logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

IV - Memories Bring Back

Blake's Pov
Kitang kita ng mga mata namin kung papaano bumagsak si Andy sa lupa at mawalan ng hininga.
Doon ko lang namalayan na mas mahirap pala ang mawalan ng taong mahalaga sayo kesa ang maging zombie sila na nasa paligid mo.
"Sinakripisyo na niya ang sarili niya para iligtas ako." pagkekwento ni Ronnie kay Micka habang nakayuko ito upang hindi makita ang ekspresyon ng muka niya.
"Kung ganoon nga ay ibig sabihin ay gyera na ito sa atin at sa panig nila ng Marvin na yan. Humanda kayo, maghahunt tayo mamayang paglubog ng araw." sagot ni Micka bago kami lumabas sa kwarto.
Pumunta ako sa tapat ng kwarto ko at tumingin sa paligid habang nagmumuni muni. Napakatahimik ng madaling araw at saktong lahat ay nagpapahinga na, hanggang sa may narinig akong yabag ng mga paa na naglalakad palapit sa akin.
"Mukang malalim lalim yung iniisip natin ah, Blake." sabi niya at niyakap ako mula sa likuran. Nilingon ko ito at gaya ng aking inaasahan ay si Nics ito at masuyong tiningnan ako sa mata.
--
"Hoy taba, malungkot ka nanaman. Smile ka nga papangit ka nyan."
"Taba kain ka ng madami ah, wag kang magpapagutom baka pumayat ka."
"My lab, I miss you."
"Tabaaaaachoy." yan ang ilan sa mga madadadalas niyang sinasabi na pang asar sa akin simula ng kabataan namin. Maybe ang sweet noh, But no. Hindi mo ako basta makukuha sa paganyang ganyan lang.
--
"I promise na hahanapin kita diba, and now I'm here hindi ko na hahayaan na mawala ka pa din sa paningin ko." sabi niya at dahan dahang inilapit ang kanyang labi sa labi ko.
Dahan dahan.
"Guys tara kape, gusto niyo b-?" tanong ni Marian at halos pareho kaming tatlo ay nagulat.
--
Nics' Pov
I miss you so much, Blake. And I still love you, whenever I go palagi kitang naiisip.
Kung pwede ko lang talagang sabihin, but action speaks louder than voice. I must make a move to bring my Taba back.
As a staring at him, I push my self slowly and attempt to reach his lips using mine.
"Guys tara kape, gusto niyo b-?" sabi nung Marian nabiglang sumulpot sa kung saan.
"Oh, I' m sorry. Naistorbo ko ata yung paguusap ninyong dalawa, I just wonder if you both wanna drink this coffee or uubusin ko nalang magisa." dagdag pa nito habang nakangiti at inilapag sa simentong patungan yung dalawang basong naglalaman ng mainit init pa na kape. That's smells good.
Kinuha ko yung isang baso at inamoy ko ito, at pinakiramdaman na din ang init ng hangin nito na tumatama sa muka ko.
Wala naman sigurong lason ito?! So I take a small sip and it taste good too, brown coffee na mukang naparami sa asukal but I like this. Nakita ko nalang na awkward siya na sumenyas upang sabihing aalis na siya at tumango nalang din ako kasabay ng isang maliit na ngiti bilang sagot at mabilis siyang tumakbo papalayo.
Nagkatitigan naman kami ni Blake at tila pareho naman kaming nagkaiwasan ng tingin at tumawa ng mahina.
"I miss you too, Nics." sabi niya habang nakatingin kaming pareho sa malayo, dahilan upang magbalik ang tingin ko sa kaniya hindi ko namalayan na isang mabilis din na paglingon ang ginawa niya dahilan para magdampi ang mga labi namin.
Nagdampi ang mga labi namin.
Matagal.
Isang masuyong halik kasabay ng pagpikit ng aming mga mata.
Isang halik bago tuluyang ipinagsawalang bahala na ang mga bagay sa paligid.
--
Marian's Pov
Mula sa malayo ay kitang kita ko kung papaano magdampi ang labi nilang dalawa, at sa walang kadahilan ay may tumulo na patak ng luha mula sa mga mata ko.
Teka?!
Umiiyak ako?!
Bakit?!
Bakit ako naaapektuhan?!
Bakit parang ang sakit sa loob ko?!
Tangina naman oh.
Ano ba tong nararamdaman ko?!
Agad na akong pumasok sa kwarto at nakita kong nakatayo si Ronnie sa tapat ng kama habang nakapamewang. Mababatid sa muka nito ang pagaaalala ngunit wala itong pinakawalang salita ni isa, ngumiti lang ito sa akin at dahan dahang hinalikan ako sa noo.
"Let's take a rest for now, you will be fine after mong magpahinga. Alam kong pagod ka." bulong nito at binuhat nito ako at dahan dahan inihiga sa kama at kinumutan, alam kong nakikita niya din ang luha sa pisngi ko ngunit wala itong sinabi bagkus idinampi niya lang kanyang daliri upang punasan iyon.
--
6:40 pm.
"Ngayong gabi ating ipaghihiganti ang nawala nating kasamahang si Andy, susugod tayo sa kampo nila at wala tayong ititirang buhay. Ubusin ang lahat ng kalaban at kuhanin ang mapapakinabangan!" sabi ni Micka sa taas ng lamesa at hinihikayat ang lahat para makiisa sa paglusob sa kampo nila Marvin.
"Ang kampo namin, I mean kampo nila Marvin ay napaliligiran ng mga patibong para sa mga nagbabalak na sumugod. Mayroon din silang mga malalakas na mga armas, at isa sa pinakamalakas na armas nila na tinutukoy ko ay.. Ang nakakatandang kapatid ko." sabi ni Nics habang ipinapakita sa pamamagitan drawing ang kampo nila dati.
"Teka, paano naman natin makakasigurado na mapagkakatiwalaan yan? Isipin niyo na maaaring plano lang nila ito at pinakikinggan na nila tayo at sila na mismo ang pasugod dito." pangongontrang sabi ni Joseph na ikinapagisip ng mga tao, tumingin ako kay Nics at nakita ko ang pagkabigla sa reaksiyon nito kasabay ng pag ilaw ng hikaw nito na ikinapagtaka ko.
"Teka Nics, ano yang pag ilaw ng hikaw mo? Pwede ko bang makita, iabot mo sa akin." sabi ko na ikinagulat niya at agad niya iniabot ito sa akin. Tiningnan ko ng mabuti at hindi nga ako nagkamali sa inaakala ko.
"I-isa tong Tracking Device, p..pinagtrayduran tayo ng babaeng yan!" pautal kong sabi na ikinabahala ng lahat, dahilan para magsimula ng magpanic ang iba.
*BOOOMMMMMM!!!
Napadapa nalang kami sa pagkagulat kasabay ng isang malakas na pagsabog ang dumagundong sa loob ng hotel.
"Here comes Marvin! Okay boys, let's take this weak base down!" sigaw ng isang lalaki mula sa sumabog na pader, kasama ang iba pang mga kalalakihan na may dalang malalaking armas katulad ng RPG at Grenade Launcher.
"Okay guys, pumwesto na kayo! Wag niyong hahayaan na makaabot sila dito, Regroup!" sigaw ni Micka at nagsitakbuhan na ang mga tao sa kaniya kaniyang puwesto at sinalubong ang bugso ng mga kalabang papasok sa loob ng kampo.
"Marian at Blake, bantayan niyo yang traydor na iyan. Hindi pa tayo tapos, magtutuos pa tayo!" dagdag pa ni Micka bago tuluyang umalis at sumama sa pagsugod.
--
Nics' Pov
"Isa itong tracking device!"
"Isa siyang traydor!"
"Hindi natin siya mapagkakatiwalaan!"
"Ang cute ng author!"
"Next Sequel na please!"
"Chupapi munyanyo!"
"nics!"
"nics!!!"
"NICS!!!"
"HOY NICS!" sigaw ni Blake habang inaalog ako na nagpabalik sa akin sa katinuan.
"P-patawad, hindi ako yun. Wala akong kasalanan, may nalagay non sa hikaw ko. W-wala akong kinalaman sa nangyari, hindi ako traydor!" pautal kong sabi kasabay ng pagpatak ng luha ko.
"Huwag ka nang umiyak, wala tayong panahon para magdrama ngayon! Naniniwala ako na wala kang kasalanan, ako ang bahala sayo." sabi ni Blake at niyakap ako ng mahigpit, nang walang ano ano pa ay may biglang sumulpot na kalaban mula sa hagdanan at tinutukan kami ng baril. Oh no!
*Bang!
"Baka gusto ninyong tumulong kung hindi naman nakakahiya, mamamatay na tayo oh. Baka lang naman!" sabi ni Marian na nagpatumba sa lalaki gamit ang hawak nitong pistol.
"Bigyan niyo ako ng gamit!" sabi ko at nagkatinginan sila, nakita ko na ang pagdadalawang isip nila ngunit wala naman akong magagawa para makuha ang tiwala nila dahil sa nangyari.
"Gusto kong makatulong! Hayaan niyong ipakita iyon sa inyo, na maaari niyo parin akong asahan!" sabi ko at tila ba nakumbinsi sila at agad na pumasok si Blake sa loob ng kwarto at ikinuha ako ng magagamit. Paglabas niya ay inabutan niya ako nito ng dalawang baril, isang M4A1 at isang malaking Machine gun dahilan para mapangiwi ako.
"Ahmmp wala bang.." putol ko na sabi na agad niyang nakuha at dali dali siyang pumasok at naghanap ng kung ano at lumabas ito sa kwarto bitbit ang isang set ng mga matutulis na kutsilyo at gunting sa isang bag at iniabot sa akin. Itong armas ang tinutukoy ko!
"Maghiwa hiwalay na muna tayo, may dapat lang akong harapin na dapat matagal na panahon ko ng ginawa." sabi ko at inayos ang sarili ko, inantay ko muna silang sumagot at tumango sila bilang pagsangayon bago ako tumalon mula dito sa 2nd floor na kinaroroonan namin pababa.
Nakuha ng tingin ko si Micka na kasalukukang nakikipaglaban gamit ang isang Sniper Rifle habang hindi namamalayan ang zombie na nasa likod nito. Nasa panganib siya.
Agad akong bumunot sa bag at mabilis na ibinato ang hawak kong matulis na gunting at sakto lang sa batok ng zombie dahilan para bumagsak ito sa paanan niya, napalingon sa kinaroroonan ko si Micka, pinulot niya iyon at ibinato ito sa akin pabalik at pagtatapos ay tumango.
Umalis na ako upang hanapin si Marvin, lumingon lingon ako sa paligid upang ngunit hindi ko ito mahanap. Hanggang sa hindi ko namalayan ay may bumangga sa akin at itinulak ako papasok sa isang katamtamang laki na abandonadong kwarto, medyo nakaramdam ako ng panghihina matapos ako nitong ihagis sa sahig.
"Kamusta Nics?" sabi ng isang pamilyar na boses ng isang lalaki di pa man din ako tuluyang nakakabangon mula sa pagkakahiga.
"K-Kuya?" pautal kong sabi at nakita ko siya nakangiti lang sa akin.
"Sinabi ko naman sayo na mapipilitan na akong kalabanin ka sa susunod nating pagkikita diba? Hindi ka dapat kumampi sa mga kalaban natin, sisirain lang nila tayo." sabi niya na may mga lungkot sa mga mata.

Komento sa Aklat (123)

  • avatar
    BejanoBejano

    sarap

    17/11

      1
  • avatar
    SYDI

    magandaa

    30/05/2025

      0
  • avatar
    John Raven Go

    good

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata