logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 5 : Mrs Rutherford

Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako habang nakadukmo sa mesa ko. Napalingon ako sa upuan ni Boss Michael ngunit wala siya rito. Marahil ay may meeting na siya sa mga oras na ito.
Inayos ko ang sarili ko at bahagyang magtitipa na naman sa computer nang may sticky note akong napansin sa monitor. Kinuha ko ito at nagmamadaling binasa.
“Wear this shirt and pants. Kailangan pagbalik ko ay iyan na ang suot mo,” basa ko dito at kinuha ang isang paperbag na nakalapag sa mesa ko. Shirt and jeans ang laman nito ngunit, para saan ang mga ito? Ito ba ang isusuot ko mamayang gabi?
Kahit matigas ang ulo ko ay masunurin pa rin naman ako. Kagaya ng bilin ni Boss, isinuot ko ang ang damit at nagtrabaho na ulit. Medyo nangangalay na ang mga kamay ko kaya napag desisyunan ko na mag break muna saglit. Naalala ko na may libring milktea naman sa canteen, kaya dali dali akong naglakad palabas.
“Gosh! Tama nga ang hinala natin.”
“Look at her attire, tiyak may nangyari sa kanila ni Boss.”
I bite my lower lip dahil sa mga bulungan nila. Hindi ko maiwasan na hindi sumabat. “Excuse me, naririnig ko ang mga bulungan ninyo. Pero, mali kayo ng iniisip. Hindi ako mababang babae na papatol sa isang lalaking kagaya niya. Never in my wildest dream!” matapang kong sabi kaya pumalakpak si Ky at inakbayan ako.
“Oh see! Nakahanap na ng match si Boss!” aniya at sumabay sa’kin sa canteen.
“Bakit nga ba ganiyan ang suot mo? Naguguluhan lang talaga kami sa mga nangyayari. Para bang may himala na naganap at nag iba ang ugali ni Boss.” Habang inihahanda ng staff ang milktea ay panay tanong sa akin si Ky.
“Siguro ay ayaw niyang makita ang legs ko, kaya pinasuot niya ako ng ganito. Hindi naman pangit ang balat ko, sa katuwiran ay maputi at malinis ang mga binti ko.”
“You’re just here, I thought you already escaped!”
Kusa akong napaharap sa lalaking nagsalita sa may hindi kalayuan. Here he is standing while looking at me. Hinahanap niya ba ako? If he thinks na tatakas ako, well wala akong planong gawin iyon. Mamaya ay sabihin pa niya na nagnakaw ako sa opisina niya, mahirap na!
“Boss, tapos na pala ang meeting mo.” Sinikap kong maging magalang sa kaniya, dahil na rin sa may ibang mga tao.
“Stupid! Let’s go!” Nauna na siyang naglakad kaya tinanguan na ako ni Ky. Nagbuntong hininga muna ako saglit bago ako sumunod sa kaniya.
“Alam mo bang kaarawan ko na bukas?” Nagulat ako sa naging katanungan ni Boss nang makapasok na kami sa opisina niya. Tila ba’y masaya siya pero itinatago niya lang ito sa mga seryoso niyang mata.
“Hindi ko alam, pero advance happy birthday sa iyo!” sagot ko at nginitian siya. Kahit alam ko na masama siya, ramdam ko din naman na may puso din siya.
“Halata ba na masaya ako?” aniya at naupo sa swivel chair niya at nagpa ikot ikot.
“Hindi halata, pero nakikita ko at ramdam ko naman,” sagot ko at bumalik sa puwesto ko.
“Masaya ako dahil sa mahabang taon na paghahanap ko, ay nahanap ko na siya,” aniya pero hindi ko lang siya pinansin. Paki alam ko ba sa kuwento at drama ng buhay niya.
“Hindi ka ba masaya?” Lumapit siya sa akin kaya tinaasan ko siya ng kilay.
“Paano ako sasaya? Wala na nga akong Ina, may iba pang pamilya ang Ama ko. Kaya huwag ka na lang magtaka kung bakit ang bitter ko,” sagot ko kaya sumeryoso siya.
“Mas puno ng drama pala ang buhay mo. “
“Mas nagging madrama pa nang makilala kita. Ano ba ang pumasok sa isip mo at ginanito mo ako?” Inis kong tanong ngunit nagbuntong hininga lang siya.
“Sagutin mo ako, Boss.”
“To show you how powerful money is.”
Ngumisi siya at sumandal sa dingding. Tinitigan niya ako mata sa mata. Is he trying to seduce me?
Naalis sa kaniya ang paningin ko nang biglang tumunog ang ccellphone ko. Nakita ko na tumatawag si Andrew. Tiyak nag aalala na ang isang ito.
“Reject that call. Nasa kontrata na hindi ka sasagot ng tawag mula sa labas during office hours.”
Masamang tingin ang ipinukol ko kay Boss nang magsalita ito. Seryoso ba siya? Wala naman akong nabasa doon!
“Wala namang nakasaad doon.”
Kinuha niya ang kontrata ko sa ilalim ng mesa niya. Itinaas niya ito at nakita ko na may isang nadagdag. What?
“Are you serious? That’s not valid!” Protesta ko.
“Just follow my rules. Tandaan mo, nasa loob ka ng teritoryo ko. Gusto mo bang maging ina ng magiging mga anak ko?”
Umurong ang dila ko sa mga sinabi niya. What the hell he is talking about?! Paano napunta sa pagiging Ina ng magiging anak niya ang usapan namin?
“Natatakot ka rin naman pala,” he added and claps his hands. At talagang natuwa pa siya. Nanahimik lang ako pero hindi ibig sabihin ay nasindak na niya ako.
“Anyways, no boyfriend ka daw since birth? Hanggang ngayon ba ay wala ka bang nobyo?”
Sa tanong niyang iyan nagsimulang kumulo ang dugo ko. Paki alam ba niya sa personal kong buhay? Masyado yata siynag interisado sa kuwento ng buhay ko.
“Bakit ba? Mas masaya naman maging single,” sagot ko ngunit hindi ako tumingin sa kaniya. Mas lalong maiinis lamang ako kapag nakita ko ang mga matatalim niyang tingin.
“Baka naman may hinihintay ka lang.”
I paused for a moment. Bakit ba kung makapagsalta siya ay parang alam niya ang buhay ko. Kilala niya ba ako, o ginamit niya ang pera upang malaman ang impormasiyon tungkol sa akin?
“Kung aalukin ba kita ng kasal ay tatanggapin mo?”
Natawa ako sa tanong niya. Hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para gawin iyon. Mayaman nga siya, pero hindi ako tanga para pakasalan siya.
‘I won’t marry a man if not him!’ itinaga ko iyan sa bato. Iisang lalaki lang ang mamahalin ko. Kung hindi siya magbabalik, hindi ako magpapakasal.
“Wala akong balak na tanggapin ang alok mo. I won’t marry anyone,” sagot ko.
“As if naman aalukin kita. You’re not my type.”
Hindi daw niya ako type, eh bakit panay tanong siya sa’kin?
Nangibabaw ulit sa amin ang katahimikan hanggang sa uwian na. Excited na sana akong lumabas, kaya lang ay ipinaalala niya na isasama niya pala ako sa kanila ngayong gabi. Pero bakit pa? Kailangan ba na ipakilala niya ako sa mga magulang niya? I’m just his secretary.
“Sakay na!” Bumalik na naman ang malamig niyang pananalita.
“Dito ka sa tabi ko, hind sa passenger seat. Hindi mo ako driver!” inis niyang wika kaya padabog akong lumipat. Ang arte.
“Parehas lang naman driver ang tawag sa’yo. Habang ikaw nag nagkokontrol ng kotseng ito, you’re consider as the driver.” Katwiran ko ngunit hindi na siya nagsalita pa.
“Bukas isasama kita sa party. I want you to be my partner.” Hindi ko alam ang isasagot ko, ngunit magagalit siya kapag hindi ako sumang-ayon. Should I say yes?
“Sige, ikaw ang bahala. But please, ipaalam mo muna ako kay Tita,” sagot ko at simpling tango lang ang isinagot niya.
“We’re here!”
Bumaba kami ng sabay at lahat ng katulong nila ay yumuko at nagbigay galang ng makita kami. Hindi ako nagtaka kung bakit ganito kalaki ang bahay niya. Isa sila sa pinakamayaman na pamilya sa lugar namin.
“Mommy, meet Precious Audrey Marquez, my girlfriend.”
Napalunok ako at gulat na gulat dahil sa sinabi niya. Hinawakan pa niya ang kamay ko at pinisil. Teka lang, hindi ako na orient na ganito ang mangyayari. Ano ba nag plinaplano ng lalaking ito sa akin?
“I’m happy to meet you, Hija. Sa wakas ay nahanap ka ng anak ko. Ah.. ang ibig kong sabihin ay nakahanap siya ng pormal na kagaya mo,” ani ng mommy niya.
“Magandang gabi po, ikinagagalak ko po kayong makilala,” sagot ko at inanyayahan ako nito na sumabay sa kaniyang pagkain.
“Ngayon ko lang nakitang umibig ulit si Michael. Matapos ang heartbreak niya noong matagal ng panahon ay sa wakas, may babae na rin siyang ipinakilala sa akin.”
Napalingon ako kay Michael at tinapik naman nito ang mommy niya. So, he is also broken. Kaya pala may guts na maglaro ng babae.
“Ako rin po,” sagot ko kaya pareho silang napatingin sa akin.
“I mean, ngayon lang po ulit ako nagmahal.” Gusto kong masuka sa mga sinasabi ko. Damn! Wala akong balak na mahalin ang lalaking ito! Kung alam ko lang sana na ito ang gagawin ko dito ay sana tinakasan ko nga siya kanina pa.
“Bagay kayo sa isa’t isa, sana’y hindi mo siya saktan Hija.”
“Ang dami mong sinasabi mommy. Nakakahiya na tuloy kay Audrey,” saway ni Boss dito. Marunong pa pala siyang mahiya?
“May kamukha ka Hija,” ani pa ng mommy nito kaya lang ay kinalabit ito ni MIcahel.
Natapos ang hapunan namin at dinala ako ni Michael sa harden nila. Ang gandang pagmasdan ng mga bulaklak. Tuloy may naalala ako sa nakaraan.
“Salamat sa pagkukunwari mo kanina. Sorry if I did this. May sakit si mommy, at ito ang tanging hiling niya. I hope you won’t run away from me. Gusto ko lang naman na mapasaya si Mom,” aniya.
“Boss, iyan ang totoong pagmamahal. May mommy ka pa pala eh. Paano mo naatim na maglaro ng mga babae?”
Nagbuntong hininga siya at humarap sa akin. “May matinding pinagdaanan lang ako.”

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    b' CarioPrincess eunice

    I love it 😻

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    sad lovedstory

    29/06

      0
  • avatar
    Freddie Coronel

    nice 👍

    24/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata