logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 4: Questions (part 1)

One year ago, after ilang weeks ng pamamalagi ko sa bahay ay sinabihan ako ng mga kapatid ko na kailangan ko nang bumalik sa Mardox, ang university na pinapasukan ko daw. May amnesia na ko't lahat papasok pa sa university. Nung una ayoko, kasi wala nga akong memory, ano namang gagawin ko doon? Baka mamaya pa niyan, maging tampulan lang ako ng tukso.
Pero pinilit ako ni Blaze. He said that, instead of staying in the house, thinking of some sort of things, it's better to just spend it in the university, at tama siya. Instead of spending my time around the house or in my room, mas okay na rin sigurong pumapasok ako at may pinagkakaabalahan.
Ayaw ko din namang maburo ako sa loob ng kwarto ko at sayangin lang ang buhay ko dahil sa wala akong maalala. Kaya pumayag na din ako kahit na hindi ako sigurado kung magugustuhan ko ang pagbalik. Pero, kahit na wala akong maalala, parang automatic na iniisip ng utak ko ang sagot sa bawat tanong ng mga profs. Math, History or kahit pa Literature, mabilis na nasasagot ko agad ang mga tanong nilang hindi ko maintindihan.
Minsan ay nagugulat pa rin ako. Siguro nga, matalino lang talaga ako.
Mabilis din akong nakapag-adjust kahit na wala akong memories. At dahil don, balik university ako. Pero, mas okay na yon, kaysa maghapon na nandito sa bahay.
"Shadow, are you done? We're getting late. Please hurry up.. " saad ni Blaze sa labas ng kwarto ko habang walang humpay na kinakatok ang pinto ko. Para na nga siyang nagtatambol sa sunod-sunod at walang humpay na katok niya.
Napaikot na lang ang mata ko paitaas habang nakakunot na nakatingin sa pinto ng kwarto ko. Tsk, Blaze and his patience.
One thing about Blaze, he's a very impatient man. Napakaiksi ng pasensya niya na minsan medyo nakakainis na. He looks soft and well-mannered pero minsan ang sarap niyang palukpukin sa sobrang impatient niya. Nakakataranta kaya kapag minamadali ka ng iba.
Ibinagsak ko ang lahat ng hawak ko sa ibabaw ng kama ko at saka bumuntong hininga at bumwelo.
"Can you please wait, Blaze!? Just give me a damn minute and stop knocking on my door please lang! Lalo akong natataranta!" sigaw ko habang nagmamadaling isinusuot ang belt at sapatos ko. "Lalo akong natatagalan kaya please lang, can you be quiet for a couple of minutes!?"
Takteng Blaze ‘to, nasisira tuloy ang mood ko. Okay na ko eh.
Agad naman na tumigil ang pagkatok sa labas ng kwarto na siyang ipagpapasalamat ko na sana pero ibang boses na ang narinig ko sa labas ng kwarto ko na siyang lalong nagpaiba sa mood ko.
"Shadow, ano ba!? Male-late na ang kuya Blaze mo. Ano ka ba!? Ang tagal mo namang mag-ayos diyan, anong oras na!?" sigaw ni mama sa labas ng kwarto ko.
Agad na napangiti ako ng mapait at napailing. Bahagya pa akong napayuko habang ang kanang kamay ay nakahawak sa noo. Ano pa nga bang aasahan ko? Sa bahay na parang wala akong lugar at boses, mahirap makipagtalo at sumagot. Sa dulo naman ako ang mali.
Ano pang sense diba?
Tinignan ko sa huling pagkakataon ang sarili ko sa salamin. Inayos ang medyo nagusot na damit ko, and belt na medyo nakatabingi at saka isinuot ang aking bag at ngumiti sa sarili ko.
'Go Shadow!'
"Ano ka ba!?" sigaw ni mama sabay palo sa braso ko pagkalabas ko ng kwarto ko. "Kanina ka pa hinihintay ni Blaze dito sa labas ng kwarto mo!"
Ni hindi ko pa nga naisasara ng mabuti ang pinto ay agad na akong sinalubong ng mabigat na kamay ni mama. Ang masama pa doon ay manipis lang ang suot kong polo at nakasando lang ako sa loob. Damang-dama ko tuloy ang latay ng palad niya sa braso ko.
Buti na lang at medyo muscular ang balikat ko at hindi agad ako namamarkahan o napapasaan. Kung hindi, panigurado araw-araw may pasa ako sa kakapalo ni mama. Baka mamaya pa niyan isipin ng mga ka-block ko ay binubugbog ako araw-araw.
"Aray naman po ma.. " mahinang sambit ko at saka hinawakan ang brasong pinalo niya.
Agad na napatingin sa akin si Blaze na siya namang pagiwas ko. Hindi ko gustong tinitignan niya ako gamit ang mga mata niyang parang naaawa. Inayos ko na ang pagkakasuot ng bag ko at magmamano na sana kay mama pero mabilis na iniwas niya ang kamay at inihawak ito sa necktie ni Blaze at inayos.
"Pagpasensyahan mo na itong kapatid mo na 'to at ang bagal kumilos" saad niya habang marahang inaayos ang medyo tabinging necktie ni Blaze. "Ikaw na lang ang umunawa."
Blangko akong tumitig sa kanilang dalawa. Siya na lang ang umunawa? Bakit? Gaano ba kalaking kasalanan ang paghintayin ko si Blaze sa labas ng kwarto ko? Siya ba talaga ang dapat na sinasabihan niya ng ganyan? Nakakatawa na lang talaga.
Parang simula ng dumating ako dito one year ago, ni hindi man lang napagpag ni mama ang alinman sa mga damit ko o kahit pa nahawakan ako sa balikat at kamay. Ni hindi ko nga sila narinig ni Papa na kinausap ako ng maayos at mahinahon eh. Kung hindi pagalit, ay laging nakasigaw sila sa akin. Tanging mabigat na kamay lang nila ang nakukuha ko lalo na sa tuwing nagkakamali ako.
Kahit nga kwelyo at strap ng bag ko ay hindi niya maayos.
Napangiti ako at agad na inayos ang strap ng bag ko na malapit na palang mahulog. Okay na rin siguro to, ang mabuti ay may bahay ako at pamilyang inuuwian. Sapat na siguro yon.
Kukurutin pa sana ako ni mama nang biglang hinawakan ako ni Blaze sa balikat at inaya na pababa ng hagdan.
"Sige na ma, alis na po kami, late na," mahinahong sigaw ni Blaze ng marating na namin ang huling baitang ng hagdanan. "Bye ma!" dagdag niya pa.
Inalalayan ako ni Blaze papunta sa kotse niya at smooth na nag-drive na siya papunta sa university.
Sa totoo lang, maaga pa naman at maiksi lang ang biyahe mula bahay hanggang sa Margox, pero pakiramdam ko ay napakahaba ng biyahe namin at napakabagal. Ramdam ko na ngang parang namamanhid na ang pwet ko. Pero kung maglalakad ako, feeling ko ay magiging mas mabilis pa yon kesa dito sa kotseng sinasakyan ko at hindi pa mamamanhid ang pwet ko.
Bukod sa pagbati, goodmorning at goodnight, wala na kaming napaguusapan ng mga kapatid ko. Well, siguro malaking dahilan no'n na pareho na silang nagtatrabaho at hindi rin naman ako madaldal o palakwento, pero minsan napapaisip ako.
Para kaming magkaibang taong nakatira lang sa iisang bahay. Mga taong may kanya-kanyang buhay at walang pakialamanan.
Tulad ngayon, halos isang oras na kaming nasa traffic ni Blaze pero ni isang topic ay wala kaming mapagusapan. Ni isang salita ay walang masabi sa isa't- isa at talagang napaka awkward ng atmosphere sa aming dalawa.
Nabilang ko na ang lahat ng sasakyan dito, nakanta na ang lahat ng kantang alam ko sa isip ko, pati kung ilang pedestrian na ang tumawid sa highway na to' pero hanggang ngayon tahimik parin kaming dalawa.
Napabuntong hininga na lang ako at sumandal sa bintana ng kotse nang maramdaman ko ang mga mata ni Blaze sa gilid ko.
"Pagpasensyahan mo na lang sila," biglang saad ni Blaze na medyo nagpagulat sakin.
Mabagal na lumingon ako sa kanya habang ang parehong kamay ko ay nakahawak sa seatbelt. Nakapako na ang mata nito sa daan at traffic na hindi naman umaandar nang bumagsak sa kanya ang titig ko.
"Stressed lang siguro sila," dagdag niya pa.
Napangisi ako at napailing ng bahagya.
"Stressed?" medyo natatawang sagot ko sa kanya, "so ano ako, stress reliever? Taga salo ng galit at inis nila? Taga pagtanggal ng stress at pampakalma? Yun ba ang role ko sa loob ng bahay?" mahinahon ngunit may bakas na inis na sagot ko sa kanya.
Biglang napatingin sa akin si Blaze na medyo nanlalaki ang mga mata. Siguro ay nagulat siya sa paraan ko ng pananalita. Pero anong magagawa ko? Pakiramdam ko ay punong-puno na ang kalooban ko at parang sasabog na 'to.
Gaano man kahaba ang pasensya ko at gaano man ako kakalma sa paningin nila, naguumapaw naman ang mga emosyon sa loob ko na kung minsan ay hindi ko na rin maintindihan.
"Hindi naman sa gano'n, Shadow," sagot nito sakin ng makabawi sa biglang pagkagulat. "Hindi ka stress reliever at hindi kailanman magiging isa. Intindihin mo na lang sila. Hindi dahil isa kang stress reliever kundi dahil anak ka nila at magulang mo sila."
Napatitig ako kay Blaze. May kung ano sa mga salita niya ang lalong nagpainit ng kung ano man ang nasa loob ko. Pero hindi ako nagsalita at talagang madiin lang na nakapako ang mata sa kanya.
Hindi ko alam kung matutuwa ba akong kahit papaano ay inaalala niya ako o matatawa sa sinabi niya na parang wala na talaga akong magagawa, kung hindi tanggapin na lang ang klase ng trato ng mga magulang namin.
Kahit saan ko kasi tignan, kahit saang anggulo ko intindihin, hindi talaga matanggap ng damdamin ko na parang hindi ako kasali sa pamilyang mayroon sila.
May magagawa ka ba Shadow?
Napabuntong hininga na lang ako ulit at napangisi.
"Ano pa nga bang magagawa ko?" malaman na sagot ko sa kanya, "Yun lang naman ang pwede kong gawin. Umunawa at umintindi." sagot ko.
"Sha-"
"Hindi, Blaze. Okay na," pagpigil ko sa kung ano man ang gusto niyang sabihin. "Okay na yun. Naiintindihan ko naman, tama na." saad ko pa at saka bumaling na sa bintana ng kotse niya.
Narinig ko pang nagbuntong hininga si Blaze pero hindi na siya nagsalita pa na siyang pinagpasalamat ko.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mery Jane M. Lopez

    this story so amaze because i really good for your professional and ethics and life is the best time to our house so we can see what we have done that I don't know what we have to safeguard dewormer for your professional and ethics in my be safe out and process the importance so I have become a good day today love 😘 and life Science so much for the elements of commication so I have another meeting and life is the importance of commication and life is the best time to take care of you apply our

    08/08

      0
  • avatar
    Jeliane Layron

    500

    28/07

      0
  • avatar
    AnchingRalphvincent

    goodd

    17/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata