logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Still

Still

Emjheydee


CHAPTER 1

June 7, 2004

JASMINE’S POV:


“Bilisan mo na ang pag kain mo diyan Min. Baka ma-late ka sa school,” utos ni mama habang nagpi-prito ng tatlong pirasong hotdog na babaunin ko ngayong araw.


Magana kong isinubo ang piraso ng itlog kasabay ng mainit na kanin. Ito ang unang araw ng last year ko sa San Vicente National High School. Ang unang araw na maeenjoy ko ang huling high school years ko. I can still remember nung nakaraang school year halos kaladkarin ko sarili ko para pumasok sa school na iyon ng mga ilang linggo. Ilang balde ng luha rin ang naibuhos ko dahil sa pagkaka-transfer ko sa public school noong third year high school pa lang ako dahil lang sa naibagsak ko ang Math subject ko. I lost my scholarship because of one subject at kailangan kong mag-transfer ng school from private to public dahil hindi kaya ng mga magulang ko na tustusan ang tuition ko ng buo. Gosh! I hate Math!


“Minmin! Ano ba natutulala ka na naman diyan! Nak huwag mo dalasan ang pagka-lutang mo ha baka mapagkamalan kang may sira sa tuktok.” Sabay-sabay naman na natawa sila papa at mga kapatid ko sa sinabi ni mama. Minsan masarap na lang ibenta mga ‘to eh. Mga mapang-asar.


“Te, baka magka-jowa ka na this school year. Yiiee!” sabi ni Rose na tinutusok-tusok pa ang tagiliran ko ng mga daliri niya. Nasa second year high school naman siya sa San Vicente. Kaya rin hindi na ako nakapagpatuloy mag-aral sa private school noon ay dahil magkasabay na kami nag-aral last year.



“Tantanan mo ako Rose ang aga-aga ha. Ikaw baka gusto mo isumbong kita kila mama. May crush-crush ka na sa school. Akala mo hindi ko alam ha.” Ngiting tagumpay ako dahil naibalik ko ang pang-aasar niya sa kaniya. Kita kong napahalukipkip ito sa inis at napagsabihan pa nila mama.



Ganito lang kami mag-asaran pero deep inside we care a lot for each other. It’s our love language.


Maaga kaming nakarating ng school ni Rose kahit sabi ni mama ay baka ma-late daw kami. Mukhang ghost town ang school sa sobrang tahimik. Hinatid ko muna si Rose sa tapat ng classroom nila bago ako dumiretso sa magiging classroom namin this year.


Nandito ako ngayon, nakatayo sa harapan ng isang luma pero maayos pa namang classroom. May nakalagay na isang sign sa taas ng kahoy na pinto na nakasulat na IV- Emerald gamit ang pulang pintura. Ang classroom ay hindi gaanong kalakihan. Tamang-tama lang para marinig ng estudyanteng uupo sa pinakalikuran ang boses ng guro.



Napangiti ako nang bahagya pagkakita ko sa loob ng bakanteng classroom dahil balik eskwela na kami. Miss na miss ko na mga kaibigan ko at excited akong magkita-kita na kaming muli!


Inilabas ko ang portable CD player ko sa bag at ang CD book ko na puro kanta ng mga sikat na boyband at solo female pop artist ngayon. Sila ang kumukumpleto ng araw ko.


“Hmm… BTB tayo ngayon.” Isina lang ko ang bagong CD na pina-burn ko noong Sabado sa computer shop ni Kuya Mike. May disenyo itong Winnie the Pooh at nakasalulat ang letrang BTB gamit ang marker sa ibabaw.


“And, play!”


Unang kanta pa lang ay napatayo na ako at napakanta nang malakas
.

‘Okay lang, ako pa lang naman mag-isa sa classroom kaya walang magrereklamo!’




Naka full-blast ang volume at halos wala akong marinig sa paligid kung kaya’t hindi ko namalayan na may kasama na pala ako sa loob ng classroom nang humarap ako sa may bandang likuran habang sumasayaw-sayaw.


Isang lalaki. Nakayuko siya at nagbabasa ng libro.


Kahit nakayuko siya ay kita pa rin ang itsura niya. He looks so neat sa uniform niya. Yung hair niya ay maayos na maayos ang pagkakasuklay and nakasuot siya ng eyeglasses na bilog ang lente.


Bilugan ang kaniyang mukha pero nakakaakit ang pagka-define ng kaniyang mga panga.


Matangos ang ilong at makapal ang kilay.


Maputi rin siya pero mamula-mula—hindi yung maputla.


Parang amoy baby powder ang itsura.


Alam niyo yung cute nerdy look? Ayun, ganun siya.


'Sinabi ko bang cute? Naku, Jas, first day of school harot agad. Umayos ka. Pero teka, schoolmate ba namin siya last year? Parang ngayon ko lang siya nakita, ah?'


Pinindot ko ang pause button sa player at tinanggal ang earphones at pinagmasdan siya.


Napansin yata nitong titig na titig ako sa kaniya. Aba'y bigla ba naman akong samaan ng tingin!


“Hi!” nakangiting bati ko pa sa kaniya with matching wave ng kamay sa kabila ng pagsusungit niya sa akin.


Sabi kasi nila, “If you see someone frowning, give them a smile.” Baka sakaling mahawaan siya ng ngiti ko at ngitian niya rin ako pabalik.



Kaso, anak ng tokwa! Tiningnan lang niya ako nang blangko sabay yuko at nagpatuloy na ulit sa pagbabasa. “Suplado. Hmpt!” Sinadya kong iparinig iyon sa kaniya kaya nilakasan ko ang boses ko.


Mula nang mapadpad ako sa school na ito. Lumabas ang lahat ng kakulitan ko sa buhay kumpara noong nasa private school ako na daig ko pa ang bato. Kaya’t hindi ko pa rin siya tinantanan.


“Hoy! Ba't ba ang sungit sungit mo? First day of classes kaya dapat naka-smile ka! Ganito, oh,” sabi ko habang iginuguhit ang daliri ko sa may mukha ko. Iyon bang hand sign ng smile.


Total silence.

I thought of pranking him. Baka sakali tubuan siya ng emosyon. Lumapit ako at sinilip ang binabasa niya. Sa sobrang focused niya hindi niya sa pagbabasa ako napansin.


'Ano naman kayang binabasa nito, eh, unang araw pa lang ng klase? Advanced reader? Naks!'

Tiningnan ko ang book cover nito.

'Eh? ‘All About Buildings and Structures’ ang title ng libro. Ang boring naman ng binabasa niya. Kung ako ang nagbabasa nito, first page pa lang, malamang nakatulog na ako. Tch!'

Hinablot ko bigla ang libro niya saka itinakbo papalabas ng classroom. Dinig ko ang pagsigaw niya ng, “A’kin na ‘yan!”


“Bleh! Hindi mo na ito makukuha!” pang-aasar ko pa sa may pinto habang tumatawa.


Inalis niya ang suot niyang salamin at ginulo ng bahagya ang kaniyang buhok. Binigyan niya rin ako ng titig na parang nagpahinto saglit ng paghinga ko.


Pinagsalubong niya ang kilay niya at pinasingkit nang kaunti ang mga mata niya na parang sinisipat ako nang maigi.


Nakatikom ang bibig niya pero nanginginig ang panga niya. Binigyan niya ako ng titig na humanda-ka-sa’kin-lagot-ka look. Lumakad siya palapit sa akin na hindi inaaalis ang matatalim na titig niya. Salubong ang kilay niya at tuwid na tuwid ang pagkakatingin niya sa akin.


Pakiramdam ko ay tumatagos ang titig na ‘yon hanggang sa kaluluwa ko.


Imbes na tumakbo ako palayo ay napalakad ako nang paatras hanggang sa bumangga ang likod ko sa pader ng corridor.


Napalunok ako nang ilang beses nang halos ilang dipa na lang ang layo niya sa akin.


Naramdaman ko rin na pinagpawisan ako bigla nang malamig at hindi ko maikilos ang mga paa ko upang tumakbo at humingi ng saklolo kahit kanino.

'Masama pala magbiro sa taong nagbabasa. Mama, help!'

Nang makarating siya sa kinatatayuan ko ay biglang inilapit niya ang mukha niya sa akin na sobrang ikinagitla ng buo kong pagkatao.


Para may dumaloy na mahinang boltahe ng kuryente sa buong katawan ko.


'Shet! Ba't hindi ako makagalaw?’


Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas ng loob para bantaan siya.


“H-hoy! Ano ba? H-huwag kang lalapit! Sisigaw ako!”


Palpak. Nautal ako. Sinong bobong maniniwala na matapang ako sa sitwasyon kong ito?


Tama nga ang kutob ko dahil hindi man lang siya natinag at mas inilapit pa niya ang mukha niya na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko. Tila umikli ang hininga ko at parang nasa may lalamunan ko na lang. Para akong nalulunod. Naaamoy ko na ang hininga niyang amoy Juicy fruit gum. Napapikit na lang ako at inabangan ang susunod na gagawin niya. Syempre, sa murang isip ko na kinse anyos ay nasa isip ko na hahalikan niya ako dahil iyon ang napapanood ko sa TV, eh.


Palibhasa'y pagpatak ng alas otso ng gabi ay tutok na tutok na ang mga matatanda sa amin—idamay mo na ang mga kapitbahay naming walang TV—kaya kinagisnan ko na ang mga eksenang ganoon sa mga panggabing teleserye.


Kung anu-ano na nai-imagine ko sa utak ko na posibleng mangyari. Puro lang ako crush-crush dati at wala pang ibang nadadampian ang labi ko kundi baso, kutsara, at pamilya ko.


'Paano kapag hinalikan niya ako? Mabubuntis ba ako? Hindi pwede dahil tiyak na maghahalo ang balat sa tinalupan kapag nalaman ni papa na ang panganay niya ay nabuntis ng kinse anyos pa lang!'


'Tiyak pagtatawanan ako ng buo naming angkan. Papalayasin ako nila mama sa bahay tapos sa kalye ko isisilang ang baby ko. Tapos magkakasakit siya kasi wala kaming bahay at mamamatay siya sa lamig. Tapos . . . Tapos . . . Waaaahh! Hindi pwede!'


Naramdaman ko na lang na gumalaw ang kamay ko at nawala ang librong hinahawakan ko kaya't napadilat ako at natigil ang pag-i-imagine ko.


“Don’t you dare play games with me, miss. Consider yourself warned,” bulong niya malapit sa tenga ko sabay ngisi nang nakakaloko bago siya tumalikod at bumalik sa upuan niya kanina at nagsimula ulit magbasa na para bang walang nangyari.

Napahawak ako bigla sa dibdib ko dahil para akong tumakbo nang limang kilometro sa bilis ng pintig ng puso ko ngayon.

Saglit pa akong napaupo dahil bumigay na nang tuluyan ang mga paa kong animo'y naging gelatin sa lambot.

Komento sa Aklat (30)

  • avatar
    Ehem Embroid Overruns

    good story

    23/06/2023

      0
  • avatar
    Athanasius

    Kudos to the author for creating this amazing story!💚💚

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Migothecat

    highly recommended 💜 keep it up miss author

    14/04/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata