logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 7

Huminto ang taxi na sinasakyan ko sa harap ng Ravino El Condominium kong saan nakatira ngayon si Allen. Hindi ko alam kong bakit bumili siya ng condo, hindi rin ito nabanggit sa akin ni papa. Siguro ay binili niya 'to para may pagdadalhan siya ng mga babae niya. Malalaman ko parin 'yon.
Bumaba ako ng taxi at diretsyong pumasok sa loob ng Comdominium. Sumakay ako ng elevator at pinindot ang 7th floor.
Wala naman akong nararamdamang kaba o kahit na kirot sa dibdib. At hindi ko naman aawayin si Allen. Gusto ko lang na malaman kong anong ginagawa niya at kong maayos ba ang tinitirhan niya.
Alas tres palang ng hapon at sigurado akong nasa opisina pa si Allen. Nang tumunog ang elevator ay kaagad na akong lumabas. Bago ko hanapin ang Room 107 ay nagtungo muna ako sa isang receptionist.
"Hindi po pwede ma'am."
Binaba ko ang suot kong black glasses at inalis ko rin ang malong na suot ko. Bigay pa ito ni mama 'nong high school ako.
"I am Adriel Sandoval, asawa ko si Allen Sandoval."
"P-pasensya na po ma'am, s-saglit lang po..."
Inabot niya sakin ang key card ng bahay ni Allen. Nakangiti ko naman itong kinuha.
"Thank you.."
Tinalikuran ko na ang babae at dumiretso na sa paglalakad. Mabuti nalang at nahanap ko kaagad ang bahay ni Allen. Nang mabuksan ko na ay kaagad na akong pumasok.
Malinising tao si Allen. Namangha ako ng makitang sobrang linis ng sala. Walang kahit na anong frame na nakasabit sa bawat dingding. Nagtungo ako sa kusina at dahan dahang binuksan ang refrigerator. Napalunok ako ng makitang walang laman ang ref. Dumapo ang tingin ko sa rice cooker na walang laman. Madumi pa ito at halatang hindi pa nahuhugasan. May isang pinggan din sa lababo na hindi pa nahuhugasan. Siguro dahil sa pagmamadali niya ay hindi na niya nalinis ang mga dapat linisin.
Hinubad ko ang suot kong cardigan at sinimulan na linisin ang mga nakikita kong kalat sa kusina. Inabot lang ako ng ilang minuto bago nag tungo sa kwarto niya.
I smiled ng muli kong maamoy ang mabangong hatid ng bawat gamit ni Allen. Pakiramdam ko nasa tabi ko na ulit siya. I miss his scent, I miss my husband.
Napahawak ako sa bibig ko ng makita ko ang litrato namin ni Allen ng ikasal kami na malinis na nakapatong sa study table. Dahan dahan ko itong hinawakan. May namuong luha sa mga mata ko. Okay lang sa'kin kahit na hindi ako inuuwian ni Allen, basta naaalala niya ako, okay na yon.
Bumagsak ang mga luha ko ng makita ko sa malaking frame ang litrato namin 'nong kinasal kami. Sinusuotan ko ng singsing si Allen. At tanging kamay lang namin ang kuha sa litrato.
Matagal din akong tumambay sa kwarto ni Allen. Sa tuwing hihiga ako sa kama niya ay pakiramdam ko yakap yakap niya ako. Tinignan ko kong anong oras na, alas singko na pala ng hapon. Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Ellen.
"Eli where are you?"
'Grocery ako dai'
"Tamang tama may ipapabili ako, itetext ko nalang sa'yo."
'Sige wait ko yan.'
Pinutol ko na ang linya at itinext na kay Ellen ang ipapabili ko. Bago ako aalis ay lulutuan ko muna si Allen ng ulam para naman makakain siya ng maayos.
Binuhos ko lahat ng effort ko. Dumating narin ang pinabili ko kay Ellen. Una kong ginawa ay nag saing ako at nagsimula ng magluto ng sinigang na baboy.
Inabot ako ng isang oras sa pagluluto. Mabuti nalang ay hindi pa dumadating si Allen. Hindi niya pwede malaman na nagpunta ako dito. Kinausap ko na rin ang isang receptionist na huwag sabihin kong kanino galing ang niluto kong sinigang.
Inabot ko na ang bag ko at akmang aalis na ng bumukas ang pinto. Namutla ako ng makita si Allen na nagulat din sa nakita niya.
"What are you doing here?"
Hindi ako kaagad na kasagot. Ano ngabang ginagawa ko dito? hindi ko rin alam.
"At paano ka nakapasok dito?"
Nilabas ko ang key card at pinakita 'yon sa kaniya. "I have your key card."
"Where did you get that? this is my private place!"
"At bakit? asawa mo naman ako Allen."
"We're already separated—"
"Separated? desisyon mo yan Allen, sarili mong desisyon. Ininform mo ba ako bago mo sinabi sa mga ka business partners mo? diba hindi!"
"Umalis kana."
"Allen tao rin ako kagaya mo, may damdamin din ako."
Tinalikuran ko na siya dahil hindi ko na kaya. Halos araw araw nasasaktan ako. Hinayaan kong bumuhos ang mga luha ko habang naglalakad. Pinagtitinginan ako ng mga tao. Nanatili lang sa baba ang tingin ko.
I don't deserve this. Hindi niya dapat ako itrato ng ganito. Nagiging mas malala na siya. Hindi niya alam na ang sakit sakit na.
Habang nasa sasakyan ako ay hindi ko mapigil ang pagbuhos ng mga luha ko. Halos araw araw nalang ako umiiwak. At ang dahilan nito ay ang sarili ko pang asawa.
Nangako kami sa diyos na hindi namin sasaktan ang isat-isa. Nangako kami na aalagaan namin at mamahalin ang bawat isa. Hindi mag iiwanan sa hirap at ginhawa.
I want to be loved. Gusto kong maranasang mahalin ng taong mahal ko. Dahil hindi ko naramdaman iyon sa pamilya ko.
"Anong dahilan ng pag-iyak mo?"
Biglang tanong ng driver. Hindi ako kaagad na nakasagot sa tanong niya. Siguro ay naiirita na siya sa pasinghot singhot ko kaya nagtanong na siya.
Ilang saglit pa ay inabutan niya ako ng panyo. "Hindi nakakatulong ang panyo para mabura ang madilim at masasakit mong pinagdadaanan. Ngunit makakatulong ito upang mabura ang mga luhang bumabagsak sa iyong mga mapupungay na mata."
Wala akong dalang panyo o tissue manlang kaya no choice ako. Kinuha ko ang inabot niyang panyo.
"Malalampasan mo rin yan kong magpapalaya ka ng taong dahilan ng pag-iyak mo sa araw araw."
Kasabay ng sinabi niya ay siyang paghinto ng sasakyan sa harap ng bahay ng pamilya ni Allen.
"Nagagalit ang tao dahil may mabigat na dahilan. Ngunit kong mahal mo talaga at kong kaya mo pa, mag tiwala ka. Mas matimbang ang pagmamahal kaysa sa galit na nararamdaman."
"A-ano pong ibig niyong sabihin?"
"Same problem, same love story, same situation."
Hindi ko siya maintindihan. Inabot ko nalang sa kaniya ang bayad at dali dali ng bumaba. Weird.
Pumasok ako ng bahay at nadatnan ko si Bevei na pinaglalaruan ang isang kumpol ng bulaklak.
"Adi my loves!" Salubong sa akin ni Faith.
"Oh nandito kapa? akala ko ba bumili ka ng bahay?"
Tumawa ako ng makita kong nakabusangot ang mukha niya. "I canceled it. Biruin mo ba naman ang may ari pala ng condomimium na 'yon ay Santillan."
Santillan? dati siyang may na kwento sakin. Ngumisi nalang ako ng maalala ko kong sino ang tinutukoy niya.
"Ayaw mo ba 'non magkikita uli kayo."
"No way! ayokong magkaroon ng connection sa lalakeng 'yon."
Hindi ko nalang siya pinansin. Umupo ako sa tabi ni Bevei. Bakit parang nakita ko na ang bulaklak na 'to? Kaagad kong kinuha ang cellphone ko para tignan ang email na sinend sa akin kagabe ni Edrick. And I am totally right!
"Bevei who gave you this?"  turo ko sa bulaklak.
"Aah this? k-kuya Allen po....ate."
What?! so ang binigyan niya ng bulaklak ay si Bevei?
"Bakit Adi may problema ba?"
Singit ni Faith.
"Si Allen ba yong nagbigay nito?" Turo ko muli sa bulaklak. Tumango naman si Faith.
"Ah oo nandito siya kahapon. Medyo nag iimprove na kasi sa pagsasalita si Bevei kaya tinanong niya kong ano yong gustong reward ng kapatid niya. Ang sagot naman ni Bevei ay bouquet of flowers daw."
So hindi ibang babae ang binigyan ni Allen ng bulaklak? kundi ang kapatid niya? napahinga ako ng malalim. Mali nanaman ako.
"Hay nako may secret nga sila ni Allen eh." Reklamo ni Faith habang kumakain ng cookies. "Bevei anong secret niyo ng kuya mo? sabihin mo sa'min."
Bevei laughed. "S-sec...ret."
Natutuwa ako kapag nakikita ko si Bevei na masaya. Mahal na mahal ni Allen ang kapatid niya. Isang ugali na nagustuhan ko sa kaniya.
"A-ang clue po a-ay about kay a-ate Adi." Pagkasabi niya 'non ay tumakbo siya paakyat sa itaas bitbit ang bouquet na bigay ng kuya niya.

Komento sa Aklat (21)

  • avatar
    Capua Jean

    very nice

    27/07

      0
  • avatar
    Jace Amarillo

    nagsorry kay allen

    20/06

      0
  • avatar
    Marites Tolentino

    he very nice doing ah he wrote very carefully

    12/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata