logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

CHAPTER 1

WELCOME TO DESPOINA ACADEMY!
“The Academy’s hope... is here.”
Hindi ko maiwasang taasan ng kilay ang mga babaeng nasa aking harapan ngayon. Hello, did you see me? Nandito pa po ako.
“Ano nang gagawin natin ngayon?” tanong ng isang babae sa kasama niya habang nanatili pa rin ang kanyang mga mata sa akin.
“Isama natin siya,” sagot niya habang nakatingin pa rin sa akin.
“Paano kung ayaw niya?”
“Gawin natin ang lahat para sumama siya, Sonya.”
Muling bumalik ang pagtataka sa mukha ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa. I haven't understood them before. If they talk about me as if I am not in front of them. They are weird.
Noong wala na ang kanilang mga mata sa akin ay mabilis akong tumakbo patungo sa pintong malapit sa akin ngunit naka-lock iyon. Inis kong hinampas ang aking kamay sa pinto bago humarap sa kanila na nakatingin lamang sa akin. I wanted to cry! Gusto ko nang umuwi! Gusto ko nang yumakap kay Noah at umiyak sa kanya dahil sa takot na nararamdaman ko ngayon, ngunit malabong matupad ‘yun.
“Going somewhere?” tanong ng isang babae at naglakad patungo sa akin.
Mabilis akong umatras habang ang kaliwang kamay ko ay pilit na pinipihit ang doorknob.
“G-Gusto ko na pong umuwi,” mahina kong sabi.
Mabilis itong natigilan dahil sa sinabi ko. Tinangka nitong hawakan ang aking kamay ngunit mabilis akong umilag.
“But we need you, Brielle, the Academy needs you,” may halong pagmamakaawa sa boses niyang sabi.
Mabilis akong napalunok at pilit na sinisiksik ang aking katawan sa pinto. I knew it! They are really weird! Their Academy needs me? What Academy? Anong kailangan nila sa akin? And why does she know my name?
“H-How did you know my name?” I slowly asked.
Ngumiti ito sa akin at tinignan ang kabuoan ko.
“You will know if you come with us,” ang isang babae ang sumagot sa akin.
Mabilis akong natigilan bago sunod-sunod na umiling.
“H-Hindi, hi-hindi po ako sasama sainyo,” buo ang desisyon kong sabi.
“You are a dreamer, Brielle. Gusto mong mabigyan ng magandang buhay ang nanay mo, hindi ba?” nakangiting tanong ng isa kaya kulang na lang ay lumuwa ang eyeballs ko sa harapan nila.
Paano nila nalaman iyon? I do not know them, at hindi rin nila ako kilala. Paano nila malalaman ang tungkol sa pangarap kong iyon? Si Noah lang ang nakakaalam sa pangarap kong ‘yon, kaya naman napakalaking katanungan sa akin kung paano nila nalaman ang tungkol doon.
Tila nakita nila ang mga katanungang nakaukit sa mukha ko.
“Magiging maganda ang buhay ng iyong ina kung sasama ka sa amin,” saad ng isa.
“How do you make sure of that?” mahina kong tanong.
“I promised,” the woman said.
Mabilis akong nag-iwas ng tingin noong marinig ang mga katagang ‘yun. May nangako rin sa akin noon, limang taon na ang nakakalipas ngunit hanggang ngayon hindi pa rin niya tinutupad ang ipinangako niya sa akin. Hanggang ngayon.
“Hindi ako kagaya ‘niya’ upang hindi tuparin ang pangako ko sayo,” saad ng babaeng nasa harapan ko na nagpabalik sa akin sa wisyo.
“Sino ba talaga kayo?” tanong ko sa kanila.
Ngumiti sila sa akin.
“I’m Dahlia Roseta, and this is Sonya Sison. We are the headmistress of Despoina Academy,” saad niya na ikinataas ng mga balahibo ko.
Headmistress pala ang nanakawan namin? Yari ka talaga sa ‘kin Noah!
“Nakadesisyon ka na ba, hija?” nakangiting tanong ni headmistress Sonya sa akin.
Tumingin ako sa kanila habang nag-iisip. Kung sasama ako sa kanila magiging maganda ang buhay ni mama, ngunit ayaw kong mawalay sa kanya, sa kanila ni Noah. Tila mawawala ang kalahating bahagi ng pagkatao ko kung sasama ako. But I need to do this... for my mother.
I’m sorry, Noah. Maybe that's all our friendship is.
“Sasama ako”
Hindi nila inaasahan ang pagpayag ko kaya naman hindi nila naitago ang gulat at tuwa na dumaan sa kanilang mga mata. Mabilis na lumapit sa akin si headmistress Sonya at hinawakan ang dalawa kong kamay. Nakangiti itong humarap sa akin ngunit hindi ko magawang ngumiti pabalik sapagkat tila pinagsisisihan ko na ngayon pa lang ang naging desisyon ko.
Iginaya nila ako patungo sa pinto at magarang kotse agad ang bumungad sa amin sa labas. I almost salivated at its beauty and gradually became dizzy when I saw myself in its reflection in the sheer sheen. Ang gusot-gusot kong damit ay mas lalong gumusot at ang lumang doll shoes ko naman ay hindi ko namalayang nasira na pala dahil sa pagtakbo namin kanina, while my long and brown hair is blown away by the wind.
Two men dressed in black hurried downstairs and immediately opened the door for us. Pumasok kami roon at agad kong iginala ang aking tingin sa loob ng sasakyan, amoy na amoy ko ang bango ng loob ng sasakyan maging ang amoy ng upuan.
“House and lot for your mother and one hundred thousand allowance per week, okay na ba iyon para sayo hija?”
Mabilis pa sa alas kwatro nabaling ang aking atensyon sa mga headmistress noong magsalita ang isa sa kanila. Tanging nganga lamang ang iginawad kong sagot sa kanila kaya mabilis silang natawa habang pinoproseso ko pa rin sa aking isipan ang sinabi ni headmistress Dahlia. They’re just kidding, aren’t they?
“Gaya nga ng sinabi ko kanina, tutuparin ko ang pangarap mo,” nakangiting sabi ni headmistress Dahlia.
“H-Hindi kayo nagbibiro?” mahina kong tanong, tumango sila kaya mabilis na nanlaki ang aking mga mata.
“We’re not joking, Brielle. Ayos na ba sa iyo ang kapalit ng pagsama mo sa amin?” nakangiting tanong ni headmistress Sonya.
Though shocked I was still able to nod.
Umandar na ang sasakyan kaya mabilis akong napatingin sa bintana, papalayo na kami nang papalayo sa village at ang daan ay unti-unti nang hindi nagiging pamilyar sa akin. Tahimik akong sumandal sa aking upuan kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong-hininga. Hindi ko lubusang inisip na mangyayari ito sa akin. Akala ko habang-buhay ko nang makakasama ang mga taong nakapaligid sa akin, but I was wrong. I wish this is all a dream. Gusto kong bumalik sa mga oras na nagyaya sa akin si Noah na gawin ang kinagisnan namin at pigilan siya, ngunit huli na ang lahat.
Hindi ko alam kung ilang oras akong nakatulala sa labas ng bintana at bumalik lamang ako sa wisyo noong makita ang mataas, at lumang pinto. Unti-unti itong bumukas at si headmistress Dahlia ang kumausap sa lalaking lumapit sa amin. Nag-usap sila ng ilang minuto at noong tumango na ang lalaki ay mabilis muling umandar ang sasakyan. Naagaw agad ang atensyon ko sa mga nagtataasang building sa aming harapan, may ilan ring mga kabataang nakasuot ng uniform ang napapatingin sa amin sa tuwing daraanan sila sa harapan namin.
Tila nakalimutan ko ang iniisip ko kanina dahil sa ganda ng lugar na ito.
“N-Na saan po tayo?” tanong ko kay headmistress Sonya habang ang mata ay nanatili pa rin sa labas ng bintana.
“Where here, Brielle,” nakangiti niyang sabi sa akin.
Naunang bumaba si headmistress Dahlia habang sumunod naman kami sa kanya. Mabilis kong iginala ang aking tingin at nakaramdam ng ilang noong makitang nasa akin lahat ang tingin ng mga estudyanteng nakikiisyoso sa amin. Pagtataka ang nakaguhit sa kanilang mga mukha habang tinitignan ako ulo hanggang paa ngunit hindi ko sila pinansin at itinuon ang aking atensyon sa ganda ng paligid.
“Are you excited to study here?” narinig kong tanong ni headmistress Dahlia sa aking tabi kaya nabaling ang aking tingin sa kanya.
“P-Po?” naguguluhan kong tanong.
“Welcome to Despoina Academy, Brielle. Your new home.”

Komento sa Aklat (67)

  • avatar
    DeguzmanAdrian

    thank you so much

    03/08

      0
  • avatar
    Aljun Estelloro

    THISIS GOOD

    28/07

      0
  • avatar
    Marc Adrienne D Galvan

    Ang Ganda nang story na ginawa nila dahil dito my natutunan ako sa bohay ko

    11/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata