"Hindi mo ba talaga titigilan 'yang ginagawa mo, Alliesha?" salubong ni Tita Amelia sa akin. Napahinto ako sa paglalakad at binalingan siya ng tingin. What? Ano na naman yung ginagawa ko? Lahat na lang, jusq. Ibinaling ko ang lahat ng atensyon ko sa kaniya. Wow ha, ito ang unang beses na naghintay siya ng ganitong oras para sa akin. Gusto ko rin naman na sinasalubong ako pag-uwi ko, pero hindi naman gaya nito, ano! Naghahanap ng away, e. "Gagawin ko po kung ano ang gusto kong gawin, Tita," I answered politely. Nakasuot na siya ng night dress niya at tila nag-aabang na lang sa oras para matulong. Panigurado, kanina pa siya naghihintay sa akin. I just can't believe that she will put too much effort just to nag me. "You can't do what you want, hija. Ano ba, Alliesha?! Hindi ka na bata para ituring na laro ang mga nangyayari sa'yo. Wake yourself up, and stop dreaming that you can have the things you want. Mukhang hindi ka pa gano'n kahanda para makita ang realidad mo sa mundong ito." Umiling siya. Ang mga mata niya ay nanliliit at tila dismayado sa akin. I rolled my eyes trying to compete with her look. Her eyes is full of judgement. Dismayadong dismayado sa mga desisyon ko sa buhay, ah? Si mama nga ni minsan hindi hinusgahan ang mga desisyon ko sa buhay. Ano pa sila? Anong karapatan nila? "You can't do anything about it, hija. Just accept what will happen to you, this is life and you can't deny it. Pilit mong sinasaway ang tatay mo, pero may nangyayari ba? Wala, mas lalo ka lang nagmumukhang kawawa." I pursed my lips. Ang puso ko ay nagwawala at tila gustong kumawala sa akin. Ang mga kamay ko ay nag-umpisang mamasa. Hindi ako sumagot at tanging ngiti lang ang aking naibigay. Nakuha niya, ang mga katotohanang pilit kong tinatakbuhan simula nang nakaraan, ay pinamukha niya sa akin sa simpleng salita lang. Pilit na sinasampal at nagbabakasakaling matatauhan ako sa ginagawa kong pag-iwas sa problema ko. I want to dictate myself what should I do in my life. This is mine and others don't own my life. Kaya papaano ko tatanggapin ang mga bagay na dapat mangyari sa akin kung sa una pa lang ay ayaw ko nang magyari ito. Ang pagiging sunudsunuran sa tatay ko at ang paggawa ng mga plano niya. "Kung ayaw mong makinig, Alliesha, bahala ka na sa buhay mo. Alam kong alam mo na wala kang laban sa Ama mo. Lumalalim na ang gabi, matulog ka na." Nang tahakin niya ang daan papunta sa kanilang kwarto ay nakasunod ang mga mata ko sa kaniya. Kasabay sa pagsara ng pintuan ay ang pagtahak ko sa aking silid. So, This is life? No, this is their life. Nakakatawang isipin na tinatanggap nila ang ganitong klaseng pamumuhay. Gumigising araw-araw at pilit na nagtatrabaho para sa perang pwedeng ipagmalaki sa ibang tao. Why are they doing it? I just don't get it. If I have more money I'll do what I think I need to experience. Dahil sa huli, wala rin namang magagawa ang pera. Their life is no fun. Papasok, tapos uuwing pagod. Kinabukasan ay gano'n ulit. I mean, ang boring naman no'n. Baka 'pag gano'n ang takbo ng araw ko ay ako mismo na ang mauumay sa mga pinanggagawa ko. Mabilis akong naglinis ng aking katawan. Nang maramdaman ko ang lambot ng kama sa aking likuran ay agad akong inatake ng pagod at antok. Nang imulat ko ang aking mga mata ay ang unang sumalubong sa akin ay ang sinag ng araw. Tumatama ito sa aking katawan dahilan para mas makita ang kaputian ko. Nanatili ako sa kama. Staring at the ceiling as if I don't have things to do today. Ang katawan ko ay nanatili sa iisang pwesto. Ayaw kong kumilos, at ayokong harapin ang kung ano mang nasa labas. Afraid something might happen outside of this room. Tss, ang duwag lang isipin na hindi na ako kikilos dahil sa mga nangyayari. I laughed without humor because of my thoughts. Kailan pa ako natakot sa mga mangyayari sa'kin? Kung dati nga ay tuwang-tuwa ako sa panibagong araw na dumadaming, dahil iniisip ko ay makakaranas ka ng bagong bagay. Tapos ngayon, ano na? Takot na takot, ha! Bumuntong hininga ako at pinagmasdan ang kabuuan ng kwarto ko bago ko mapagpasyahang bumangon na at mag-asikaso. From: Dr. Reyes Alliesha, you need to take action. Unti-unti na nilang ginigipit ang mama mo sa hospital. Tulala kong pinagmasdan ang text ni Dr. Reyes habang marahang dumadapo sa aking buhok ang suklay. Kung pilit kong tatakbuhan ang mga nangyayari sa akin ay walang mangyayari. Ang mga problema na tinatakbuhan ko ay mas lalo akong hahabulin. "Kala mo talaga may magagawa ka, oh. Tss, takot ka nga sa sarili mong tatay, e!" pabirong bulong ko. Pilit na pinapakalma ang sarili. Naghahalo-halo ang aking isip at tila nagkakandabuhol-buhol na. Ang paghinga ko ay unti-unting lumalalim at ang aking kamay ay nag-umpisa na ring manginig. I bit my lips. I'm nothing against him. Dapat ay manatili ako sa mababa at hindi nakikipantay sa kaniya kung gusto kong gumaan ang buhay ko. Sa oras na makita nila akong kompetensya ay paniguradong mas pag-iinitan ako. Dahilan kung bakit wala sa balak kong makihati sa kumpanya ng mga Saranza. Ang paninikip ng dibdib ko ang lumulukob sa akin. Sumabay pa ang puso ko na parang nakikipagkarerahan. At nang maramdaman ko ang seradula sa aking kamay ay tila napaso ako nito. I don't know anymore. Naiipit ako sa mga nangyayari. Nang makalabas ako sa aking silid ay pilit kong inayos ang sarili ko. Taas noong naglakad at tuwid na tuwid sa bawat hakbang na binibitawan. Nakakalungkot lang na ang bahay na punong-puno ng pagmamahal dati ay naging preso para sa akin. This house is not the same anymore. Ang matinis na tunog ng mga kubyertos ang sumalubong sa akin nang pasukin ko ang hapag. I smiled at Manang when our eyes met. Tanging si Tita Amelia at si Celyn ang aking naabutan sa hapag. Oh, himala at wala pa si tanda rito? "Ipaghahain ba kita, hija?" tanong nito. Umiling ako at bumalik naman siya sa kaniyang ginagawa. Simula nang nagrebelde ako sa ama ko ay pilit kong iniiwasang magalaw ang mga bagay galing sa pera niya. Pero mukha bang magagawa ko 'yon ngayon? Ngayon na halos magmakaawa ako sa pera? Naubos ang ipon ko dahil pilit kong binabayaran ang bills sa ospital nang hindi tinatanggap ang perang bigay ni Papa. "What's your deal, Alli?" Celyn asked. Binitawan niya ang cellphone niya at itinuon ang atensyon sa akin. Nakadekwatro ako at ang aking braso ay nakakrus sa tapat ng aking dibdib. Kalmado kong nilalabanan ang mga mapanuring mata ng mag-ina. "I have to go, Celyn. Just text me if you need something," Tita bid her goodbye before she stormed out. "Hanggang sa harap ng pagkain magpapapansin ka ba?" she asked again. I pursed my lips. "Ikakasal ka na nga kay Phoenix ikaw pa 'tong nag-iinarte!" punong puno ng pait ang bawat salitang lumalabas sa bibig niya. Inikot niya ang mata niya at binigyan ako ng isang matalim na tingin. Jealousy rushes to her as if it's already took over her whole system. "Who's Phoenix--" "Ano ba, Alli?! Hindi mo ba talaga siya kilala o nagmamaang-maangan ka lang?! Gosh, sa buong internet ay kilalang-kilala sila! Maski maliit na bagay lang ay pinagkakaguluhan na agad sila!" she fired at me making me flinched to her voice. I bit my lip stopping myself from pouting. Malay ko ba. Ano naman kasing pakealam ko sa mga taong ganiyan, ano. Wala nga akong balak magpakilala bilang anak ni Papa, e. At paniguradong sa oras na makialam ako sa buhay nila ay mawawala na ang peace of mind ko. Nagkibit balikat ako at tipid siyang nginitian. "Is he an artist?" I joked trying to cool the atmosphere in the dining area. Hinawi niya ang buhok niya at inirapan ako bago ibalik ang atensyon sa cellphone. Bakit? Artista lang naman ang pinagkakaguluhan ng gano'n, ah? "Gosh, nakakairita talaga 'tong mga trolls na 'to! They have the audacity to make rumors about the Guevarra's! Using Guevarra's name for fame is unacceptable!" reklamo niya at tumayo na sa kinauupuan niya matapos magpunas. Sinilip ko ang cellphone niya at nakita ko ang sunod-sunod niyang pag report sa mga group page na nakapangalan sa Guevarra's. "He have a fandom? Sikat pala siy--" Ngunit hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil ang matinis niyang boses ang nanaig sa loob ng bahay. "Makisabay ka pa, Alli!" Tumayo siya at agad na inayos ang sarili bago maglakad paalis. "Byeeee," paalam ko gamit ang malambing na boses habang sinusundan siya ng tingin. Tss, tutok na tutok sa cellphone! Gano'n ba talaga siya magkagusto? Ano namang pakialam niya sa mga tao na gumagawa ng dummy account, 'di ba? She's just wasting her time handling the people who only want to support that Phoenix. Ilang minuto pa ang lumipas ay dumalo na si Papa sa hapagkainan. Daladala ang brown envelope at ibinaba sa harap ko. "Sinasabi ko na nga ba at bibigay ka rin." Ang mga katulong ay nagkandaugagang asikasuhin si Papa at lagyan ang kaniyang pinggan. "This is the contract. Sign it and we're good to go. Nasa loob na rin ang impormasyon ng lalaking 'yon at ng pamilya niya," dugtong niya bago mag-umpisang kumain. Hindi ako sumagot at pinanatili ko ang tingin ko sa harap kong upuan, kahit na wala nang nakaupo pa roon. At nang ilipat ko ang tingin ko sa kaniya ay doon ko rin napansin na wala sa akin ang atensyon niya. I wonder if we could be like other fathers and daughters. Siya bilang mapagmahal na ama kung saan lagi niya akong ilalayo sa kapahamakan. Siya na ibibigay ang lahat ng atensyon sa pangangailangan ng anak niya. At ako na sasalubungin siya kada pauwi galing opisina at kukumustahin ang araw sa trabaho. I just saw it in movies. I wonder if that could happen in reality. I shook my head as I smirked. Ano ba 'tong pinag-iisip ko? Malamang lahat ng 'yon ay hindi mangyayari. Paano mangyayari 'yon kung halos kasuklaman na naming dalawa ang isa't isa. Padabog kong kinuha ang envelope at tumayo na sa aking kinauupuan. "Sinasabi ko sa'yo, Alliesha, anak lang kita at tatay mo ako. 'Wag mo akong subukang kalabanin at sumunod ka na lang. Pinapahirapan mo lang ang sarili mo. And also, don't expect to be got accepted in any jobs. Hindi ka pwedeng magkaroon ng trabaho habang ginagawa mo ang kontrata para sa mga Guevarra. Tsaka, ano pa ang hahanapin mong trabaho kung simpleng paghingi mo ro'n ay bibigyan ka," puno ng otoridad niyang banta sa akin. Inirapan ko siya bago tahakin ang daan palabas. Nang marating ang aking kotse ay agad akong nagpaharurot papaalis do'n. Sabi ko na nga ba, siya ang may kagagawa ng mga 'yon. Papaanong hindi ako tatanggapin kung ang isang gaya ko ay may karanasan na sa pagluluto? I also have a college degree. See, tanging pagrereklamo lang ang magagawa ko. Ni hindi ko rin naman kayang gumanti. Ang alat na nanggagaling sa dalampasigan ang unang sumalubong sa akin nang makababa ako sa aking sasakyan. Ang tunog ng payapang dagat at ang huni ng ibon ay naghahalo, dahilan upang kumalma ang aking sistema. Ang pinaghalong puti at asul ang halos makikita sa dalampasigan. Ang malinis na tubig ng karagatan na siyang umaalon ng payapa at ang kalangitan na may kakaunting ulap, Just for the last time, I let myself breathe. Ang mga buhangin ay unti-unting lumalapat sa aking paa kasabay ng hakbang na ginagawa ko ay pumapasok sila sa aking sapatos. Nang marating ko ang rock formations ay agad akong naghanap ng pwesto at naupo do'n. Bumuntong hininga ako bago buksan ang brown envelope. I took out the contract and put it in my bag. Itinira ko sa aking kamay ang mga papel na naglalaman ng impormasyon kay Phoenix. "Tss, Phoenix name is too common!" I ranted as I scanned the paper. Name: Arch Phoenix Gomez Guevarra Age: 32 years old Birthday: April 16, 1989 Occupation: Business-man, CEO of GVR Company, Owner of GVR Airlines Mother's Name: Phoebe Gomez-Guevarra Father's Name: Nixon Javier Guevarra Family Businesses (owned): GVR Company, Owned Hotel and Resorts under GVR Company (Branches around the world), GVR Airlines(Branches around the world), and Condominiums under GVR Company. Inikot ko ang mata ko bago tuluyang ibaba ang mga papel. Edi sila na! I mean, sila na talaga! Papaanong tatanggihan ni Papa ang mga gaya nila na ang daming pinapatakbong business. Ang mga nabanggit na hotel ay pamilyar sa akin at kilala ang mga ito halos sa buong bansa. Ilang beses akong nag-apply sa mga hotel nila bilang Chef pero kahit kailan ay hindi ako natanggap. Masyadong mataas ang mga standards nila para sa empleyado nila. Paanong hindi tataas kung ang sweldo ay halos kaya ka nang buhayin sa isang taon mo. Lalo na kung mataas ang posisyon. Dapat ay si Celyn na lang talaga ang nasa sitwasyon ko. They're both match too each other. Phoenix Guevarra is too good for me. Ni hindi ko man nga lang mapantayan siya. Isa siya sa pinagkakaguluhan at hinahabol ng mga babae. Paniguradong mataas din ang standard nito pagdating sa babae. Ang kapal naman yata ng mukha kong paglaruan siya para sa pera? Marahas kong pinunit ang papel na naglalaman ng impormasyon tungkol sa pamilya nila at inilapag sa gilid ko. I can't believe that my father wants me to marry an old guy! Ang tanda niya na, 'no! At kung titingnan ay 7 years ang agwat namin. Kasabay nang pag-ihip ng hangin ay ang paglipad ng mga punit-punit na papel. Hindi ko iyon pinansin at hinayaang sumabay sa ihip ng hangin. "Tss, mayaman nga baka masama naman ang ugali!" bulong ko nang ibalik ang tingin sa dagat. Pilit na hinahanapan ng butas ang mga Guevarra at doon binubuhos ang lahat ng galit sa aking Ama. "They also owned the GVR Travel Agency, I think you forgot that." Marahas kong nilingon ang pinanggalingan ng boses. I raised my eyebrows to him. Familiar face flashes in front of me. "Oh? Ikaw 'yung sa hotel 'di ba?!" I exclaimed as I gathered myself to stand up. I smirked. "Baka ikaw talaga 'tong sunod nang sunod? 'Yan ha, ibabaling mo pa sa'kin na stalker mo ako?!" Lumapit ako sa tabi niya at pinaningkitan siya ng mata. "Tss, ikaw ata 'tong sumusunod sa akin, eh!" "His mother name should be Maria Phoebe Gomez-Guevarra. Where did you get your information? Kulang kulang 'to," saad niya habang walang buhay na tiningnan ang pirasong papel na napulot niya ata nang umakyat siya rito. "Should I give a private investigator for this, then?" I laughed without humor when I heard him. Nababaliw na ba siya? Gagastos siya nang gano'n kalaki para lang sa impormasyon ng mga Guevarra? "Naku, 'wag na! Sayang lang effort mo d'yan!" Halakhak ko at itinuon na ang mata sa dagat. He crumpled the paper before he put it in his pocket. "Mayaman ka siguro, kung makasabi ng private investigator parang hindi namomoblema sa pera, ha! Tsaka ako? Gagastos para do'n? No thanks," bulong ko pa. Ay, oo nga pala. Sinabi niya pala noon na mayaman nga siya. Tahimik siya sa gilid ko at nang balingan ko ng tingin ay seryosong nakatitig na rin sa dagat. Ang maskuladong katawan niya ang nagpapamukhang maliit sa akin. Sabayan pa ng tangkad niya. He has a sharp features. Dahil nakatagilid siya sa akin ay kitang-kita ko ang kaniyang panga at ang pagkatangos ng kaniyang ilong. He also have stubble beard, making it more attract others. "I'm Alliesha, you?" Pagpapakilala ko kasabay nang pag-alok ko sa kaniyang kamay. Ngunit minuto pa ang lumipas ay hindi siya at halos hindi pansinin ang mga kamay ko. Tingnan mo nga naman, napakasama ng ugali. "Pa'no 'yan? 'Pag nagkita ulit tayo ano ang itatawag ko sa'yo? Are you fine with Sir?" I chuckled. Sumimangot ako at binawi na ang kamay ko. Mukhang wala naman siyang balak kausapin ako, e. "Alam mo kung wala ka rin palang balak kausapin ako dapat hindi mo na ako pinuntahan dito. Naghanap ka na lang sana ng ibang pwesto 'di ba!" I ranted to him. Kakausap sa kaniya ay nagmumukha lang akong tanga rito! Pinulot ko ang bag ko at ang iba kong gamit. Wala na rin naman akong balak magtagal at mas lalong gugustuhin kong umalis kaysa ang kausapin ang taong 'to. Parang kumakausap ako ng bato. Ramdam ko ang presensya pero hindi naman sumasagot. "Sir, kapag makita mo ako sa sunod tawagin mo ako sa pangalan ko, ha!" Binigyan ko siya ng matamis na ngiti. "Why should I do that?" Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ang boses niya. Nang magtama ang mga mata namin ay napasinghap ako. Gosh, even his eyes screams authority. Na tipong lahat ng iuutos niya ay susundin mo. Sa totoo lang ay hindi ko kayang tagalan ang presensya niya. Kapag nasa tabi ko siya ay pakiramdam ko kinukuha niya lahat ng lakas ko. At kapag nagtagal ako ay unti-unti akong mauupos na parang kandila. Kung hindi ko siguro dinadaan sa biro ang mga sinasabi ko sa kaniya ay paniguradong kanina pa ako nahimatay sa kaba. Buong-buo at lalaking lalaki talaga maski ang boses niya. Sa lalim pa lang nito ay mukhang marami ng mga babae ang mahuhulog. "Para sa sunod na pagkikita natin ay makuha ko na ang pangalan mo. Tatlong beses na tayo nagkita, ang pangit naman tingnan kung sa pang-apat ay hindi ko pa rin alam ang pangalan mo?" Nginisihan ko siya at kinaway ang ang kamay bago tahakin ang daan papabalik sa aking sasakyan.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
i love the story❤💚
05/05/2022
0it's a great story
12/07/2024
0The best
16/05/2024
0Tingnan Lahat