logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3: The Rodriguez

One year.
One year na ang nakakalipas mula nung iuwi ako nila Blaze dito sa bahay na 'to. Maayos naman, okay naman silang kasama kaso sa totoo lang, may isang bagay lang akong napansin sa isang taong pamamalagi ko dito.
It was never a home. Para lang akong nasa loob ng dormitory. Magkakasama kami sa bahay pero parang hindi pamilya ang turingan. Malamig, masyadong malamig sa loob ng bahay.
Sobrang off ng feeling. Parang... hindi totoo? Parang pilit, parang peke.
Ewan ko ba, ang off talaga. It's not that they are abusing me or what, it's just that, I don't really feel so belong. It was as if I was an outsider, an overlooker. Walang yung warmth, walang balance. Wala yung comfort na dapat mahahanap ko sa sarili kong pamilya. And there's this feeling that from the start, wala naman talaga ako no'n.
It was never really a question kung bakit parang off. It was honestly a feeling of unfamiliarity.
That feeling of awkwardness and unknown. It feels as if I step on an unknown land. A vast of undiscovered land.
I was very unfamiliar to the idea of a 'family'. And I admit, I have a little to none understanding of what that word could be. Para akong preschooler na nagpipilit matutunan ang calculus. Isang ligaw na bata na pilit isinisiksik ang sarili sa isang grupo ng mga taong ayaw naman sa akin.
At parang hindi ako sanay na may kasama sa bahay. I was always looking for a sense of individuality. Madalas na magulat ako, lalo na no'ng mga unang buwan ko dito kapag may nakikita akong tao sa kusina o sa sala. Madalas din na makalimutan kong may kasama pala ako. Ang weird pero ganoon talaga ang madalas na mangyari. Dahil lang ba 'to sa may amnesia ako?
There was once a time na muntik ko na mapalo ng isang vase yung tatay ko. It was in the middle of the night when I heard someone from the kitchen, upon seeing a silhouette in the dark living room, I was ready to swing my arms at a full power. Buti na lang, napigil ako ni Blaze agad kung hindi, isang malaking gulo talaga ang mangyayari.
But I had an earful that night. A long scolding session.
Anyway, that was actually the first. Many things happened after that. Medyo nagulo ako pero Shine assured me, it must be something to do about my lost memory. Though I was not convinced, I choose to believe her words. Wala din naman akong magagawa. Instead of drowning myself in guilt, I would rather choose the easy way.
Pero nandoon parin yung mga tanong. Kasi diba, sabi nila kahit na makalimot ang isip, makakaalala ang puso at kahit pa yung mga behavioral instincts mo, mawalan ka man ng memory. Pero, ni katiting na bagay sa bahay na 'to at sa mga taong kasama ko, wala. Void lang.
May kasama ako, pero still, I could still feel the coldness of the world. And it got even colder.
Sabi ni Shine, the night na naaksidente daw ako, it was the night that I runaway from home and sa totoo lang, alam ko na yata kung bakit. Like I said, it was never a home to begin with.
Well, siguro sakin. Hindi ko kasi talaga sila dama. Yun kasi yung napansin ko. Mula nung makauwi kami dito nila Shine, parang nagbago silang dalawa ni Blaze. Iba yung pakikitungo nila sakin. Parang lagi nila akong iniiwasan, lalo na si Shine. She despise me, with all her might. Tuwing makikita niya ako, parang isang bacteria ako na dapat iwasan. Isang virus cell na hindi pwedeng lapitan, samantala kung makatalon siya nung magising ako wagas.
Anong nangyari?
Yung parents naman namin, laging sa kanilang dalawa lang nakatuon ang atensyon. To think na galing pa ako sa isang major accident, hindi yon naging valid.
To tell it honestly, nasasaktan ako. My heart is breaking into thousands of pieces, pero bakit ganon? Bakit parang sanay na ko? Bakit parang normal na sa akin yung ganito? Normal na yung sakit. Normal na yung rejection at feeling of abandonment and neglected.
With all these things happening, si Blaze lang talaga yung medyo pumapansin sa akin. He smiles whenever he sees me, nods his head and wave his hands. Pero aside sa mga yon, wala na. They never really talked to me, and okay lang sakin yon.
Nung nag-decide naman akong sumama sa kanila, inihanda ko na ang sarili ko sa mga posibleng mangyari. Even the worst-case scenario.
Yun nga lang, hindi ito ang inaasahan ko. Hindi ganito.
Pero okay lang. Atleast I have a roof above my head and food on my plate. Okay na yun sakin. Pwede na. Kesa naman magpalaboy-laboy ako na walang alam kahit ano tungkol sa sarili ko. Mamaya niyan kung ano pa ang mangyari sa akin. Okay na rin 'to, atleast kahit papaano may bahay pa rin akong maituturing kong akin at pamilyang mauuwian kahit na feeling ko ay outcast ako.
Tumayo na rin ako agad at medyo nag-inat. Inayos ko na rin ang pinaghigaan ko. Pinagpag ang kumot at unan at saka maayos na isinalansan ito sa ibabaw ng kama ko. Napangiti ako.
One thing na na-discover ko leaving here, I was a clean and organized freak.
I mean, it's not a bad thing, pero ang metikulosa ko pala. Lahat ng gamit ko sa kwarto ko, nakaayos ng perpekto. Mula sa sapatos, damit, bag at kahit pa yung mga maliliit na palamuti ay nakaayos ng mabuti.
Hindi pa yon. Naka-arrange by color ang mga sapatos at damit ko. At napaka neutral ng theme ng kwarto ko. Itim at puti. Very simple but elegant ang peg.
Perfectionist ba ko bago mawala ang memory ko? Kwartong panlalaki ba ang peg ko noon?
Hindi ganon kalaki ang bahay namin, pero hindi rin naman ganun kaliit. Malaki siya para sa limang miyembrong pamilya. Kanya-kanya din kaming kwarto nila Blaze. Silang dalawa sa baba, habang ang akin ay nasa pangalawang palapag ng bahay.
Malinis at maayos din ang kabuuan ng bahay and it honestly puts me at ease. Sobrang kalmado ng pakiramdam ko tuwing iginagala ko ang mga mata ko.
Tumayo na ko at maglalakad na sana papunta ng banyo nang mahagip ng mga mata ko ang litrato naming tatlo nila Blaze. Inabot ko ito at pinagmasdang mabuti. Nakaramdam ako ng kakaibang saya pero agad ding nasundan ng lungkot.
Nakangiti silang pareho sa picture habang parehong nakaakbay sa akin. Kuha ito nung unang araw na makauwi kami dito. Akala ko, magiging okay ang lahat noon pero nagkamali ako. Nothing happened the way I imagined it.
Napangiti na lang ako at maingat na ibinalik ang litrato kung saan ko ito kinuha.
Sabi nila sa'kin, I can call them kuya and ate, or pwedeng pangalan na lang. Kung saan ako magiging komportable. And mas okay akong tawagin sila sa pangalan nila. Sinubukan kong tawagin sila ng ate at kuya pero nangilabot lang ako. Ang weird na tawagin ko silang ganun.
I really find it weird. Parang mas normal yung names lang yung tawag ko sa kanila. Natawa pa ako nung maalala ko yung unang beses na tawagin ko sila nang ate at kuya. Kulang na lang masuka ako sa sobrang pagka-off sa feeling habang sila ay halos maging kulay puti sa sobrang pagkabigla. Kaya I decided to stick with their names. Mas magiging okay yun.
Nagitla ako nung may marinig akong mahinang katok sa pinto ng kwarto ko. Agad na naglakad ako papalapit sa pinto ko at dahan-dahang binuksan.
"Blaze.." mahinang turan ko nang makita ko ang mukha ni Blaze pagkabukas ko ng pinto. "may kailangan ka ba sa'kin?" saad ko ng makita ko ang mukha ni Blaze na walang emosyong nakatingin sa'kin.
"Kakain na. Bumaba ka na agad." mahinahong sagot niya at marahang hinimas ang ulo ko at tuluyan ng naglakad pababa ng hagdan.
Agad na napahawak ako sa ulo ko. Medyo nanlaki ang mga mata ko. Hindi niya naman kasi ginagawa yon eh. Normally, babatiin niya lang ako at lalayas na. Pero ngayon, aba! may pahimas pa sa ulo ang loko.
Anong nakain no'n?
Pumasok na ako ulit ng kwarto ko, at mabilisang inayos ang gamit ko. Ayokong masigawan na naman ako dahil nalate ako sa pagkain. Laging gano'n kasi sila mama. Parang laging high blood at laging inis, makita palang ang mukha ko.
Maganda naman ako. Maayos naman akong makipagusap, pero bakit gano'n?
Nung unang makita ko ang sarili ko sa salamin, seryoso nagandahan ako sa sarili ko. Maiksi lang ang buhok ko na bumabagsak lang hanggang sa ibabaw ng balikat ko. Maganda rin sa totoo lang ang features ng mukha ko. Mata, ilong at labi. Medyo maputi rin ako at may katamtamang sukat ng katawan. Hindi mataba at hindi rin mapayat, sakto lang.
Medyo athlethic nga siya sa totoo lang. Matigas at firm ang katawan ko, pero nung tinanong ko sila Blaze kung athlete ba ko o player ng kahit na anong sports, natawa lang sila sa akin. Hindi daw ako mahilig sa mga ganon, bukod sa dalawa. Basketball at boxing.
Nung una ayaw ko pang maniwala sa mga sinasabi nila. I mean, babaeng basketball at boxing lang ang alam na sport? Wala man lang volleyball? Pero nung inaya na ako ni Blaze ng basketball at nanalo ako, dun ako naniniwala.
Matangkad si Blaze. Siguro ay nasa 6" siya o mas mataas pa habang ako ay halos balikat niya lang pero natalo ko siya. Isa pa, ang agile ko kumilos. Mabilis ang galaw at magaan ang katawan.
Weird, pero hinayaan ko na lang. As if namang mache-check ko, hindi ko nga maalala.
Going back, gigil na gigil sa'kin parati ang mga magulang namin. Tch. Alam ko namang ayaw nila sa akin, kaya lang masakit parin na pinapakita nila sa akin ng harapan 'yon. Parang wala na silang pake kung anong maramdaman ko.
Hay nako!
Mabilis na bumaba na ako. Nakahanda na pala sa lamesa at muntik na akong humagalpak ng tawa na agad ko namang nabawi. Mapait akong napangiti habang inililibot ko ang mga mata ko.
Garapalan talaga ang pagpapakitang may paborito sila no? Harap-harapan at walang pakundangan.
Napailing na lang ako ng bahagya at napasapo sa noo ko.
"Oh bakit hindi ka pa umupo at kumain Shadow?" saad ni dad habang ang mga mata niya ay nakapako sa kanyang pagkain.
Napangisi na lang ako at inilagay ang dalawang kamay sa bulsa ng pajamang suot ko, "eh wala naman po akong pwedeng kainin dito," saad ko habang tinitignan ang mga nakahain.
Adobong manok. Cheese sandwich at garlic bread.
"Ang arte mo namang bata ka. Maaga pa namang nagluto ang mama niyo para sa inyo tapos ganyan ka!?" galit na saad ni daddy, habang matalim na nakatingin sa akin na halos mabutas na ang katawan ko.
Siguro kung ibang anak ako, nanginig na ako sa takot sa tatay ko, pero ewan ko ba. May kakaibang tapang akong nararamdaman, ni katiting na takot sa kanya ay wala.
"Allergic po ako sa mga 'yan. Garlic, cheese and chicken." mahinahong saad ako habang nakatingin ng diretso sa kanya.
Medyo nagitla siya at napaatras pa ng kaunti. Gano'n ba nakakatakot ang boses ko?
"Ga-ganun ba?" mahinang sagot nito sa akin.
Napalingon ako kay Blaze nang marinig ko siya na medyo natawa, pero agad din naman niyang nabawi ang sarili at tumikhim.
"Mayroon pa yatang ibang makakain sa kusina, tignan mo Shadow." sabi niya habang nakatingin sa akin.
Tumango na lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa kusina.
"Ano ba naman kasi kayo? Diba magkakasama tayo last year nung malaman natin na allergic siya sa mga yan?" mahina pero malamig na sabi ni Shine.
Medyo nagulat ako do'n. Na agad din namang nakabawi at napangiti. To think na hindi niya ako masyadong pinapansin tapos medyo nagagalit siya para sa akin, medyo lang naman, nakakataba siya ng puso honestly.
"Shine. Enough," mahinahong saad ni Blaze at biglang tumahimik sa dining at halos hininga na lang nila ang naririnig ko.
"Tch." Paniguradong umiirap na naman si Shine kay Blaze.
"But yeah. How could you guys forget? Shadow could get into a dangerous situation if she ever to eat any of that foods. Do you understand?" saad ni Blaze sa seryoso pero mahinahong pamamaraan.
"Nawala lang sa isip namin. Hayaan niyo, hindi na mauulit." mahinahong sagot ni Papa na siyang medyo ikinagulat ko na naman.
May kung ano sa boses ni dad na parang nanggagaling sa isang empleyadong sumasagot sa kanyang amo. Ganoon ang tunog ng boses niya na hindi ko maintindihan.
Hindi ba dapat siya ang nakakagawa niyan kay Blaze? sa amin? Lalo na at siya ang padre de pamilya?
Bakit parang si Blaze pa ang head of the family at may pinaka authority sa boses?
"It's okay, mom and dad. Sana lang ay hindi na nga maulit. Maaaring ikamatay ni Shadow ang mga pagkaing yan." mahinahong sabi ni Blaze.
Hindi ko na sila pinakinggan pa at agad na naghalungkat ng pagkain sa loob ng ref. Agad napukaw ng atensyon ko ang isang plastic container na may lamang kulay brown na parang cake. Pero kakaiba ito sa cake.
Agad na inilabas ko ito sa ref at kumuha ng isang kutsara at mabilis na kumuha at isinubo sa bibig ko. Napangiti ako. Masarap siya. Tama lang ang tamis at may nalasahan pa akong mangga sa pagitan.
"Ano kaya to'?" mahinang sambit ko.
"Mango graham ang tawag diyan." biglang saad ni Blaze sa gilid ko.
Agad akong napatingin sa kanya habang nakasubo pa ang kutsara sa bibig ko. Mabilis na inalis ko ito at pinunasan ang malagkit ko nang bibig.
"Blaze.." mahinang turan ko.
"Paborito mo yan. Di pa rin nalilimutan ng panlasa mo." sabi niya sa akin at saka inabutan ako ng sandwich. "egg mayo ang laman niyan. Favorite snack mo rin. Ito na lang ang kainin mo, huwag yan. Maaga pa para kumain ka ng matamis." saad niya at saka tinakpan ang tinawag niyang mango graham at ibinalik sa loob ng ref.
Sa mga ganitong pagkakataon ako lalong nagtataka kay Blaze. May araw na ang bait niya at may araw na parang hangin lang ako sa kanya, sa kanila. Ewan ko ba. Ang hirap nilang basahin.
"Ubusin mo na yan at kumilos ka na. Ihahatid kita sa university mo." saad ni Blaze at saka naglakad palayo sa akin.
Tahimik kong pinagmasdan ang likod niya. Sa totoo lang naguguluhan parin ako sa lahat ng nangyayari kahit na isang taon na akong nandito pero okay na rin to. Kahit papaano umaayos na ang pakikitungo nila ni Shine sa akin sa loob ng bahay.
Napangiti ako at agad na kinain na ang sandwich na bigay ni Blaze at mabilis na kumilos para sa pagpasok ko sa university.

Komento sa Aklat (25)

  • avatar
    Mery Jane M. Lopez

    this story so amaze because i really good for your professional and ethics and life is the best time to our house so we can see what we have done that I don't know what we have to safeguard dewormer for your professional and ethics in my be safe out and process the importance so I have become a good day today love 😘 and life Science so much for the elements of commication so I have another meeting and life is the importance of commication and life is the best time to take care of you apply our

    08/08

      0
  • avatar
    Jeliane Layron

    500

    28/07

      0
  • avatar
    AnchingRalphvincent

    goodd

    17/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata