayaw mong makinig sa'min eh, sinabi na tutulungan ka namin but you refused." she said sabay inirapan ako.
"Ayaw ko lang na magkaka-utang sa inyo. Hindi ko alam kung paano ko kayo mababayaran?" sagot ko naman, ang dami na nilang naitulong sa'kin.
"We're your fucking friends, your problem is our problem too." sabi nito, halata na ang inis sa sinabi kong ayaw magkakautang. Ayaw ko lang talaga maging pabigat sa ibang tao.
"Thank you Yancy, but trust me I can handle it." I smiled to assure her na ayos lang ako.
"You better do at 'wag mo na ulit isipin kung paano mamatay baka kami na papatay sa 'yo kung hihilingin mo na naman." sambit niya kaya napangiti ako. Sakto at dumating na ang jeep. Isang sakay lang naman kung saan nakatira si Mary.
Yancy lived with her parents same as Mary. While me, I lived with myself. I don't have a family. 'Yong problema na kanina pa namin pinag-uusapan, problema ko kung paano ko kakalimutan ang nangyari sa pagkatao ko.
I'm the seed of unwanted relationship, unwanted child. Disgrasya. My name is Grace but I'm a disgrace. Hindi ko alam kung bakit ayaw ng Tatay ko sa akin. Simula no'ng tumira ako sa bahay nila kasama ang tunay na asawa n'ya which is kapatid din ng Nanay ko, that's the start of my shit life. Magulo 'di ba? I don't even saw my mother's face, sabi ng iba kong kamag-anak my mom died when she gave birth to me.
I have also a brother, Kuya ko na iba rin daw ang ama pero hindi ko kilala dahil bago namatay si mama pina-ampon niya ang Kuya ko, 'yon ang sabi ng isa kong Tita na super close ko, si Tita Tisa. But apalayo na rin ako sa kanya nang nagdalaga ako, dahil kinuha ako ng Tatay kong walang kwenta. Pero hindi ako nakatiis kaya umalis din ako sa kanila.
Ginawa nila akong kasambahay, maski 'yong Tita Mina ko na asawa ng Tatay ko ay gano'n din, sumabay pa ang mga anak nila. Hindi na nga ako nakapag-aral pa dahil sa mga utos nila, minsan nga sinasaktan pa ako ng pisikal.
Nalaman iyon ni Tita Tisa kaya kinuha niya ulit ako sa puder ng Tatay ko. Siya ang nagpa-aral sa akin, ang bait niya kahit marami rin siyang anak. Hindi niya ako pinapabayaan, mababait din ang mga anak niya, mga pinsan kong nakakasundo ko.
Pero dumating ang araw na nag-college na ako, hindi na nila kakayanin ang gastos dahil college na rin ang mga anak niya kaya nakapagdesisyon ako na ako na ang bubuhay sa sarili ko. Pero bibisita pa rin ako sa kanila.
Ang dami ko pang plano sa buhay. Hahanapin ko pa ang Kuya ko kahit hindi ko kilala ang mukha niya. Wala namang nagsabi na kailangan kong hanapin ang Kuya ko pero siya nalang ang natitira kong pamilya.
"Hoy, nakikinig ka ba?" Napaatras ako nang hampasin ako ni Yancy. I'm spacing out again.
"Sorry, anong sabi mo?" I asked. Umirap naman siya.
"Kung saan-saan na naman napunta ang isip mo, I said, narito na tayo kina Mary." sambit niya at tinuro ang malaking bahay.
Mayaman sila Mary, mansion na nga ang bahay nila eh, si Yancy naman may kaya ang pamilya niya, nabibili nila ang gusto nila. While me? wala. Tamang nga-nga lang sa gilid.
Nahihiya na nga ako sa kanilang dalawa dahil sila na halos nagpapakain sa akin. "Tara na." Hinila niya ako papunta sa malaking gate. Nag-doorbell naman siya at agad naman pinagbuksan ni Kuya guard.
"Good morning mga ija," bati niya sa amin. Kilala na kami rito sa mansion, halos araw-araw ba naman kasi kami rito. Mababait ang mga tauhan nila Mary, kagaya ng magulang niya.
"Good morning Kuya, pasok na po kami." Masiglang wika ni Yancy. Pagkapasok namin nakita namin si Tita Mara, ang mommy ni Mary, Donya Mara ang tawag sa kanya ng iba pero kami ni Yancy gusto niya Tita nalang daw ang itawag namin sa kanya
"Hi Tita," bati namin.
"Mga ija" masayang banggit niya.
"Mukhang busy po kayo?" tanong ni Yancy.
"Yes ija, nagpapahanda ako dahil uuwi ang kapatid ni Mary." sabi niya.
May kapatid pala si Mary. "Akala ko po Tita nag-iisa lang ang anak mo." sabi ko.
"No, Mary has an eldest brother, matagal siyang wala rito sa Pinas kaya hindi niyo pa siya nakikita." sabi ni Tita. I nodded.
"Mommy!" rinig naming sigaw. Tumatakbo si Mary pababa ng hagdan.
"Anak, Yancy and Grace are already here, kakagising mo lang." sambit ni Tita kay Mary.
"Sorry mom, masaya panaginip ko bawal isturbohin." Nakangiti pa siya habang nakahawak ang dalawang kamay na parang kilig na kilig.
Napailing nalang ako dahil sa pilya naming kaibigan. "Sige na, maiwan ko na muna kayo, mag-ingat kayo ah? Ipapahatid ko na kayo." sabi ni Tita. "Aasikasuhin ko muna ang mga handa, pumunta kayo rito mamaya dahil ipapakilala ko kayo sa anak ko." dagdag pa niya at umalis na. Lumapit naman sa amin si Mary at niyakap kami pero sabay naming siyang tinulak.
"Nag toothbrush ka naba?" tanong ni Yancy, kaya napangiw sa kanya si Mary.
"Arte, hindi ko naman kayo hahalikan eh." wika ni Mary sabay irap sa amin.
"Maligo ka na, aalis na tayo. Mahaba pa ang pila mamaya." sambit ko, napaka bagal kumilos ng isang 'to.
"Yes boss amo, ayaw mo kasing mapunta sa last section kung mahuli tayo sa pag-enroll." wika niya sabay irap.
Yeah, sanay na ako sa first section. First year college ko silang nakilala. We have the same course, Psychology. Ironic right? I am Psychology student but sometimes, I am a suicidal person. People said, we should be the one who will help some people na may mental disorder, understand human behavior and counseling them.
But to think is, we also need help, we also experience anxiety. We also experience depression. But no one knows, because they think we can handle ourselves, kaya nga raw namin gumamot at mag-advice sa iba pero bakit daw sa sarili namin hindi namin magawa.
I don't know either. May nagsabi pa nga sa akin dati na. "Pyschology student ka pa naman pero ganyan ka kahina."
Masakit 'yon, maiisip mo na walang may pake sa'yo. Wala raw kwenta na nag Psych ako dahil sarili ko nga hindi ko kayang ayusin sa ibang tao pa raw kaya? Pero hindi ako nagpapadala. I love my course, ito ang pangarap ko. Bakit ako makikinig sa opinion ng iba kung negatibo lang naman ito.
Kaya simula noong naging kaibigan ko si Yancy at Mary tumatag ako. Alam kong may mga pinagdadaanan din sila pero kinaya rin nila kaya gano'n din ako, minsan nga lang naiisip ko ulit sumuko.
Lahat naman ng kaklase naming ay kaibigan namin, unti lang kami at sana hanggang ngayon makita pa rin namin sila. "Let's go," sabi ni Mary na nakababa na ulit. Fresh. She's wearing a floral dress na fit sa kanya.
"Taray nag dress," I commented, bagay kasi sa kanya ang suot niya.
"Yes girl, para maiba naman ako sa inyo, you wore the same eh." aniya. Pareho kaming napatingin ni Yancy sa isa't isa. I am wearing simple T-shirt and pants, gano'n din si Yancy, kulay lang nag-iba sa amin. Nagpa-alam na rin kami kay Tita bago umalis.
"Nasaan pala si Tito?" tanong ni Yancy nang nakasakay na kami sa kotse nila Mary.
"Sinundo si Kuya," tipid na sagot ni Mary.
"You didn't tell us na may Kuya ka pala." sabi ko naman nang naisip ulit ang tungkol sa kapatid niya.
"Hindi naman kayo nagtanong," sagot niya naman sa'kin at binalik ulit ang tingin sa maliit niyang salamin, nag-aayos.
Oonga pala, kwento ko lang yata ang alam nila. At kaunting tungkol kay Yancy. Bihira lang din sila magkuwento sa sarili nilang buhay kaya hindi ko masyadong alam.
Kay Yancy ayaw niya pag-usapan dahil boring daw, kay Mary naman dahil daw hindi kami nagtanong kaya 'di siya nagsasabi.
Nakarating na kami sa school at nagsimula nang mag fill-up ng form. Mahaba-haba talaga ang pila. Nakita namin ang iba naming kaklase dati kaya nagsama-sama na kami.
"Grace, Mary and Yancy. Kumusta?" Napalingon ako kay Renz Daniel, kaklase naming gwapo na mabait, pero may problema.
"Okay lang ako," sagot ni Yancy at binalik ang attention sa hinahanap niya sa bag nito
"Cute pa rin," simpleng sagot naman ni Mary, napailing nalang si Renz.
"Mahirap pa rin pero maganda," sambit ko habang nakangiti ng malawak. They just laughed at me.
"Buti magkaklase pa rin tayo, at buti hindi kayo lumipat." he said.
"Pag lumipat kami baka ma-miss mo lang kami." biro ni Yancy sa kanya, ngumiti naman siya ng nakakaloko.
"Oo naman baka pag lumipat kayo hindi n'yo na ako makita at makasama, mawalan pa kayo ng kakilalang maganda." sabi ni Renz. Iyan ang problemang sinasabi ko. Gwapo siya pero gwapo rin ang nais. Tanggap naman namin siya.
Natapos na kaming mag-enroll kaya pabalik na kami sa mansion nila Mary, sinama na namin si Renz dahil wala rin naman siyang gagawin. Pagkarating namin sa mansion, dumami ang tao. Parang kanina lang mga kasambahay lang ang nandito.
"Girls ang dami naman, fiesta ba rito Mary?" tanong ni Renz na tumitingin sa paligid.
"I think mga kaibigan 'yan ni Kuya," sagot ni Mary sa kanya. Sikat ba Kuya niya? Ang daming tao.
"Let's go," aya sa'min ni Mary at nauna nang maglakad. Sumunod naman kami sa kanya.
Nakita kami ni Tito Fernan, ang Tatay ni Mary. "Good, you're all here. hali kayo at ipapakilala ko kayo sa mga bisita" sabi ni Tito.
"Hephep!" singit ni Tita Mara.
"Hooray!" sabay sabi ni Renz. Kaya natawa kami.
"Fernand ako ang magpapakilala sa kanila, umalis ka na." Pagtataboy ni Tita sa asawa. Ang kulit talaga ng mag-asawang 'to, nagmana sa kanila si Mary.
"Inaagawan mo na naman ako eh, bisita ko sila.
hali na kayo mga ija , ijo." sambit ni Tita. Napalingon kami kay Renz nang magsalita 'to
"Ma'am, I'm ija po." wika niya habang nakapamaywang pa na parang tunay na babae talaga.
"Oh, sorry, but please call me Tita too." sabi ni Tita Mara sa kanya. Dinala na kami ni Tita sa mga bisita. Nakakahiya ang dami nila.
"Anak!" Npalingon kami sa tinawag ni Tita, ito na ata ang Kuya ni Mary.
"Mommy!" Lumapit siya sa amin at tinignan kami isa-isa, natigil naman ang tingin niya kay Yancy.
"Ipapakilala ko sa'yo at sa mga kaibigan mo ang mga kaibigan ng kapatid mo." sabi ni Tita
"Sure mom, hi I'm John Angelo." ang bait naman ng mga pangalan nila. Nasa bibliya. Nawa'y all.
"Punta muna ako sa banyo," bulong ko kay Yancy dahil siya lang ang katabi ko.
"Sama ako," sabi niya na parang naiilang.
"'Wag na, ako na ang bahala." sagot ko naman at akmang Tatayo na nang hilahin niya ako pabalik.
"Sama ako, kanina pa nakatingin ang Kuya ni Mary sa akin, naiilang ako." Natawa naman ako sa bulong niya. ayaw niya pala na may tumitingin sa kanya.
"Good luck Yancy, kaya mo na 'yan." Tumayo na ako na may pang-aasar na ngiti sa kanya.
Nagmamadaling umalis dahil baka sundan pa ako. Ang laki ng mansion pero dahil sanay na nga ako rito, nahanap ko agad ang banyo. Papunta na sana ako pero may humawak sa braso ko. Napatingin ako sa mala-anghel na nasa harap ko ngayon. Ang gwapo, at ang bango. Lord, mahal mo pa rin talaga ako.
"Sorry miss, ako muna mauna." Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Turn off. Tumayo ako ng maayos at hinarap siya.
"Ako muna mister, ako ang nauna rito. Mag-antay ka nalang," sabi ko. Tatalikod na sana nang hawakan niya ulit ang braso ko, bigla akong nakaramdaman ng kakaiba sa katawan ko nang dumapo ang kamay niya sa balat ko. Kinakabahan nang hindi malaman ang dahilan.
"No, sige na." pagsusumamo nito, "Naiihi na rin ako, anong gusto mo? Dito ako umihi?" sabi niya at tinuro pa ang sahig. I sighed.
Okay Grace, understand. Baka wala lang siyang aruga kaya hayaan na, pagbigyan mo na at baka umihi pa nga rito sa sahig, ako pa ang masisi.
I nodded to him kaya tumabi ako para makapasok siya. Napaka gentlemen niya ah. Marami namang banyo rito pero nasa malayo pa ng sulok sa bahay na ito. Nakakatamad.
Napalingon ako nang biglang bumukas ang pinto. "Ikaw na miss," sabi ng lalaki sabay umalis na agad. Napataas ang kilay ko habang nakatingin sa lalaking papalayo. Napabuntong hininga ako.
"Welcome ah!" sigaw ko sa kaniya.
"Ge!" Kinuyom ko ang kamay habang nagpipigil. Antipatiko. Pinauna ko na nga kanina, hindi pa nagpasalamat.
Nakabalik ako sa bakuran kung saan ang mga kaibigan ko at ang mga bisita. Tumabi ako kay Renz. Wala si Mary at pati na rin si Yancy. Napakunot ang noo ko dahil kanina lang ay nandito si Yancy.
"Nasaan ang dalawa?" tanong ko kay Renz. Napaupo siya ng tuwid at tinignan ako.
"Si Mary nasa loob at 'yong Yancy natin humaharot doon." Nakanguso n'yang sabi.
Tinignan ko kung saan siya nakatingin. Kausap ni Yancy ang Kuya ni Mary at iba pang kaibigan nito. Lumingon naman si Yancy at naglakad papunta sa amin. I frowned, kanina lang ay ayaw niya tapos ngayon makikita ko na lang na kasama niya na ang Kuya ni Mary.
"Ang tagal mo naman, hali kayo samahan n'yo ako roon, nakakahiya eh." sabi niya. Nahiya pa siya sa lagay na 'yon ah? Napatingin ako kay Rnez nang bigla itong tumayo.
"Tara na girl, daming fafa do'n." malandi n'yang sabi. Sayang talaga ang gwapo niya, gwapo rin ang gusto. Umiling ako. Ayaw ko, wala naman akong kilala sa kanila at isa pa, nakakahiya. Hindi ako sanay.
"Kayo nalang," sabi ko. Suminghap naman sila.
"Kill Joy mo, loosen up, mukha namang mababait ang mga tao do'n." sabi ni Yancy. Sabay kaming tumingin kay Mary nang dumating ito, may dalang pagkain.
"Tara, doon tayo sa pwesto nila Kuya." Napasinghap ako, pati ba naman siya?
"Ayaw daw ni Grace," sabi ni Renz. Tumaas naman ang kilay ni Mary sa akin.
"Tara na Grace, masyado kang lonely dito kapag mag-isa ka lang." wika niya. I sighed, may magagawa pa ba ako kung silang tatlo ay may gustong lumipat. Tumayo na rin ako at sinundan na silang naglalakad.
Nang nakarating kami sa kanila natigilan sila sa tawanan at tinignan kami. "If you don't mind, makikisabay kami rito, sabi kasi ni mommy, ayos lang ba Kuya?" asked Mary. Tumayo naman ang si Kuya Angelo.
"Oo ayos lang, dito na kayo." sabi ni Kuya Angelo at kinuha ang dalang pagkain ni Mary.
Umupo naman agad si Renz, grabe walang hiya-hiya. Si Yancy gano'n din, umupo siya sa tabi ni Kuya Angelo. Nilibot ko ang tingin ng mga ibang kasama namin, nakatingin din naman sila amin. 'Yong iba, nakangiti pero 'yong iba seryuso at may mga babaeng mukhang inis na nakatingin sa amin.
Naramdaman ko naman na may matang nakatitig sa akin kaya nilingon ko bigla ito. Laking gulat ko nang makita ang pagmumukha ng lalaki kanina. He looked at me with a serious eyes. Bigla akong kinabahan sa tingin niya kaya umiwas na agad ako. Tinignan ko lang si Kuya Angelo na isa-isa ulit pinakilala ang mga kaibigan niya. Pagkatapos niyang ipakilala ang iba lumapit naman siya sa lakaki kanina.
"Siya naman si Steve Wilkerson, my best friend." sabi ni Kuya Angelo.
"Girl ang gwapo," bulong naman ni bakla.
Nanatiling seryoso lang si Steve. Hindi siya nagsalita pero nakatingin lang siya sa akin. Anong problema ng lalaking 'to. I rolled my eyes to him at mas lalo akong napairap nang ngumiti siya.
"Kayo naman ang magpakilala ulit," sabi ng isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali, John din ang name niya.
"I'm Renz Daniel but you can call me baby if you want." ang landi ng baklang 'to, kaloka. Napangiwi nalang ako sa inasta niya, ngumiti naman si John at nag shake hands sila ni Renz. Natahimik ang paligid, inaantay na pala akong magsalita dahil nakatingin na sila sa akin. Require ba magpakilala?
"Grace Alvarez," nahihiya kong tugon. Hindi ako sanay na ganito karami ang kasama namin, lalo na't bago sa paningin ko.
"Do you already have a boyfriend?" Napalingon ako sa nagtanong, nakalimutan ko ang pangalan. Umiling ako bilang sagot.
"NBSB si Grace, man hater yata." si Mary na ang nagsabi. Hindi ako man hater, ayaw ko lang talaga muna mag boyfriend dahil feeling ko sakit sa ulo.
Tumingin ako sa kalangitan, mag-tatakip dilim na pala at mukhang hindi napansin dahil sa pag-uusap ng iilan sa amin. Umuwi na rin naman ang ibang bisita.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ko kay Renz at Yancy.
"Dito na kayo matulog muna, mag-paalam nalang kayo." sabi ni Mary. Tumango naman si Renz at kinuha ang cellphone niya, tatawagan niya raw ang daddy niya gano'n din si Yancy. Nanatili lang akong nakatayo rito sa labas dahil wala naman akong dapat tawagan para mag-paalam. Bumalik na rin naman ang dalawa at pumasok na kami sa loob ng mansion.
Nakita namin si Kuya Angelo na kasama si Steve. "Hindi pa kayo uuwi?" tanong niya. Bakit ba Kuya ako nang Kuya? Mukhang hindi naman siguro nagkakalayo ang edad namin.
"Ilang taon na Kuya mo?" Bumulong ako kay Mary pero narinig naman nila iyon kaya si Angelo na ang sumagot.
"I'm just 20, you're 18 kaya huwag niyo na ako tawaging Kuya." he said. Hindi naman pala masyadong magkalayo ang ead namin, Kuya pa ako nang Kuya.
"Dito muna sila matutulog Kuya, gabi na rin kasi. Bukas na sila uuwi." sabi ni Mary. Angelo just nodded and smiled.
"Si Steve rin dito na matutulog, tara na at kumain na tayo. Naghanda na ata ng hapunan." aya niya sa amin.
Naunang maglakad si Yancy at Mary, sumunod naman si Renz at Angelo. Naiwan kami ni Steve rito, pero dahil naiilang ako sa kanya sumunod na rin ako sa kanila, naramdaman ko rin naman na sumunod siya.

Komento sa Aklat (107)

  • avatar
    Metis Tales

    npaka painful pero gnun tlga.. sad but happy in da heart. high five po.

    26/07/2022

      2
  • avatar
    BustosRichelle

    gusto ko lang Naman magbasa e,bat mo ko pinapaiyak author😭😭😭

    29/07

      0
  • avatar
    Marivic Malate Cater

    lo...kkaiyak ung wkas

    09/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata