logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

II - Sanctuary

Marian's Pov
"Dad, hindi ito maaari! Hindi ka namin pwede hayaan dito, sumama ka samin!" sigaw ko mula sa loob ng bus na sinasakyan namin kasabay ng pagtulo ng mga luha ko habang nakatingin sa ama ko na nasa labas habang nakikipaglaban sa mga zombie na papalapit sa amin.
"No sweetie, umalis na kayo! Kaya ko na alagaan ang sarili ko, Ronnie paandarin mo na ang bus at pumunta kayo sa ligtas na lugar!" sagot nito mula sa labas, napatingin ako kay Migz na siyang nagdadrive ng bus at walang emosyon ang muka nitong pinaandar ang sasakyan. Tiningnan ko ulit ang ama ko sa labas at kasalukuyan parin itong nakikipaglaban sa mga zombie sa paligid niya.
"Wag kang magalala sakin anak. Pipilitin kong mabuhay, pagkatapos nito ay hahanapin kita!" yun ang huli kong narinig sa kaniya bago ito tuluyang nawala sa paningin ko sa gitna ng mahamog na umaga.
--
"Kung sana ay nailigtas ko siya at naisama ko dito sa Camp siguro magkasama pa sana kami ngayong kumakain ng paborito niyang Ginataang Tilapia." bulong ko sa sarili ko kasabay ng isang mahinang tapik sa balikat ko.
"Kanina ka pa tulala, napapansin ko na yan simula ng dumating tayo dito sa Military Station at nang nahawakan mo yang chainsaw sa gilid." sabi ni Blake sakin kasabay ng pagbalik ng sarili ko.
"Ahh hehe, yun ba? Okay lang naman ako, wag mo nalang akong intindihin." palusot ko at ngumiti ako sa kanya. Tumango naman siya bilang sagot.
Nakita ko namang nakatingin din sa gawi namin si Ronnie at ngumiti nalang ako dito.
--
"May mga stocks pala sila ng pagkain dito oh, mukang nagmadali na talaga silang umalis bago kunin itong mga to." sabi ni Andy habang iniisa isa ang bawat kabinet na naglalaman ng mga pagkain.
"Sige ilagay mo nalang muna dito sa lamesa at kumain muna tayo saglit, maaga pa naman para bumalik." sabi ko na sinangayunan naman ng lahat.
"Eeerrrrr!" isang malakas na sigaw mula sa malapit.
Nagulat nalang kami ng biglang may narinig kami tila ba kaluskos mula sa malapit dahilan para hawakan namin ang mga armas namin at tila ba hindi nga kami nagkamali dahil isang tumpok ng zombie ang biglaang pumasok sa pintuan na malapit sa amin at walang takot na sinugod kami.
Saksak.
Suntok.
Ilag.
Hampas.
Yan lamang ang mga nagawa namin upang pigilan sila, bagay na mas mainam upang hindi makakuha ng atensiyon ng mga zombie at hindi na madagdagan ang mga makakalaban namin. Nagkatinginan kaming lahat hanggang binasag ni Blake ang katahimikan.
"Sa tingin niyo ba normal lang na galing lang yun sa kung saan at napunta lang dito?" tanong nito na ikinakunot ng noo ko.
"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko sa kanya kasabay ng pagbagsak ng gamit mula sa taas ng Station.
"Ang ibig kong sabihin ay hindi ninyo ba naiisip na may kung sino mang may pakana nito at ginawang pain lang yung mga zombie kanina para makatiyak kung may tao dito o wala?" sagot nito na ipinagtaka ko.
Kasabay noon ay ang biglaang pagpasok ng grupo ng mga kalalakihang may hawak na baril at isang malakas na hampas ng kung anong bagay mula sa ulo ang naramdaman ko kasabay ng pagbagsak ko sa sahig kasama na ang mga grupo ko.
--
Janna's Pov
"Miss Janna, mabuti naman at gising ka na. Ngayon ay pwede na kitang maipakilala sa mga kasamahan natin dito sa Sanctuary." sabi ng isang may edad na matandang lalaki na nakaupo sa bandang paanan ko. Oo nga pala, ang huli kong natatandaan ay nirescue kami mula sa eskwelahan na puno ng mga zombie.
"Ahh gaano na po ako katagal na natutulog?" tanong ko diba bago ito nagisip.
"Mga tatlong araw na din mula ng mawalan ka ng malay matapos magkaroon ng problema dito pagkadating na pagkadating mo, natatandaan mo?" sabi nito na ikinapagtaka ko. Ano bang nangyare noon?
--
"M-may kagat ka sa braso?" sabi ko habang hindi mapigilan ang paguutal sa pananalita.
"P-pasensiya na J-Janna, hindi ko namalayan kanina nung paglabas natin mula sa Principal's Office ay may lumapit pala sakin na zombie at aksidenteng nakagat pala ako." sabi nito habang nanginginig sa kaba.
"Anong sinabi mo?! Nakagat ka?!" gulat na sabi ng isang sundalo at tinutukan nito ng baril si Reign.
"Teka lang po, wala naman pong ginagawang masama ang kaibigan ko. Tao parin siya kaya wag niyo siyang tratuhin na parang isang salot kagaya ng mga nasa ibaba, hayaan niyong tingnan muna siya bago kayo magpasya ng kung ano." pagaawat ko sa kanya.
"Papalapag na tayo. Mas makakabuting magsuot muna siya ng face mask at posas para hindi magpanic ang mga tao." pagsasalita ng piloto ng helicopter na sinangayunan namin bilang pagiingat na din para sa lahat.
Pagkalapag na pagkalapag ng sasakyan ay sinalubong kami ng maraming tao upang siyasatin kami ngunit napilitang hawiin ng sundalong kasama namin ang mga tao at agad naming tinungo ang parang Clinic nila at gaya ng inaasahan ay nabigla din sila pagkakita ng kagat sa braso ni Reign.
"Huwag kayong mag alala at hindi pa ako nakakaramdam ng kung ano mang pagbabago sa katawan ko, kaya hindi niyo pa kailangang matakot na makagat ko kayo." diretsong sabi nito habang nakayuko. Napaigtad naman mula sa pagkakatulala ang Nurse na tumitingin sa kanya at wala ng takot sa paglapit dito.
"Kayo na ang bahala sa kanya." mahina kong sabi at tumango ang Nurse at ang iba pa nitong kasama bago ako tuluyang tumalikod papunta sa pintuan ngunit ilang hakbang pa lamang ay bigla akong nakaramdam ng panghihina at pagkahilo dahilan para bumagsak ako bago tuluyang magdilim ang lahat.
--
"Ang sabi ng Nurse na tumingin sayo ay normal naman daw ang vitals mo, siguro napagod ka lang masyado nadagdagan pa siguro ng stress mula sa pangyayari iyon." sabi nito sabay hawak sa balikat ko.
"Maraming salamat po, maaari ko na po bang makita ang kaibigan ko?" tanong ko na sinangayunan naman nito. Pagkalabas namin ay tila isang normal na araw ang napansin ko sa mga tao sa labas, madami sa kanila ang naglalakad lakad parin at pinagpapatuloy ang pangaraw araw na gawain habang walang takot na mababakas sa muka nito ang pangamba na may zombie na makapasok mula sa mataas na bakod na harang dito.
"Ligtas ka dito Janna, araw gabi ang pagpapatrolya ng ibang sundalo upang walang makalusot na zombie sa mga simentadong bakod nitong Sanctuary namin. Sapat para sa lahat ang mga pagkain at may mga magagaling na nurse kami para naman sa mga magkakasakit, kaya wala kang dapat ikatakot para sa kaligtasan ninyo ng kaibigan mo." sabi niya at ngumiti ito sakin. Dumiretso kami sa isang kwartong medyo may kalayuan sa mga tao at pinasok ko iyon, sinabihan nito ako na doon ko makikita si Reign at hindi nga ito nagkamali.
"Kamusta na ang lagay mo?" maikling bati ko sa kanya habang nakatitig ito sa malayo mula sa bintana.
"Sinabihan ako na magself quarantine ako dito upang obserbahan ang sarili ko, hindi naman nila ako pinababayaan at araw araw nila ako mino monitor. At ang lagi kong sinasabi na bukod lamang sa bagot ay wala na akong ibang maramdaman sa katawan ko." sabi niya na ikinatawa ko lalo na yung huli nitong sinabi. Nilapitan ko siya at sinuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri ko at isinandal nito ang ulo siya sa balikat ko.
"Wala kang dapat ikatakot, ligtas tayo dito. Hindi nila tayo pababayaan gaya ng kung pano sila magpangalaga ng ibang mga namumuhay dito." sabi ko at inalis nya ang pagkakasandal sa balikat ko bagkus tinitigan niya ako sa mata.
"Ano kaya sa tingin mo ang lagay ni Blake noh? Nasaan na kaya siya?" sabi niya na nagbigay din ng katanungan sa isip ko.
"Kung nasaan man siya ngayon, ramdam ko na nasa mabuting kalagayan lang siya at hindi niya pababayaan ang sarili niya. Malakas kaya yun no, basta wag lang tayo mawawalan ng pagasa at magiging mabuti din ang lahat." sabi ko at ngumiti siya sakin bilang pagsang ayon.
--
Blake's Pov
"M-Marian umalis ka na! I..iligtas mo na ang sarili mo!" nahihirapan kong sabi habang nakikipaglaban sa multo na pumasok sa katawan ko.
"H-hindi, hindi kita iiwan Blake. Mahal kita at mas gusto ko pang mamatay kasama mo!" sigaw ni Marian kasabay ng pagagos ng masaganang butil ng mga luha nito sa kaniyang mga mata.
"Blake!"
"BLAKE!!"
"BLAKE!!!"
--
Isang malakas na sampal ang nagpagising sakin at kitang kita ko ang mga muka ng mga kasamahan ko habang nakatulala sa akin.
Teka.
Nananaginip pala ako?
Panaginip lang yun?
Pero bakit parang totoo?
"Mukang masama ang napanaginipan mo, kanina ka pa namin sinusubukan na gisingin ngunit hindi ka naman magising buti nalang at may pagka amazona itong si Marian at napalakas ata ang sampal sayo." sabi ni Andy habang nakangisi sa harap ko.
Nararamdaman ko na parang namumula yung pisngi ko and it really hurts talaga sobra. Napahilot ako sa pisngi ako at hinanap ng paningin ko si Marian na nakangiti din sakin habang naka peace sign.
"Nasaan tayo?" maikling tanong ko sa kanila kasabay ng paglibot ko ng tingin at nakita kong nasa kulungan kami na napalilibutan ng mga dayami.
"Nandito tayo sa kampo ng mga kaagaw natin sa mga stocks, sila ang mga bandidong pinamumunuan ni Marvin Gray. At kasalukuyan tayong bihag nila at ikinulong dito sa bakal na kulungan." sagot ni Ronnie habang naghahanap ng kung ano.
"Eh ano naman ang hinahanap mo?" tanong ko dito at lumingon siya sa akin.
"Ano pa bang sa tingin mo ang hinahanap ko? Naghahanap ako ng mga magagamit natin para sa pagtakas, wala naman akong balak na mabulok na lang dito at ipinangako ko kay Micka na makakabalik tayo ng ligtas bago maghapunan kundi ay magaalala yun ng sobra." sabi naman niya na medyo inis na ang tono ng pananalita.
Ahh kung ganun tatakas pala kami.
Okay.
Ang tagal magloading eh.
Ngumiti nalang ako at bumangon mula sa pagkakaupo at tumulong na din sa paghahanap. Kung meron.

Komento sa Aklat (123)

  • avatar
    BejanoBejano

    sarap

    17/11

      1
  • avatar
    SYDI

    magandaa

    30/05/2025

      0
  • avatar
    John Raven Go

    good

    15/05/2025

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata