logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter Two

Chapter Two
When a random guy just popped out of nowhere, running, and dragged me with him, I am supposed to react, right? But when this guy suddenly appeared and took my hand and ran, I wasn't able to react.
Siguro dahil may nasa likuran at humahabol sa amin. O siguro dahil mas natuon ako sa mga mata niyang nasa likod ng salamin.
"Tumakbo ka lang. Mamaya na ko magpapaliwanag." hindi ko pa mapapansin na parang nawawala na ko sa nangyayari kung hindi pa siya nagsalita. He tightened his grip on my hand as we run faster.
Saktong may padaan na bus ay agad kaming sumakay dito at magkatabing umupo sa pinaka malapit na bakanteng upuan na nakita namin. Tinanaw namin mula sa bintana ang humahabol na guard at nang dumaan ang bus sa harapan niya ay parehas kaming napayuko.
Muli naming sinilip nang nakalampas na ang bus at mukhang hindi na kami nakita ng guard. Wala syang idea kung saan kami napunta. Natanaw kong kamot ulo siyang naglakad pabalik sa tinakbuhan namin ng lalaking 'to.
Pareho kaming nakahinga ng maluwag at doon ko palang nahabol ang aking hininga. Kung alam ko lang na dalawang beses pala akong tatakbo ngayong araw ay sana nag running shoes ako.
"That guard just suddenly chased me." saad niya na bakas pa din sa boses ang pagkahingal.
Hindi ko alam na kaya ko palang tumakbo nang ganon kabilis. Mas mabilis pa kesa sa tinakbo ko kanina papuntang bus station.
"Because you were trespassing!" pasinghal kong sagot. Mabuti nalang at walang gaanong tao dito.
Hindi siya nakasagot pero kita sa mukha niyang hindi niya naiintindihan ang sinabi ko.
"That area is a private property! Maswerte ka hindi ka nahuli ng guard kanina. Pwede ka pang makasuhan ng trespassing."
Hindi ko mapigilang maisip na paano kung naabutan kami, edi pati ako siguro ay nadamay. Napapikit at napabuntong hininga sa sobrang pagpapasalamat na hindi nangyari yon. In my whole 18 years of life, I've never been in trouble.
"Talaga?"
Nasapo ko nalang ang noo ko. This guy looks older than me but how can he be this ignorant?
Oo nga pala, bago siya dito.
"Why would the snatcher went that way?" mahina lang ito na para bang tanong niya sa kanyang sarili pero dahil nga magkatabi kami ay umabot ito sa aking pandinig.
"Snatcher?!"
Nabalik niya ang tingin nya sakin. Mukhang nagulat siya kaya natakpan ko ang bibig ko. Ganon ba kalakas ang boses ko?
"A man snatched my camera and he went that way at kaya rin ako napunta don." bakas sa mukha niya ang pagkahiya. Umiwas siya ng tingin at tumingin sa labas ng bintana na katabi niya lang.
Oh, geez. I suddenly want to take back all the bad things I said to him in my mind.
"Pero pano naman nai-snatch yung camera mo?" pang uusisa ko.
Ano ba kaseng klaseng pagbibit ang ginawa niya sa camera? Hindi naman yon kasing daling hablutin tulad ng cellphone.
Baka naman kase hindi siya nag-iingat.
Teka nga, Klara! Ayusin mo nga yang ugali mo.
"A child came and somewhat distracted me, then an older man suddenly snatched the camera away. The child also ran with him."
Sa totoo lang, hindi ko alam kung maawa ba ko o matatangahan sa lalaking 'to. I resist the urge to scold him kase unang una hindi ko nga siya kilala. It's just that I felt bad for his camera. Sayang. And second, I'm sure he's devastated about that.
"Let's go to the police. I-report natin. "
Tatayo na sana ako pero napigilan niya ako.
"Wag na. Marami naman ng issues yung camera na yon dahil matagal na. I only brought that camera today to see if it would do okay. At isa pa, baka maging complicated lang."
Napakunot noo ako sa reaksyon niya na para bang tanggap niya na agad yung nangyari sa kanya.
"Pero, kung hindi mo irerepo-"
Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko dahil mukhang hindi ko naman na mababago ang desisyon niya. Ilang segundong katahimikan bago siya bumuntong hininga, tumingin sa akin at ngumiti.
"This is surely not the best way to meet. But, I am Nikolas."
Inangat niya ang kanyang kamay upang makipag-kamay pero hindi ko ito tinanggap. Nahihiya niya itong ibinaba nang may ngiti pa din sa labi.
I don't know why I keep being mean to this poor guy.
Napatingin ako sa bintana at doon ko lang narealize na hindi ako pamilyar sa destinasyon ng bus na ito. Hindi ko na nabasa yung signboard dahil natuon yung isip ko sa humahabol na guard sa amin.
"Nabasa mo ba yung signboard? Saan tayo papunta?" medyo nagpapanic kong tanong.
"South? South Portville?"
Napikit ko ang mata ko sa sagot niya.
When I woke up this morning, I never thought that I would be this stressed out. Kung alam ko lang sana pala nahanda ko ang sarili ko kagabi.
"Is there something wrong?" tanong ni Nikolas nang makita ang reaksyon ko. Hindi ko siya sinagot at nilibot ang tingin ko sa bus. Nakita ko ang konduktor sa unahan.
" Kuya! Pwede po ba kaming bumaba dito?" tanong ko at lumingon naman ang konduktor. Lumapit ito sa upuan namin.
"Hindi pwede, Miss. Bago ka lang ba dito? May station kase ang pagbaba. Sa South pa ang baba nito, hindi pwedeng huminto." pagpapaliwanag niya na mas nagpabigat ng loob ko.
Naglabas nalang ako ng wallet para magbayad pero naunang nag-abot si Nikolas ng pera sa konduktor. Nang tignan ko siya ay nginitian niya lang ako.
Nang makaalis na sa pwesto namin ang konduktor ay muli niya kong tinanong kung anong problema.
"Nanggaling tayo sa North Portville at isang oras ang byahe papuntang South. " tipid kong saad.
Mag aalasingko na. Makakarating kami sa South ng alasais. Mula sa South pauwi sa bahay ay aabutin ng kalahating oras pero dahil rush hour baka abutin pa ng isang oras ulit. This city is surely not the biggest pero isa sa nakakapagtagal ng byahe ay ang dami ng mga sasakyan. Ang traffic. Portville is quite populated.
Just by thinking it makes me wanna explode. But I just closed my eyes to calm myself. Hindi naman na nagsalita si Nikolas.
Namulat ko ang aking mata mula sa pagkakaidlip. Nasa bus pa din ako na sinakyan namin kanina at katabi ko pa din ang lalaking 'to. Pero pagtingin ko sa kanya ay natigilan ako.
Komportable siyang nakasandal sa upuan at natutulog. Agad napansin ng mata ko ang mahaba niyang pilikmata sa likod ng kanyang salamin.
Nasaid ang pasensya ko dahil sa lalaking 'to, pero somehow I can't help but to pity him. Hindi nga naman niya alam ang lugar na ito. His ignorance was quite valid. Sadyang yung pasensya ko lang ang hindi.
I found myself staring at him. Nakakahawa ang kapayapaan nang pagtulog niya. He has rimless round glasses na kanina ko pa napapansin. His hair is ruffled but styled in an unbelievable decent way.
I wonder how he can sleep that peacefully in a bus.
"South Portville na po tayo!" naagaw ng konduktor ang atensyon ko.
Pagtingin ko sa bintana ay nakahinto na ang bus sa bus station. May mga bumababa na at may mga sumasakay din. Marahan kong inaalog ang braso ni Nikolas upang gisingin siya. Hindi naman ako nahirapan dahil agad ding nagmulat ang kanyang mata.
"Bababa na tayo." saad ako.
Tumayo na kami at bumaba ng bus.
"Dumidilim na." puna niya sa kalangitan kaya napatingala din ako dahil nagsisimula nang bumaba ang araw.
"Sa North ka diba? Alam mo bang babyahe ka ulit ng isang oras pabalik?" tanong ko sa kanya.
Nakangiti lang siyang tumango.
What's with this guy and his smile?
"Dito ka na mag aantay ng bus pabalik. Yung bus station pauwi sa amin I think nasa unahan pa kaya iiwan na kita dito." saad ko.
"Ayos lang bang samahan kita hanggang sa bus station mo?" tanong niya na nagpakunot ng noo ko. Dito na nga sya mag aantay, bakit pa siya sasama sa akin?
"Bakit?"
"Gusto ko lang makasigurado na makakasakay ka nang maayos." sagot niya.
Bahagya akong natawa. Siya nga ata ang nangangailangan non eh.
"Ngumiti ka din." ngiti niyang saad kaya naideretso ko ang aking labi.
"Hindi na. Mas mahaba pa ang babyahihin mo kesa sa akin. Sumakay ka na."
Nang may dumating na bus ay hinila ko siya papasok at hinanap ko ang konduktor.
"Kuya, pagkababa niyo po sa North pwede pong paturo sa lalaking yon yung direksyon papunta sa nag-iisang apartment building don? Bago lang po kase siya dito kaya hindi siya pamilyar."
Tumango't ngumiti naman ang konduktor kaya napanatag na ko. Pagbalik ko kay Nikolas ay nagtataka siyang nakatingin sa akin.
"What's that?"
"Wala. Maupo ka na dyan, bababa na ko." giniya ko pa siya upang makaupo sa tabi ng bintana bago ako bumaba.
Hindi ko alam kung matatawa ba ko o maaawa sa mukha niya dahil mukha siyang batang iniwan ng nanay mag-isa.
Hindi ko na inantay na makaalis ang bus at naglakad na ko patungo sa bus station na sasakyan ko pauwing West Portville. Laking pasasalamat ko na hindi ito ganon kalayo dahil nagsisimula nang sumakit ang paa ko. Hindi ako sanay sa lakaran.
Pagkaupo ko sa bench sa bus station habang naghihintay ay tumunog ang cellphone ko. I answered it without looking on my phone screen.
"Sorry for the inconveniences today, but it was really nice meeting you, Klara." Nikolas' voice came through the speakers of my cellphone kasabay nang pagdaan ng isang bus.
I saw a glimpse of him sitting beside the window while holding his phone to his ear. He smiled until the bus passed by me.
I met a guy named Nikolas in such a bizarre way today. But there's something in his presence and in his smile that makes me feel utterly connected to him.
***

Komento sa Aklat (74)

  • avatar
    Lindsayopfaya

    It's the first time I got hooked with all the stories I passed by. My standards are kinda high and the thing that you got my attention is impressive. Keep on writing and have a good day. You did great!

    30/03/2022

      0
  • avatar
    Ashley

    This novel is the best ever book i've read. I loved how the author constructed the story and i also loved how the story end even though (not going to spoil). This novel needs a recognition.The typings is like a professional and the words author used is not a jejewords its like a telanovela. I'm surely going to reread this over and over again. Routing for more works author!!!❤️❤️❤️I gonna recommend this to my friends

    29/03/2022

      0
  • avatar
    Jhonesa Cordero

    love this 💕

    2d

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata