logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Alternate Universe: The Mission

Alternate Universe: The Mission

PurpleNostalgiaaa


Creepy

SEINA'S POINT OF VIEW
"Everybody, I want you all to study page 98-156 for our discussion tomorrow. That's all, you may go."
Sa halip na ilagay ko ang mga libro at notebook ko sa bag kagaya ng ginagawa ng mga kaklase ko, mas pinili kong buklatin ang libro at tingnan ang pinabasa ni Miss Buena.
Parallel Universe.
Tungkol sa parallel universe ang topic namin? May kwenta ba ang discussion na gagawin namin, I mean—hindi naman totoo ang parallel universe o alternate universe?
"Oh Seina, akala ko ba ay sasabay ka sa akin sa library, tara?"
"Hintayin mo nalang ako doon, susunod ako," sabi ko at tumango lamang siya. Hanggang sa maka-alis siya ay walang ibang nasa utak ko kundi ang magiging topic namin bukas. Interesting.
I'm Seina Miyazaki, half-japanese. Kasalukuyang nag-aaral sa Evergreen University bilang isang grade 10 student.
At kung inaakala niyo na hindi ako marunong magsalita ng japanese ay tama kayo. Dito ako pinanganak at lumaki sa Pilipinas, kahit isang beses ay hindi pa ako nakapunta sa bansa ni papa kaya wala akong alam sa language niya.
Pagkatapos kong siguraduhin na wala na akong nakakalimutang dalhin ay nagmadali na akong pumunta sa library na hindi naman ganoon kalayo. "But what if...parallel universe do exist?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad. Napatingin ako sa asul na kalangitan na para bang nakikita ko ang nasa kalawakan.
Napa-iling nalang ako habang pumapasok sa entrance ng library. Sa pinakadulong mesa ay nakita ko si Ashly na naglapag ng maraming libro. "Anong babasahin mo?" tanong ko sa kanya sabay upo.
"Mag-aaral ako para sa math test natin sa isang araw," wika niya.
Oo nga pala, muntik ko ng makalimutan na may exam nga pala kami sa isang araw at ang masama pa doon ay kailangan kong magsaulo ng mga formulas. I hate that.
"Ashly, sa tingin mo....totoo ang alternate universe?"
Napatigil siya sa pagbabasa at inayos ang salamin niya. "What do you think?" pabalik na tanong niya sa akin.
"No?" hindi siguradong sabi ko at napa-iling lamang siya. "Wait, so you mean, naniniwala ka?" tanong ko pa at bahagyang lumapit sa kanya.
"I'm not sure, wala pa namang evidence na nagpapatunay na may carbon copy pala tayo na nabubuhay sa ibang universe."
Tinigilan ko na ang mag-usisa pa tungkol sa topic na iyon dahil wala namang kwenta kung pag-aaksayahan ko lang ng oras. Mas mabuti ng samahan ko na lang si Ashly na mag-aral, baka pumasa pa ako sa test namin.
"By the way, where's your boyfriend?Parang hindi ka niya yata sinusundo?"
"He's busy," tipid na sagot ko at inilipat ang libro sa susunod na pahina.
"Busy like what? In school or other girls?" ani Ashly.
"Uh...both?" natatawa kong sagot.
Kion is not a flirty guy. Hindi naman siguro niya ako ipagpapalit sa mga babae na kaklase niya, right? Kahit isang taon palang kaming magkasama ay ramdam ko naman na mahal niya ako. He's sweet and understanding, such a perfect guy.
Napangiti ako habang inalala ang regalo niya sa akin noong isang araw na kwintas na ipinagawa niya pa talaga, para daw unique at nag-iisa sa mundo. It's a couple necklace, actually.
Maya-maya pa ay nadako ang tingin ko sa bintana at saktong nakita ko doon si Selena at James na parang....nag-aaway?
Mabilis ang paglalakad ni James habang hinahabol siya ni Selena. Ano naman ang trip ng dalawang 'yon?
"Ashly, look," tinuro ko sa kaibigan ko ang nakita ko at nanlaki ang mata niya. Selena is our friend and that guy is her boyfriend. At base na nakikita namin ay hindi maganda ang status nila ngayon.
Tinulungan ko si Ashly na ibalik ang mga libro sa shelf, mabuti at tinulungan na kami noong librarian.
"Let's go, baka ka kung anong mangyare kay Selena." Pakad-takbo naming tinungo ang lugar na kinaroroonan nila pero huli na dahil wala na sila doon.
"Nasaan na sila?" tanong ni Ashly.
Inilibot ko ang paningin ko at kahit si James ay hindi ko makita. "Tawagan mo kaya?" suhestyon ni Ashly kaya minadali ko ang pagkuha ng cellphone sa bag ko.
I dialed her number. "She's not answering her phone too."
At dahil nga hindi na namin sila makita pa ay sumuko na kaming dalawa. Baka wala na sila dito sa loob ng university, isa pa, problema na nilang dalawa iyon kaya hindi na dapat kami makialam pa.
Nag-desisyon na din kaming umuwi dahil malapit na din namang lumubog ang araw, baka mahirapan kaming makahanap ng sasakyan. Kung sa bagay, pwede ko naman tawagan si mama para sunduin ako.
"Kuya, sa may pink na gate nalang po," sabi ko doon sa driver. "Bye," wika ko at nginitian si Ahsly bago bumaba sa taxi.
Iisang village lang ang tinitirhan naming dalawa ni Ashly pero sa kabilang kanto pa ang bahay nila. Minsan ay sabay nalang din kaming pumapasok para naman may kasama ako.
Pagbukas ko ng pintuan ng bahay ay bumungad ang amoy ng alikabok. Tiningnan ko ang sahig at napaka-dumi ng living room.
Right, may dadating nga palang bisita si mama. If I'm not mistaken ay bestfriend niya iyon from her high school days.
"Mama, nakauwi na po ako—oh ma, anong ginagawa niyo?" Nagawi ang atensyon ko sa mga kahon na nasa tabi ng sofa.
"Ah iyan ba? Mga gamit iyan na nasa bodega."Binuksan ni mama ang isang kahon at ipinakita sa akin ang laman, mga lumang furniture na hindi na mapapakinabangan pa, may mga libro din na may kakapalan at kalumaan.
"Oh, magbihis kana at patapos na din akong magluto. At isa pa nga pala..." Kinuha ni mama ang isang maliit na kahon na nakapatong sa may mesa. "Nakita ko ito, mga gamit mo yata ito dati."
Tinanggap ko iyon at nagsimula ng umakyat sa kwarto ko. Habang nasa daan ay binuklat ko ang kahon, mga gamit ko nga iyon. May diaries, lumang laruan, maliit na teddy bear at...album?
Nang makarating ako sa kwarto ko ay inilapag ko ang kahon sa kama, pati na din ang bag ko. Binigyan ko ng pansin ang isang photo album na nasa gilid ng kahon. "Kay mama to ah?" sabi ko sa sarili ko. Halata naman na pagmamay-ari ito ni mama dahil may pangalang 'Evelyn' sa may gilid. Siguro ay hindi lang niya napansin at nailagay niya sa gamit ko.
It's her photo album when she was a teenager, at ang pinaka-latest dito ay noong 2020...wait, two years ago lang iyon ah? Baka nagkamali lang si mama at aksidenteng napahalo ang album niya. Pero weird, ngayon ko lang nakita ang album na ito.
"Huh?" wala sa sarili kong sabi ng mapansin ang isang litrato doon, litrato namin ni mama na hindi ko naman natatandaan na nangyare pala.
"Kailan pa kami nagpunta sa zoo?" tanong ko dahil hindi ako maaaring magkamali, sa isang zoo iyon. Agad kong kinuha ang phone at nagsearch ng mga lugar kung saan may zoo or animal park.
"Sa Bulacan?" tanong ko sa sarili ko. Pinagkumapara ko ang litrato at ang na-research  kong picture sa internet...pareho sila.
Nakasuot ng ako blue dress, which is not me, I mean, ayoko magsuot ng dress. In fact, wala akong dress sa cabinet ko.
At ang mas nakakapagtaka ay ang blonde kong buhok sa picture—kahit kailan ay hindi ako nagpakulay ng buhok. Never, in my entire life.
"Okay, it's getting creepy.." sabi ko sa sarili ko at ibinalik ang litrato sa loob ng photo album tsaka ito isinara.
Ano ba talaga ang nangyayare?

Komento sa Aklat (4)

  • avatar
    TingcongNovie

    love it

    18/08/2023

      0
  • avatar
    Julie Ann Espora

    excellent

    08/07/2023

      0
  • avatar
    Arwin Vher Gabutan

    good

    07/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata