logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

01

Chapter One.
“Nasa Baguio na ho tayo. Pakigising yung mga tulog at pakibilis lang rin ang baba, salamat.”
Tinanggal ko ang pagkakapalsak ng earphones ko sa aking tainga at saka tumayo dala ang maliit kong maleta. Maingat kong inilagay sa harapan ko ang sling bag, siksikan pa naman ngayon dahil nag-uunahan ang mga tao sa pagbaba. Nag-iingat lang dahil mahirap na at baka madukutan ako ng ‘di oras.
Kasalukuyan akong nakaupo sa loob ng isang fast food chain habang hinihintay ang pagkaing inorder ko. Hindi pa kasi ako nag-aalmusal at kanina pa ako nakakaramdam ng gutom sa bus.
Napayakap ako sa sarili ko nang maramdaman ko ang lamig ng hangin. Nakadagdag pa sa lamig na nararamdaman ko ang aircon ng fast food chain kung nasaan ako ngayon. The good thing is nakasuot ako ng hoodie at instead of shorts ay jeans ang sinuot ko kanina bago ako umalis sa condo ko sa Manila.
“Good morning ma’am,” Nakangiting bati sa akin ng waiter sabay serve sa table ko ng ricemeal and coffee na inorder ko kanina.
“Thank you.” Sambit ko.
Napatingin ako sa phone ko nang mag beep ito. A chat from Axel. Napairap ako nang mabasa ko mula sa notification bar ang message request niya sa’kin sa ig saying, 'Let's fix this.'
Sa inis ko ay agad kong inopen ang instagram app ko at dali-dali siyang binlock. I thought I already blocked him sa lahat ng social media accounts niya pero hindi pa pala, nakalimutan kong mayroon pa pala siyang dump account sa ig.
Akalain mo ’yon, nagawa niya pa talaga akong ichat sa account na iyon kung saan ko siya nahuling may kalandian?! The audacity of this guy. Pang-ilang beses na ba ‘to? I can't believe him. Napakagago talaga.
Pumikit ako ng mariin. Sumimsim ako sa kape para sana mabawasan ang init ng ulo ko pero mas lalo lang nadagdagan ang pagkainis ko dahil hindi ko namalayang sobrang init pa pala ng kape. Ayan tuloy at napaso ako sa labi. Bwisit.
Napatingin ako sa wristwatch ko. I still have three more hours para bumyahe papunta sa bahay namin dito sa Baguio at magpahinga bago dumating sila mommy. Sa tantsa ko ay nasa forty minutes pa ang b-byahiin ko papunta sa amin. Bumuntong hininga ako.
I looked down and I saw my food na halos wala pang bawas. Ewan ko ba, kanina gutom na gutom ako pero ngayon nawalan na ako ng gana. But still, I should finish this food. No excuses. Sigurado akong magugutom na naman ako mamaya kung hindi ako kakain ngayon.
・〰・
“Kumusta byahe?”
I'm now on my bed currently folding my clothes when Kuya Franco walked into my room. He sat at the edge of the bed carefully.
“It was good, maliban sa konduktor ng bus na minamadali akong bumaba kanina.” Sagot ko.
I heard him chuckle. “You should've let me fetch you on your condo. E‘di sana hindi ka nagrereklamo ngayon.”
Tumayo ako at sinimulang ilagay isa-isa sa cabinet ang mga damit ko.
“As if susunduin mo talaga ako,” I glanced at him and rolled my eyes. “Mas iniingatan mo pa yata 'yang gas ng kotse mo kaysa sa akin eh.”
Narinig ko lang siyang tumawa ng malakas. Tignan mo, hindi man lang tumanggi sa sinabi ko! Loko talaga.
He stand up and helped me by giving me my folded clothes.
“Did mommy already tell you about some—” Napatigil siya sa pagsasalita nang mapansin niyang wala akong ideya sa sinasabi niya.
“About what?” I asked curiously.
Umiiling siya at ngumiti. “Nothing.”
Maingat kong isinara ang cabinet nang mailagay ko na ang mga damit ko rito. Konti lang ang dinala ko dahil saglit lang naman ako mag s-stay dito sa Baguio.
“Ano nga?” Tanong ko.
He playfully smiled at me. “Mamaya mo malalaman. For now, rest ka na muna parang kulang ka pa sa tulog eh.”
Sinamaan ko siya ng tingin. Bago pa man ako makapagreklamo at sabihan siya ng masasamang salita ay umalis na siya sa kwarto ko at mabilis na isinarado ang pinto.
Kahit kailan talaga walang pinagbago si Kuya Franco. This is the first time na nagkasama kami ulit after kong magpunta ng Manila para doon mag-aral. I missed him.
Napahiga ako sa kama. Pakiramdam ko ay para akong nakalutang sa ulap dahil sa lambot nito. Unti-unti ng bumibigat ang talukap ng mga mata ko hudyat na nakararamdam na ako ng antok. I let myself sleep for an hour, makabawi man lang sa pagod ko kanina sa byahe.
When I woke up halos sumakit ang ulo ko sa pagmamadaling maligo. Hindi ko kasi namalayan ang oras kaya ngayon ay aligaga akong mag-ayos sa sarili ko.
Did I even set an alarm? Bakit parang ’di ko man lang namalayan na tumunog ang phone ko? There’s no way that I put 4 AM instead of PM!
Agad kong kinuha ang phone ko sa side table at chineck ang alarm setting nito. Napamura ako sa isip nang makitang AM nga ang nailagay ko!
“Why didn't you wake me up Kuya? Baka mamaya kanina pa sila naghihintay sa airport!” Inis kong sabi nang makababa ako sa salas.
Naabutan ko siyang nanonood ng basketball game sa tv habang kumakain ng chips.
Kumunot naman ang noo niya. Saglit siyang napaisip at mahinang tumawa.
“And bakit hindi ka pa nakaayos? Ano ganiyan ka na lang ba?” Irita kong tanong.
Inabot niya ang remote sa mesa at bahagyang hininaan ang volume ng tv. He gave me an awkward smile na para bang may nakalimutan siyang sabihin sa akin.
“What?”
He cleared his throat. “I forgot to tell you, nadelay yung flight nila mommy kaya baka the next day after tomorrow pa sila makauwi.”
Parang bumagsak ang magkabilang balikat ko. Nagmamadali akong maligo at mag-ayos tapos hindi pala sila matutuloy ng uwi ngayon?
“You mean two more days pa bago sila umuwi dito? Akala ko ba sure na nila na ngayong araw sila uuwi?” May bahid na ng inis sa tono ko.
He just shrugged his shoulders.
Napapadyak ako sa inis. I canceled all my schedules today para lang salubungin sana sila sa airport kahit na alam ko namang pwede akong pumunta dito sa Baguio a day after nilang makauwi from New York. I let out a sigh.
“Oh, where are you going?” Kuya Franco asked.
“Diyaan lang.” Sagot ko at saka dire-diretsong naglakad papalabas ng bahay.
I still remember the last time na umuwi sila dito sa Pilipinas. Christmas Eve. Buo pa kaming pamilya.
Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung totoo bang nadelay lang yung flight nila kaya hindi sila makakauwi ngayon o they are just making excuses. Again.
Graduation day na ni Kuya Franco sa Saturday. They still have more time to rest before the day of the event.
But there's one thing on my mind na pilit nagpapagulo dito.
What if they don't come? Paano kung gumawa na naman sila ng kung ano-anong dahilan para sabihin sa amin na hindi sila makakauwi? No. Hindi pwede. They should be here on one of the most important day of my brother’s life.
Kahit dito lang sana makaattend sila. Kahit dito lang sana ay tuparin nila ang promise nila.
Napabuntong hininga ako. I feel my phone vibrates on my pocket. I saw my best friend's number on the screen.
“Hello Jai?” I said as I answered the call.
Bahagya ko pang nailayo sa tainga ko ang phone ko dahil sa ingay ng background niya.
“Sa Baguio ka na?” Tanong niya.
“Yes.” Tumango pa ako. As if makikita niya iyon.
Napatigil ako sa paglalakad nang marating ko na ang gate ng village namin.
Gaano kalayo na ba ang nalakad ko?
Tumingin pa sa akin ang guard, yung tingin na para bang tinatanong niya ako kung lalabas ba ako o hindi. Hindi ko na siya kinausap at nagdirediretso na lamang ako hanggang sa makalabas na ako sa village namin.
“Just roaming around.” Sagot ko kay Jai nung tinanong niya kung ano ang ginagawa ko.
We've just talked about how many hours I spent sa pag commute ko sa bus from Manila to Baguio, nakuwento ko rin na nadelay ang flight nila mommy pauwi kaya I needed to extend more days to stay here. Thankfully she didn't mention some things related to Axel. Palagay ko ay hindi niya rin alam na nag-karoon kami ng malalang away na humantong sa break up a day before I left Manila. Ayoko ng ikuwento sa kaniya, sesermunan niya na naman ako kesyo dati pa lang ay alam niya ng gago talaga si Axel at hindi ko na dapat pinatulan una pa lang.
What can I do? Wala eh, nagpakatanga ako. Ilang beses na ring ganito ang set-up namin, hiwalay—balikan—pero this time paninindigan ko na. This time it has to be stopped. Tama na ‘tong kalokohan na ito.
“Uwian mo ko ng pasalubong ha!” Sambit ni Jai mula sa kabilang linya. “Strawberry taho, ayun gusto ko hehe.”
Napangiwi ako. “Ano ka ba, sa tingin mo aabot pa ‘yon sa Manila?”
Speaking of pasalubong. I stopped by sa isang pasalubong shop near our village. Gusto ko na rin sana bumili ngayon dahil sure akong hindi ko na ‘to maaasikaso sa mga susunod na araw.
“You want strawberry jam? Ayun nalang kaya?” Tanong ko kay Jai habang hawak-hawak ang isang bottle ng strawberry jam.
I can imagine her face smiling widely when she said yes.
Inilagay ko ito sa mini basket na bitbit ko. Kumuha rin ako ng dalawang pack ng peanut brittle at isang bottle ng ube jam. Nakakita rin ako ng mga bracelets kung saan pwede mong ipa-customize at ilagay ang pangalan na gusto mo. Kaya naman bumili na ako for me, Jai and Kuya Franco.
“Sige na, I'll call you later.” I said before ending the call.
Isa-isa kong inilagay sa counter ang mga binili ko. Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid dahil baka may nalimutan akong bilhin pero mabuti naman at wala.
“950 pesos po,” Nakangiting sambit ng babae.
I gave him my one thousand peso bill. Kinuha ko ang shades na nakadisplay sa gilid ng counter na nagkakahalagang fifty pesos para wala na siyang isukli sa akin.
“Thank you.” Sambit ko at ngumiti.
Madilim na ang paligid at dumarami na rin ang mga tao. Ngayon ko lang napansin na mayroon pa lang palengke hindi kalayuan mula rito.
Napangiti ako nang makita ang mini bayong na bitbit ko. Instead of plastic bag ay bayong ang ibinigay nila sa akin dahil hindi raw sila gumagamit ng kahit na anong plastics dahil masama raw ito sa kalikasan natin. Oh ‘diba, so cute.
It’s already 7 pm at dinner time na. Naisipan kong bumili na ng ulam namin ni Kuya Franco tutal kaming dalawa lang naman ang tao sa bahay. Gusto ko siyang paglutuan at ipamukha sa kaniya na marunong akong magluto dahil paulit-ulit niyang ginagawang reason ‘yon sa akin kaya hindi pa raw ako pwedeng bumukod ng tuluyan sa kaniya. Hays.
“Galunggong miss? Mura lang, 50 kalahati.”
Pagtawag sa’kin nung mamang lalaki habang naglalagay ng bagong set ng mga isda mula sa baldeng hawak niya.
Pumasok pa ako sa loob ng fish stall nila. Ano kayang masarap lutuin?
“Huwag naman po, malulugi ata kami niyan sa’yo.” Natatawang sambit ng lalaki dahilan para lumitaw ang dimple niya.
Pabiro kasing nanghihingi ng discount yung babaeng katabi ko sa tilapia na binibili niya.
Sa tutuusin marami pang ibang nagtitinda ng tilapia bukod sa kanila pero dito sa pwesto na ‘to yung pinaka pinipilahan ng mga namimili. And I know exactly what's the reason.
“Mukhang lugi na naman kami sa’yo bata, hakot mo lahat ng bumibili e’.” Napapailing na sambit ng matandang lalaki na nasa tabing pwesto niya.
“Kaya nga tay e’. Konti nalang talaga makikisali na ko sa pagbebenta nila Greg!” Gatong naman ng isa.
Napatingin tuloy ako sa lalaking tinutukoy nila. Ngumiti lang ito ng maloko at mahinang tumawa. He's wearing a white plain sando and a basketball shorts.
Alam niyo ba yung mga binabalita sa tv na pinicturan ng isang netizen yung guy dahil pogi tapos nagviral online? Parang ganon siya. If you're going to post his photo on the internet walang dudang magb-blow up ito. Baka may makadiscover pa sa kaniyang managements at kuhain siyang model.
I let out a little laugh. Ano ba itong naiisip ko? Pati buhay ng iba ay napapakialaman ko na.
“Kalahating kilo sa tilapia.” Sambit ko.
He glanced at me and flash me his smile. Yung ngiting kahit alam mong pagod na ay nakakahawa pa rin?
Kumuha siya ng limang piraso ng isda tsaka ito nilagay sa timbangan. Pinunasan niya pa muna saglit ang pawis sa noo niya gamit ang bimpo at saka ito binalik ng sampay sa balikat niya.
Siya lang ata yung pinagpapawisan na pero mukhang mabango pa rin.
“Ito oh, salamat ng marami.” Nakangiting sambit niya sabay kindat.
I smiled back to him bago ako umalis sa fish stall. Hindi ko tuloy alam kung makakapagluto pa ba ako ngayon dahil mag-aalas otso na. Kumain na kaya si Kuya?
Just right then ay timing na nakatanggap ako ng text mula sa kaniya.
Kuya Franco:
'Where are you? Uwi na.'
Hindi ko na siya ni-replyan dahil kasalukuyan naman na akong naglalakad pauwi sa amin. Ngayon ko lang napagtanto na medyo malayo nga siya mula sa village, siguro hindi ko lang napansin dahil busy ako makipagdaldalan kay Jai kanina.
Saglit akong napatigil sa isang tabi. Parang mapuputol na ata ang mga daliri ko sa kakadala nitong mga pinamili ko. Aside from fish ay namili rin kasi ako ng mga gulay na ihahalo para rito sa lulutuin kong isda.
“Kailangan mo ng tulong?”
Agad akong napaayos ng tayo nang makilala kung sino ang nasa harapan ko. Bahagya pang nanlaki ang mga mata ko.
“Akin na nga, hirap na hirap ka na e’.” Mahina siyang tumawa tsaka kinuha ang ilang plastic na dala ko.
Hindi ko tuloy alam kung maiinis ako o matutuwa. Binitbit niya ang lahat ng mga pinamili ko sa palengke kanina habang ako naman ay bitbit pa rin yung mini bayong mula sa pasalubong shop.
“Pinuntahan kita kanina sa inyo, wala ka naman doon.” Lumingon pa siya sa akin at ngumuso. “Umuwi ka na pala wala ka man lang pasabi,”
Nakagat ko ang ibabang labi ko. Nagpipigil na tumawa.
“E‘di sana inabangan kita doon sa bus station tapos nakagawa pa ’ko ng banner na may nakasulat na ’welcome back’ diba?”
Napatawa ako ng malakas. “Ano ka ba? Hindi ba pwedeng gusto lang kitang i-surprise?”
Kumunot naman ang noo niya dahilan para mas lalo pang magdikit ang kilay nito. Tumaas ang sulok ng labi niya at saka ako binigyan ng tingin mula ulo hanggang paa.
“Eh bakit parang ikaw pa ata ang na-surprise ko? Yung gulat factor mo kanina nung nakita ako, medyo mataas ah.”
Tinawanan ko nalang siya. Wala naman talaga akong balak magsabi sa mga kaibigan ko dito na nakauwi na ako sa Baguio dahil hindi rin naman ako mags-stay ng matagal.
“Ako na nga lang pagsasabihan mo, nakalimutan mo pa!” Masama ang loob na sambit niya.
Mahina ko siyang sinuntok sa braso. Palibhasa kasi alam niyang siya lang ang kaibigan ko rito, kaya ayan kung makapang-asar sa akin wagas.
“Pasok ka?” Tanong ko sa kaniya ng makarating kami sa tapat ng gate ng bahay namin.
“Huwag na, ayaw mo e’.” Natatawa siyang umiling. “Bukas nalang, marami tayong pupuntahan kaya sa ngayon pahinga ka na muna.”
Ngumiti ako sa kaniya. Papasok na sana ako sa loob nang hawakan niya ako sa braso. May kung anong bagay siyang inilagay sa kamay ko.
Bago pa man ako makapagtanong sa kaniya ay nagsalita na agad siya.
“Regalo ko sa’yo, welcome back Faith!” Nakangiti niyang sambit bago kumaway sa akin at tumakbo papaalis.
Nang buksan ko ang palad ko ay napangiti ako. It's a beaded bracelet na may nakasulat na initials ko.
I opened my phone and texted him.
To : Jiro
'Thank you, namiss kita.'
I took a deep breathe and smiled. I think I know now how to spent my days here and turn it into a good one.
✿✿✿
A/N :
I revised some chapters sa story dahil medyo nawala na ako sa storyline last time. I hope mapanindigan ko na ’to ngayon at matapos ko na. Parang awa! Btw, how is it? Please do vote and comment your thoughts. Tysm for reading, mwa.
( ꈍᴗꈍ)

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    14d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata