logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

Ynah Cristel
I DON'T want to see him again pero sadyang mapagbiro ang tadhana because he standing infront of me now. As in NOW! That's how ironic life is. Tsk!
Tinaasan ko ito ng kilay at pinamaywangan. Wrong timing ang lalaking ito dahil mainit ang aking ulo.
"What are you doing here huh? Pangit, malaki ang mata na mukang bubuyog na lalaki?" Tanong ko sa lalaking nakilala ko sa daan habang pinapasadahan ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Lahat ng pamimintas ko dito ay hindi totoo dahil sobrang gwapo nito at hindi rin malaki ang mata nito dahil pwede narin sabihin na may pagkachinito ito at oh gosh!  Hindi ko nabanggit. He got a seductive eyes. Sinabi ko lang na mukha itong bubuyog dahil sobrang sungit at ingay nito when we first meet at saka maano ba? Eh trip ko s'ya tawaging bubuyog eh!
Tiningnan ko iyong lalaki ng diretso pero wala akong nakita na ekspresyon sa mukha nito. Napaasik ako ng lihim.
"Dito ba nakatira si Ynah Cristel Puentes?" Balewalang tanong nito sa akin. Tinaasan ko na naman ito ng isang kilay at inirapan. Isnabin ba naman ak? Tsk!
"Yes, and she's infront of you, I'm YNAH CRISTEL PUENTES" sabi ko dito sa mataray na boses then I roll my eyes.
"Oh ikaw pala si Ynah kok. I don't notice you. Pardon me" sabi nito na umasta na parang noon lang nito ako nakita sa harap nito. Ang lakas ng trip!
"Hindi daw n'ya ako nakita eh samantalang kanina pa ako umiimik! Tsk! Niloloko 'ata a------" naputol ang pagbulong-bulong ko ng marealized ko ang sinabi ng lalaki.
Wait a minute! 
"Hey! Anong  sabi mo? YNAH KO?  Ano ako, pag-aari mo ka--------"
"K. O. K. Kok! Not ko" putol nito sa sinasabi ko. Naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko dahil sa pagkapahiya. Ohh! Pahiya na naman ako.
"Sabi ko nga and correction, hindi KOK ang last name namin dahil PUENTES po" Pagtatama ko dito.
"Para ka kasing palaka dahil sa ingay kaya Kok ang bagay sayo. Kok short for kokak" Pang-aasar nito sa akin. What? Asar talaga ang lalaking ito!
"Sino ka ba huh?"
"Drake Bueneventura"
"Ohhhh! Mapaglaro talaga ang tadhana, sa dinami-dami ng pwede kong makilala bakit ang kamag-anak pa ng ex-boyfriend kong si Trenk Bueneventura?" nasa isip ko.
"Oh ngayon, bakit ka nandito?" Pagmamasungit ko dito pero nandun pa rin sa tinig ko ang lungkot dahil parang gusto ko ng maiyak. I miss Trenk! 
Ang totoo mahina ako, tinatago ko lang ang kahinaan ko sa pamamagitan ng pagmamasungit. Hayyy nakita ko na kumunot ang noo ng lalaking nagpakilalang Drake.
"Actually, I am looking for a place where I can stay at nasabi ng kapatid mo na may pinapaupahan kang isang vacant room dito" sabi nito. Nag-init bigla ang ulo ko dahil sa inis sa kapatid ko.
"Elvis!"
"Bakit ate?" tanong agad nito ng makalabas ng bahay at makalapit sa akin.
"Sino may sabi sayo na may pinapaupahan tayo dito huh?" tanong ko sa kapatid ko habang pinipigil ang inis.
"Ikaw ang nagsabi nun ah. Nalimutan muna ate?" Balik-tanong nito dahilan para lalo ako makaramdam ng inis. Hay Bakit kaya ang hirap makagets ng kapatid ko? I need help. Gusto ko ng malayo sa mga Bueneventura pero bakit may lumalapit sa akin ngayon?
"Ah ako ba?" Inosente ko pang tanong sa sarili bago muling binalingan si Drake. "Sorry pero no space na eh, hanap kanalang sa iba" nakangiting aso na baling ko kay Drake.
"Ate, pano mo nasabi na no space na? Eh wala pa ngang nangungupahan sa isa---ouch!" Naputol ang iba pang sasabihin ng kapatid ko dahil piningot ko lang naman ito dahil sa inis. Ipahamak ba naman ako.
"Elvis!"
"Ano ba ate?" inis nitong tanong bago nag-walkout at pumasok ng bahay. Hay minsan may pagkamasungit din ang batang ito.  Bigla akong napamulaga ng mapansin ko na akay pala ni Elvis si Drake papasok ng bahay. Bwiset!
"Elvis!!"
––
Nandito ako ngayon, no choice. Nagpirmahan na kami nitong si Drake Bee ng kasunduan. Hahaha!  Drake Bee ang tawag ko sa kanya dahil para sa akin he is like a bees, nakakatakot kasi ang kasungitan ni Drake na parang gusto laging mangagat pero infairness, ngayon lang ako nakaencounter ng lalaking gwapo na may killer look. Si Trenk naman kasi, killer move. Meron ba nun? Ngayon meron na kasi nakakainlove ang bawat galaw ni Trenk kasi ang sweet nito. Hay kanina ko pa naiisip ang lalaking iyon ah. I miss him very much na talaga. Naluha tuloy ako ng hindi oras at hindi ko namamalayan.
Natauhan ako ng may biglang tumikhim. Oo nga pala, nasa harap ko pa nga pala si Drake. Nakakahiya tuloy. I wipe my tears first before I look at him.
"Any question?" tanong ko bigla.
"Hay ok, I will repeat my question THRICE. Where's my room?" walang kangiti-ngiting tanong nito at parang naiinip pa. Napahiya naman ako. Bakit kasi ngayon pa ako nag-emote?  Tumayo na ako.
"Follow me" sabi ko dito. Wala namang salita na sumunod ito sa akin. Pumasok agad ito sa loob ng magiging kwarto nito at inilibot ang paningin. Nang malibot na nito ang kabuuan ng kwarto ay nakakunot-noo itong tumingin sa akin.
"Why there is no aircon with this room? And it's look like an old fashioned room. Is it a kind of room for rent now?  No art and tsk!" Tumingin ito sa palibot ng bahay. "Nevermind, I'm really sure that I can't concentrate with this kind of room if I'm going to finish my work here" Reklamo na lalo kong ikinainis dito. Hays! Masyado naman yata ang lalaking ito. Ang arte!  Badtrip!
"Sir, if you don't like this room then you are free to go out and find another" pilit na pilit ang ginawa kong pagngiti dito.
"No need, sayang naman ang pauna kong bayad. Can you buy my needed materials for this room?" Tanong nito na saglit akong tiningnan. Wala sa tinig nito ang pakikiusap. Sumusobra na talaga ang lalaking ito ah!
At talagang sobrang-sobra na dahil pabilhin ba naman ako ng timba-timbang pintura at maraming canvass at pangpaint?
Tsk! Tapos hindi manlang ako pinansin ng makapasok ako sa bahay. Nakatutok lang ang paningin nito sa mga bond paper na nasa harapan nito at panay lang drawing ng kung ano-ano.
"Oh, narito na ang mga kailangan mo" nakasimangot na sabi ko bago padabog na ibinaba ang mga ipinamili sa harap nito. Hindi tumitingin at patuloy sa ginagawa na nagsalita ito.
"Thanks"
Ngingiti na sana ako dahil kahit papano ay marunong din pala itong magpasalamat kung hindi lamang ito nagsalitang muli.
"Pwede bang idiretso mo narin iyan sa kwarto ko then pakikuha narin nung aking cellphone sa kama" Utos pa nito sa akin. Nagdadabog at walang imik na sinunod ko na lamang ang utos nito dahil baka masabunutan ko lang ito sa sobrang pagkainis.

Komento sa Aklat (65)

  • avatar
    Paw Paw

    wow

    5d

      0
  • avatar
    Andria Joy Janolgue

    hi thanks you

    9d

      0
  • avatar
    DivinaJay m

    maganda

    14/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata