logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kidnapped by the Dangerous Billionaire

Kidnapped by the Dangerous Billionaire

Asiana Asia


Kabanata 1

Solana
Naka all black akong lumabas mula sa inuupahang apartment ng gabing iyon para magtrabaho. Sumakay ako sa motor ko at saka iyon pinaharurot palayo at tumigil sa isang abandonadong building na pinangyarihan ng krimen na akin ngayong iniimbistigahan.
Dahan-dahan akong naglakad at nagmasid habang kumukuha ng litrato sa bawat gamit na naroon at sa bawat nitong anggulo.
Maya-maya ay natigilan ako nang may marinig na mahihinang yapak ng sapatos at siguradong isang lalaki ang nagmamay-ari no'n.
Dahan-dahan akong kumilos para pakiramdaman kung saan iyon papunta. Nalagpasan nito ang lugar na kinaroroonan ko kaya naman lumabas ako sa pagkakatago at sumilip. Tanging ang anino na lamang nito ang nakita ko. Lumiko ito sa kaliwa.
Walang ingay akong lumakad at muling sumilip sa nilikuan nito. Nakita kong papunta ito sa likurang bahagi ng building.
"T-Tulungan niyo ako! T-Tulong!"
Natigilan na naman ako sa narinig at napasandal sa malamig na dingding. Boses iyon ng isang babae na tila ay sinasakal at hirap sa pagsigaw.
Maingat akong kumilos at nagtago sa likod ng nakasalansang hollow blocks at sumilip sa may kadilimang parte kung saan ko narinig ang pagsigaw.
Naaninag ko ang dalawang pigura ng lalaki at isang babaeng nakaupo sa isang kahoy na upuan. Nakatali ang paa nito at mga kamay ngunit walang busal ang bibig.
Hindi nagsasalita ang lalaking nakahawak sa panga nito habang ang babae ay nagpupumiglas.
Dahan-dahan kong kinuha ang camera sa bag ko at agad iyong kinuhanan ng litrato.
Sino ang mga taong 'yon? Mayroon ba itong kinalaman sa kasong kaniyang iniimbistigahan?
Nakita kong bumulong ang isang lalaking kasamahan nito at maya-maya lang ay lumingon ang lalaki kaya't agad akong nagtago.
Sinabit ko ang camera sa leeg ko at gumapang papasok at nang medyo malayo na ako mula sa pinagtaguan ay tumayo ako at walang ingay na tumakbo. Sumilip muna ako para masiguradong hindi ako ng mga ito nasundan. At nang makitang wala ni bakas na sumunod nga ang mga ito'y agad kong tinakbo ang motor na ilang metro ang layo na nakaparada mula sa building. Agad ko iyong pinaharurot palayo.
Bumalik ako sa apartment at agad kong tiningnan ang mga litratong nakuha ko.
Dalawang lalaki, parehong matangkad ang mga ito at magaganda ang tindig. At iyong babae, mahaba ang buhok nito at kung titingnan ang damit na sout na kahit may kalabuan iyon ay malalamang nanggaling ito sa marangyang pamilya.
Ano kaya ang dahilan ng mga ito at kailangang gumawa ng ganitong hindi katanggap-tanggap na bagay?
Matinding galit?
Ngunit ano ang kalaban-laban ng mga mahihinang tao? Walang magagawa ang mga ito kung hindi ang magmakaawa para sa kanilang buhay.
Napakasama nila.
Sinuri kong muli ang litrato at napansin ko ang isang pamilyar na bagay na nasa paanan ng babae.
"Puta." Bigla akong napatindig at dali-daling hinagilap ang susi. Patakbo akong lumabas ng apartment at mabilis na bumaba. Sumakay agad ako sa motor at pinaharurot iyon palayo papunta sa building na tinitirahan ni Danika, ang matalik kong kaibigan na reporter.
Sana lang ay hindi nga ito 'yon.
Bigla akong nagpreno nang makita ang dalawang itim na van na nakaharang sa daraanan ko. Paulit-ulit akong nagmura at inihinto ang motor.
Tinanggal ko ang helmet nang makitang may bumaba sa isang van, lahat ay naka-itim at may mga tabon ang mukha.
Lumapit ito sa'kin.
"Sino kayo?" matapang na tanong ko. Hindi ang mga ito sumagot, imbis ay sumenyas ang nasa unahan sa mga ito na lapitan ako.. At bago ko pamapaikot ang motor ay nakapalibot na ang mga ito sa akin.
Agad akong bumaba sa motor at sinipa sa sikmura ang lalaking nagtangka akong hawakan.
"Matapang ka ah," anas ng lalaking nag-utos sa mga ito.
Lumapit ng lumapit ang mga ito sa'kin.
"Calma."
Hindi ako nagsalita o sumigaw manlang. Ipinakita kong hindi ako natatakot sa mga ito.
"Sumama ka na lang kung ayaw mong mabalian," pananakot ng isa.
"Gago," anas ko ngunit hindi pa rin ako kumilos. May alam ako sa martial arts dahil parte iyon ng trabaho ko ngunit kung kikilos ako ngayon ay talo pa rin ako dahil sa dami ng mga ito at mga lalaki pa.
"Kunin niyo na s'ya."
Hindi ako nagpumiglas nang hawakan ng dalawa ang magkabila kong kamay at itali iyon sa huli.
"Ibang klaseng babae. Hindi ka ba natatakot sa maaaring mangyari sa'yo dahil sa pangingialam mo?"
Sinamaan ko ng tingin ang wari ko ay boss ng mga ito na kanina pa nag-uutos.
"Wala akong koneksyon sa inyo, hindi ko kayo kilala, kaya paano akong matatakot sa katulad niyong walang kwenta?"
"Piringan mo s'ya, busalan mo rin, masyadong mayabang."
Masama kong tiningnan ang lalaking nagtangka akong piringan kahit hindi ko nakikita ang buo nitong mukha.
"Mga duwag," anas ko na ikinagalit ng lalaki. Kitang-kita ko ito sa mga mata nito ang galit. "Isang babae at higit sa sampung lalaki. Kung tutuusin ay sapat na ang isa para sa mahinang babaeng kagaya ko--Amp!"
Napayukod ako nang malakas ako nitong sikmuraan.
"Manahimik ka kung ayaw mong mas higit pa dyan ang abutin mo. Ipasok niyo na yan!"
Kinaladkad ako ng mga ito at patulak na ipinasok sa loob ng van.
"Ibang klase," sabi ng isa.
"Anong kailangan niyo sa'kin?" walang bahid ng takot na tanong ko.
"Detective ka 'di ba? Dapat ay hindi mo na tinatanong 'yan."
"Tsk," singhal ko. "Mga walang kwenta."
"Manahimik ka, babae."
"Ang ingay niyo!" sigaw ng nasa unahan. "Patigilin mo nga 'yan!"
Impit akong napaungol nang bigla ay may tumusok sa hita ko. "Bwisit." Nakaramdam na ako ng hilo matapos lang ang ilang segundo. "Mga gago."
"Manahimik ka!"
Nakuha ko pang suminghal bago tuluyang mawalan ng malay.
NAGISING ako sa isang madilim na kwarto na ang tanging liwanag lamang ay ang nagmumula sa maliit na binatana sa itaas.
"Gising ka na," isang malamig na boses.
Napatingin ako sa pinanggalingan nito at nakita ko doon ang pigura ng lalaking nakatalikod sa gawi ko.
"Anong pakay mo?" malamig kong tanong.
"Tama nga sila, kakaiba kang babae."
"Wala akong panahon na makipagbiruan sa'yo o kung ano pa man. May importanteng bagay akong dapat na gawin sa mga oras na ito kaysa ang makipaglaro sa walang kwenta mong palaro."
"May nakita ka."
Natigilan ako.
"Kaya kung magmamakaawa ka para pakawalan kita at gawin ang sinasabi mong importante, pasensya pero hindi ka na makakalabas pa... ng buhay."
"Masyado kang madaldal," anas ko sa nagtitimping boses. "Anong ginawa mo sa kaniya?"
Nakita ko itong bahagyang lumingon. "Ano sa palagay mo ang ginagawa sa mga katulad niyong pakielamera?"
"Gago ka," madiin at galit kong saad. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaibigan ko, tatandaan mo 'yan!"
"Oh, nakakatakot ka." Hindi ko man nakikita ang mukha nito pero sigurado akong nakangisi ito habang sinasabi 'yon.
Galit at humihingal akong nakatingin dito habang pinipigilan ang luha. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo sa kaniya, tandaan mo 'yan."
Hindi ito sumagot imbis ay lumakad na ito palapit sa pinto.
"Ang mga katulad mo'y isang mabangis na hayop na pumapatay ng mga mahihina, mga walang kwenta at wala ng dahilan pa para mabuhay," gigil na sabi ko na nakapagpatigil sa dito.
Nang lingunin ako nito'y hindi ako nagbaba ng tingin o nagpakita ng takot, purong galit lang tanging nararamdaman ko, walang puwang sa akin ang takot.
"Mag-iingat ka sa sinasabi mo," madiing sambit nito habang madiin akong hawak sa panga. "Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin sa'yo sa mga oras na ito."
Hindi ako sumagot hanggang sa pabalang nitong bitawan ang panga ko.
"Bibigyan kita ng oras na magmakaawa para sa buhay mo."
"Sa tingin mo ba'y magmamakaawa ako sa'yo? Nakakaawa ka."
Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ko kaya naman dinakma na naman nito ang aking panga, mas doble ang higpit kaysa kanina ngunit hindi ko ininda ang sakit, masama pa rin ang titig ko dito.
"Masyado kang mayabang at hindi ka ililigtas ng kayabangan mong 'yan."
"Kung gano'n ay bakit hindi mo pa ako patayin? Katulad ng ginawa mo sa kaibigan ko?"
"Iyon ba talaga ang gusto mo? Paano ang kakambal mo? Ipagpapalit mo s'ya sa kaibigan mo?" Malakas nitong binitawan ang panga ko kaya napangiwi ako at matalim ang mga tinging ipinukol sa dito.
"Huwag na huwag mong gagalawin ang kapatid ko," matigas kong sabi.
"Hmmm... wala naman akong plano, ang mga pakielamera lamang na katulad mo ang binubura ko sa mundo."
"Bwisit ka."
Hindi nito pinansin ang galit ko, imbis ay pinasadahan nito ang aking kabuuan. Agad akong nakaramdam ng pandidiri.
"Mukhang may pakinabang ka pa bago iyon," anas nito habang tinatanggal ang sinturon.
Hindi ako nagsalita kahit sa loob ko ay nakakaramdam na ako ng kaba. Hindi ako dapat magpakita ng takot dahil kung gagawin ko iyon ay mas matutuwa pa ito.
Napapikit ako ng mariin nang hiklasin nito ang damit ko at makita ang hubad kong dibdib.
"Gusto ko ang pagmamatigas mo," anas nito at marahas akong hinalikan sa labi pababa sa aking leeg. Nasasaktan ako sa ginagawa nito at nasisigurado kong may sugat na ang balat ko.
Hindi pa rin ako gumalaw o sumigaw para patigilin ito at magmakaawa.
Nang nasa may dibdib ko na ito ay tumigil ito at mabilis na tumalikod. "Mierda!"
*Blag!
Nahugot ko ang hininga nang pabagsak nitong isinara ang pinto, kasabay no'n ay ang pagpigil ko ng luha.
"Hayop ka," madiin kong sambit. "Pagbabayaran mo ang ginawa mo kay Danika, tatandaan mo 'yan. Hayop!"
Nasisigurado ko na ang lalaking iyon ang nakita ko kanina at si Danika na matalik kong kaibigan ang babaeng biktima ng mga ito.
"Pagsisisihan mong binuhay mo pa ako ngayon dahil sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan!" 'O ako na mismo ang kikitil sa buhay mo.'
Nagpumiglas ako hanggang sa matumba ang bangko kung saan ako nakagapos. "Bwisit."

Komento sa Aklat (8)

  • avatar
    DumaPrincess Marry Joy

    argh bitin naman autor huhu😭

    21/06

      0
  • avatar
    Kg Cabotaje

    okay

    29/10

      0
  • avatar
    DampAk

    keep going making any story☺

    09/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata