logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA 7

"ANO, IIWAN MO KAMI? Ano ba'ng iniisip mo? Wala ba kaming silbi sa'yo? Kaibigan mo kami, Aeros! Pamilya mo kami!" emosyonal na saad ni Sylrica habang kinukuwelyuhan si Aeros na ngayon ay bahagya nang lumuluha ang mga mata.
Sa higpit ng pagkakahawak ng dalaga sa kuwelyo niya ay napatayo siya.
Hindi umimik si Aeros kaya naman nabitawan na lamang siya ni Sylrica. Umatras ito sabay iling. Ilang segundo lang ay umiiyak siyang lumabas sa kwartong iyon.
Napayuko na lamang si Syric na hindi rin alam ang gagawin. Alam niya na kasi kung ano ang magiging desisyon ni Aeros. Alam niya ang ugali nito. Inuuna nito ang iba kaysa sa sarili niya.
"Naihanda ko na ang mga gamit mo, Aeros. Patawad. Patawad kung wala akong magagawa tungkol sa pinagdadaanan mo ngayon. Mas nakabubuti nga sa iyo na manatili muna sa palasyo. Sana naiintindihan mo," sabat ni Sister Eden habang malungkot ang mga mata.
Napabuntonghininga na lamang si Aeros habang si Sylphus naman ay di mapigilang maapektuhan sa nakikitang eksena.
"Ngayong hapon pa ng alas-singko ang alis natin kaya sa mga nalalabi mong oras ay magpaalam ka ng maayos. Lalo na sa mga kaibigan mo," sambit ni Largus sabay tayo.
Lumabas na rin siya sa silid na iyon kasama si Sylphus. Kaya ang naiwan na lamang ay sina Sister Eden, Syric at Aeros.
"May kalahating araw ka pa para makipag-usap sa kanila, Aeros. Lubus-lubusin mo na ang iyong oras, maliwanag. At kung maaari, kausapin mo si Sylrica." Pagkatapos sabihin iyon ay lumabas na ng kwarto si Sister Eden.
"Hindi ka na mapipigilan?" Napatingin si Aeros kay Syric na ngayon ay nakatayo na sa tapat ng bintana, malayo ang tanaw nito.
"Syric." tanging sambit lang ng binata sabay titig sa mga palad niya at ikuyom ito.
Naiinis siya sa kaniyang sarili. Naiinis siya sa kawalan niya ng lakas na kontrolin ang kapangyarihan niya dahilan para mapaghiwalay silang tatlo.
"Kung alam ko lang na ganito ang magiging sukli ng pagkakaroon ko ng kakayahan, hindi ko 'to gugustuhin, Syric. Mas mahalaga kayo, alam mo 'yan." Matapos sabihin iyon ay napalingon si Syric sa kaniya sabay pakita ng bahagyang ngiti.
"Ayos lang. Ang mabuti pa, puntahan mo ang kapatid ko. Nagtatampo 'yon." Tango lang ang isinagot ni Aeros sa kaniya sabay labas sa silid na iyon.
Si Syric naman ay nagpakawala ng malalim na buntonghininga at pinagpatuloy ang pagmamasid sa labas.
Bago tuluyang makalabas si Aeros ay may pahabol pang salita si Syric.
"Malulungkot ang mga bata kasi mababawasan sila ng kalaro." Nang sabihin iyon ay hindi niya tiningnan si Aeros na ngayon ay kasalukuyang nakahawak sa hawakan ng pinto.
Malungkot na ngumiti si Aeros pero hindi niya na lamang sinagot si Syric at nagpatuloy na siya sa paglabas.
Alam niya namang malulungkot ang mga bata. Higit kanino man, siya ang mas nakakaalam no'n dahil malapit na kaibigan niya ang mga ito.
Samantala, madali lang natapos ni Sylphus ang paghahanda ng kanilang mga gamit kung kaya't minabuti niya munang magpahangin.
Sa kabilang banda, abala sa paghahanap si Aeros kay Sylrica. Pinuntahan niya ang madalas na tambayan nito, ang lawa ng Nyebe.
May kalayuan ito sa simbahan kung kaya't walang masyadong pumupunta sa lugar na iyon ngunit para kay Sylrica ay iyon ang pinakamaganda. Tahimik at malaya siyang makakapagsanay upang mas palakasin pa ang kaniyang paggamit sa apoy.
Wala siyang takot na makakapagwala dahil nga napapaligiran ng tubig ang lugar.
"Nahanap din kita." Hinihingal na sambit ni Aeros habang naglalakad palapit kay Sylphus na abala sa pagtatapon ng maliliit na bilog ng apoy sa lawa.
"Umalis ka kung gusto mo. Wala akong pakialam!" sigaw nito, ni hindi man lang tinatapunan ng tingin ang binata.
"Hindi mo kasi naiintindihan. Ayokong mapahamak kayo at ang mga bata dahil sa'kin," Matapos sambitin iyon ay hindi pa rin siya pinapansin ng dalaga.
"Hinotama! Hinotama! Hinotama!" (Fire balls) paulit-ulit nitong sigaw dala ng kaniyang inis ngunit hinawakan siya ni Aeros sa kaniyang balikat dahilan upang mapatigil siya.
Ang Hinotama spell ay ay bola ng mga malilit na apoy. Nakadepende pa rin sa salamangkerong gumagamit nito kung malaki o maliit ang ilalabas niyang Hinotama.
"Hindi sa hindi ko naiintindihan eh," panimula niya sabay baba ng kaniyang mga kamay at ngayon ay nakayuko na habang hinahabol ang hininga.
Tinitigan lamang siya ng binata.
"Ayoko lang tanggapin. Ayokong tanggapin na wala kaming kayang gawin. Na wala akong kayang gawin," sambit nito sabay iyak dahilan upang biglaan siyang yakapin ni Aeros.
Bahagya siyang nagulat ngunit yumakap din siya pabalik habang hinahayaang tumulo ang luhang kanina niya pa pilit na pinipigilan.
"Ayos lang. Ayoko rin umalis kung alam mo lang pero mas nangingibabaw sa'kin ang kagustuhang maprotektahan kayo. Mahalaga kayo saken, Sylrica. Si Sister Eden, si Syric at pati na ang mga batang kasama natin dito. Sana maintindihan mo yon," mahaba niyang sambit habang walang tigil ang pagbuhos ng kanilang mga luha.
Sa loob ng ilang taon, iyon ang kauna-unahang pagkakataon na mapapahiwalay si Aeros sa kanila. Kung kaya't hindi nila maiwasan ang pagiging emosyonal.
Masakit man ay kailangan ni Aeros na lisanin muna ang simbahan. Natatakot din si Aeros sa sinabing iyon ni Largus kanina sa kanila. Kung sakaling mawalan ulit siya ng kontrol, ang takot na baka may mapahamak sino man sa kanila na nasa simbahan ay hindi niya matatanggap.
Kung sakali ay hindi niya mapapatawad ang sarili.
"Maaari niyo naman siyang madalaw doon kaya 'wag kayong masyadong malungkot. Isa pa, madaling mahanap ang palasyo," nangingiting bilin sa kanila ni Largus habang ang kanilang sasakyang panghimpapawid na karwahe ay nakahanda na.
Nasa loob na nito si Aeros habang si Sylphus naman ay palutang-lutang lamang sa hangin sa kadahilanang siya ang magsisilbing bantay sa kanilang biyahe.
"Oh siya, mauna na kami!" sigaw ni Largus sabay kaway kina Sister Eden at Syric pati na sa mga bata na halos na sa apat na po ang bilang habang umaangat pataas ang kanilang sasakyan.
Si Aeros naman ay hindi na ginustong dungawin pa ang mga kaibigan na maiiwan dahil ayaw niyang maging emosyonal.
Nang makaalis sina Aeros ay saka lamang lumabas ng kwarto si Sylrica.
"Humanda ka sa'kin pag nagkita tayo ulit, Aeros. Gugulpihin talaga kita." biro ni Sylrica sa kaniyang sarili habang nakatingin sa langit ngunit ando'n pa rin ang lungkot sa kan'yang mga mata.
Hindi naman masiyadong malayo ang palasyo ngunit ang tulad nilang mga ordinaryong mamamayan ay walang permiso upang pasukin ang kaharian. Kakailanganin ang liham na galing mismo sa Hari o sa mga kamag-anak na naninirahan sa loob.
Kaya gano'n na lamang ang lungkot niya. Alam niyang imposibleng makita si Aeros kung na sa puder na ito ng Hari.
Napabuntonghininga na naman si Sylrica at akmang matutulog na muna nang biglaang bumukas ang pinto ng kwarto niya.
"Syric!" asik niya nang makitang ang kakambal na naman ito.
Hinihingal ito habang may dalang lukot na papel na kulay pula habang may panaling kulay ginto.
"Hindi mo ba alam kung paano kumatok?" dugtong niya habang kunot noong sinipat ang hawak ni Syric.
"S-sandali! M-magandang balita!" hinihingal pa rin habang nakataas ang kanang kamay niya hudyat para pigilan ang kakambal sa gagawin nitong pag-atake.
"Heto! Tingnan mo ang ibinilin ni Ginoong Largus sa atin! Makakapasok tayo sa palasyo at makikita natin do'n si Aeros! Ang saya, di ba?"
Nang marinig iyon mula kay Syric ay halos hindi niya alam kung paano ipaliwanag ang saya na nararamdaman niya.
Ilang segundo lamang ay pumasok si Sister Eden habang nakangiti.
"Patawad sa kadahilanang nakaligtaan kong sabihin sa inyo ang magandang balita na ito. Hindi niyo na kailangan pang maging malungkot. Hindi magtatagal at makikita niyo rin si Aeros," sambit nito sabay yakap sa dalawa.

Komento sa Aklat (12)

  • avatar
    OcampoDarill

    addidjdjsjisksndkxjdjdjd

    17d

      0
  • avatar
    requinalabrojasnicenicole

    hiiiii

    27/07

      0
  • avatar
    John Jemich Mangaoang

    nice

    14/03

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata