logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 7

Doon ako sa canteen nag palamig. Total naman ay wala na akong gagawin. Tapos ko na kailangang tapusin.
Nakatingin ako sa iisang building ng paaralan namin. Hinayaan ko na lang maglayag ang isipan ko. At may bigla akong naalala. Sa lugar na naisip ko ay gusto kong umuwi at doon magpunta hanggang gabi.
Napangiti ako.
Kaya sa napagdesisyunan ko ay umuwi ako at nag half day sa school. Walang nakakaalam non kasi hindi naman ako nagpaalam at hindi ako bumalik sa classroom namin.
Mag aalas kwarto na ng dumating ako sa abandonadong tulay na ito. Walang katao tao dito at usap usapang isa ito sa kampo ng mga Hapones noong nakaraan. Kaya marami daw dito ang multong nagpapakita.
Hindi naman sa pagmamayabang pero ilang beses kong napunta dito kapag malungkot ako ay wala pa akong ni isang weirdong nararamdaman. Hindi rin naman kasi ako takot sa mga iyon. May panginoon namang kasama kaya bakit ako matatakot sa dilim.
Nilagay ko ang bag sa gili ko saka ako naupo mag isa doon. Tanaw nito ang araw na papalubog. Pinalilibutan ito ng mga magagandang halaman at bulaklak. Parang tinanim ng sadya ng tao pero hindi. Tumubo lamang ito dito na kusa.
Nagtatayugan din ang mga kahoy dito dahilan kong bakit sobrang lamig. Maraming ibon at kung ano ano pang matatagpuan mo sa malawak na gubat.
Napahinga ako sa dala ng kapayapaan nito.
Napakagandang tanawin at nakakaadik. Halos sa isang buwan dalawa o tatlong araw lang akong hindi napunta dito sa kadahilanang may gagawin. Kadalasan talaga ay nandito ako. Bukod sa gusto kong isumbong lahat ng sakit ko ay parang parte na rin siya ng buhay ko. Ang kadiliman.
Hindi ako pumupunta dito kapag mataas ang araw. Gusto ko gabi para madilim. Nakakaadik ang dalang kapayapaan nito sa sarili ko.
Inon ko ang shuffle sa music ko at nakinig doon. Narerelax ako sa sobrang payapa nito. Kaya lang may nagsalita.
Sa boses pa lang alam ko na kung sino iyon.
"Bakit ka nandito?" Bungad na tanong niya sa akin.
Kumunot ang noo ko sa kanya.
"Ako dapat ang magtanong niyan. Bakit ka nandito? At may flashlight ka pa talaga?"
"Natural gabi na e. At ikaw'ng babae ka? Sa ganitong oras nandito ka pa? At....takteng yan. Naka uniform ka pa? Umuwi ka kanina para magpunta dito?" Ang dami niyang sinasabi. Tinatanong lang naman kung bakit siya nandito.
"Kialam mo" mahinang sagot ko. Nakatingin ako sa inis niyang mukha. Puno kasi iyon ng pag alala at takot. Huwag mo akong pakitaan ng ganyan kasi baka ano na naman ang maiisip ko sa aking sarili. Ma misinterpret ko pa, edi kasalanan ko?
"Tanginang tanong yan! Umuwi na tayo, Alexa." Nagpapanik na siya. Nilapitan na niya ako at hinataka dala ang bag ko.
"Oo uuwi na ako. Mag isa. Ako lang. Hindi tayo. Walang tayo, neil!"
Naalala ko ulet ang nakita ko kahapon. Iyong kasama niya ang Girlfriend niya.
"Wala kang pakialam kung saan at ano ang gagawin ko. Hindi kita kaibigan. Hindi kita kuya at lalong hindi kita Boyfriend, okay? Kaya hayaan mo ako"
Kinuha ko pabalik ang kamay at bag ko at naunang maglakad sa kanya. Nilagpasan ko siya. Walang lingon lingon akong nag lakad kahit sobrang dilim na ay kabesado ko ang daan.
"Takteng babae to! Huy hintayin mo ako!"
Nong nasa kalsada na kami ay tumulo na ang luha ko kasabay ang pagkulog at kidlat matapos ang ulan naman ang bumuhos.
Naririnig ko ang boses niya sa likod ko at ako ay nakatayo lamang doon. Nakayuko at umiiyak.
Kaibigan ko talaga ang kalawakan. Alam na alam nito kung kailan ako nangangailangan ng kaakbay.
Bakit ba umiiyak ako? Sa nangyayari sa paaralan? Hindi naman, okay lang naman ang mga iyon. Sadyang may bagay sa akin na sa simula palang ay hindi ko na matukoy kung ano iyon. At 'yon ang nagpapabigat ng puso ko ngayon.
"Shit!" He cursed under his breath when he saw me soaking wet because of the rain.
I looked at him. And saw his gentle eyes pierced through me.
"Why are you crying, hmm?"
Lumapit siya sa akin. Hinapit niya ang beywang ko ngunit kinalas ko ito.
Sa simula palang pala alam ko na ito. Nagbulag bulagan ako dahil alam ko namang sa huli ay ako rin ang mapapaso. Ako rin naman iyong iiyak sa huli kaya pinili kong huwag pansinin ang aking nararamdaman para sa kanya.
Alam ko sa sarili ko na ako iyong babaeng hindi niya tipo. Alam ko yan. Kaya pinili kong huwag nalang I recognize at hayaang mawala ng kusa ang nararamdaman ko.
Pero tila mapaglaro ang tadhana. Kasi sa paglayo at pagputol ko ng aking nararamdaman ay mas lao lamang itong lumabong.
Noong una ayoko, ayoko sa kanya pagkat hindi siya ang iniisip kong lalaki na bibigyan ko sa aking unang pag ibig. But eventually, I realized. Okay lang magmahal, kahit pa one sided iyan. Natural lang, at natural rin ang masaktan.
We are both wet under the rain. No one wants to run ang hide to avoid the rain.
"I am not" mahinang sagot ko.

Komento sa Aklat (15)

  • avatar
    Ma Rhea

    wow ahh grbe

    17d

      0
  • avatar
    MarceloChristina

    How thrilling!

    27/04

      0
  • avatar
    Mark Dave Tarrazona

    wow

    29/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata