Buo ang barkada ng limang magkakaibigan na sina Bong, Lino, Anton, Zandro at Nicolo sa resthouse ng pamilya Rodriguez. Ito ay pag aari ng pamilya nina Nicolo. "Pare, ikuwento mo na! Tinanggap ba niya ang trabaho?" excited na tanong ni Bong kay Nicolo. "Of course, Pare. Nagsisimula na siya ngayon magtrabaho sa opisina" nakangiting sagot ni Nicolo. "Isa pa, Pare hindi na tayo puwedeng pumunta ng opisina ko. Maaring makilala niya tayo tapos malalaman ni Letty na tayo ang may pakana ng lahat" dugtong pang sabi ni Nicolo. "Kaya tiis tiis muna. Hindi mo muna puwedeng makita ang love of your life" nakangiting dugtong ni Zandro. Napaisip si Bong. "Okay lang pero salamat sa lahat ng tulong ninyo" nakangiting turan ni Bong. "Oh, puwede na ba nating icelebrate iyan!" malakas na sigaw ni Antonio. "Let's toss to that!" sigaw ni Lino. Sabay sabay nila itinaas ang kanilang mga hawak na kopita. "Cheer!" sabay sabay na sabi nilang magkakaibigan. Masaya si Bong na lagi niyang malalaman ang bawat kilos ni Letty. How he wish na nakikita din niya ito palagi, pero tama ang mga kaibigan niya kailangan niyang magtiis para makuha ang babaeng inaasam asam. Nagmamadali na si Letty pagpasok sa trabaho. Medyo late na siya dahil masama ang pakiramdam ng kanyang Mommy at siya muna ang nag alaga dito. Mag iisang linggo na din siyang pumapasok sa Royalty Textule Co. Maganda naman ang pakikitungo ng lahat ng empleyado sa kompanya kahit pa isa siyang baguhan at walang alam sa trabaho. Tatlong araw na naitrain si Letty sa bago niyang trabaho. Madali naman siyang natuto at sa ikaapat na araw ay mag isa na lang siyang umupo sa reception area. "Ate, mag iingat ka!" pahabol na sabi ng kapatid niyang si Len. Hindi na siya nakapag paalam pa dahil sa pagmamadali. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. "Ay, ang malas ng araw ko! Umulan pa" dali daling niyang hinanap ang kanyang payong sa kanyang bag. "Oh my!" at napatampal sa sariling noo. Nakalimutan niyang dalhin dahil sa pagmamadali. Naalala niyang nailagay niya ito sa ibabaw ng mesa nila. "Paano na ngayon ito?" nag aalalang sabi ni Letty sa sarili. Nang maramdaman niyang parang hindi siya nababasa ng ulan. Nagtaka siyang nilingon ang nasa tabi niya. Nanlalaki ang mga mata ng makitang pinapayungan siya ng lalaking nambuwisit sa kanya sa restaurant na pinagtatrabahuhan niya dati. "Okay lang po ako!" galit na sabi ni Letty at umusod ng konti para hindi sila magkadikit ng lalaki. "Miss, ako na nga ang nagmamagandang loob! Ikaw pa ang galit!" inis na sabi ni Bong at umusod para payungan uli si Letty. "Bakit sinabi ko ba na payungan mo ako?" irap nitong tanong saka umusod ulit para makaiwas kay Bong. "Sige, iyo na ang payong na ito. Doon lang naman ako sa kabilang stall. Gamitin mo para hindi ka mabasa. Magkakasakit ka pa niyang ginagawa mo na sumusugod sa ulan" mahabang sabi ni Bong na malumanay ang boses at iniaabot ang payong na hawak kay Letty. "Okay lang nga, andiyan na ang paradahan ng jeep oh" mataray pa ding sabi ni Letty at itinuro ang direksiyon ng paradahan ng jeep. "Kunin mo na sabi eh!" inis na sabi ni Bong. Kaya ang ginawa niya ay kinuha niya ang kamay ni Letty at inihawak sa payong. Nanlalaki na naman ang mga mata ni Letty ng magdampi ang mga kamay nila ng lalaking hindi kilala. Ito na naman ang pakiramdam nuong unang mahawakan ng lalaki ang kanyang kamay. Nakapanglalambot na feeling dahil sa kuryenteng dumadaloy sa buo niyang katawan. Kaya napatulala si Letty sa mukha ng lalaki. "Miss, I'm Bong pala" nakangiting pakilala ni Bong kay Letty habang hawak pa din ang kamay nito na nasa payong. Saka sila sabay na naglakad. "Letty" walang prenong sabi ni Letty sa pangalan niya na nakatulala sa gwapong mukha ni Bong. Ngayon niya lang napansin na ang gwapo pala nito sa malapitan. Kahit naman sa malayo gwapo pa din si Bong. Namalayan na lang ni Letty na nasa tapat na pala sila ng jeep. Itinuro ni Bong ang jeep para sumakay na si Letty. Pero hindi iyon napapansin ni Letty. "Nice meeting you, Letty" nakangising sabi pa ni Bong at inalalayan niyang maisakay si Letty sa loob ng jeep. Kasabay ng malakas na kantang pinapatugtog sa loob ng jeep. Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak Sa mga halama't mga bulaklak Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot Sa buong paligid t'wing umuulan Kasabay ng ulan bumubuhos ang iyong ganda Kasabay ng hanging kumakanta Maaari bang huwag ka nang Sa piling ko'y lumisan pa Hanggang ang hangi't ula'y tumila na Napangiti si Bong na akma ang kanta sa nararamdaman niya ngayon. Ang ulan ngayon na bumubuhos kasabay ng damdamin niya para kay Letty. Buhos na ulan aking mundo'y lunuring tuluyan Tulad ng pag-agos mo 'Di mapipigil ang puso kong nagliliyab Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Pagmasdan ang ulan unti-unting tumitila Ikaw ri'y magpapaalam na oh Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Minsan pa ulan bumuhos ka Huwag nang tumigil pa Hatid mo ma'y bagyo Dalangin ito ng puso kong sumasamo Pag-ibig ko'y umaapaw Damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa Tuwing umuulan at kapiling ka Nakasakay na si Letty ng jeep. Tinitingnan pa din niya si Bong na nababasa ng ulan sa tabi ng kalsada. Hawak hawak niya ang payong ibinigay ni Bong sa kanya. Ngumiti ito sa kanya, kaya napangiti na din si Letty dito at saka inayos na ang upo. Nagdidiwang ang puso ni Bong ng makasabay si Letty sa paglalakad. Nahawakan pa nito ulit ang kamay ng dalaga. "Sana laging umuulan para makasabay at malapitan ko ulit siya" nausal ni Bong sa loob loob niya. Maaari bang minsan pa Mahagkan ka't maiduyan pa Sa tubig at ulan lamang ang saksi Nakarating si Letty sa trabaho ng sakto sa oras. Salamat kay Bong na nagpahiram ng payong sa kanya. "Paano ko pala isosoli ang payong na ito? Hindi ko alam kung saan siya nakatira" nausal ni Letty sa sarili habang hawak pa din ang payong.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
good
06/06/2025
0Excited sa susunod n mangyayare
10/10/2024
0nice
28/09/2024
0Tingnan Lahat