logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 5: Letter

•°• Aqua Amethyst's POV •°•
Napaubo ako at napaupo habang nakahawak sa leeg ko. Natutulala ako sa kabilang kamay kong may bahid ng dugo at nanginginig. Nakakuha ako ng punyal kanina bago niya pa ako masaksak, at inunahan ko siya.
Napatingin ako sa gawi ng lalaking may tela sa mata at abala pa rin siya sa pakikipaglaban. Marami nang talsik ng dugo ang long sleeves niyang puti, at may punit na rin iyon. Magkahalo na ang dugo niya at ang dugo ng kalaban.
Binunot ko ang punyal na pinangsaksak ko at ibinalik iyon sa Pocket Weapon. Baka kasi may makakita niyon at sabihing kakampi ako ng black wizards ng Sutinesoi Kingdom. Mas lalo akong mapapahamak kapag nagkataon.
"Binibini!" sigaw ng lalaking kasama ko kanina. Nakatingin siya sa akin... o sa kamay ko na may dugo. Sa tono niya ay iniisip yata niya na sa akin ang dugong iyon.
Nanlaki ang mata ko nang may tumakbo papunta sa gawi niya habang nakataas ang espada nito. Agad kong inabot ang pana at arrow saka inasinta iyon sa dibdib. Nagulat naman siya at muling nag-focus sa mga kalaban niya.
Nang mangonti ang mga gummy bears ay umalis na sila. Tumakbo naman palapit sa akin ang kasama ko kanina.
"Hindi ba't sinabi ko sa iyo na magtago ka lamang?" inis na sermon niya. "Pagmasdan mo ang hitsura mo."
"H-hindi sa 'kin ang dugong ito. Wala akong sugat. Ikaw mayroon," nanginginig ang boses ko habang sinasabi iyon. Hindi pa rin nakakalma ang utak at buong sistema ko sa mga nangyari ngayun-ngayon lang.
"Wala ito. Halika na, umalis na tayo rito," sambit niya saka ako inakay patayo.
Napatitig ako sa tela sa mata niya dahil may punit iyon. Nang pupunahin ko na sana ay tuluyan iyong napunit at nalaglag. Nabitiwan niya ako at tinakpan ang kaliwang mata.
Namamangha akong napatitig sa mata niyang kulay ginto. Iyon ang pinakamagandang mata na nakita ko sa mundong ito. Tila kumislap iyon nang magtama ang paningin namin.
Ilang ulit akong napakurap habang nagtititigan kami. Pinakiramdaman ko ang puso at sarili ko kung nahuhulog na ba ako sa kaniya, ngunit hindi. Nagsinungaling ba siya? O kailangan ay dalawang mata?
May parte sa akin na gustong makita ang isa pa ngunit nakapikit na iyon nang tanggalin niya ang pagkakatakip. Hinawakan niya ako sa pulsuhan saka ako hinatak paalis. Muli kong nilingon ang pinanggalingan namin. Nakapanghihina ang nagkalat na dugo at walang buhay na katawan sa sahig.
Hinihingal kaming huminto nang makarating kami sa lugar na walang puno. Patag iyon at parang kulay green na ang lupa dahil sa mga damo. Pinagmasdan ko ang kasama ko na lumapit sa nagliliwanag na batis. Naghilamos siya saka naghalungkat sa bag niya. Muli niyang tinakpan ang mata.
Nakanguso akong lumapit at tumabi sa kaniya. Lumingon siya sa akin matapos niyang ibalik ang piring. Mas lumapit pa ako sa kaniya kaya napaatras siya nang kaunti. Nang ulitin ko ang paglapit ay kunot-noo niya na lamang akong tinitigan.
'Huwag kang malikot, mabilis lang 'to. Promise!' Dinilaan ko ang labi ko saka mabilis na hinablot ang piring niya. Nagugulat niyang hinabol iyon ng tingin saka hindi sinasadyang naitulak niya ako sa batis.
Niyakap ako ng malamig at magaan sa pakiramdam na tubig. Nakapagtatakang napakalalim nito at patuloy ako sa paglubog. Sinubukan kong lumangoy ngunit hindi nga pala ako marunong. Napahawak ako sa leeg ko nang maubusan ng hangin. Hindi ako makahinga. Pilit kong ikinawag ang kamay ko ngunit mas pinabibilis lamang niyon ang paglubog ko.
Bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naalala ko ang mga mata niya. Magkaiba ang kulay niyon. Isang ginto, at berde.
'Bakit niya itinatago iyon? Ang ganda kaya ng mga mata niya. Gusto ko ulit iyong makita.' Napangiti ako bago tuluyang ipinikit ang mga mata.

Malamig na simoy ng hangin ang umihip sa pisngi ko dahilan para magdilat ako ng mga mata. Kulay orange na ang langit, at malapit na namang dumilim. Namilog ang mata ko nang makita ang espadang nakatutok sa leeg ko habang nakahiga ako.
'Paulit-ulit? Ano bang problema nila sa leeg ko?!'
"Anong ginagawa mo?" gulat kong tanong at tumitig sa lalaking may matalim na titig sa akin. Basang-basa ang buong katawan niya. Sinagip niya ako mula sa batis. Natanggal na rin ang suot niyang pekeng buhok at sumbrero. Nailadlad na ang tunay na kulay ng buhok niya. Matingkad na kulay pula iyon.
"Ano ka? Sino ka? At bakit hindi maaaring malaman ng iba kung ano ang mayroon sa 'yo? Ano ang itinatago mo?!" galit na tanong niya at mas inilapit ang espada sa leeg ko.
"A-anong ibig mong sabihin?" naiiyak na tanong ko. "H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo." Tuluy-tuloy na tumulo ang luha ko matapos niyon. Parang may kumurot sa puso ko sa paraan ng pagtingin niya sa akin. Galit iyon at may pagnanasang tapusin ang buhay ko.
"Sagutin mo ang tanong ko!"
"Wala naman talaga akong alam sa sinasabi mo. Bakit kailangan mo akong tratuhin ng ganito? Kung papatayin mo rin lang ako ay sana hindi mo na ako iniligtas sa batis!" hagulgol ko na parang bata.
Bahagya akong natigilan nang lumuhod siya at hinatak ako paupo para yakapin. Sa balikat niya ako nagpatuloy sa pag-iyak. Nagbalik sa akin lahat ng nearly death experiences ko rito sa Kawimzo. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ako ng tadhana o talagang swerte lang ako't ilang ulit na nakaligtas sa kapahamakan.
Hinawi niya ang basang hibla ng buhok na nasa mukha ko at inipit iyon sa likod ng tainga ko. Inangat niya ang mukha ko sa pamamagitan ng paghawak sa magkabilang pisngi ko. Ang init ng palad niya. Nawala na ang galit sa mga mata niya at napalitan iyon ng pag-aalala.
"Tahan na, binibini," masuyong sambit niya. "Paumanhin at nagawa kitang paluhain. Hindi ko sinasadyang takutin ka. Nais ko lamang talagang malaman ang totoo dahil nabahala ako sa sulat na laman ng sisidlan mo."
'Sisidlan?' Kinapa ko ang belt ko at hindi ko na makapa iyong bag na kulay puti. Natigilan ako nang ilahad niya sa akin ang papel gamit ang dalawang kamay niya. Hindi iyon nabasa. Ang galing. Waterproof?
Kinuha ko iyon at muling sinuyod ng tingin. Ilang segundo ko iyong pinagmasdan ngunit hindi ko talaga mabasa.
"Ano ba ang nakasulat dito?" mahinang tanong ko habang humihikbi-hikbi pa rin.
"Hindi mo ba nababasa?"
Umiling ako at muling tumingin sa mata niya. Bahagyang umawang ang labi niya at sinuyod ang mukha ko kung nagsasabi ako ng totoo. Kinuha niya iyon sa akin saka malakas na binasa.
"Ingatan mo ang iyong sarili. Huwag mong ipagsasabi kung ano ka, at anong mayroon sa iyo. Sikapin mong makalabas dito ng ligtas."
Natulala ako sa hawak niyang sulat nang bigla iyong maging abo at sumama sa hangin.
"Anong nangyari?" takang tanong ko. "Bakit nawala?"
"Hindi ka talaga marunong magbasa?" hindi makapaniwalang tanong niya. "Ang papel pala na iyon ay iyong naglalaho nang kusa kapag nakarating na sa pinagbigyan ang laman niyon. Ibig sabihin... ngayon mo lamang nalaman ang ipinahihiwatig ng sulat?"
Mabagal akong tumango bilang sagot.
"Kung ganoon ano ang hindi mo dapat ipagsabi?"
Naitikom ko ang bibig ko. Ang sabi sa sulat ay hindi ko maaaring ipagkalat na tao ako, at nakapagpapagaling ang dugo ko. Alam nung lalaking pink na buhok na hindi magiging maganda ang lagay ko kapag nalaman ng iba ang tungkol sa akin.
"Kasapi ka ba ng Sutinesoi Kingdom?" tanong niya na direktang nakatitig sa mata ko. Tuwing may tinatanong siya sa akin ay ginagawa niya iyon.
Umiling ako bilang sagot.
"Nagsasabi ka ng totoo," bulong niya sa sarili. "Narito ka ba upang gumawa ng makasasama sa Kawimzo?"
"Hindi ah!"
"Kung ganoon ay bakit ka narito? Anong pakay mo? Sa amoy mo ay hindi ka tiga-rito. May spell kang ginamit upang itago ang amoy mo at nawala iyon nang malinis ka ng batis."
Inamoy ko ang sarili. Hindi naman ako mabaho. Anong amoy ang tinutukoy niya? Hindi kaya alam niya nang tao ako, at hinihintay na lamang niyang madulas ako?
Tumikhim ako bago sumagot. "Ang totoo ay naligaw lamang ako sa lugar na ito. Nais kong makabalik sa amin, ngunit nais ko rin munang manatili rito upang makapamasyal."
Nangunot ang noo niya. "Nagsasabi ka ng totoo." Napaupo siya sa lupa habang nakatitig pa rin sa akin. "Hindi maaaring magkamali ang mga mata ko sa pagkilatis ng totoo."
"Iyan ba ang tunay na mahika ng mga mata mo?" usisa ko. Sinabi na nga ba't nagsinungaling siya sa akin kanina.
"O-oo."
"Kaya ba itinatago mo ay dahil ayaw mong makita na hindi nagsasabi ng totoo ang tao sa paligid mo?"
"Hindi. Hindi iyon ang dahilan."
"Kung ganoon ay ano?"
"Ang mga mata ko... hindi ba nakatatakot?" nag-aalangang tanong niya.
"Nakatatakot? Bakit? Ang ganda kaya ng mga mata mo," hindi maitago ang paghanga sa tono ng pananalita ko.
Lumapit ako sa kaniya upang mas mapagmasdan ang mga mata niya. Hindi ko maipaliwanag kung bakit napagagaan no'n ang loob ko. Anong nakatatakot ang sinasabi niya?

Komento sa Aklat (156)

  • avatar
    Skyesha

    I really like how you managed to describe each scenes creatively. Sobrang naaliw ako sa paraan mo ng pagkukwento. 😊 Bilang nagsusulat din ako, hanga ako sa galing at likot ng imaginations mo. Nagustuhan ko rin ang mga twists na ginawa mo sa kwento at sobrang natuwa ako sa flow. Para akong baliw na tumatawa, naeexcite, at nadadala sa mga eksenang binabasa ko. Reading this story of yours made me want to read more of this kind of story and I'm glad may sequel ka. Congratulations! More stories pa.ü

    20/04/2022

      1
  • avatar
    CamahalanJulie Anne

    thx

    15d

      0
  • avatar
    Jasmine Recafrente

    hello

    24d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata