logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Kabanata 1: Ethan Valderama

Ang sakit pa rin talaga ng noo ko dahil sa nangyari kahapon at buti na lang nawala na ang bukol. Binigyan ako ni Doc. Bryan ng gamot pero parang hindi effective dahil masakit pa rin.
Sabado ngayon ng umaga at wala akong pasok pero mamayang hapon may trabaho ako sa coffee shop. Kailangan kong kumayod para sa pag-aaral ko, ayoko na rin kasing umasa pa kay nanay Tessa. Buong buhay ko siya ang nagtatrabaho para sa amin ng kapatid ko at para may makain kami araw-araw. Pero ngayon, ako naman ang magtatrabaho para makabawi ako sa lahat ng mga naitulong niya sa amin ng kapatid ko.
Si Jessie ang tumulong sa 'kin sa paghahanap ng part time job. Sa awa ng diyos, tinanggap ako ng pinsan niya which is ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabauhan ko. Kaya ang laki nang pasasalamat ko kay Jessie kasi kung hindi dahil sa tulong niya baka wala pa rin akong mahanap na trabaho hanggang ngayon.
Alas nuebe na ng umaga at sa tingin ko nasa trabaho na si nanay. Namamasukan siya bilang isang kasambahay pero umuuwi siya kada hapon. Ayaw niya kasing mag-stay in sa bahay ng amo niya dahil sa amin ng kapatid ko. At bukas naman ay day-off niya at nangako siya sa'min na magsisimba raw kami bukas at manunuod ng sine na minsan lang din namin nagagawa.
"Ate Eukie.."
"Bakit Ethan?" wika ko sabay lingon sa kaniya. Ano na naman kaya ang kailangan sa 'kin ng batang 'to?
"Gusto ko lang magpaalam ate, manunuod sana ako ng liga roon sa plaza," sagot niya.
"O sige, pero huwag kang magtagal do'n ha? Umuwi ka bago mag-tanghalian at kapag hindi ka pa nakauwi rito, susunduin na kita sa plaza at isusumbong kita kay nanay."
"Opo ate, pangako po 'yan. Alis na po ako," nakangiting tugon niya at tumakbo na siya palabas ng bahay.
Napailing na lamang ako, nakahiligan niya na talaga ang manuod ng basketball sa plaza. Sabagay lalaki siya at isa 'yan sa mga laro na pinakagusto niyang panuorin.
Magaling si Ethan sa larong basketball, isa siya sa mga players ng first year tuwing Intramurals at kung ano pang sports event na nangyayari sa school. Last Intramurals, first year ang nanalo laban sa defending champion which is ang 4th year. Hindi nga kami makapaniwala na sila ang nanalo, kasi syempre ang liliit nila tapos ang kalaban nila ang tatangkad. Sino agad ang maniniwala diba? pero ang mas importante sila ang nanalo.
Napatingin ako sa orasan after kong maglinis ng bahay. Alas onse na ng umaga pero ang kapatid ko hindi pa rin nakauwi. Mahigit dalawang oras na siyang nandoon sa plaza at siguro nag-e-enjoy 'yun sa kakanuod ng liga kaya nakalimutan niya ang oras ng pag-uwi rito sa bahay.
Nag-desisyon ako na sunduin na lamang siya. Isinara ko muna ang pintuan ng bahay at umalis na. Medyo malapit lang naman ang plaza mula sa bahay kaya hindi ako mapapagod sa kakalakad.
After 10 minutes, nakarating na nga ako pero hindi ko nagugustuhan ang naabutan ko rito sa plaza. Ang daming tao at napuno ang buong court. Paano ko siya mahahanap nito? hindi ko naman siya magawang tawagan dahil naka-charge 'yung cellphone niya sa bahay.
'Lagot ka sa 'kin Ethan kapag nahanap kita."
Sinimulan ko na nga ang paghahanap sa kaniya pero nakatatlong libot na ako sa buong court hindi ko man lang siya nakita.
Saan ba kasi nagsususuot 'yun? naii-stress na ako promise. Tagaktak na ang pawis ko at daig ko pa ang sumali sa liga pero hindi ko pa rin siya mahanap. Hindi pa kasi tapos ang laro at sa tingin ko nasa second quarter pa lang kaya parami nang parami ang mga tao rito sa court. Anong oras kaya ito matatapos? pero sana naman makita ko na siya para makauwi na kami dahil may trabaho pa 'ko.
Umupo ako sa isang bench malapit sa mga nagtitinda ng street foods. Suko na muna ako sa paghahanap sa kaniya, hindi ko na talaga kaya at medyo nahihingal na rin ako baka makasama lang ito sa puso ko.
Meron akong sakit na tinatawag na Congenital Heart Disease, kung saan nakuha ko ito noong ipinanganak ako. May maliit na butas sa ibabang bahagi ng puso ko, ventricular septal defect (VSD) ang tawag dito. Kapag hindi naging maayos ang daloy ng dugo, nagdudulot ito ng i-regular na pagtibok ng puso at hirap sa paghinga. Hindi naman kritikal ang kondisyon ko at may lunas ang sakit ko. Ngunit kailangan kong dumaan sa isang operasyon para tuluyang maisara ang butas sa puso ko. Nag-iipon ako ng pera pero hindi pa rin ito sapat para sa operasyon ko kaya hanggang medikasyon na lamang muna ako.
"Hello Jessie, napatawag ka?" sagot ko sabay punas ng pawis ko.
(Hello Eukie, nandito ako sa shop nasaan ka? Anong oras pala ang juty mo?)
"Mamayang 3 pm at nandito ako ngayon sa plaza, hinahanap ang kapatid ko." Napapatingin ako sa paligid at nagbabakasakaling makita si Ethan pero wala talaga.
(Bakit mo ba kasi siya sinundo? eh ang init-init ngayon Eukie at buti sana kung wala kang sakit kaso meron)
"Ayos lang ako Jessie, huwag kang mag-alala sa 'kin. Mahigit dalawang oras na kasi siyang nandito sa plaza at wala pa ring balak umuwi kaya sinundo ko na." Narinig ko siyang napabuntong hininga sa kabilang linya. Alam ko na nag-aalala siya sa 'kin pero hindi naman pupuwede na pabayaan ko ang kapatid ko.
(Kung malapit lang sana ang bahay niyo, napuntahan na kita agad para matulungan ka sa paghahanap sa kaniya kaso ang layo. Makakatikim talaga ng kutos sa 'kin 'yang kapatid mo kapag may nangyaring masama sa 'yo riyan)
"Ayos nga lang ako Jessie, huwag ka nang mag-alala sa 'kin."
(Sige na nga, basta mag-iingat ka riyan. Hintayin na lang kita rito sa shop, huwag kang male-late dahil mamaya pupunta rito si kuya Bryce kasama ang mga kaibigan niya. Alam mo naman na puro gwapo at mabait 'yun, so baka may matipuhan ka na mamaya)
Kaya naman pala nasa shop siya dahil may hinihintay. Loka talaga itong kaibigan ko, kapag gwapo na ang pinag-uusapan saka lang siya pumupunta sa shop.
Bryce Gutierrez, pinsan ni Jessie at ang may-ari ng shop. Isang 2nd year college student pero may sariling negosyo na. Nakilala at na-meet ko na ang mga kaibigan niya. Oo tama si Jessie, gwapo at mabait silang lahat pero ni isa sa kanila wala akong nagustuhan.
"Sige na, magkita na lang tayo mamaya riyan." Binaba ko naman agad ang tawag pero nang hindi ko pa naipasok ang cellphone sa bulsa ko, nakatanggap ako ng tawag mula sa kapatid ko.
"Nasaan ka Ethan? kanina pa kita hinahanap," tanong ko ngunit may bahid ng inis ang boses ko.
(Ate nasa bahay na 'ko kanina pa pero wala ka naman pagkauwi ko. Nasaan ka ba? bakit ang ingay diyan? nasa plaza ka ate?)
Tinanong niya pa talaga, kainis talaga minsan itong kapatid ko.
Napapikit ako dahil sa inis na nararamdaman, nasa bahay na pala siya pero ngayon niya lang ako tinawagan.
"Oo nandito ako sa plaza dahil hinanap kita pero nakauwi ka na pala tapos hindi mo man lang ako tinawagan agad."
(Sorry ate, hindi ko naman alam eh. Sunduin na lang kita riyan ate baka mapano ka pa)
"Hindi ayos lang ako, kumain ka na lang diyan tapos gawin mo yung inutos sa 'yo ni nanay kaninang umaga. Uuwi na rin ako."
(Sige ate, ingat ka)
Tumayo na ako at umalis na. Pagkauwi ko sa bahay naabutan ko nang kumakain si Ethan kaya sumabay na rin ako sa kaniyang kumain dahil na rin sa nagugutom na ako. Siya ang naghugas ng pinggan matapos naming kumain at ako naman ay naghanda na para sa trabaho. Nagpalit na lamang ako ng damit dahil nakaligo naman na ako kaninang umaga. Pababa na ako sa hagdan nang makita ko si Ethan na nag-re-review sa may sala.
Top student sa kanilang batch ang kapatid ko, matalino siya pero hindi siya nerd na kagaya ko. Hinahangaan siya ng mga classmates at schoolmates niyang babae dahil na rin sa taglay niyang katalinuhan at kagwapuhan. Pero ako, wala ni isang tao ang humahanga sa 'kin bukod kay Jessie.
Sa paningin ng lahat, ang weirdo at ang pangit ko. Kaya akala rin ng lahat hindi ko kapatid si Ethan at isa 'yan sa mga dahilan kung bakit nabu-bully ako sa school.
Walang alam si Ethan tungkol doon at ayoko rin namang sabihin iyon sa kan'ya. Ayokong mapahamak ang kapatid ko nang dahil sa akin. Mas gugustuhin ko na lang na ako ang apihin at saktan nila, huwag lang ang kapatid ko.

Komento sa Aklat (77)

  • avatar
    Fhem De Castro

    it was so painful yet i can't stop myself from reading one chapter to another. Good job author. MORE Story please. 🤗🤗🤗🤗

    03/05/2022

      0
  • avatar
    Rhea Jean Adlawan Adapon

    thanksse

    2d

      0
  • avatar
    Jocelyn Macer

    ha hidi ko po yan alam hahah🤫🤫🤫

    7d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata