logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 4

KIT'S P.O.V
PUNYETANG BUHAY ITO OH!" Napahinto ako sa paglalakad ng marinig ang pagkabasag ng kung ano sa kusina.
Otomatikong nanginig ang aking katawan.
Napahakbang ako paatras.
Nilingon ako ni mama na nag-iinom. Sa baba ng stool chair ay nagkalat ang piraso ng basag na baso.
"M-mama..."
"Bakit ngayon ka lang?"
"Ma, m-meron po kasing groupwork na tinapos." pagkatapos ng klase ay mapagdesisiyunan namin ni Cane na tapusin na ang pinapagawa ng guro.
Hindi ito nagsalita bagkus ay tumayo ito at naglakad papalapit sa akin. Otomatikong napahakbang ako paatras. She will hit me again. I shake my head at her.
"M-Mama.."
"Sana hindi ka na nabuhay." parang may kutsilyong itinarak sa puso ko sa sinabi niya.
"Nagsisisi akong pinakasalan ko ang demonyo mong ama." puno ng poot ang tinig niya.
Ang sakit sa damdamin na marinig ang kanyang salita. Pakiramdam ko ay hindi karapat dapat na ipinanganak niya ako. Nag init ang aking mga mata at sumakit ang lalamunan sa isiping iyon.
"Hindi ba sinabi kong ayaw kong nakakakita ng umiiyak?" may pagtitimpi ang boses nito. Tumango ako.
"Opo. . ." My mother hates to see someone cry. Ganon siya kabato.
"Tandaan mo ito Kitarni, lahat ng mahalagang tao sayo, balang araw iiwan ka din."  My mom bitterly said. Hindi niya kayang pakawalan ang bangungot ng nakaraan.
Nang mapahikbi ako ay lumagpak ang kamy niya sa pisngi ko.  Bahagyang akong nahilo.
"Diba sinabi ko nang huwag kang iiyak iyak sa akin?! Hangang andito ka! Hanggang nandito ka Kitarni. Hindi ko makakalimutan ang ama mo!"
Hindi ako nakahuma ng hilain niya ang ilang hibla ng aking buhok. It was painful. Wala akong magawa kundi lumuha at ipang salag ang kamay. Napaigik ako ng tumama ang mahaba nitong kuko sa aking pisngi. Ramdam ko ang hapdi niyon at pagdurugo. Ang sakit ng anit at ng katawan ko.
"NAGAGALIT AKO SA MUNDO KITARNI! KUNG WALA KA SANA! MATAGAL NA AKONG MALAYA!" lumuluha siyang sumigaw sa akin.
Pagkabitaw ay agad akong lumayo sa kanya. My uniform is already torned. Hindi ako magkamayaw sa pagaayos non. Trails of tears glide on my cheeks. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi niya marinig ang hikbi ko.
Paulit ulit kong narinig kung gaano siya nagsisisi na nakilala niya ang aking ama at ipinanganak ako. Isang hampas pa ang iniwan niya na tumama sa aking balikat bago nawala sa aking paningin.
Umiiyak na tinakbo ko ang aking kwarto. Nadako ang tingin ko sa litrato ng aking ama na nakadisplay. Nanginginig ang kamay na kinuha ko iyon at tinitigan.
Kasalanan mo lahat ito!
I hate that I had a fucked up life. Why can't I be like the other normal kids? Why can't I be happy just for once?
Hindi ko maiwasang sisihin amg aking ama. Kung bakit kailangan niya pang maghanap ng iba at iwan kami.
Nasa walong taon pa lang ako ng maghiwalay ang aking mga magulang. Mula noon ay wala na akong nabalitaan sa kanya ni hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon.
Marami akong tanong na gusto ko ng kasagutan. Kung buhay pa ba siya? May pamilya na kaya siyang iba? at may anak na kaya sila ng kinakasama niya?
Sa loob loob ko ay gusto ko siyang makita. Ang sakit isipin na may iba siyang pamilya at anak. Maybe he love that woman so much pati na rin ang anak nila.
Naii-inggit ako sa isiping iyon.
I'm eighteen years old now, sampung taon na mula ng huli ko siyang makita.
Mula noong mapunta ako sa aking ina ay maging mahigpit at nagbago na siya.
Hindi ako maaaring lumabas ng bahay at pinipigilan niya akong maging malapit masyado sa ibang tao. Kaya kinalakihan ko na ang sarili ko lamang ang meron ako.
Hindi ko siya masisisi kung bakit naging ganoon siya. I guess she just wants the best for me. Itinaob ko ang larawan sa side table. Nasasaktan akong makita ang larawan niya.
Hindi na ako lumabas ng kwarto ng gabing iyon. Hindi ito ang unang beses na sinaktan niya ako. Nakatulugan ko ang pag-iyak at pananakit ng katawan.
***
Lumipas ang isang araw mula ng mangyari ang sa pagitan namin ni Reevo at mama
I was busy securing my assignments in my folder when I saw his group coming towards me.
My mind went haywire and I immediately turn my back to take another path but then he shouted my name.
"Kit!" my heart pounded fast. Good Lord, ano nanaman kayang kailangan niya?
He tapped my back. Dahan dahan ko siyang nilingon. He smirked at me and I hated that expression and I wanna punch his face.
"Going somewhere?" ngiting tanong niya na para bang anghel sa kabaitan. Luminga pa ito sa likod ko na tila tinatanaw kung saan ako pupunta.
"You will be coming to me after dissmissal." prente niyang sabi.
"A-Ayoko." matapang kong sagot. He look amused a bit then he chuckled.
"What? Did you really decline?" natatawa niyang tanong.
I fisted my hand.
"Oh look at that, baby girl's mad." aniya habang nakatingin sa kamay ko.
His eyes were smiling and twinkling in delight as he gaze to me.
Yvo is the real bad guy, heartless, self centered and a bully. I hope makahanap siya ng katapat niya. Someone who can beat him up to pulp and end his tyranny in this school.
"You. Will. Be. Coming. With. Me." seryoso at may diin niya talagang sambit na tila ba nakikipag usap sa bata.
Taas noo ko siyang tiningnan.
"Ayoko. Anong gagawin mo kung ayaw ko?" hindi ko alam kung saan galing ang tapang ko. I guess napupuno lang talaga ako sa kanya.
He then smirk and snatched my folder. Nanlaki ang mata ko. Not my assignment. That's to be passed today!
"You haven't learned your lesson yet."he said menancingly. I gulped. Mukang nasagad ata siya ngayon.
"You know what? For you to learn your lesson, let's do this." nakangiti naman siya ngayon at isahang pinunit sa dalawa ang folder ko.
I stand frozen. That's for my major subject! Bakit ba ang hilig niyang manira ng gamit?!
"Now that's the consequences, I hope you better think smarter next time. I will be waiting for you afterwards." iyon lang at tumalikod na siya para namang aso na sumunod sa kanya ang dalawang buntot niya.
Nanginginig kong pinulot ang folder ko. I wanted to cry but I cant.
"Kit." Cane came worriedly to me. I look at her emotionless.
"Anong nangyari?" her eyes trailed to my folder at nanalaki ang mata niya.
"Is that our acitvity assignment to Sir Cipi?" I nodded nolancholy.
"Hala! 50 points iyan ah! Lagot na!" nakakagat siya sa kuko niya.
That morning nasermunan ako ni sir Cipi sa harap ng kakalase ko. I looked down feeling embarass.
"Next time this happens, hindi na kita bibigyan ng chance, you get it Ms. Trias?"
"Yes sir," Mahina kong sagot. Sir Cipi is a terror.  Delubyo ang palihim na tawag ng mga kaklase ko sa kanya.
"Now sit down." nanghihina akong napaupo. Hindi ako makapag angat ng tingin. Gusto ko na lang magpalamon sa lupa.
"Cheer up Kit," bulong ni Kit sa akin. I just smiled faintly. I bit my lip. I swallow the bile burning on my throath.
Lunch came and Cane did not stop cheering me up.
"Okay lang ako Cane," ipinagpatuloy ko ang pagkain ramdam kong nakatingin pa rin siya.
"Do you know that, that is the most common lie Kit?" I know, ayaw ko lang na may naaawa sa akin. I hate the feeling.
I just smiled at her to show her I'm okay. Umiling lang siya.
"Talagang napakasama ni Yvo no?" Cane hated Yvo's guts too. Nakwento ko na sa kanya kung bakit hindi na ako nakabalik sa kanya para sa cookies noong isang araw.
I said sorry to her. Naiintindihan naman daw niya. Iyon nga lang at nasayang daw ang effort ko. I am happy that I finally found a friend.
I suddenly hugged her. Muka naman siyang natigilan sa inaksyon ko. "Thank you for being my friend Cane. I really appreciate you caring for me." nangingiti kong saad.
He pouted but chuckled too. "That's what are friend for diba?"
I nodded enthusiascally. She stared at me particularly at my cheeks.
"Ano nga palang nangyari diyan sa pisngi mo?" nginuso niya ang aking pisngi na may band aid.
Napahawak ako doon, medyo mahapdi pa rin iyon.
"Nauntog ako sa bahay." pasimple kong palusot. Ayaw kong may makaalam ng pinagdadaanan ko sa bahay. Both school and home are hellish for me.
Tumango siya at hindi na nagtanong. We continued eating until someone cleared his throath beside me at alam ko na kung sino iyon.
Yvo with his tray of food sat beside me without a word. His two friends sat beside him. The table was for five person kaya sakto lang.
The atmosphere went silent. I glued my vision to my food.
Yvo then chuckled. "What's wrong?" he smugly asked.
Dino, his happy-go-lucky friend laugh too while Deter was just silently eating his food.
"Hello Kit!" masiglang  bati sa akin ni Dino. I don't know how to respond kaya nag-iwas lang ako ng tignin.
"Gusto mo?" alok niya pa sa ulam niya.
Umiling ako saka bahagyang tumingin kay Yvo na nakakunot noo sa akin. Lumingon naman siya kay Dino na parang natauhan.
Ofcourse that's because Dino is being friendly instead of being an enemy.
"Dino, we need to talk after this." seryso niyang saad.
"Damn." rinig kong mura ni Dino na tila namomroblema.

Komento sa Aklat (84)

  • avatar
    Neth Casipong Palis

    ❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️❤️

    12/08

      0
  • avatar
    FulgencioHaidee

    ang ganda ng kuwento,it is all about forgiving and accepting.highly recommended❤❤❤👍👍👍

    06/04

      0
  • avatar
    Gregorio Alo

    👍👍👍❤️❤️❤️❤️

    13/11

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata