logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

O2

Chapter Two.
“Aba! Tarantado pala 'yan e', ano sabihin mo lang sa'kin uupakan ko 'yan!” Itinaas niya pa ang magkabilang manggas ng shirt na suot niya.
I don't know what to react. Siya pa lang kasi ang pinagsabihan ko about sa break up namin ni Axel and aside from that hindi ko rin naman inexpect na ganon ang magiging reaction niya. Akala ko kasi ay sesermunan niya ako or what pero hindi niya ginawa 'yon. Hinayaan niya lang akong magkuwento at magpaliwanag.
I feel like anytime now I'm going to burst into tears kasi... ewan? Natouched siguro ako sa sinabi niya? Ang babaw ko na ba masyado?
“So, saan na tayo next?” Excited na tanong nito matapos niyang maubos ang kapeng iniinom.
Kinuha ko ang sling bag na nakapatong sa kabilang upuan tsaka tumayo.
Ngumiti ako. “Burnham Park?”
・〰・
Wow. It's been a long time since I last went here, to the point na kung hindi ko makikita ang ilang mga pictures nito sa internet ay talagang malilimutan ko na ang itsura ng lugar na ito. But of course, hindi ang burnham lake.
When we arrived here ay sumalubong agad sa paningin namin ang grupo ng mga kalalakihang sa tingin ko ay around our age rin. Nag s-skate boarding sila at mayroon ring mga nagbibisikleta.
Medyo marami ang tao ngayon dito, pero hindi naman ito ganon karami kumpara sa mga turistang pumupunta rito kapag christmas o kaya ber months. Sinusulit na siguro nila ang bakasyon dahil ilang weeks na lang rin before ulit mag start ang pasukan.
“Kagutom naman.” Napatingin ako kay Jiro na napapakamot pa sa ulo.
Kabi-kabilang food stalls ang nakahilera sa dinaraanan namin. Maraming masasarap na pagkain ang pwede mong bilhin dito tulad nalang ng mais, kakanin, tuhog-tuhog and marami pang iba but we ended up on buying shawarma. Parehas kasi namin itong favorite ni Jiro.
Umupo muna kami saglit sa isang bench para kumain. Inabot ko ang bottled water na nakalagay sa pagitan naming dalawa. Tinry ko itong buksan pero parang ayaw niyang magpabukas at magpainom dahil sa higpit ng pagkakasara sa takip nito.
“Akin na.” Kinuha niya mula sa akin ang bottled water at walang kahirap hirap itong binuksan.
Napakunot-noo ako. What the hell? Am I too weak? Na kahit takip lang ng plastic bottle ay hindi ko nagawang buksan?
“Thanks.” Tipid kong sabi nang iabot niya sa akin ang tubig.
Pinagdikit niya ang magkabila niyang palad para pagpagan ito at saka tumayo. He occupied the empty seat between us. Binuksan niya rin ang bottled water niya at uminom doon.
I was about to look away when right at that time his eyes met mine. Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti at tinaas taas pa ang magkabila niyang kilay.
“Ano?” Irita kong tanong.
Mahina siyang tumawa. “Sungit naman, tatanong ko lang kung tapos ka na kumain e'.”
Napagiwi naman ako. Kitang-kita naman na ubos ko na ang shawarma at tanging plastic na lang ang natitirang hawak ko. Ano bang klaseng tanong 'yan?
Lalo pang lumawak ang ngisi niya nang makitang naiirita na ako sa kaniya.
Kinuha niya ang plastic mula sa kamay ko bago tumayo para itapon ito sa basurahan. Kahit nakatalikod siya mula sa akin ay alam kong tumatawa siya. Galaw na galaw ba naman yung balikat eh.
“Sakay tayo sa boat!” Yaya ko kay Jiro nang makabalik siya sa bench.
He just smiled at me at nauna ng maglakad papunta sa lake.
Thankfully hindi masyadong mahaba ang pila. Matutuwa na sana ako kaso lang nung kami na ang magr-rent ay nasaktuhan namang wala ng available na swan boat at kailangan pa naming maghintay ng 15 minutes. Sinabihan pa ako ni Jiro na maglibot-libot daw muna ako para hindi ako mainip at siya nalang daw ang maghihintay. Hindi na rin siya umalis sa pila para raw hindi kami masingitan.
“Sige na,” sambit niya sa akin at saka sumenyas na akala mo nagtataboy ng aso.
Kumunot namang ang noo ko. Medyo malayo na nga ako sa kaniya pero patuloy niya pa ring ginagawa yung pataboy-taboy action niya. Napailing nalang ako at tumawa.
I can't believe na nakapunta ulit ako dito. Sa pagtingin-tingin ko sa paligid kanina ay napansin kong marami na rin palang nadagdag na fun activities dito. Kaya tuloy mas marami pang tourists ang bumibisita sa Baguio, not only because of its fun activities and sweet delicacies kun'di pati na rin sa natural na ganda ng lugar na ito.
“Hi.”
Napaangat ako ng tingin and then I saw a tall guy in front of me. He's wearing a white polo shirt and black maong pants.
Bago pa man ako makapagsalita ay inunahan niya na ako. “Can we take you a picture?”
Huh? A picture of me? For what? I looked into his eyes at binigyan siya ng nagtatanong na tingin.
“Uhm.. f–for documentation lang sana.” Singit naman nung isa.
Ngayon ko lang napansin na may kasama pa pala siyang dalawang lalaki na nakatayo sa likuran niya.
Napaisip tuloy ako kung photographer ba sila at dito nila naisipang mag take ng random shots sa Burnham Park? But I doubt that. Kahit na camera ay wala silang dala.
"So, uh, can we?" Nakangiting tanong sa akin nung lalaki.
Hindi naman ako para magsungit o ano. But I won't allow them to take a photo of me lalo na't hindi ko sila kilala. Who knows kung ano ang gagawin nila doon?
“Sure, panong pose ba gusto niyo mga pre?” Just right then, Jiro walked in. Naramdaman ko pa ang pag-akbay niya sa akin.
Kitang-kita ko naman kung paano nagbago ang expression ng mga mukha nila. Pasimple pang siniko nung lalaking nasa gitna yung nasa likod niya.
“I think we should go na, low battery na pala 'tong phone ko.” Sambit nung lalaki bago sila umalis sa harapan namin.
Napatingin ako kay Jiro na pang-asar na nginingitian yung mga lalaki. Kinakawayan niya pa rin sila na akala mo mga friends niyang kailangan ng umalis dahil pinapauwi na sila.
“Mga loko talaga,” Sabi niya habang tinatanaw pa rin yung mga lalaki.
Napahinga ako ng maluwag nang mawala na sila sa paningin ko. Thank God, Jiro came. Hindi ko talaga alam kung paano ang gagawin kong pagtanggi sa kanila kanina.
“Ano oks ka lang ba?” Tanong nito. Bumitaw siya sa pagkakaakbay sa akin tsaka hinawakan ang magkabila kong braso. “Bakit ka naman nakikipag-usap sa strangers? Pag ikaw talaga nadukot, naku! Wala 'kong pang ransom sa'yo Faith!”
Napairap ako. Kailan nga ba 'to nagseryoso sa mga bagay? Parang gusto ko nalang siyang suntukin.
“Tara na nga, baka maunahan pa tayo sa boat!” Nagmamadaling sambit niya.
Sabay kaming tumakbo ng mabilis papunta sa lake. Mabuti na lang at hinintay kami nung lalaking nagpaparent ng mga boat at nagreserve na ng isa para sa amin.
Tahimik lang kaming dalawa ni Jiro hanggang sa makalayo kami doon sa mga tao. Nakasakay na kami ngayon sa boat. Nakaramdam pa ako ng kaunting takot nung una dahil ngayon nalang ulit ako sumakay sa ganito. Mabuti nalang at nawala rin dahil natabunan ito ng excitement ko.
Narinig kong nag beep ang phone ko kaya naman kinuha ko ito mula sa bag without knowing na maling phone pala ang nakuha ko. Nagtaka pa ako nung makitang iba ang theme nito pati na rin ang lock screen wallpaper. This is not mine.
Ibabalik ko na sana sa loob ng bag yung phone pero nagbeep ulit ito at may nag popped up na message sa notification bar. A message from a girl named 'Tiara'.
Tiara? I never heard that name before. Sino kaya 'to? Baka girlfriend niya? Napangisi ako sa naisip. Pero parang wala naman siyang nababanggit sa akin.
Biglang lumingon sa akin si Jiro. Sa taranta ko ay napayuko ako at mabilis na inilagay ang phone niya sa loob ng bag.
Ngayon ko lang naalala na ipinalagay niya pala sa bag ko ang phone niya dahil nag-aalala siyang baka mahulog ito kasi siya ang magsasagwan sa bangkang sinasakyan namin.
“Ano yan? Pinipicturan mo ko 'no?”
Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin tsaka siya inirapan. Ayan na naman siya sa pagiging feelingero niya. Kahit kailan talaga!
“Musta naman love life mo?” Tanong ko dahilan para mapatingin siya sa akin.
Instead of answering my question, he just smiled at me and shrugged his shoulders.
Napataas ang kilay ko. “Damot, kapag ako naman nagkukwento ako sa'yo ah!”
Tinawanan niya lang ako. Napapailing iling pa.
Pinilig ko ang ulo ko. I should focus more here sa magandang view ng lake. I can't help but smile. Napaka relaxing and calming naman ng view, parang nalilimutan ko yung mga problema ko kahit na saglit lang.
Tanaw ko ang iba pang mga taong masayang ineenjoy ang pagsakay nila sa bangka. Napatingin ako kay Jiro. He's enjoying it too. Napapangiti rin siya habang pinapanood ang iba.
“Do you still remember when was the first time we both went here? As in yung tayong dalawa lang ha.” Tanong ko.
I heard him sighed. Tumigil siya sa pagsasagwan at humarap sa akin.
“Oo naman, yung nag cut class tayo nung grade 7.” Natatawang sagot niya.
Naalala ko pa nun na parehas kaming umuwi ng basang-basa dahil nahulog kami habang nakasakay sa bangka. Paano ba naman kasi, parehas kaming hindi marunong magpaandar ng sinasakyan naming boat that time pero dahil makulit kami ay pinush pa rin namin. Kaya ayon, we ended up going home na basang-basa at may sugat sa mga braso at binti.
“Hinding-hindi ko rin makakalimutan kung paano ako sabihan ni Kuya Franco na bad influence raw ako sa'yo.”
Bumuntong hininga pa siya at umaaktong nagtatampo. Tinawanan ko lang siya dahil doon. I can still remember how my Kuya got mad at me when he found out that I got wounds. Siya kasi ang malalagot kay Mommy.
I let out a sigh dahilan para mapatingin siya sa akin. Ngumiti lang ako sa kaniya.
Nakakamiss.
“Faith,” Pagtawag niya sa akin. “Tignan mo..”
Napatingin ako sa ulap. I almost jump on excitement dahilan para bahagyang umalog ang boat na sinasakyan namin. Sino ba namang hindi mapapatalon sa ganda ng view? Orange na orange ang kalangitan, sunset na.
Dali-dali kong kinuha ang phone naming dalawa ni Jiro. Inabot ko sa kaniya ang phone niya bago ako pumunta sa camera ko at magtake ng pictures and videos.
“Ang ganda..” Nakangiting sambit ko habang nagvivideo.
“Kaya nga eh.”
Itinutok ko naman kay Jiro ang camera, nagvivideo pa rin. He's looking directly to me, smiling. Napaiwas siya ng tingin sa akin tsaka ibinalik ang tingin sa langit.
“Sobra..”
・〰・
Proud and happy.
That's what I'm feeling right now habang pinapanood si Kuya Franco na umaakyat ngayon sa stage.
Nakangiti siya ng malawak habang nakikipagkamay sa mga professors while mouthing them a word 'thank you.' Nang matanggap niya ang diploma niya ay mas lalo pa siyang napangiti, this time he is smiling with his teeth showing.
Kinuha ko ang phone ko para picturan siya. I saw him pointed at our direction and happily shows his diploma. Napangiti ako.
Finally, graduate na ang Kuya ko!
I gave him a thumbs up bago siya tuluyang bumaba ng stage at bumalik sa pwesto niya kanina.
Parang maiiyak ata ako dahil sa tuwa. I let out a little laugh. Akala mo talaga ako ang nagpapaaral sa kaniya e'.
“Naku salamat Panginoon at nakagraduate na si Franco! Napakasaya namin!”
Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ko. Si Mama Lourdes. Sabay kaming napangiti at nagyakapan.
“We did it!” Masayang sabi ko.
We are here celebrating, yet, I can still feel the loneliness. May kulang pa rin.
Why am I acting like I'm not still used to it? Na parang hindi ganito ang nagyayari everytime?
Pinagmasdan ko si Kuya habang masayang nakikipag-usap sa katabi niya. Sobrang proud ako sa kaniya. He managed to finish his studies on his own. He do work on part time jobs para lang mayroon kaming extra money and panggastos kapag nasho-short kami.
Sa tutuusin ay hindi niya naman kailangang gawin iyon dahil nagpapadala naman si Mommy ng pera every month sa amin. Pero kasi, choice rin namin iyon. Alam naming bukod sa amin ay may pamilya rin siyang pinaglalaanan ng pera sa ibang bansa. Ayaw na namin maging abala pa.
“Congrats!” Masayang salubong ko kay Kuya.
The event was already done pero nandito pa rin kami sa venue. Gusto kasi naming magpapicture doon sa stage pero hindi pa kami maka tyempo dahil marami pang umaakyat doon para rin magpicture.
“This is for you,” Napatingin ako kay Kuya nang isabit niya ang medal na natanggap niya kay Mama Lourdes.
Halos mangiyak-ngiyak naman itong napayakap ng mahigpit kay Kuya Franco. Masaya akong ngumiti.
“Thank you so much for being with us ever since bata pa kami, hayaan mo it's already time para ako naman ang bumawi!”
Mas lalo pa itong umiyak. I pouted. Parang maiiyak na rin tuloy ako. Lumapit ako sa kanila at nakiyakap na rin.
Simula nung umalis si Mommy papuntang New York para doon magtrabaho ay naiwan na kami kay Mama Lourdes. Siya ang nagsilbing nanay namin nung mga panahong walang 'mommy' na gagabay sa amin at sasama sa mga pta meetings sa school. Kung dati ay palagi naming kasama sa bahay si Mama Lourdes para asikasuhin kami, ngayon ay hindi na. Nasa tamang edad na kami at kaya na rin naming asikasuhin ang sarili namin. Oras naman para ilaan niya ang oras at ang sarili niya para sa sarili niyang pamilya.
“Salamat mga anak,”
Pakiramdam ko tuloy ay para kaming isang buong pamilya na nagsasaya dahil nakagraduate na ang panganay nitong anak. How I wish na family nalang kami.
Napahiwalay kami sa yakapan nang makarinig kami ng boses mula sa likuran.
“Hey, congrats son! Sorry, we're late. Nagkaroon kasi kami ng problem about sa schedule ng flight.”
Unti-unting napawi ang ngiti ko. Seeing her again after years made me want to hug her pero may kung anong pumipigil sa akin para gawin iyon.
Bakit pa sila pumunta, tapos naman na?
“Right, Hon?”
Napatingin ako sa lalaking nasa tabi niya. He's the new husband of our mom, Dominic.
“Yeah, sorry talaga Franco. By the way, congratulations!”
Nag-iwas ako ng tingin. They hugged each other and then do the shake hands.
Bumaling naman ang tingin ni Mommy sa akin. She widely opened her arms and enveloped me into a hug. Hindi ako yumakap pabalik, ewan, parang hindi ko magawang itaas ang kamay ko bigla.
“Faith! I missed you sweetheart!” Hinawakan niya pa ang kamay ko.
Pilit akong ngumiti.
Maya-maya ay lumapit naman siya kay Mama Lourdes at niyakap ito. Napansin ko pang tumigil saglit ang tingin niya sa medal na suot ni Mama. Her face expression suddenly change pero agad naman siyang ngumiti ulit at ibinalik ang tingin kay Mama Lourdes.
Nag-usap pa sila pero hindi ko na ito narinig. Preoccupied na kasi ang isipan ko kung ano-ano ang mga posibleng mangyari mamaya pag-uwi namin sa bahay.
Gusto ko ng umuwi.
“Grabe, ang bilis ng panahon.” Hindi makapaniwalang sabi ni Mommy habang tinitignan kaming dalawa ni Kuya mula ulo hanggang paa.
Ang bilis nga. Parang kailan lang nung iniwan mo kami para bumuo ka ng pamilya sa ibang bansa.
Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kumakain ng lunch. Nag-uusap sila about sa mga nangyari sa byahe nila pati na rin sa pag-aaral ni Kuya. Habang ako? Ito tahimik lang na kumakain.
Bakit ganon? Diba dapat excitement at saya ang nararamdaman ko ngayon dahil after so many years ay finally umuwi rin si Mommy ng Pilipinas, pero bakit kabaliktaran naman nun yung nararamdaman ko? Nayayamot ako na ewan. Gusto ko ng bilisan ang pagkain ko at umuwi nalang.
Pwede bang bilisan ang oras?
“Anong year ka na pala sa college this incoming school year, Faith?”
Napatigil ako sa pagkain nang tanungin ako ni Dominic. Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay sa sasabihin ko.
“2nd year.” Tipid kong sagot.
Nakita ko naman siyang napatango. Pinakiramdaman ko pa kung may susunod pa ba siyang itatanong sa akin o ano. Mabuti na lang at hindi na siya ulit nagtanong pa at bumalik na lang ito sa pagkain.
As much as possible I want to lessen the interactions between us or mas better kung hindi nalang kami mag-usap. Huwag niya na akong kausapin.
“Oo nga pala, malapit na rin pala bumalik sa school si Benj. Diba Hon?”
Benj. If I'm not mistaken, siya yung anak ni Mommy kay Dominic. Yung panganay na lalaki. Mas bata ng 4 years sa akin.
“You know, dapat magpicture tayong lahat. Isesend ko sa mga kapatid niyo para makita nila kayo.” Nakangiti pa siya habang excited na nilabas ang phone niya.
Napatingin ako kay Kuya Franco na nakatingin rin pala sa akin. He just gave me a meaningful look na para bang sinasabi niya sa'kin na sundin ko nalang ang sinabi ni Mommy.
Napayuko ako. I can't take this. 
Andito na siya sa Pilipinas and yet ang iniisip niya pa rin ay yung mga anak niya sa ibang bansa? Kailan naman kaya darating yung time na nasa amin naman ang focus niya? 
Napatingin sila sa akin nang tumayo ako.
“Restroom lang.” Sabi ko at saka mabilis na pumunta ng banyo.
I looked myself into the mirror. Inipit ko ang nakaladlad na buhok ko sa aking tainga. Napahawak ako sa kwintas na suot ko.
“I miss you so much Daddy...” Sambit ko.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman kong parang maiiyak na ako. I clenched my fist trying hard not to cry but I can't take it anymore.
Nagmamadali akong pumasok sa isang cubicle at umiyak ng tahimik.
If only I can take back the time... I love you so much, Daddy.
Pinunasan ko ang luha ko at saka huminga ng malalim. I took out my phone and dialed Jiro's number.
Gusto ko ng umuwi o kaya pumunta sa kung saan. Basta kung saan hindi ko sila makikita.
Isang beses pa lang itong nagring ay sinagot niya na agad ang tawag.
“San ka?” I asked, trying my best not to stutter.
“Bahay lang, congrats pala kay Kuya! Kauwi ka n—”
I cut him off. “Sunduin mo 'ko, takas tayo.”
Right after that, I ended up the call. I texted him the address of the coffee shop near this restaurant para doon kami magkita.
Lumabas ako ng cubicle at tinignan ang sarili ko sa salamin. Naghilamos ako saglit dahil halatang-halata na kagagaling ko lang sa pag-iyak. Ayokong makwestiyon ako ni Jiro mamaya dahil paniguradong iiyak na naman ako. I plastered a smile on my face, yung pilit, tsaka ako tuluyang lumabas ng restroom.
Dumaan ako sa kabilang side kung saan malayo sa table namin nila Kuya Franco. Nagkukwentuhan pa rin sila hanggang ngayon.
Napatalikod ako nang biglang lumingon si Mommy sa direksyon ko. Nataranta tuloy ako kaya't mabilis akong naglakad papalabas ng restaurant pero bago pa man ako tuluyang makarating sa pinto ay nagkabanggaan pa kami nung waiter. Nahulog tuloy yung mga trays at plastic straws na bitbit niya sa lapag.
“O my gosh! Sorry, sorry!” Nahihiyang sambit ko.
Agad akong yumuko dahil napalingon na rin sa amin ang iba pang customers. Lalo akong nataranta dahil baka tumingin na rin sila Kuya Franco sa direksyon namin!
Napatayo ako at mabilis na naglakad palabas ng restaurant. Sa pagmamadali ko ay hindi ko na natulungan yung waiter na pulutin isa-isa yung mga straws na nahulog.
Paano kung mapagalitan siya dahil sa akin? Ako na nga ang nakabangga sa kaniya tapos hindi ko pa siya tinulugan. Naguilty tuloy ako bigla.
Napahinga ako ng malalim.
Para akong nakahinga ng maluwag nang makalabas ako. Nas–suffocate kasi ako kapag kasama sila. Hindi ko kayang tumagal.
Pakiramdam ko tuloy ay parang may kung anong nawala sa akin. Siguro yung mabigat na pakiramdam na nararamdaman ko kanina?
Mula sa labas ng restaurant ay napatingin ulit ako sa loob nito. Kitang-kita ko sila Mommy na masayang nagkukwentuhan, maya-maya pa ay bigla siyang sasandal sa braso ni Dominic tsaka yayakap.
How romantic 'diba? Parang scene sa isang palabas. Tapos ako yung kontrabida at rebeldeng anak na hindi matanggap tanggap na masaya na sila.
I laugh sarcastically.
Paano ba nila nagagawang maging masaya samantalang may taong naging miserable ang buhay dahil sa ginawa nila?
I let out a sigh.
Gusto ko munang lumayo sa kanila. Kahit saglit lang. Kahit sandali lang.
And then, I left the restaurant without knowing that I'd lost something more important than anything.
✿✿✿
A/N :
Disclaimer lang!! Hindi pa po talaga ako nakakapunta sa Baguio so feel free to correct me if may mali sa pag describe ko about sa lugar, nag search lang kasi ako ng info sa google and yt huhu.
See ya sa next chapter! ><
rnzre_

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    14d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata