logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3: Mr. CEO

[Precious Point of View]
Habang nasa biyahe kami ay tahimik lang ako at sa labas naka lagi ang tingin ko. Katabi ko si Michael at siya ang nagmamaneho. Ito yata ang sasakyan na gamit niya kahapon, and here I am sitting on where the woman sitted yesterday.
Ano niya kaya iyon? Bakit hindi niya na kasama ngayon? Sa tingin ko naman ay wala siyang asawa dahil mukhang magka-edad lang kami at wala rin siyang wedding ring.
“Sa oras na papasok tayo sa loob ng office ko, don’t ever try to disrespect me,” paalala pa nito sa’kin bago kami bumaba. Mukha ba siyang dapat bigyan ng respeto?
Naglakad siya kaya sumunod ako. Natigilan ako nang mapagtanto ko na nagmumukha akong aso kakasunod sa kaniya.
“Faster!” sigaw nito nang lumingon na wala ako sa tabi niya.
Tumakbo ako papalapit sa kaniya at hinila ako nito papasok sa opisina niya. Malaki at maganda, at talagang may kuwarto pala siya sa loob ng opisina niya. Looks cool, pero hindi ko gusto ang kulay. Masyadong dull at malungkot na nakakahawa sa taong papasok dito.
“Sit down, and sign it!” Makapag-utos siya akala mo naman na wala ng bukas. Bakit atat na atat siya na pirmahan ko ito? Hindi naman yata ito matutunaw.
Binasa ko muna ang kontrata bago ko ito nilagdaan. Mahirap na baka maisahan pa niya ako. Sa panahon ngayon kasi mahirap ang magtiwala agad-agad.
“Bukas ka magsisimula, and don’t forget to be here on time,” wika nito at may inilapag na paper bag sa mesa niya. Tingin ko ibinibigay niya iyon sa’kin. May pagka-gentleman naman siya, kaso ‘di lang halata.
“Makaka-uwi kana,” ani pa nito na ikinagulat ko. Ganoon na lang iyon? Isinama ako dito tapos mag-isa akong uuwi? Well, sino nga ba ako para ihatid ng mayaman na lalaking kaharap ko?
Iginala ko ang paningin ko sa paligid at may nakita akong painting na nakatalikod. Dahan-dahan akong naglakad papalapit dito para tingnan kasi parang familiar sa’kin iyong buhok, pero nagulat ako nanag may kamay na humatak sa’kin.
“No one is allowed to touch that!” malamig niyang wika kaya medyo nakaramdam ako ng sindak. Slight llang pero effective na para maging maputla ang mukha ko.
“Uuwi na ako,” sagot ko at tumango siya. Bago ako makalabas ng tuluyan tinawag pa niya ulit ako.
“Hindi mo ba itatanong kung sino ako?” tanong niya na ikinatawa ko.
“I know who you are. Ikaw ang Boss ko, ang panggalan mo ay Michael Rutherford na isang billyonaryo at CEO ng Shanaia’s company, right?” sagot ko at tinapik ang pinto.
“Yes. You may go,” he said coldly without showing any emotion. He is weird. May mood swing din ba ang lalaki? As far as I know, babae ang madalas na ganoon.
“Ikaw ba ang new secretary niya?” Hinarang ako ng babaeng kulay itim ang buhok. Nakangiti siya sa’kin kaya nginitian ko din siya pabalik.
“Oo, bukas ako magsisimula,” sagot ko.
“Looking forward na magtagal ka dito. By the way I am Kyline Gail Heidelberg, call me Ky,” ani ni Kyline at inilahad ang kamay sa’kin.
“I’m Precious, nice meeting you!” tinanggap ko ang kamay niya at inihatid niya ako sa labas. May tinawag siya na lalaki para ihatid ako sa bahay. I’m thankful to her somehow, dahil honestly, I hate traveling lalo na kung commute.
Pagkarating ko sa bahay ay agad akong sinalubong nila Tita at Andrew. Mahaba-habang interview na naman yata ito. Si Tita kasi mahilig magtanong at nagmana naman sa kaniya si Andrew.
“Sinaktan ka ba niya?” nag-aalala na tanong ni Andrew kaya tinawanan ko ito. CEO naman ang kasama ko, hindi serial killer, pero bakit ganiyan ang bungad niya?
“Hindi naman, sa tingin ko hindi naman siya nananakit. Cold medyo, pero tingin ko mas malamig pa ako sa kaniya kapag sinadya ko,” sagot ko at binato ako nito ng unan na dala niya.
“Mabuti at pinayagan ka pa na umuwi,” sabi naman ni Tita at niyakap ako.
Matapos ang daldalan namin, inayos ko ang mga dadalhin ko dahil sabi ni Andrew ihahatid niya raw ako sa condo na itinuro ni Michael. Hindi ako sanay na mag-isa, pero parang kaya ko naman. Kinuha ko ang paper bag na ibinigay sa’kin kanina. I check it out and see my uniform.
Hindi siya skirt. Nowadays, skirt ang uniporme ng mga secretary, pero slacks ang sa akin. At may blazer and long-neck sleveless shirt. Cool pero tiyak mainit ito dahil sa kapal ng blazer.
Sabi nila babaero si Michael or should I say, my Boss? Bakit ganito ang uniporme na ibinigay sa’kin? Looks like he doesn’t want to see my skin dahil sa mukha ko lang ang hindi nito mababalot. Mas mabuti na rin ang ganito, ayaw ko rin naman kasi ng revealing dresses simula pa noon.
Mabilis na lumipas ang mga oras at inihatid na ako ni Ken sa condo. Pagmamay-ari din daw ito ni Michael kaya libre akong tumira dito. Malaki, tahimik kaya lang nakakalungkot isipin na mag-isa akong titira dito.
“Mag-iingat ka, bibisitahin kita ng madalas. Kapag sinaktan ka niya, sabihin mo lang,” bilin ni Andrew na umiiyak. Tingin ko tuloy nababakla na siya.
“Ikaw rin mag iingat kayo lagi ni Tita, uuwi pa naman ako doon. Huwag ka ngang umiyak, kahit kalian talaga iyakin ka,” sabi ko at tinawanan ito. Pero deep inside naman naiiyak ako.
“Pangako, babawiin kita sa kaniya. Magpapayaman ako para maiabalik ka sa dati,” aniya at niyakap ako.
Nagsituluan ang mga luha ko nang umalis na siya. Lumabas ako saglit para silipin kong wala na siya sa labas. Nang makita ko na wala na siya ay bumalik ako sa loob at binuksan ang ulit ang box. Unang bumungad sa’kin ang family picture namin. Masaya pa kami sa mga panahon na ito, pero masaklap sa alaala na lang puwede balikan. Ang sumunod na kinuha ko ay isang painting na heart. Bigay pa sakin ito ni Michael ng mga bata pa kami. Mahilig siya sa painting, at Mikmik ang tawag ko sa kaniya. Cute right? Pero pati siya alaala na lang din. Sana masaya na siya sa Australia.
Ang totoo, I’m a certified pretender, Mahilig ako magtago ng tunay kong nararamdaman. If there is a chance to travel back when I am only eleven, I will never hesitate to do it. I want to fix and change something, pero hanggang imahinasyon ko na lang iyon dahil malabong mangyari ito.
Nang makaramdam ako ng pagod ay nagtungo na ako sa kuwarto at nagpahinga. Bukas na magsisimula ang kalbaryo ko. Hindi ko alam kung tatagal ba ako kung napaka sama ng ugali ng CEO na iyon. Inisip ko ulit ang nangyari kanina. Hindi ako makapaniwala na magiging secretary ako ng isang sikat na kompanya.
***
Nagising ako nang may tumunog. Nakita ko ang wall clock na alas-otso na ng umaga. Saktong 8:00 Am ang pasok ko, at hindi pa ako nakapag-ayos! Paano na ito? Ano ang gagawin ko?
Natataranta akong bumangon at dali-daling naligo at isinuot ang uniporme ko. Hindi na ako kumain at kaagad na akong umalis na walang kadala-dala. Nakalimutan ko kasi maski ang wallet ko, huli na ng maalala ko dahil nasa malayo na ako. Naglakad lang ako dahil sabi ni Andrew malapit na dito ang kompanya. At sigurado ako pagagalitan na ako ni Boss nito.
“Ano ba iyan!” Natumba ako dahil sa pagod pero nabigla ako nang makarinig ako ng paparating na sasakyan. Ito na ba ang katapusan ko?
“Get up, and get in!” Nakakatunaw ang tingin na ipinukol sa’kin ni Michael. Hinarang niya pala ang kotse na paparating gamit din ang kotse niya. Nakakahiya tuloy dahil panay sungit ako sa kaniya kahapon.
“Sorry Boss I’m late,” wika ko nanag makapasok na ako sa kotse niya.
“It doesn’t matter. May balak ka bang magpakamatay?” tanong niya kaya nagtaka naman ako. Ako magpapakamatay? Sa anong dahilan ba? Malungkot man ang kuwento ng buhay ko, may gana pa rin naman akong mabuhay dito sa mundo.
“No, hindi ko iyan kalian man naisipan,” sagot ko kaagad habang umiiling. Bakit niya kaya naitanong?
“Mamamatay kana kanina kung hindi ako dumating,” bulong niya kaya nanlaki ang mga mata ko.
“Thank you,” nahihiya kong sagot. Hindi ko rin naman napansin na may mga sasakyan pala sa dinadaanan ko. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito.
“Ano nga ulit ang natapos mo?” tanong niya na nakatingin lang sa dinadaanan namin.
“Bachelor of Secondary Education major in Science, pero sadly sa elementary ako na assign,” sagot ko na natatawa. Nagpakahirap ako sa major ko tapos elementary lang naman ang bagsak ko. Well, I still love to teach at nagustuhan ko naman ang trabaho ko. I love my students, kaya lang ngayon ay hindi ko na sila makikita pa.
“Science is so cool.” Narinig kong bulong niya sakto lang na narinig ko, pero hindi na ulit siya nagsalita pa.
Pagkarating namin ay sabay kaming naglakad. Sa’kin naka-sentro ang lahat ng mga mata ng nakakakita sa’min. I don’t know if what’s wrong. May dumi ba sa mukha ko?
“Hey, you look so perfect in your uniform!” puri sa akin ni Ky at agad akong nilapitan.
“Salamat,” sagot ko at nilingon ang mga staffs.
“Bakit ganiyan sila makatingin?” nagtataka kong tanong kay Kyline at tumawa ito saglit.
“Precious, ikaw lang ang secretary ni Boss na ganiyan ang suot. Buti hindi siya nagalit,” sagot niya na ikinagulat ko. What? Ako lang ang nagging secretary dito na ganito ang suot? Pero bakit?
“Siya ang nagbigay sa’kin nito,” sagot ko at kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi ito makapaniwala sa narinig. Bakit kaya?
“Let’s go,” tawag sa’kin ni Boss kaya agad akong nagpaalam kay Ky. Sumunod ako kay Boss na parang asong humahabol sa amo. Tsk.
“Sit down. Check my schedule,” aniya at may itinuro na folder at kaagad ko itong kinuha. Mas gugustuhin ko pang turuan ang mga bata na makulit kaysa paglingkuran ang among masungit!
“First schedule mo ngayon ay 9:00 may meeting kayo ng---”
“Cancel it. Let’s go!” Nagtaka ako sa sinabi niya. Cancel it tapos let’s go?
“Saan tayo pupunta?” tanong ko at tiningnan lang ako nito bago sumagot.
“We will eat!” That’s a miracle, I guess. He shows me his smile while saying those 3 words.

Komento sa Aklat (79)

  • avatar
    b' CarioPrincess eunice

    I love it 😻

    15/07

      0
  • avatar
    USNIEKRISJEN

    sad lovedstory

    29/06

      0
  • avatar
    Freddie Coronel

    nice 👍

    24/05

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata