logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 3

Dark
"Pagsisisihan mo ang desisyong iwan ako dito ng buhay."
Napatiim-bagang ako bago magpatuloy sa paglakad at pabagsak na isinara ang pinto.
"Bantayan niyo s'ya at huwag hayaang makatakas," utos ko kay Tyler. Yumuko naman ito bilang sagot.
Nagpatuloy ako sa paglakad at lumabas.
"Solana Davis," anas ko sa pangalan nito. "Sa tingin ko'y mapapakinabangan pa kita ng husto."
Pagkapasok ko sa kotse ay saktong tumunog ang cellphone ko.
"Dark."
"Kalahating oras na silang naghihintay," saad ni Dante sa kabilang linya.
"Ikansela niyo na," utos ko pagkatapos ay pinatay na ang tawag.
Napangisi ako sa kaalamang uusok na naman ang ilong ni Simon dahil ipinakansela ko na naman ang transaksiyon ng pangatlong beses. Gusto ko siyang paglaruan hangga't hindi ako nakokontento at masira ang kaniyang negosyo. Hindi ako titigil hangga't hindi niya napagbabayaran ang ginawa niya sa ama ko.
Si Simon ang may pinakamalakas na koneksyon sa mga malalaking tao sa ibang bansa kung saan ito nakikipag-transaksiyon. Si Simon din ang pumatay sa mga magulang ko at iyon ang nagtulak sa akin para ipagpatuloy ang illegal na negosyong ito. Gusto ko s'yang sirain at kung maaari lamang ay ako na mismo ang kukuha sa buhay niya ngunit hindi ako makokontento doon. Mas gusto ko muna s'yang paglaruan hanggang sa iluhod niya ang mga tuhod niya at magmakaawa sa akin.
Kaya kung sino man ang magtatangkang mangialam at sirain ang aking negosyo maging ang aking reputasyon ay parurusahan ko.
At si Solana Davis.
Sa lahat pa ng makakakita ay bakit ito pa. Kung tutuusin, madali lang itong patayin, pero sa tuwing titingnan ko ang mukha nito'y hindi ko iyon magawa. Bakit ang babaeng iyon pa, at isa pang Detective.
Napatiim bagang ako at minaneho na ang kotse papunta sa mansion.
Pagkadating ko sa mansion ay agad kong napansin ang puting kotse. At nang makapasok ako sa loob ay doon ko pa lang nakumpirma.
"Reed."
Nakita ko si Wade na naglalakad pababa ng hagdan, kambal ko s'ya.
"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon kong tanong.
"Hindi ka pa rin ba tumitigil?"
Tiningnan ko s'ya. "Huwag mo akong isipin, ang isipin mo ay ang sarili mo, maging masaya ka na lang sa buhay mo na mayroon ka ngayon."
Si Wade ay nag-aaral sa ibang bansa, itinaboy ko s'ya doon at doon na lang tumira. Hindi ko hinayaang magkaroon s'ya ng pwesto sa kompanya. Ako ang lahat na nagtaguyod sa iniwang kompanya ng magulang namin. Ayaw kong masangkot ang kambal ko sa gulong kinasasangkutan ko ngayon.
"Pero mapapahamak ka sa ginagawa mo. Mapapahamak tayong lahat, Reed."
"Kaya nga ang sabi ko ay umalis ka na."
"Reed!" sigaw niya sa pangalan ko.
Hindi ko inintindi ang pagsigaw niya. Wala akong planong tumigil. Paano ko hahayaan ang taong pumatay sa fiancee ko?
"Umalis ka na, bumalik ka na sa Amerika at huwag ka ng babalik." Gusto ko s'yang magalit nang sa gano'n ay hindi na s'ya masangkot pa sa'kin. Ang lahat ng 'to ay wala silang kinalaman.
Hindi s'ya sumagot, alam kong nasaktan s'ya sa sinabi ko. Hindi ko na lang s'ya tiningnan at nilagpasan na lamang s'ya at dumiretso sa aking kwarto.
*-*-*-*-*-*
Third Person POV
"Tu puta madre!" sigaw ni Simon nang sabihin ni Dante na kanselado ang transaksyon. "Sabihin mo diyan sa amo mo na ipakita ang mukha sa akin!" Naghuhurumintado ang kalooban nito sa galit dahil sa pangatlong pagkakataon ay hindi na naman ito nagpakita. "Huwag niyang balakin na sirain ang pangalan ko dahil ako mismo ang hahanap sa kaniya! Naiintindihan mo!"
Yumuko lang si Dante bilang sagot. Sa isip-isip nito'y hindi ganoon kadali ang sinasabi ni Simon. Hindi ganoon kadaling kalabanin si Dark.
"Puta," galit na galit si Simon na tumalikod. "Hayop ka Dark. Sinasagad mo talaga ang pasensya ko!"
*-*-*-*-*-*
Solana
Naramdaman kong may sumipa sa paa ko kaya naman nagmulat ako ng mga mata, nakita ko iyong lalaking nag-utos na dalhin ako sa kwartong ito kanina.
"Kakalagan ko ang mga paa mo," anas nito.
"Baka magsisi ka kapag ginawa mo 'yan."
"Kahit kalagan ko pa maging ang mga kamay mo ay malabong makaalis ka dito. Bantay sarado ang lugar na ito."
"Kung gano'n ay kalagan mo na rin ang mga kamay ko," utos ko. "Hindi naman ako tatakas eh." Hindi ko planong umalis o tumakas man para makakuha pa ng maraming impormasyon tungkol sa lalaking iyon. Hindi naman ako tanga para sayangin ang pagkakataong ito.
Patapon niyang inilagay sa tabi ko ang dala nitong damit pagkakalag sa akin.
"Magpalit ka."
Niyuko ko ang sarili ko. Ang tanging tumatabon lamang sa dibdib ko ay ang sira ko ng jacket at puting kumot sa ibaba ko. Gusto kong matawa sa sarili.
Tiningala ko na lang ang lalaki. "Anong pangalan mo?"
"Hindi na importante ang pangalan ko. Kumilos ka dahil darating na s'ya. Hindi iyon matutuwa kapag naabutan ka niyang ganiyan."
"Tsk." Hindi raw matutuwa. Sino ba ang gumawa nito? Bwisit talaga ang isang 'yon.
Itinaas ko ang pantalon ko at saka tumayo at hinablot ang damit na ibinigay nito. Pumasok ako sa banyo at nilinis ang sarili. At pagkalabas ay nakita kong may nakahandang pagkain sa lamesa.
"Maswerte pa ba ako dahil pinapakain niyo pa ako? Wow." Umupo ako at hinarap ang pagkain. "Pinaliguan at papakainin. Ang sweet naman ng boss mo."
"Manahimik ka na lang at kumain."
"Ikaw si Tyler 'di ba?" tanong ko habang ngumunguya ng karne. Tumingin naman s'ya sa akin at sa reaksyon nito'y mukhang hindi nito inaasahan na alam ko ang pangalan nito. "Easy ka lang, narinig ko lang kayong nag-uusap kanina."
"Masyado kang madaldal."
Niyuko ko ang pagkain ko. "Masarap ah."
Pagkatapos kong kumain ay umupo ako sa lapag at sumandal sa kama. Humalukipkip ako at saka pumikit. Habang si Tyler naman ay nakabantay pa rin.
"Hindi ka lalabas?"
Hindi ito sumagot.
"Natatakot ka bang baka makatakas ako?"
"Manahimik ka."
"Mapapanis ang laway ko kung tatahimik ako."
Hindi naman ito umimik.
"Masaya ka ba sa trabaho mo?" hindi ako nagmulat ng mga mata kaya hindi ko alam kung anong reaksyon nito pero ramdam kong nilingon niya ako. "Hayyy, hindi ko na dapat tinanong 'yon. Siguradong sobrang lungkot ng buhay mo. Tsk tsk tsk."
"Sinabi ng tumahimik ka!"
Hindi ako natinag sa sigaw ni Tyler. "Isa akong detective at kayo ay mga kriminal, at ang kasalanan niyo sa mga oras na ito ay ang hayaan akong mabuhay." Nagmulat ako at nakita ko s'yang nakatayo na sa harap ko at masama ang tinging ipinupukol sa akin. Napairap na lang ako at saka tumayo at ipinuwesto ang sarili para mag-push up.
"Hayy... sasakit ang katawan ko dito kung maghapon lang akong nakaupo."
Nagbilang ako hanggang sampu at nang tumayo ako ay mabilis ko s'yang binigyan ng round house kick. Hindi nito iyon inasahan kaya naman... napasalampak s'ya sa sahig at tumama sa lamesa at agad na nakatulog.
"Bwisit." Nilapitan ko s'ya at kinapa ang bulsa. Kinuha ko ang susi at hinila ko s'ya papasok sa banyo at pagkalabas ko ay ini-lock ko 'yon. "Tsk."
Agad akong napatago nang may marinig akong yabag ng mga paa na papalapit sa kinaroroonan ko. Nakasandal lang ako doon hanggang sa lumagpas na ito. At nang masigurado kong malayo na ito ay walang ingay akong tumakbo. Nagtatago kapag may makikitang mga kalalakihan at lalabas kapag napagtagumpayan kong pagtaguan at saka muling tatakbo.
Nang magtagumpay akong makalabas ay agad akong natigilan at napatingin sa paligid. Sa labas ng mataas na pader ay kitang-kita ko ang nagtataasang mga puno.
"Bwisit."
"At saan ka naman pupunta?"
Natawa ako at nilingon ito. "Ikaw pala, Dark."
Kitang-kita ko ang pagsalubong ng kaniyang kilay.
"Nagulat ka ba dahil nakilala kita?"
Napatiim-bagang ito.
"Hindi ba't binalaan na kita na huwag mo akong iwang buhay?"
"Puro ka dada."
Tinaasan ko s'ya ng kilay. "Maghintay ka."
"Wala ka talagang kinatatakutan." Mahigpit niya akong hinawakan sa braso at kinaladkad. Hindi ako nagprotesta kahit nasasaktan ako, tiniis ko 'yon hanggang sa ipasok niya akong muli sa kwarto at itinulak sa kama.
Napaigik ako ng tumama na naman ang siko ko sa matigas na dingding. "Bwisit."
Tumayo ako nang makitang lalapit s'ya sa akin. Hinawakan niya ako sa braso pero agad akong kumilos at malakas na tuhudin sa sikmura.
"Puta."
Napangisi ako nang makita ko ang sakit na bumalatay sa gwapo pero walang kwenta niyang mukha. "Kahit 'yan manlang ay maiganti ko ang sarili ko dahil sa ngayon ay iyan pa lang ang kaya ko dahil nasa teritoryo mo pa ako, pero oras na makalabas ako dito, rehas na ang igaganti ko."
"Bwisit ka talagang babae ka." Sinunggaban niya ako at itinulak sa dingding. Hinawakan niya ang kamay ko sa likod ko habang nakatalikod ako sa kaniya at nakadikit ang harap ko sa dingding. At sa sobrang pagdiin niya sa akin ay napangiwi na ako.
"Bwisit ka, Dark. Bwisit ka."
Napasinghap ako nang ibaba niya ang suot kong pantalon.
"Puta," mura ko at pilit na nagpumiglas pero dahil sa malaki s'yang tao ay hindi sapat ang lakas ko. "Hayop ka, Dark." Iyon na lang ang tanging nasabi ko.
"Alam ko namang gusto mo rin ito, Solana," humihingal niyang sabi sa tainga ko at may kalakasan pa iyong kinagat.
Napapikit ako ng mariin nang pwersahan niya akong pinasok. "Puta."

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    21/06

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    29/10

      0
  • avatar
    DampAk

    keep going making any story☺

    09/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata