logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Playful Destiny Series #1

Playful Destiny Series #1

rnzre_


Prologue

December Avenue - Saksi Ang Langit
"And now for our last song,"
Until now I can't believe na he's having his concert na together with his own band. Parang dati lang pahirapan pa kaming makakuha ng schedule para lang makapagperform ng gig sa isang bar. I can't help but smile while reminiscing those times.
Ang layo na ng narating namin. Teka, dapat ko pa bang iinclude ang sarili ko sa achievements niya? Kasama pa rin ba ako sa journey niya?
Kumirot ang puso ko sa naisip. Malamang ay hindi na. We we're so far from what we are before. Ang laki na ng pinagbago. Parehas kaming nagbago.
"Are you okay?"
Napatingin ako kay Jai. Siya ang kasama kong manood ng concert at siya rin ang bumili ng tickets namin. 
"Yeah, I'm fine." Nakangiting sambit ko. "What about you? Are you enjoying it?" 
Hinawakan niya ang kamay ko at mariing pinisil ang palad ko. "Super!"
Kung hindi ko lang siya mahal baka hindi ko na siya sinamahan dito. I didn't tell her what happened before at pati na rin kung anong meron kami dati. Hindi ko na sinabi. Past is past.
Nagsimula nang mag-strum ang gitarista ng banda. The melody of the song reminded me of something. Something that I will never forget.
"This will be our last performance tonight guys, I just wanted to thank you all sa paglaan ng time para lang makapunta sa concert namin."
The crowd became more noisy nang mag-flash ang mukha niya sa big screen. Hiyawan at palakpakan ang nangingibabaw ngayon sa buong arena. Wala pa ring bago, iba pa rin ang epekto niya sa mga tao... at ganoon na rin sa akin.
Naka moved on na ba talaga ako? That moment when I heard his voice again para akong naestatwa sa kinauupuan ko. Sa dami ng ginawa kong pag-iwas para lang marinig ang boses at mga kanta niya eh dito ko pa pala talaga maririnig, at live pa. Yung feeling na ang tagal mong binuo yung wall sa pagitan niyo tapos dahil lang sa boses niya e' nasira na? Nakakainis.
"This song is dedicated for those people who still sees the beauty in love in every forms of it." He said looking directly at the camera and gave us a wink. 
The audience simultaneously says 'aawwwe' like they're all on cue.
Tumaas ang sulok ng labi ko. Napairap ako habang umiiling. 
"Ang pogi pogi mo!" Sigaw ng isang fan na may hawak na banner.
Well, I agree. Hindi naman maipagkakaila iyon. He looks so handsome with his messy hair, wearing a leather jacket over a simple white shirt that's on fire.
Nakadagdag pa sa appeal niya ang suot niyang piercing. Napansin kong nadagdagan ito ng isa sa kaliwa niyang tainga. I can say that a lot about him has changed. In his looks? Yes. Personally? Uh, I don't know. Maybe.
The crowd went wild when they started strumming. They started to turn on the flashlights on their phone at sabay-sabay itong iwinagayway. Bawat tingin at lingon ko sa paligid ay nakakakita ako ng mga fans na naiiyak-iyak na kahit na instrumentals palang ng kanta at ang iba naman ay masaya na ineenjoy ito.
The first stanza of the song already hit me. Kakaiba na ang pakiramdam na mapakinggan ulit ito ngayon. Noong una ko kasi itong marinig, tanging saya lang ang nararamdaman ko. The way he sang the lyrics of the song ay punong-puno ng emosyon pero mas nangingibabaw rito ang sakit.
Halos lahat ng narito ay nakikisabay sa kanta niya. But amidst all that, the only voice that mattered to me was his.
I missed his voice.
I missed watching him singing on the stage.
I missed his smile.
I missed him. 
Siguro tama nga ang sinasabi ng iba. When you listen to a song, you appreciate it when you're happy, but you understand its message when you're sad. Yung tipong bawat lyrics ng kanta ay tagos sa puso mo.
Napatingin ako sa big screen nang makita ko ang mga fans na kumakaway dahil sa kanila nakatutok ang camera. They are holding banners, tarpaulins, and LED lights.
"Oh my gosh!" Napatalon pa si Jai sa tuwa at kinuha ang kamay ko para kumaway.
Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. 
"Come on, Faith! Wave at the camera!" Masayang sambit niya.
Wala sa sarili akong kumaway. At saka lang nag sink-in sa isipan ko ang nangyayari. Nagulat ako nang makita ang sarili ko sa big screen! Shit!
Napatingin ako sa stage kung saan siya kumakanta. At first, he's looking at the screen, but now? He's looking directly at me. Medyo malayo man ang pagitan namin sa isa't-isa pero sigurado akong sa akin siya nakatingin.
Nagmamadali kong kinuha ang bag ko para pumunta sa restroom. Pakiramdam ko anumang oras ay tutulo na ang luha ko.
Yes, he's looking at me. But that look that he gave to me was different. Hindi tulad ng dati na punong-puno ng emosyon. That stare was nothing. What else should I expect? After all the things that happened? Fuck it.
Ganon niya ba ako iwelcome sa pagbalik ko? O welcome pa ba ako?
Hindi na ako nakapagpaalam kay Jai dahil busy siya sa pagtalon-talon at sa pagsabay sa ibang crowd sa pagkanta. 
Napabuntong hininga ako. 
Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin. Namumula ang mga mata ko at nagbabadya nang tumulo ang mga luha ko. 
Bakit parang wala lang sa kaniya lahat? Kinalimutan niya na ba ako? Am I that easy to forget?
Mula rito ay rinig ko pa rin ang kantahan nila. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maramdaman ko ang pag-agos ng luha ko sa aking mga pisngi.
If you're going to ask me if something has changed? None. Nothing has changed, my love. My heart is still beating just for you. 
It's tiring but you're still worth fighting for.
Wait...
Is it still worth fighting for? Or am I the only one who's fighting and hoping for nothing? 
✿✿✿

Komento sa Aklat (13)

  • avatar
    Lyjud Bugat

    why give thr money

    14d

      0
  • avatar
    Jayson Patenia

    hi po pwede ba mag withdraw

    01/07

      0
  • avatar
    MATUGASJENESHEL

    nice story

    26/04

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata