[Precious Point of View] “Drew, let’s end this!” “No, please. I love you---” Naibato ko ang hawak kong ballpen dahil sa inis. Kanina pa ako dito nakatayo at hinihintay si Andrew na matauhan at hayaan na lang na makipaghiwalay ang maarte niyang girlfriend. Letching pagmamahal iyan, nakakasira ng pag-iisip! Naririnig ko pa nga lang ang I LOVE YOU na iyan, para bang nagtataasan na ang mga balahibo ko. “ANDREW DEL ROSARIO, WALA KA NA BANG BALAK NA TAPUSIN IYAN?!” naiinis at iritado kong sigaw. Bakit ba kasi ipinagpipilitan ang sarili niya sa taong ayaw naman sa kaniya? Ang tanga naman ‘di ba? Naawa at naiinis ako sa kumag na ito. Gwapo naman, mabait, mayaman, pero bakit laging iniiwan? “Boo.” Umiiyak siya nang lumabas sa library. Tinignan ko lang siya ng blanko at kaagad din naman siyang yumakap sa’kin. Inalis ko ang yakap niya at sinampal. “What’s wrong with you?” nagtataka niyang tanong habang nakahawak sa pisnge niya. Pinahid niya ang mga luha niya at tumayo ng tuwid at tiningnan ako ng masama. “Ikaw, bakit ka umiiyak? Wala na bang ibang babae diyan? Para kang naubusan ng babae!” Singhal ko. “Mahal ko siya!” naiiyak niyang turan na hindi naman bagay sa lalaking katulad niya. Umiling ako at tinapik ang braso niya. “Kabaliwan iyan. Anong pagmamahal ang mayroon ka?” tanong ko sa kaniya at inayos ang damit niya. “Palibhasa naman kasi, bakal ang puso mo,” aniya at ngumisi dahilan para kumulo ang dugo ko. Ayan jowa-jowa pa kasi, sa huli iiwan naman. “Shut up and fix yourself. Huwag mong hayaan na makita ka ng mga estudyante natin na nasa ganiyang ayos,” wika ko at pinagtaasan ito ng kilay. “Goodbye, teachers!” bati sa’min ng mga makukulit kong estudyante habang tininingnan nila si Andrew. “Goodbye! Ingat kayo sa pag-uwi!” sagot ko at kinalabit si Drew na tumalikod. Nahiya yata sa mga bata dahil sa mukha niya na hindi ma-ipinta. Ganito lagi ang set-up namin kapag broken-hearted siya. Ang malala, ay minsan dinadala ako sa bar. Idinadamay sa kalokohan niya. “Kung ako sa’yo, ang isipin mo na lang ay kung paano mo tatapusin ang lesson mo para bukas.” Inirapan ko siya saka kinuha ang log book. “Ang bitter mo kasi, hindi mo nga ako naiintindihan!” giit niya kaya tinawanan ko lang ito. Ano ba ang mali doon? Less hurt, less cry and less stress. “Sa susunod kasi, manligaw ka ng hindi guro. Maghanap ka ng ibang babae. Iyong wala sa campus na ito,” suhestiyon ko. Kasi lahat naman ng niligawan niya ay kapuwa guro namin, baka nasal abas ang para sa kaniya. “Advice ba iyan? Bakit ikaw hindi ka naghahanap?” tanong niya at pinagtaasan ko ng kilay. “Naghahanap? Hindi ako maghahanap, ayaw kong magmahal!” Diretso lang ako ng lakad papuntang garahe at hindi ko siya nilingon. Hindi ako bitter, basta hindi ko lang talaga maramdaman ang magmahal. Bakal na kung bakal, malamig na kung malamig, basta ganito ako. Ayaw ko sa salitang pagmamahal. “Teka, ano ba ang sexual orientation mo? Asexual ka ba? O baka naman Bisexual ka?” Napatigil ako ay sinamaan ko lang siya ng tingin. “Huwag mong paki-alaman ang mga ganiyang bagay, basta ayaw kong magmahal. That’s final,” ani ko habang binubuksan ang kotse. “Alam ko. Simula noon iyan na nag linyahan mo. Sigurado ka ba diyan? Paano kung mahulog ka sa’kin?” pang-aasar niya na hindi naman nakakatuwa. I never expected na magiging magkaibigan kami ng lalaking ito. He courted me for a year way back when we’re college. Pero sa huli, wala. Hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kaniya. Mas mabuti narin na magpakatotoo kaysa sagutin ko siya na wala naman akong nararamdaman sa sakaniya. “Natahimik ka na?” He shakes my arms and I glance to his hands. Umiling lang ako. “Focus ka na sa daan, ayaw ko pang mamatay!” wika ko sa kaniya, pero ilang minuto lang din ay halos mapa mura na ako dahil sa sasakyan na biglang dumaan sa harap namin. “Sira ulo yata ang driver ng sasakyan na iyan!” singhal ko sa loob at binuksan ang pinto ng kotse namin. “Huminahon ka Pam, baka lalaki iyan,” paalala ni Andrew. Para siyang bakla na takot sa lalaki, pero guwapong bakla pag nagkataon. Kinindatan ko lang siya at ipinakita ang braso ko. Hindi ko palalampasin ang pagkakataong ito. Bakit, kapag ba namatay kami maibabalik pa ba ng kung sinong driver na ito ang buhay namin? “Bulag ka ba? Kung gusto mong magpakamatay, huwag mo kaming idamay!” sigaw ko mula sa labas. Nakita ko rin na lumabas si Andrew sa kotse namin. Ibinalik ko ang tingin sa kotseng nakaparada sa harap namin. Aba’t wala yata silang planong lumabas. Kumatok ako sa bintana nito at unti-unti naman itong ibinaba. I was shocked on what I saw. The man is kissing a woman beside him while his hand is other hand is under the woman’s dress. For goodness’ sake! “Kaya naman pala,” bulong ko na tila nandidiri. Inirapan ko ang mga ito at nakita ko si Andrew na parang gulat sa nakita. “Ganiyan na ba talaga ang taas ng level of confidence niyo para gawin iyan dito? Kung gusto niyong magpakamatay habang nagpapakasaya, pwede ba huwag kayong mandamay!” Hinihila ako ni Andrew pero hindi ako nagpatinag. Kailangan na malaman nila ang pagkakamali na nagawa nila. “What’s wrong, Miss?” Unti-unting lumigon sa’min ang lalaking nasa loob. Hindi ako agad nakagalaw. Hindi dahil nasindak ako, pero para bang kilala ko siya. Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko. “Nothing’s wrong with me. Kayo ang may mali,” sigaw ko at may pakagat pa sa labi. “Bayaran ko na lang kayo.” Lumabas siya sa kotse niya at ini-aabot samin ang hawak niyang pera. I smirked at him and tap his hand. “Ano ang akala mo sa amin? Mister, mark this, hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa pera.” Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. “Lahat kayang gawin gamit ang pera,” sagot niya kaya napahinto ako. Mayabang siya, mukhang mayaman. “Hindi lahat ng oras nasa tabi mo ang pera. Hindi permanente ang pera,” sagot ko pabalik at binigyan siya ng matamis na ngiti at sigurado ako na hindi niya iyon makakalimutan hanggang sa pagtulog niya. “Para kang si wonder woman. You’re so brave, and it makes you hotter,” Andrew said and continue driving. Sa dami ng puweding ihalintulad sa’kin si wonder woman pa? Bakit nasaktan tuloy ako ng hindi ko alam na dahilan? “Hindi ko kailangan ang pambobola mo. Bigyan kita ng magkabilang suntok, gusto mo?” Tinapunan ko siya ng masamang tingin. Natawa lang ako sa naging reaksiyon niya. Para siyang bata na takot sa nanay niya. “Pam, na inlove ka na ba?” Tinitigan ko siya matapos siyang magtanong. Nagbuntong-hininga ako at ngumiti. “Paano ba malalaman na in love ang isang tao?” tanong ko at nag-iwas ng tingin. Wala lang, gusto ko lang siyang lituin. “You always think about him. Imagine things that connects to him. You can feel happy if you see him, pero natatahimik ka kapag nandiyan na siya. Have you ever felt those?” plaiwanag niya na mukhang maraming alam. Nalungkot ako at nanggilid ang mga luha ko. “Nakakatawa naman pala ang ma in-love,” sagot ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. “Are you crying? Come on, may inililihim ka yata sa’kin?” Hinawakan niya ang pisnge ko at tinapik ko naman ang kamay niya. “No, I’m not crying. Natawa ako kanina kaya naluha ako,” sagot ko at huminga ng malalim. Tama si Ken, may inililihim ako. Hindi sa gusto kong ilihim sa kaniya, ayaw ko lang talaga na bumalik ang sakit. Matagal ko na iyong kinalimutan, hindi na dapat pang balikan. “Pam, wala ka na bang planong magmahal?” tanong niya ulit. Ang kulit ng lalaking ito. Tiningnan ko siya at ngumiti ako. “Drew, ayaw ko ng magmahal. Look, nagmahal ka hindi ba? Ano ang kapalit? Hindi ba luha at sakit?” “Hindi naman sa lahat ng panahon ganoon. Maybe, hindi pa siya ang right girl para sa’kin,” sagot niya at nangatuwiran pa. So, parang trial and error lang? Once hindi tama, uulit na naman? It’s a tiring process. “Naniniwala ka sa right time at forever?” tanong ko naman. Alam ko naman ang isasagot niya, gusto ko lang marinig mula sa kaniya mismo. “Oo, totoo iyon. Paano ka nabuhay kung walang---” “Look, we’re broken family. Nasaan ang forever?” tanong ko habang inaayos ang bag ko. Naghiwalay si mama at papa noong first year college na ako. Iniwan kami ni papa kung kalian higit ko siyang kailangan. Ano ang rason kung bakit siya umalis? Hindi na niya mahal si mama. “Ang pagmamahal ng mama mo. Love is priceless,” he said. Hindi na ako sumagot pa at nauna na akong lumabas. Sinalubong naman kami kaagad ni Tita. I’m living with the two of them. Nang mawala na si mama, sila na ang nagging karamay ko sa buhay. “Kumusta ang araw niyo, mga anak?” tanong ni Tita at nagbeso sa’kin. “Ang binata niyo Tita, broken iyan,” sagot ko at tumakbo na papunta sa kuwarto ko. “Hay naku, Ken! Hindi ko alam kung makakapag-asawa ka pa ba. Mukhang pareho yata ang bagsak niyo ni Precious.” Dinig kong sabi ni Tita. Natawa ako nang marinig ko iyon. Si Tita kasi gusto na niyang makasal itong si Andrew. “Okay lang iyon Tita, ang mahalaga buhay,” sagot ko at umupo sa tabi ni Andrew at pareho silang napatingin sa’kin. “Ikaw Hija, wala ka na ba talagang plano?” tanong ni Tita. At ako naman ang tinanong niya. “Plano po saan?” As if hindi ko gets ang tanong niya. Bakit ba kasi nagmamadali sila? 25 pa lang naman kasi kami ni Andrew. Hindi naman iyon karera na dapat makipag-unahan. Ang sa akin lang ay, hindi ako mag-aasawa. “Tomboy yata itong si Pam,” wika ni Andrew kaya napalingon ako sa kaniya at hinampas ng mahina ang braso nito. “Hoy! Hindi ako tomboy! Wala lang talaga akong taste tungkol sa love. At isa pa, mabubuuhay naman ako kahit walang asawa,” katuwiran ko. “Paano pag tumanda ka na? Walang mag-aalaga sa iyo dahil wala kang anak,” sagot ni Tita na nakabusangot. Mukhang pareho yata kami ni Andrew problema niya sa mga bagay na iyan. “Ang anak na lang ni Drew,” agaran kong sagot habang tumatawa. Nanlaki naman ang mga mata ni Andrew dahil sa sinabi ko. Wala namang mali doon, isa pa, siya lang ang mataas ang chance na makapag-asawa. “Okay. Ito ang sagutin mo ng may katapatan.” Napatingin ako kay Tita na nasa harap namin ni Andrew. “Na-love ka na ba noon?” Ito na ang kinatatakutan kong pagkakataon. Ayaw kong halungkatin pa ang nakaraan, mas lalo lang akong mahihirapan. “Tita, anong tanong ba iyan?” Kamot-noo kong tanong pabalik habang nakatingin lang sa screen ng telebisyon. “Oo o hindi lang ang sagot,” seryosong sagot niya. Tumingin muna ako kay Drew at kitang-kita sa mukha nito ang pananabik sa sagot ko. “Oo… noong bata pa ako,” sagot ko at natawa ng mapakla. “May chance pa naman pala eh,” sagot ni tita at pumalakpak. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin. “Totoo ba iyan, Pam? Kanino ka inlove noon?” tanong ni Andrew at tiyak mangungulit na naman ito. “Wala, matagal na iyon. Nakalimutan ko na ang pangalan niya,” sagot ko at inirapan siya para hindi na magtanong pa ulit. “Siya ba ang dahilan kung bakit ganito ka ngayon?” Napalingon ako kay Tita at natigilan ako saglit. “Siguro, hindi ko po alam.” Wala sa tono kong sagot. Pakiramdam ko pumiyok ako sa dulo. “I know siya nga ang dahilan. Siya lang din ang makapag babalik ng dating ikaw,” dagdag pa ni Tita. Tita, bakit ang dami niyong alam? Matagal akong umasa sa sinasabi mong iyan. Pero it’s been 12 years na simula ng mawala ang taong iyon. Hindi na ako umaasa pa sa mga sinasabi ng iba. Ayaw ko nang umasa na muli siyang magbabalik. “You are only waiting for him, Precious.” Tinapik ni Tita ang braso ko at sinuklay ang buhok ko. “Tita?” “He stole the key of your heart,” she answered. Napahawak naman ako sa puso ko. I had promised to my own that I won’t marry a man if not him. Ano ba talaga ang mayroon sa kaniya? Bakit siya lang ang hinahanap ng puso ko? Mahirap din ang magpanggap. Pero iyon lang ang kaya kong gawin sa ngayon.
Salamat
Suportahan ang may-akda na magdala sa iyo ng mga magagandang kwento
so nice. Highly recommend guys
17/06/2025
0very nice
20/11/2024
0Ang ganda
17/11/2024
0Tingnan Lahat