logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

5. PAALAM

Nang makarating ako sa waiting shed, wala roon si Gavin na kadalasang naghihintay tuwing umaga, hindi ko maiwasang madismaya, nasanay na kasi ako, siguro naka-service siya ngayon.
Tinahak ko na ang destinasyon papuntang school. Habang nasa room,  hindi pa dumadating ang aming guro, kaya puro kantiyawan ang aking mga kaklase. Pagtingin ko sa kaliwa, nandoon si Lyka, kasama sina Micka at CA, kumikimbot, ginagawa ang uso na ngayong tiktok. Ganoon ba kaliit ang espasyo para hindi magkasiya ang apat? Hayae na nga sila, hindi naman ako marunong sumayaw. Habang pinagmamasdan ko si Lyka, lumutang sa isipan ko na paano kaya nya 'yan nagagawa ang maging masaya kapag may natapakan siyang iba?
Pumasok ang president namin na may hawak na papel. "May biglaang meeting ang ma'am, kaya hindi raw siya makakapag klase." Naghiyawan ang buong klase, Napangiti naman ako sa balitang 'to, it's great news for us. "Ito ang attendance, pirmahan n'yo na lang."
Ibinigay na nya sa first row. Nang matapos ang first row kami na ang susunod na pipirma dahil nasa second row kami. "Ipirma mo na 'ko," ani ni Lyka kay Micka.
"Ako rin," wika naman ni CA.
Habang pumipirma si Micka parang tinamad din akong pumirma. "Ako rin ipirma mo na."
"Ikaw na," ani ni Micka, nang matapos siyang pumirma ipinasa sa'kin ni CA ang attendance. Pinagmasdan ko silang tumayo at lumabas ng room. Hindi man lang nila ako sinabihan kung saan sila pupunta. Napatulala ako sa hawak kong papel, may pirma na silang tatlo, sa'kin lang ang wala. Kahit na maliit na gesture lang 'to, masakit pa rin.
Matapos kong mapirmahan ang akin ay tumayo na 'ko at ibinigay sa kabila. Napansin ko naman na may gumulong na pambura sa paanan ko, may lalaking bigla na lang lumapit sa paanan ko at tila dadamputin ito, tumingin siya pataas. Agad akong lumayo sa kanya, alam ko na ang pakana na ito, kunwari na pupulutin kahit na sinasadya naman talaga nilang ihagis ito sa puwesto ko, para manilip sa palda.
Ilang beses ko na 'tong naranasan at hindi lang ako. Nakakapang-init ng dugo. "Manyak!" siwalat ko.
Ngumiti naman siya sa'kin, nagpapa-cute pa. "Pinupulot ko lang 'to, nahulog eh." Sabay angat ng eraser, siya ang escort namin, napatingin ako sa I.D. nya, Ken, pogi nga manyakis naman, big no!
Pagkarating nina CA may dala-dala na silang mga pagkain, galing siguro sa canteen. Inalok sa'kin ni CA ang kinakain nyang paborita, tinanggihan ko ito sahalip ay pinukaw ang atensyon ni Lyka. "Lyka, kausapin lang kita nang saglit, 'yong tayo lang."
Pumayag naman ito, taka namang tumingin sa amin si Micka at CA. "Oy, ang duga may pasikreto," ani ni Micka. Kung sikreto ngang tatawagin, kilala ko si Lyka, hindi rin mapapakali ang dila nito, lalo na kung isang issue ang usapan. Gayunpaman gusto ko pa rin na kami lang dalawa ang mag-uusap.
Kasalukuyan kaming nasa garden ngayon. "Ano bang mayro'n?" aniya.
Inilabas ko ang cellphone ko at ipinakita sa kanya ang pi-n-ost nya sa internet. "Ahh, i-report mo na 'yan, para mabura," aniya pa. "Ba't hindi ka nagsabi sa'min na may trabaho ka pala, eh di sana hindi ka namin pine-pressure na gala tayo sa ganito, sama ka sa'min sa ganyan."
Mata sa mata ko siyang pinagmasdan, I'm done acting. "Huwag kang umarte na parang concerned ka sa'kin," nang sabihin ko ito nagbago ang mata nya, sumiryoso rin ito. "Kahit hindi naman talaga."
"What?!"
Ang lakas ng tibok ng puso ko at mukhang pinagpapawisan na 'ko, ganito pala ang feeling ng makipag-away, act normal Grace. "Kasi kung concern ka, eh di sana no'ng una pa lang kinamusta mo na 'ko, pero lumipas na ang dalawang araw sahalip na kamustahin n'yo 'ko, bakit nararamdaman ko na nilalayuan n'yo 'ko?"
Kitang-kita sa mukha nya na hindi siya makapaniwala sa'kin, na kung ako ba talaga 'to? "Chi-n-at kita! Eh, mukhang hindi mo man lang binasa."
Hanggang ngayon hindi pa rin tumitigil ang bilis ng tibok ng puso ko, gusto ko ng umiyak. "I-explain mo nga sa'kin kung bakit n'yo ako iniiwasan?"
Dito hindi siya nakaimik, dineretso ko na kung ano talaga ang pakay ko. "Burahin mo na ang pi-n-ost mo sa Facebook, mag-sorry ka sa ginawa mo."
Dito ay tumaas ang kilay nya sa'kin. "Wait, d-do you mean? Pinagbibintangan mo ba 'ko?"
Tinaasan ko rin siya ng kilay. "Bintang bang matatawag 'to?" Ipinakita ko sa kanya ang pruweba. "Sa bahay n'yo mismo nakita ang user na nag-post sa Facebook."
Gulat naman siyang tumingin sa phone ko. "Fake 'ya---"
"Hindi 'to peke, dahil hacker na mismo na may kaalaman sa field na ito ang nagbulgar sa'yo."
May tumutulong luha na sa mata nya. "How can you treat me like this? Kahit itanong mo pa kay Micka at CA!"
Hindi ako naaawa sa kanya, gaya nang hindi nya pagkaawa sa'kin nang pi-n-ost nya 'to. How can you treat me like this? Di ba dapat ako ang magtanong n'an sa kanya. Micka at CA? Wala na, nadurog na ang tiwala ko. I no longer trust anyone.
Bago ako umalis sinigurado kong maririnig nya ang huli kong sasabihin. "Oo nga pala, marangal ang trabaho ko, kung hindi dahil sa'min, 'yang inaapakan mo ngayon, hindi sana 'yan gan'an kaganda at kalinis kung wala kami, kaya n'yo nga kami hina-hire di ba kasi wala kayong oras na gawin 'yon."
I guess this is it, we are now officially F.O. Friendship is over.
Pagpasok ko sa room, kinuha ko ang bag ko sa upuan na katabi ni CA, nakangiti siya sa'kin. "Asa'n si Lyka?" Hindi ko siya inibo.
Naglakad ako papunta sa pinaka likod sa hilera ng upuan na wala pang nakaupo at doon naupo. Taka naman akong pinagmasdan ng dalawa. Mayamaya, nasilayan ko ang dalawa na dali-daling tumakbo palabas, siguro nakatanggap sila ng text mula kay Lyka.
Pagbalik nila, kasama na nila si Lyka na humahagulgol, pinaupo nila ito at tila pinapatahan, binigay pa ni CA ang jacket nya rito, nakatanggap naman ako nang masamang tingin mula kay Micka. Nawala ang titigan naming dalawa nang nagkumpulan ang mga kaklase ko para patahanin si Lyka at maki-usisa. Tapos na 'kong makipag plastikan sa kanila, napatingin na lang ako sa labas ng bintana, katapat ko ang flag pole ng eskuwelahan.
"Grachell pumunta ka raw sa faculty, sabi ni ma'am Crystal, tulungan mo raw siya." Napatingin ako sa president namin na nasa pinto.
Tumayo na 'ko at lumapit dito, nang makalabas ako ng pinto, hindi pa 'ko gaanong nakakalayo ay may nagsabi sa loob ng room nang, "iyan na naman ang sipsip." Hindi ko mawari kung sino ang nagsabi no’n pero mukhang ako ang pinatatamaan nya.
Mukhang ako ang naging kontrabida sa mga mata nila.
Pagdaan ko sa GAS D, strangely, wala ng sumisigaw ng pangalan ko.
*****
Sa sumunod na klase, dumating na si sir Rhayn teacher din namin siya sa Disaster Readiness. "Today ay surprise quiz."
"Hala naman sir!" Reklamo ng lahat, miski ako ay naghihinaing sa loob-looban ko, buti na lang lagi akong nagr-review, para handa sa mga ganito at recitation.
Nag-arrange ulit ng randomize na seating arrangement. Inilabas ko na ang lengthwise ko. May kumulbit sa likod ko, si Ken. "Pahinging isa, ubos na ang akin." Binigyan ko siya. "Thanks."
Dinidikta ni sir ang mga tanong, isinulat ko na ang sagot sa papel, nang biglang yumanig ang upuan ko, sinipa nang nasa likod ang upuan ko. "Ano sa two?" bulong nya.
Madamot na kung madamot, hindi ko ibibigay sa kanya ang sagot ko, pinagpuyatan ko ang pagsasaulo, samantalang siya na mukhang napaka sarap ng tulog, ay manggagaya lang, tapos pasa?
Muli nyang sinipa ang upuan ko, hindi na 'ko nagdalawang isip pa, itinaas ko ang kamay ko. "Sir! Ken is cheating, kinukulit nya ko, nanghihingi siya ng sagot sa'kin."
Makikita ang galit sa mukha ni sir. "Ken! Tumayo ka diyan, pumunta ka rito sa unahan," na sinunod naman nya.
"Ayoko sa lahat ay cheating, zero ka ngayon!" Pagkarating nya sa unahan agad siyang sininghilan ni sir. "Humarap ka sa mga kaklase mo, taas ang kamay!" Nagtawanan naman ang mga kaklase ko dahil ngayon lang ulit kami nakakita ng ganito, ngayong senior na kami.
Nakatanggap ako nang masamang tingin mula sa kanya, mukhang sa araw na 'to ang dami kong natanggap na death stare.
Pagdating ng labasan, mag-isa lang ako na naglalakad palabas, hindi na rin ito ang unang beses na maglakad ako nang mag-isa. Siguro kailangan ko ng sanayin ang sarili, na ako lang ang kakampi ko.
Nang makalayo ako sa school nakita ko ang karinderya na kinainan ko rati, pagsilip ko sa loob, nandoon nga siya. "Van!"
Napatingin naman siya sa'kin at nagulat pa. "G-Grachell?
Parang may urge tuloy sa'kin na gusto kong magsumbong. Umupo ako sa harapan nya, kahapon napansin ko na may pagka-gentleman naman pala siya. "Dito ka lagi kumakain?"
"Oo," wika nya, hindi siya makatingin sa mata ko at hindi siya mapakali sa upuan. May appeal pa rin pala ako sa kanya. "Isa pa nga pong tilapia---,"
Agad kong binaba ang kamay nya, may balak pa ata akong ilibre. "Huwag na, mabilis lang ako at pauwi na rin." Speaking of uwian. "Bakit dito ka kumakain, hindi sa bahay n'yo uwian na naman?"
"Mas masarap dito," ang laki pa ng ngiti nya nang sinabi nya ito.
Dahil wala akong mapagsabihan, parang gusto kong ilabas sa kanya lahat. "Hinarap ko siya, pero hindi pa rin siya umaamin."
Tumingin siya sa'kin na tila namamangha. "Bilib ako sa'yo, matapang ka rin, hindi mo na pinapatagal sugod agad."
Gano'n ba 'ko?
Tuamango siya. "Hindi siya mamin? Gano'n talaga," aniya sabay subo ng kanin na may kasamang ulam. "Parang kriminal, kailan man hindi sila umaamin sa krimen na ginawa nila, pilit nilang tinatanggi kahit huli na sila sa bisto."
Napatulala ako sa Facebook post kung nasaan ang mukha ko, mukhang wala naman siyang balak na burahin kaya ni-report ko na lang pati ang account nya.
Nakita naman ni Van ang ginawa ko kaya ginawa nya rin. "Oh! Mawala ka na," biro nya pa.
Pumunta naman ako sa messenger at nakita ang group chat, ang name pa nito ay Besties. Hindi ako nag-leave, hindi ko sila bli-n-ock, sahalip pinindot ko ang restrict.
*****
Wala akong trabaho ngayon kaya nakadaan pa ko sa SM, pagbukas ko ng kuwarto namin nadatnan ko si Carlo sa maliit na lamesa, gumagawa ng homeworks. Lumapit ako sa kanya at nilapag sa lamesa ang M&M, mahilig siya sa tsokolate at M&M ang pabirito nya.
Sabi nga nila, the way to a man's heart is through his stomach. Dagdagan kaya ng woman, napaka effective din kasi nito sa'kin.
Agad nya itong kinuha at binuksan.
"Pahingi?" Tanong ko, tiningnan nya muna ako bago nya ko binigyan ng tatlong piraso. Para sa'kin ang ibigsabihin nito ay bati na kami.
Pagdaan ng ilang linggo. Nag-aasikaso na 'ko ng gamit para sa pagpasok, pero napansin ko na may kulang sa bag ko. "Asa'n na 'yon?"
Lumabas naman si Carlo na kakatapos lang maligo. "Carlo, nakita mo ba 'yong folder na green, na may lamang makapal na papel?" Umiling siya.
Hinanap ko sa higaan, ilalim ng higaan, lamesa, pero wala rito. Binuksan ko nang todo ang bag ko at inalis lahat ng loob, ch-in-eck ko na nang ilang beses pero wala talaga. Natutuliro na 'ko at pinagpapawisan kahit kakaligo ko lang. Pumunta ako sa kusina. " 'Nay, may nakita kayong folder na green?"
"Di ba na sa'yo na, binalik ko na sa'yo 'yon, no'ng pinabasa mo sa'kin."
Kinakabahan na 'ko. "Wala eh."
"Hanapin mo lang, nandiyan lang 'yan."
Paulit-ulit kong kinalkal ang bag ko, at naghanap sa mga puwesto na napuntahan ko na rin, miski sa banyo ch-in-eck ko, o saang lupalop sa bahay. Nauna na nga sa'kin si Carlo, at late na, hindi ko pa rin makita.
"Pa'no 'to? Ngayon ang pasahan ng project namin sa literature." Nakailang dasal na 'ko, pero walang himalang nangyari.
Pumasok ako sa school na pawisan at walang project na dala.

Komento sa Aklat (16)

  • avatar
    AiZa DaTu

    nice story

    3d

      0
  • avatar
    Lå Dÿ Josè

    😍😍😍😍😍😍

    21d

      0
  • avatar
    Jericho Mallillin

    goods

    15/08

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata