IRIS’ POV Hindi ko maiwasang mapangisi pagtapak ko sa loob ng school. Parang ang tagal ko ng hindi nakapunta gayong isang linggo palang ang nakakalipas. Napakaaliwalas ng pakiramdam ko. Ang sarap talagang maging bata. I mentally faced palm myself. Why do i keep forgetting my real age. Nawiwirduhan na sila sa mga kinikilos ko. Pinagbintangan pa akong alien ni Kimi nung isang araw psh. Halos ng madadaanan ko ay napapatingin sa akin na para bang ngayon lang ulit ako nakita. Namiss kaya nila ako? I doubt it. Sigurong nag saya sila. At siguradong nag sasaya kasi next month wala na ako dito sa school. As if i care. Insignificant people. Pumasok ako ng room at gaya sa hallway ay lahat sila ay napatingin sa akin. Nakaramdam ako ng inis. I need to calm down. "Is there any problem?" seryosong tanong ko kaya lahat sila nag iwas ng tingin. Maliban sa isa. I smiled mentally. Gulat at pagtataka ang mababasa sa maamo nitong mukha. "Hello Lacey" bati ko sa kanya. "I-Iris! Okay ka na ba? Balita ko nagkasakit ka daw?" punong pag aalala na tanong nito pagkatapos akong yakapin. "I'm fine, over fatigue lang naman. Masyado lang akong nababad sa ulan that night. It's just frustrating that i waited for nothing. It's like I’ve waited for someone that will not actually come" "Yeah. Baka busy lang si Rexel at nakalimutan" naka ngiting sabi nito. "baka nga" nakangiting sagot ko. Lacey Madrigal. The school's perfect student President. Mabait, maganda at matalino. Everyone likes her. Including me. Despite my bad reputation dikit pa rin ito ng dikit sa akin. She is also my childhood friend. I trusted her more than my family. That's why it hurts so much thinking that she betrayed me. She played me. She made me a fool in front of everyone else. She's a perfect deceiver. Sa likod ng malaanghel na mukha, kilos at pananalita nito nakatago ang isang taong punong puno ng inggit, galit at pangungutya. But i am already over her. Sa lahat ng nangyari sa akin at sa pamilya ko wala na akong ibang maramdaman sa kanya kung hindi galit. I don’t have a snake friend. "Nakalimutan mo bang mag make up?" mahinang tanong nito. Bulong na talagang ako lang makakarinig. "No, I don’t want to wear thick make up anymore. Masama sa skin” nanlaki ang mga mata nito na pinagtaka ko. "What if Rex saw you? Wala kang make up baka isipin nyang ang plain mo?" I almost laugh when she said that. I forgot. She's the one who embedded that idea in my brain. The stupid me believed that Rexel like girls who wears make up, short skirt, revealing dress and pointed heels. "oh. That?" I faked a sad tone. "I already gave up on him. I am not going to wear makeup anymore. Okay lang kahit sabihan mo ulit akong plain kapag walang make up. Di ko na ipipilit ang sarili ko sa kanya" malungkot na sabi ko na medyo may kalakasan ang boses. Muntik na akong matawa ng mataranta ito at nagpalinga linga sa paligid. Pansin ko din ang masasamang tingin ng mga classmate ko kay Lacey. Ang iba naman ay may mga nanghuhusgang tingin. So, this is how it felt like a fake flower girl. Nakakadiri. "N-No. You're still pretty without it. And did i heard it right. You'll give up on Rexel?" hindi makapaniwalang tanong nito. "Yes. Tanggap ko ng hindi nya ako magugustuhan kahit kailan" I said truthfully. Matagal ko ng tinanggap ang pagkatalo ko. "Waiit! No! He loves you inaakit lang sya ni Jazmine! Wag kang susuko, Iris. Gusto mo ba syang mapunta sa ganoong klaseng babae?" "bakit? Anong klaseng babae ba sya?" "She's a slut. Inakit nya si Rexel" You are wrong, Lacey. Jasmine is one of the kindest people I have ever met! Tinitigan ko sya ng masama. Huli na ng marealize ko ang ginawa ko. Halata ang gulat sa mga mata nito. "hindi ganun si Rexel. May respeto sya sa babae. Tingin mo ba magugustahan nya ito dahil lang sa lust? Napakababaw naman ng tingin mo kay Rexel" "y-yeah. I know, I’m sorry" Muntik na. I can't stand her bad-mouthing Jazz. She doesn’t know many times she pushed Rexel away just to make me happy. Tiniis nya ang lahat ng pinag gagagawa ko para patunayang hindi nya inaagaw si Rexel sa akin. And i regretted hurting her. Napansin kong marami ang nakikinig sa amin. Hindi ako nag pahalata at umayos ng upo. Ilan sa kanila ay masama ang tingin kay Lacey, at iba naman ay puno ng pang huhusga. At mukhang hindi naman ito napansin ni Lacey. She's not aware that she’s digging her own grave by saying those. The class started and ended quickly. Hindi ko rin namalayang naiwan ko pala si Lacey sa room. Nasanay na siguro akong mag isa. Pumunta ako sa architecture building at hinanap ang dalawa. Saan ba nag sususot ang dalawang yon. "Excuse me. Did you see Casey and Rem?" tanong ko sa lalaking payat na may salamin. Napatingin ito sa akin na gulat na gulat. "a-ah oo. D-Doon sa last room" turo nito "thanks" sabi ko sabay tapik sa balikat nito. "w-welcome" Sumilip muna ako sa pinto bago pumasok. Wala silang prof kaya okay lang. Napansin ko namang naka ubob si Rem sa hand rest na parang natutulog habang si Casey naman ay tutok na tutok sa laptop nito. Bakante sa tabi nya kaya naupo na din ako. Nanunuod na naman sya ng korean drama. "Hey. Anong title nyan?" tanong ko kasi parang ang ganda ng pinapanood nya. "Ay palaka!" muntik ng malaglag ang Laptop nito na ikinatawa ko. "magugulatin ka pala" "Anong ginagawa mo dito?!" "ano ba yan? Bakit ang ingay--- Holy shit!" Rem shouted in surprise Hindi ko napigilan ang sariling tumawa ng malakas. Ang cute ng dalawang to! Parehong pareho ang reaksyon nila. "Samahan nyo ako sa Dean's office. Kakausapin ko si Mr. Romil" nakangiting sabi ko. "Bakit? May problema ba?" nag aalalang tanong ni Casey. "wala naman. I just want to talk to them regarding the exchange" Nalukot ang mukha ng dalawa. "ang dami nilang pakulo. Anong mahihita nila sa Exchange program?" "Right! As if naman tatalino yung last place kapag lumipat ng school" Nailing nalang ako sa pinag sasabi nila. " Exchange system serves like a punishment. It will serve as an eye opener to those who don’t do well" Natahimik sila at tumingin sa akin ng may pag aalala. These two became my friends after graduation. And two years after. I betrayed them. Sa kabila ng kabutihan nila. Nagawa ko silang saktan. "don't worry about me. Samahan nyo na ako dali" hatak ko sa magkabila nilang kamay. Natawa sila at sumabay sa aking mag lakad. Pagtapat namin sa pinto ng office ay kumatok na ako. Niyaya ko silang pumasok. "Hello, Mr. Romil" magalang na tawag ko sa taong nakaupo ngayon sa malaki at magarang upuan. Kasama din nya ang dalawa sa mga prof ko. "Ms. Austin good timing! May kailangan tayong pag usapan. Maupo ka" "hindi nyo ba muna itatanong kung kumusta na ang pakiramdam ko?" nakangiting tanong ko dito. "o-oh right. Okay na ba ang pakiramdam mo?" "Yes" maiksing sagot ko at umupo. Narinig ko pa ang pigil na tawa nung dalawa. "May kasama ka pala. You can make them leave" "No. I need them here lalo na sa sasabihin ko" "For what?" "Witness" "What??! " I rolled my eyes at sinenyasan silang umupo sa tabi ko "Let's get started. Shall we?" i crossed my legs and straightened my back. Tiningnan ko silang tatlo at napangiti.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
Gastos 28 diamante
Balanse: 0 brilyante ∣ 0 Mga puntos
Komento sa Aklat (121)
Herchel28
SOBRANG GANDA 😍😍😍
WAITING PA RIN SA NEXT CHAPTER 😁
WAITING DIN SA WBS😍😍😍
15/05/2022
2
PendatunNormina
kailan next updtaeeee
25/02
0
Enylaehr
for the first time, i enjoyed reading something in this app!! thank you so much for this wonderful story, i really like Iris, and i like how you write everything!!
SOBRANG GANDA 😍😍😍 WAITING PA RIN SA NEXT CHAPTER 😁 WAITING DIN SA WBS😍😍😍
15/05/2022
2kailan next updtaeeee
25/02
0for the first time, i enjoyed reading something in this app!! thank you so much for this wonderful story, i really like Iris, and i like how you write everything!!
03/06/2025
0Tingnan Lahat