"Alliesha, umuwi ka nang maaga ngayon. We need to fix you up. The Guevarra's will visit for dinner," sambit ni Papa sa telepono nang makapasok ako sa aking sasakyan. "Papa, I haven't signed our contract, and yet you invited the Guevarra's? I hope the dinner is not about for the arrangement of the marriage, " I answered. Iba't ibang senaryo na maaaring mangyari mamaya ang pumasok sa aking isip. I bit my lips. Ayoko no'n, ni minsan ay hindi talaga ako naging pabor sa plano ni Papa. "Hindi importante ang permiso mo, Alliesha. It's about the Guevarra's. Ang pagpayag pa lang nila sa dinner ay oportunidad na! Tapos tatanggihan namin dahil lang sa'yo? Guevarra's are hard to please!" Hindi ako sumagot at hinayaan siyang patayin ang tawag. I laughed without a humor as I rolled my eyes. "Ano pa nga bang magagawa ko? They didn't care about my opinion, anyway." Parang ang big deal naman masyado no'ng dinner na 'yon. Ang gusto nila ay hawak nila ang lahat ng mangyayari, gusto nila na ang mga mangyayari ay nakasunod sa plano. They didn't want to mess up. Of course for my father, we need to impress the Guevarra's. Maraming ibang pamilya d'yan na pwedeng-pwede nilang ipakasal sa anak nila tapos sa amin ang bagsak nila? Kung sa unang tingin pa lang ay hindi na ako gusto ng mga Guevarra, tiyak masisira ang plano nila Papa. Bago ko pa man buksan ang makina ng sasakyan ko ay nakita ko na naman ang lalaking 'yon, papalapit sa kaniyang sasakyan na halos katabi lang ng sasakyan ko. "Tss, may itsura sana ang sungit-sungit naman," bulong ko habang sinusundan siya ng tingin. Nakakunot ang noo habang may kausap sa telepono, ang isang kamay ay nasa bulsa. Ilang minuto ang lumipas simula nang makasakay siya ay muli siyang bumaba. Dire-diretso ang lakad niya at nang marating ang harap ng sasakyan ay agad niya iniangat ang hood nito. Usok na nanggaling sa makina ang sumalubong sa kaniya. I opened my window. "Yes, I'm coming over, Mom.... I can manage, no need to fetch me," sagot niya sa kausap sa telepono bago ito ibaba at ilagay sa likuran na bulsa. "Taray, naka-porsche. Sayang, ang ganda ng kotse mo kaso sira naman," I called his attention. I pouted as he faced me. Ang nakakunot noo at magkasalubong niyang kilay ang sumalubong sa akin. Mabuti na lang talaga at ang kapal ng mukha ko. Dahil kung hindi ko dinadaan sa biro ang usapan namin ay kanina pa ako nahimatay dahil sa presensya niya. "Hatid kita! Sa'n ka ba?" I asked. Hindi siya sumagot at pinagpatuloy lang ang pagtingin niya sa makina ng kaniyang sasakyan. Siya na nga ihahatid, e! Mag-iinarte pa. "Bakit ako sasama sa'yo? We're total strangers to each other," sambit niya pa. Bakas na bakas ang paglalaro sa kaniyang tono. Ngumisi ako at agad na bumaba ng aking sasakyan. Nang makarating ako sa tapat niya at binigyan ko siya ng matamis na ngiti. Ang sarap niya lang asarin. Noong nakaraan na nagkita kami sa hotel ay parang punong-puno na siya sa mga pinanggagawa ko. Sayang at napikon agad ako, mukhang maganda siyang kasagutan. At dahil wala akong ginagawa ngayon ay kukulitin ko siya. Bakit ba? E, sa trip ko siya, e. "You know my name, kaya hindi ako stranger gaya ng sinasabi mo—" "Hindi ka ba natatakot na baka may gawin akong masama sa'yo? Basta-basta ka na lang nagpapapasok ng lalaki sa sasakyan mo," putol niya sa akin at ang walang ganang tingin niya sa akin ay nanatili. Masigla kong binuksan ang pintuan ng aking sasakyan. Nilahad ko ang aking kamay paturo sa loob ng aking sasakyan. He's right, but I don't think he can do things like that. Ilang beses na kaming nagkita at mukhang matino naman ang pagpapalaki sa kaniya ng magulang niya. "I can handle myself, Sir! Sakay na. Tingnan mo sa ginagawa mo ikaw lang din ang mahihirapan. Wala gaanong dumadang sasakyan dito!" Sigaw ko pa at mas lalo siyang pinilit. He growled before entering to my car, accepting his defeat. I chuckled. Sasama rin naman pala ang dami pang satsat. Naging mabilis ang byahe at halos wala naman siyang imik, habang ako ay panay ang salita at pilit na pagkausap sa kaniya. "Dito ka nagtatrabaho?" I asked as I eyed the company of Guevarra. "Yayamanin naman pala!" I laughed as I stopped the car in front of the building. Marami ang naglalabas pasok sa building at ang iba ay mukhang kakatapos lang ng break. Mukhang napatagal ako do'n, ah? Halos hindi ko na namalayang tanghali na pala. Pili ang nakakapasok sa Guevarra. Mahigpit sila sa empleyado nila at sinisiguro nila na ang makakapasok sa kanila ay kayang gampanan ang lahat ng iaatas nilang trabaho. Hays, sa ilang beses kong subok mag-apply d'yan ni hindi man lang ako nakuha. Being a Chef under the Guevarra's name is a dream come true for me. At syempre may matinong trabaho 'tong lalaki na nasa tabi ko! Way pa lang ng pananamit niya, e. Kung pagbabasehan pa ang trabaho niya ay ibang level na 'yon. Hindi ko nga ma-reach, e. "Thank you for the ride, Ms. Alliesha," sabi niya at bumaba sa aking sasakyan. Diretso niyang tinahak ang daan patungo, ngunit hindi pa man siya nakakalayo ay agad ko na siyang tinawag. "Hoy! Yung pangalan mo, ha! 'Wag mong kalimutang sabihin sa akin sa sunod!" I shouted. Marami ang napatingin sa akin. Ang iba ay napahinto pa sa paglalakad at nag-umpisa sa kanilang pagbubulungan. Tss, ngayon lang nakarinig ng sigaw? Big deal na big deal, ha? Sandali niya akong tiningnan bago magpatuloy. Nang mawala na siya sa aking paningin ay agad na rin akong umalis. Hindi agad ako umuwi sa bahay at hinayaan kong palipasin ang oras kakaikot sa kalsada na hindi ko na alam kung saan ako tutungo, at nang maggabi ay doon lang ako umuwi. And that's it. Kung makaasta ako parang walang problemang kinakaharap ha. Masyado akong nalilibang at dahil do'n ay unti-unti kong nakakalimutan ang kailangan ko pang sulosyunan na problema. "Alliesha! Ano ba? Bakit ngayon ka lang?!" Tita Amelia welcomed me. Kasabay ng pagsalubong niya sa akin ay ang pagsalubong din ni papa at ni Celyn. Luh, kala mo talaga, eh, no? Lumalapit lang naman 'yang nga 'yan kasi kailangan nila ako. "At ano 'yang suot mo?!" Papa pointed out. Irita kong binalingan ng tingin ang aking suot. What's wrong with it? I'm wearing a white skirt partnered with a black v-neck blouse. Maayos naman ang suot ko, ah? Tita grabbed my right arm, while Celyn grabbed my left arm. Sunod na hinawakan ni Celyn ang pisnge ko at ang baba ko. "Gosh, you should be skinny! Phoenix wants a sexy women! Nakita mo ba lahat ng naging fling niya ay sobrang sexy?! I think you should go diet!" Pangaral sa akin ni Celyn. And I'm not one of his flings! "Turuan mo nga Celyn, nang magustuhan naman ng Guevarra. Lalo na ngayon at pumayag sila na makilala si Alliesha," sang-ayon pa ni Tita Amelia. "At ano 'yang suot mo? The Guevarra's are conservative type! Lalo na si Maria. Ibibili kita ng mga bagong damit at hindi 'yang gaya ng sinusuot mo na kulang sa tela." Natutop ang aking bibig at tuluyan na akong hindi nakapagsalita. Hindi ko alam na maski ang pagkatao ko ay kailangan kong baguhin para lang sa lalaking 'yon. Pero, kahit na gusto ko siyang paibigin sa akin ay gusto kong maging totoo. Gusto kong maging totoo sa mga kilos ko, sa aking nakasanayan at sa mga hilig kong gawin. Hindi yung ganito, na kailangan ko pang baguhin ang sarili ko para sa ibang tao. Bago nila ako pakawalan ay binigyan ako ni Papa ng maraming paper bags. When I opened one of the bags, luxury clothes revealed inside. "'Yang mga 'yan ang isuot mo mamaya, Alliesha. Malilintikan ka talaga sa akin." Kumawala ako sa kanila at diretsong umakyat sa aking kwarto. Mabilis akong nagpalit ng aking mga damit at tila hindi pinakinggan ang kanilang sinabi kanina. Maski ba naman sa mga bagay na 'yon ay sila ang susundin ko? At saka wala namang mali kung magsusuot ako ng maiikling damit, at wala ring mali kung conservative ako. Ang mali ay ang pakialaman mo kung paano magdamit ang isang tao. Everyone should have freedom wearing anything they want, because by wearing what you want is also expressing yourself. I wore crop top, it's a long puff sleeve, while the back is backless. Tanging string ang nakakapit sa likuran ko at halos lantad na lantad na ang balat ko. Ang pangbaba ko white trousers. Hinayaan ko ang aking buhok na nakalugay. Hah! For sure magagalit si Papa nito pagkaalis na pagkaalis ng mga bisita. Pero, bahala na. Ano namang pakialam ko sa opinyon niya. "What the hell is that Alliesha?!" Bungad sa akin pagbaba ko palang ng hagdan. Sabi na nga ba! Luh, highblood na highblood agad wala pa ang mga bisita! Baka matuluyan siya sa ginagawa niya, huh! I didn't answered. Tuwid kong tinungo ang aking upuan. Ang takong ng aking sapatos ay naglilikha ng ingay. Samut saring bulungan ang aking narinig galing sa kanila, at ang kanilang buong atensyon ay nasa akin. "Alliesha, you should change now! Tita Phoebe will get mad to you for sure!" Celyn exclaimed. I gave them a sweet smile as I fixed myself as soon as I sat down. "That's fine. I can handle myself, " I politely answered to them. I'm their problem. Madadamay ang plano nila sa mga pinanggagawa kong kalokohan. Ibinagsak ni Papa ang kaniyang kamay sa lamesa, ngunit bago pa man siya nakapagsalita ay agad siyang pinutol ng isa naming kasambahay. "Sir, nandito na po ang mga Guevarra." Sinalubong ko ang matatalim na tingin ni Papa at binigyan siya ng mapang-asar na ngiti. See? Takot siya na makita ang tunay niyang ugali. Lalo na ang makakakita nito ay mas mataas sa kaniya. Kung patuloy kong pakikinggan ang mga sinasabi nila sa akin baka umabot ako sa punto na maski ako ay kamuhian ang aking sarili. "Remember the contract, Alliesha," banta niya na inirapan ko. Masama ang tingin nilang tatlo sa akin. "Act with elegant Alliesha," ani ni Celyn. "Have your manners in the table, Alliesha," dugtong ni Tita Amelia. I sweetly smiled at them trying to piss them more. Pwede ba? Pakialaman na lang nila ang sarili nila, maski ang pagkilos ko ay pinakikialaman, e. "Javier! Mabuti't pumayag kayo sa aking imbistasyon!" Salubong niya at tila maamong-maamo ito na walang gulong nangyari kanina. I rolled my eyes to him as he welcomed the visitor. Nang ilipat ko ang aking tingin sa iba pang bisita ay halos nawala ako sa sarili nang makita ang pamilyar na mukha. Naging blangko ang ekspresyon ko at naglaho ang mapang-asar kong ngiti. Nang magtama ang aming mga mata ay halos pareho naming nilalabanan ng malamig na tingin ang isa't isa. Tingnan mo nga naman. Ang sinasabi nilang Phoenix Guevarra ay matagal ko na palang nakakasama. It's him, the man in the restaurant, hotel and the seaside. I examine him, head to toe. His forehead creased. Binawi ko ang mga mata ko sa kaniya at ibinalik kay Papa. I pursed my lips as I watched Papa's movement. I sipped to my juice as I rolled my eyes to him. "It's a pleasure of us to be invited in Saranza's Mansion," panimula ng isang babae. I think this is Phoenix mom. And Papa was right they are conservative type. Balot na balot ang katawan nito sa mahabang dress na talagang bumagay naman sa kaniya. Her hair are in low ponytail, na mas nagpalinis tingnan sa kaniya. Umupo na sila. Magkakatabi kaming tatlo ni Celyn at Tita Amelia, si Papa ang nasa harapan ng lamesa at ang tatlong bisita ay nasa tapat namin. Phoenix mom eyed me. Napansin ko rin na tila hindi mapakali si Celyn sa inuupuan niya at tila namomoblema sa suot kong damit. "This must be Alliesha, the one you're talking about Alejandro. What a lovely girl indeed," she pointed out. I smiled. "It's nice meeting you po," I politely answered. When our eyes met I almost feel the shivers through my body. Ibang-iba rin ang ibinaling kong emosyon sa kaniya. Ang mapaglaro kong emosyon ay nawala at napalitan ng buong paggalang. "Ah, yes! She's the one I'm talking about. Just like Celyn their both a lovely girl, 'yon nga lang ay itong si Alliesha ay walang interes sa business," pagmamayabang ni Papa. Lahat sila ay humalakhak, ngunit ang tingin ko ay nanatili sa aking kinakain. Ibinaling ko ang tingin ko kay Papa at nang magtama ang aming mga mata ay agad ko siyang binigyan ng mapang-asar na ngiti. Nang panlakihan niya ako ng mata ay doon lang ako nag-iwas ng tingin. I pity you, Papa. I really do. Seryoso ang mga nangyayari sa akin pero ayaw kong seryosohin ang lahat ng ito. Gusto kong maramdaman na ang nagyayari sa akin ay hindi gano'n kabigat. Ang pekeng ngiti sa aking labi ay hindi nawala. Ramdam ko ang mga matang nakatuon sa akin ngunit dahil hindi ako nakatingin ay hindi ko kilala kung sino iyon. "Sayang, mukhang hindi papasok sa business industry! Mabuti pa itong si Celyn at nag-uumpisa na ng sarili niyang kumpanya!" dugtong niya pa. Mahinang tumawa si Celyn dahilan para lingunin ko siya. Titig na titig siya sa mga Guevarra ang kaniyang mga galaw ay tipid na tipid at tila takot magkamali. I almost chuckled but I stop myself from doing it. Kailangan ba na kapag ipinagmamayabang ang isang bagay ay ikukumpara mo ito sa iba pang bagay? Sinong angat, sinong lamang gano'n ba 'yon? "Maybe, she wants another career?" Phoenix dad asked my father. But my father just laughed and changed the topic. Binasa ko ang aking labi bago tarayan si Papa gamit ang aking mga mata. At hindi na pinakinggan ang mga sinasabi nila. Ano namang sense? Lahat ata ng pinag-usapan nila ay tungkol sa business. At wala naman akong intensyon sa mga bagay na gano'n para pakinggan ko. "Alliesha." Bahagya kong iniangat ang aking tingin nang marinig ang kaniyang boses. Halos mangilabot ang buong katawan ko. Ang lamig ng kaniyang boses ay kumalat sa aking sistema. Maski ang pag-uusap ng aming mga magulang ay natigil. Napakurap ako at binigyan siya ng nagtatanong na tingin. "It's Arch Phoenix," dugtong niya. "W-what?" Hindi makapaniwalang tanong ko. I can't process what he just said. Na parang hindi tinatanggap ng aking utak ang mga ito. Pumasok sa aking isang tenga at agad na lumabas sa kabila. "You wanted my name, right? It's Arch Phoenix," he repeated not removing is eyes into me. Tinitigan ko siya at hindi na nakasagot sa sinabi niya dahil tila kinakapos ako ng mga letrang lalabas sa aking bibig. Nataranta ako at tila hindi handa sa mga nangyari. "Oh? You already knew each other?" His mother asked. Palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa, lito kung sino ang tatanungin. Nakatitig pa rin ako sa kaniya habang siya naman ay nakikipaglaban din ng malamig na tingin sa akin. Ang mga tao sa aming paligid ay parang naglaho at parang kaming dalawa na lang ang natira. Ang emosyon na kanina ko pa tinatago sa lamig at mapaglarong mga mata ay sabay sabay na lumabas. Ang lamig ng kaniyang mata ang lumusaw sa aking mga pagpapanggap. "Well that's good!" Ang halakhak ni Papa ang nagpabalik sa akin sa realidad. Agad kong binawi ang tingin ko sa kaniya at pinagpatuloy ang aking kinakain. Mahigpit kong hinawakan ang kubyertos at doon binaling ang lahat. "Mukhang magkakasundo pa kayo. Mabuti 'yan at hindi kayo mahihirapang kilalanin ang isa't isa!" Dugtong ni Tita Amelia kay Papa. Hindi ako umimik. Nawalan ng emosyon ang aking mukha at ang pagkalamig ng aking mga mata ay bumalik. Ang bobo! Dahil lang gwapo siya bibigay na agad ako, gano'n? Dapat nagpanggap na lang siyang hindi ako kilala! Paniguradong gagawing advantage ni Papa na magkakilala na kami. At paniguradong ipepressure na naman ako.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat