logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Seven

[ Kath's Pov ]
Pagkatapos kasi namin mag-agahan ay minabuti kong lumabas para mapag-isa.
Napaisip lang sa mga nagdaang araw..
Nung sinabi niya saakin na ready na ako mag-asawa nalungkot ako kasi hindi ako naniniwala sa kasal.
Secret na muna kung bakit.
Di ba naka-arranged marrriage ka? Tanong ng isip ko.
Oo nga pero hindi ako magpapakasal over my dead gorgeous body.
Sabi ko dati ayaw ko muna magboyfriend pero kung papalarin na mahanap ko ang prince charming ko! Why not diba?! Basta kaya niyang magstay sa tabi ko kahit na anong mangyari. Sawa na kasi akong maiwan palagi.
Minsan magulo talaga ang isip ko..hayaan niyo na.
"Ang lalim ng iniisip natin ah? Hinay hinay lang baka malunod ka." Alam ko na nagbibiro lang siya. "May problema ba?"
"Wala ito, ayos lang ako." Yon lang sinabi at mabilis na umalis doon at pumunta sa kwarto ko.
Sobra akong napagod ngayong araw at inaantok na ako.
*****
Ikalimang araw na namin sa tagaytay at ito ang ikalawang araw na magkaayos kami ni Tobi.
Masyado na kaming malapit agad sa isa't-isa nagkukuwento siya tungkol sa kanyang kasintahan at sa mga rants niya dito.
Sa totoo lang habang kinukwento niya sakin yung sa kanila ng girlfriend niya...may kakaibang kirot dito sa puso ko.
Oppsss! Nasaktan ako sa mga nalaman ko. Wala akong feelings for him.
Hindi ako naiinggit dahil siya ang girlfriend, naaawa ako sa girl kasi hindi niya alam na hindi na siya mahal nito.
"Sana sinabi mo na lang sa kanya yan." Out of nowhere na sabi ko.
"Kung hindi mo na talaga siya mahal bakit ka pa nagsstay?"
"Hindi ko siya kayang saktan." Sagot niya.
Tumawa ako ng pagak. "Kalokohan! Bakit? Sa tingin mo ba hindi siya nasasaktan dahil sa treatment mo sa kanya?”
Hindi siya sumagot sa tanong ko bagkos ay nanatili siyang tikom ang bibig.
Bakit ba ako apektado? Gayong wala naman kameng relasyon. Siguro dahil sa kapwa babae ko ang nasasaktan.
Di kaya nagkakaroroon na ako ng feelings for him?
'Wag siya.
Tinitigan ko siya.
"Alam mo...kung ako lang ang nasa sitwasyon ng girlfriend mo mas pipiliin ko pang mag-isa kesa ipilit ang sarili sa taong hindi na ako mahal." Malumanay na sabi ko mismo sa kanya habang nakatitig sa mga mata niya.
Bumitaw siya sa titig ko at yumuko.
"Hindi ko sinasadya na maging ganito...ayoko siyang masaktan."
Paulit-ulit lang tayo dito.
"Baka kasi may pagmamahal ka pang natitira para sa kanya kaya hindi mo siya kayang pakawalan." Sabi ko at nagwalkout.
"Hindi ko na talaga alam."
Pare-pareho lang ang mga linyahan ng mga lalake!
Ganyan na ganyan din si Daddy kay mommy nakita ko si mommy kung paano magmakaawa na magstay si daddy kahit hindi na siya mahal...sobrang sakit na makitang nagkakaganun si mommy dahil sa isang lalake na mas pinili kaming iwan.
Gabi-gabi naririnig ko ang bawat paghikbi ni mommy, habang ako ay nasa kwarto nakikinig sa mga iyak niya. Wala akong magawa noon dahil masyado pa akong bata.
Sa totoo lang galit na galit ako kay mommy kasi hindi niya na lang hinayaan na umalis ang walang kwentang si daddy.
Nagmakaawa pa talaga! Pero ano? Hindi rin naman siya nagstay umalis parin si daddy at mas pinili ang bago niya.kami ang unang pamilya pero dahil hindi kasal ang parents ko kaya naging bastarda ako. Ikinasal si daddy sa ipinalit niya samin.
Kaya sabi ko sa sarili ko na kung magkakaboyfriend ako at nalaman ko na hindi niya na ako mahal...ako mismo ang kusang magpapalaya sa kanya.
Hindi ko kailangan ng taong magsstay lang sa piling ko dahil sa awa.
“Kung hindi ka na masaya sa kanya prangkahin mo siya—'wag mong hintayin na maikasal kayo tas kapag nagkaroon kayo ng anak ay madadamay pa gulo niyong dalawa kaya mag-isip ka habang maaga pa.” Seryoso kong sinabi sa kanya yon.
Sana'y naman na akong hindi pinipili.
Sana'y na sana'y na ako!
Pinahid ko ang mga luhang traydor saka ako nag-ayos para sa program.
“Ahm, sige punta na ako doon, mag-aayos pa ako kasi mamaya ako ang emcee.” Sabi ko pero pinilit ko maging okay para hindi niya mahalata ang namumuong luha sa aking mga mata.
Tumayo na ako at naglakad na palayo sa kanya.
[ Tobias Pov ]
Sinundan ko siya at nakita ko ang paghikbi niya.
May problema ba siya?
Para akong sinampal ng tatlong beses dahil sa mga sinabi niya.
Tama siya bakit pa ako magsstay kung wala ng pagmamahal?
Malapit na kaibigan ko si Martina, yun ang dahilan kaya hindi ko siya maiwan- iwan.
Limang taon ko na siyang kaibigan at sa limang taon na yon ni minsan hindi niya ako iniwan.
Lalo na nung mga panahong nasasaktan ako siya lang ang nandiyan.
Pero nung naging kame nag-iba na siya palagi siyang nakasinghal at nagseselos.
Dahil doon nagbago na pati ang pagmamahal ko sa kanya.
"Kuya Tob, bakit nandiyan ka pa magsisimula na ang program." Si Alli.
Sabay na kami pumunta sa pag gaganapan ng program.
"Oh mga bata handa na ba kayong makinig kay ate Kath?"
"Opo!" Sabay sabay na sigaw mga bata.
"Gusto ko maging open kayo sa inyong mga saloobin...nandito kame para tulungan kayo...lalabanan natin ang takot na nararamdaman niyo sa araw-araw." Nakangiti niyang sinasabi pero halata sa mga mata niya ang lungkot.
Yung program na gagawin para sa mga batang may sakit na sumusuko na sa buhay dahil sa kanilang karamdaman ginawa ang foundation program na ito para makalimutan nilang sumuko at lumaban nalang para gumaling.
Habang nagsasalita si Kath sa harap ay nakita ko ang palangiti niyang side pero naalala ko yung naging pag-uusap namin kanina. Magaling siya magtago ng emosyon kaya hindi mo mahahalata kung masaya ba talaga siya o nasasaktan.
Hindi ko inaasahan na nandito ako para sa kanila.
Nakakaawa sila, kung tutuusin maswerte ako sa buhay ko, Simple lang ang problema ko ang pagiging pogi.
Ang umangal mababaog.
Pagkatapos ng foundation program hindi parin ako pinapansin ni Kath.
"Kath!" Tawag ko sa kanya.
Akmang aalis siya pero mabilis na hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan ang pagwawalkout niya.
"Busy ako, marami pa akong gagawin."
"May nasabi ba ako na hindi mo nagustuhan kaya iniiwasan mo ako?"
Matagal bago siya nagsalita.
Napatawa siya bago nagsalita."Oa ka masyado sinabing busy lang ako."
"Wala lang yon...tulungan mo na lang kaya ako kung ano ano ang iniisip mo diyan." Nakangiti siya ngayon.
Masyado lang ba akong nag overthink na baka galit siya? O nasasaktan siya?
Tinulungan ko siya na mag ayos ng mga upuan na ginamit sa program kanina.
Habang nagpapatong ng mga upuan hindi ko maiwasan na hindi magtanong sa kanya.
"Magkwento ka naman tungkol sa buhay mo, ako kanina pa nagkukwento."
"Ano ba gusto mo malaman tungkol sa akin?" Chill na tanong niya.
"Nagkaboyfriend ka na ba?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko.
"Wala pa, never pa akong nagkaboyfriend." Walang gana niyang sagot.
Seyoso ba siya?
"Kung magkakaboyfriend ka maswerte siya kasi napakabait mo at napakamaalaga pa."
Natawa siya. "Ako? Mabait?!" Napatawa siya ng pagak.
"Oo, kahit na may pagkamasungit ka alam ko mabuti kang tao."
"Thanks for the compliment...Pero hindi mo pa ako masyadong kilala. Marami ka pang hindi alam tungkol sa pagkatao ko." Sabi niya habang nag aayos ng mga kurtina.
"Kung ganun hayaan mo akong makilala ka pa."
Ngumiti lang siya dahil sa sinabi ko.
"Tingnan lang natin kung masabi mo pa yan kapag nakilala mo na ako baka di ka na magstay kapag nalaman mo ang totoo sa pagkatao ko." Sabi niya with nagsmirk.
Iniwan niya ako na nakatulala!
WHAT?
(︺︹︺)〣( ºΔº )〣(✖﹏✖)(♥ω♥*)
Authors Note : Trying to forget you is like swimming against the current of the river. The harder I try, the faster I get tired and get swept back to you.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    Samantha Sola

    ang sarap pala bumasa

    15/07

      0
  • avatar
    Elly Jaye San Andres

    it's nice

    14/07

      0
  • avatar
    GandaMeann

    ❤❤❤❤❤

    10/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata