logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chap. 6

-Geraldine's POV-
"How dare you! Pagkatapos kitang itreat as my own daughter!? Gaganituhin mo na ako!?"
Hinawakan ko ang pisngi kong namumula, dahil sa pagkakasampal sa akin. I laughed, sarcasticly, habang nakatingin sa kaniya.
Sinampal ako? Ng isang hamak na kabit at gold digger lang? How dare she lay her dirty hands off my face!
"Joana, that's enough. Sigurado akong alam ni Geraldine ang ginagawa niya." said my so called father. Hinahawakan nito ngayon ang mga balikat ng asawa niya.
"Don't act as if you care, father." I said as I give him a dead panned look.
Itinaas na naman ng stepmother ko ang kamay niya. Sasampalin niya na naman ako. Pero pinigilan siya ni father.
"Enough! Wala na ba talagang makikinig sa akin!?" pasigaw na sabi ni father. Sinamaan siya ng tingin ni Joana.
"Iyan! Kaya nagkakaganyan ang anak mo! Masyado mong ini-i-spoil, Enrique! Halos palagi siya sa bar, pero parang bulag ka! Hindi mo man lang siya pagsabihan! Ginagawa ko ito para magtanda siya!"
Napatawa na naman ako, but this time mas malakas na. I was laughing maniacally, with my heads high and had my hand on my forehead. Hindi ako tumigil hanggat sa napansin kong natahimik sila.
I stared at my so called parents coldly. As if they weren't my parents at all.
"Joan, Joana, Joana... Kung makaasta ka ay parang nanay talaga kita. Know your place. Hinding hindi kita magiging nanay. Mananatili kang kabit sa paningin ko." nakita kong nanlaki ang mga mata ng babaeng sumampal sa akin.
If words can kill. Kanina pa sana patay ang babaeng kaharap ko. Kinasusuklaman ko silang dalawa.
Tumalikod na ako at naglakad palabas ng mansyon ng biological father ko. Narinig kong tinawag pa ako ng pesteng babae na kinabibwisitan ko.
Nagbo-bowed lahat ng mga maid na nadadaanan ko. Usually magbo-bow back ako pero wala ako sa mood ngayon. Ang gusto ko lang ay makaalis ako dito.
Nang makarating ako sa sasakyan ko, ay agaran akong sumakay at nagdrive palayo.
Mga walang hiya! Ipinatawag ako para sampalin!? Para bulyawan!? What a waste of my precious time.
Weekend pa naman, at marami akong balak gawin pero sinayang ko ang 4 hours ko sa kanila. Pero ano ang nangyare?
Napahawak ako sa pisngi ko, ngumiwi ako sa sakit. It stings, ang walang hiya na Joana na iyon. Napalakas ang pagkakasampal sa akin.
Wala talagang hiya sa katawan ang babaeng iyon. Si papa nga hindi ako sinasampal, pero siya!? Ganun ganun lang? Hindi ko man lang siya nabawian!
Naginhale at exhale ako ng mga ilang beses, para kumalma ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
Ring ring! Hazel's calling you! Ring ring! Hazel's calling you! Ring ring! Hazel's---
Agad kong dinampot ang cellphone ko na nasa hood ng sasakyan ko, saka ito sinagot.
"Hello, Hazel?"
"Girl! Where the heck are you! The fun had already started pero wala ka parin dito!" narinig kong sabi niya mula sa kabilang linya, naririnig ko rin ang malakas na tugtogin ng musika mula sa background.
Nag-umpisa na nga ang party. Napabuntong hingina ako sa inis. Kasalanan ng Joana at Enrique na iyon kung bakit hindi ako makakapagparty ngayon.
"I'll pass Hazel. Something urgent lang." malungkot sa sabi ko.
"Awwww, sige sabihan ko sila Kurt. Ingat ka love lots, bye!" agad niya akong pinatayan ng tawag.
Tinitapon ko ang cellphone ko sa backseat at pinaharurot ang sasakyan papuntang coffee shop de luna. Ang coffee shop na pinagtatrabahuan ni Sylvia.
Hindi na muna siguro ako iinom ng alak sa ngayon.
>°•👠•°<
Inilapag ni Sylvia ang order kong lemonade at lemon cake, "Thanks, Syl." maikli kong sabi habang nakatingin sa mga pagkain ko.
Maya maya pa ay naglapag rin siya ng cold compress sa lamesa. Na ikinapasalamat ko ulo.
Umupo siya sa katapat kong upuan, "Yung stepmom mo na naman ba iyan? Pulang pula yang kanan na pisngi mo. The nerve talaga." tumango ako sa sinabi niya.
Joana Clarine Collens at Enrique Luis Collen. 2 years silang nagsasama sa kama, habang ang mama ko ay nasa hospital at commatose.
2 years kong inaalagaan ang mama ko sa hospital, palagi ko siyang binibisita kapag may time ako. Pero dumating ang araw na kinatatakutan ko.
Nakatayo ako sa labas ng hospital room ni mama habang hawak ang bungkos ng pula mga rosas sa mga bisig ko. Maraming mga doktor at mga nurses ang lumalabas at pumapasok sa kwarto niya.
Hanggang sa inanunsiyo na patay na siya.
Palagi kong umiiyak sa kwarto ko maging sa burol ni mama. Napakabait niya sakin. Siya ang guardian angel ko. Si mama lang ang nagmamahal sa akin sa mapanganib na mundo na ito.
2 weeks after ng libing ni mama ay bigla nalang ipinakilala sa akin ni papa si Joana.
Hindi ako makapaniwala sa nangyare noong araw na iyon. Ang alam ko kasi, ay mahal na mahal ng papa ko ang mama ko.
Kaya pina-imbistigahan ko silang dalawa. At halos gumuho ang mundo ko sa mga nalaman ko.
Kasal na sila ng kabit niya for 1 year.
Palihim palang sinelyuhan ng papa ko ang divorse papers nila ni mama, gamit ang seal ng mama ko... habang commatose siya sa sarili niyang hospital bed.
At ngayon, kung umasta siya ay parang nanay ko siya. Pagkatapos nilang gawin ang mga kababuyan na iyon behind my mother's back.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Inabutan ako ni Sylvia ng puting panyo, "Ito panyo, wala kasi akong tissue eh. Huwag kang mag-alala, hindi yan pamunas ng lamesa."
Napangiti ako sa sinabi niya. Loka loka talaga itong babaeng ito. Thankful ako na maging kaibigan niya.
"Thank you." tumingin ako sa empty counter ng coffee shop. Walang cashier doon, pero may mga pumapasok na, na mga costumer.
"Go na, cashier ka hindi ba? Kailan ka pa naging waitress." I joke, inirapan niya lang ako.
"Senyasan mo lang ako kapag may kailangan ka ah." alalang sabi niya. Binigyan ko siya ng isang malaking thumbs up, para matahimik na siya.
"Okay na nga, shuu shuu!" I said while waving the back of my hand. Nag okay siya, tapos pumunta na sa pwesto niya at nagtrabaho.
Kinuha ko ang lemonade at inunom. Bigla akong nabuhayan. Lemonades are the best!
Inilapit ko sa akin yung plate na may lemoncake. Nag slice ako ng konti at kinain. Parang biglang nagkaroon ng mga stars ang mga mata ko.
Ang sarap!
Patuloy lang ako sa pag-inom ng lemonade at pagkain ng lemoncake ko. Hanggang sa namalayan kong naubos na pala.
Napanguso ako sa pagkadismaya. Ubos na pala, hindi ko namalayan dahil sa sarap.
"Oh, huwag kang ngumuso, baka isipin ng iba nanghihingi ka ng halik mula sa multo." nagtaas ako ng tingin.
Si Yuri.
"Anong ginagawa mo dito? Himala, hindi mo kasama si Mira." nakataas ang isang kilay kong sabi. Umupo siya sa katapat kong upuan.
Naging close na namin nila Nali, at Sylvia itong si Yuri. Kasi madalas siya dumalaw sa apartment namin.
Umirap siya sa hangin, "Ewan ko sa pinsan ko na iyon. Nasa mall kami kanina. Pero bigla nalang siya nawala sa crowd. Tapos nagtext siya sakin na magshopping nalang daw ako mag-isa kasi may pupuntahan siyang bigla." rinig ko ang pagkadismaya sa mga boses niya.
Nagkasalubong ang mga kilay ko dahil sa narinig. Weird... Hindi naman mahilig si Mira na mag-gagala nalang diyan. Madalas nga siya magkulong sa kwarto niya kapag walang pasok.
"Sure ka na may pinuntahan siya? Hindi mo man lang dinouble check. Malay mo may nagkidnap sa kaniya." pagjojoke ko sa kaniya.
Nanlaki ang mga mata ni Yuri, "Grabe ka naman sa kidnap. I know Mira. Kaya niyang ipagtanggol sarili niya." inilabas niya ang cellphone niya at may kinalikot.
"Ito oh, nagchampion siya sa taekwondo dati sa US, nung 14 years old siya." iniharap niya sakin ang cellphone niya.
May isang cute na batang nakapony tail ang light pink nitong buhok at nakasuot ng pang taekwondo na kasuotan, ang nakaharap sa camera. May gold medal na nakasabit sa leeg niya, pero hindi naman nakangiti yung bata.
"Ito naman, nag jo-joke lang ako. Masyado kang nagpapaniwala agad." napakamot siya sa ulo niya.
Kumunot ang noo ko.
"Pero, tanong lang ah. Si Mira talaga yan? Bakit wala siyang freckles?" biglang maestatwa sa kinauupuan niya si Yuri.
"Ahh, eehh. Hindi ko alam eh? Puberty?" napansin kong kabado siya, kaya pinaningkitan ko siya.
Hindi sa sinasabi kong pangit si Mira pero...
Ang Mira na kilala ko, may freckles.
Freckles na parang, mula pagkabata niya ay meron na siya noon. Kaya nagtataka ako bakit walang ganun si Mira sa picture na ipinakita sakin ni Yuri.
Hindi naman pwedeng puberty lng yung dahilan.
"Whatever. I won't force you na sabihin sa akin ang ayaw mo naman talaga sabihin." masungit na sabi ko. I crossed my arms while looking at him.
Nginitian niya ako, na nagpablush naman sa akin.
Gosh! Hindi ko talaga mapigilan mag blush kapag may gwapong lalaking ngumingiti sa akin!
"Ubos na yung lemonade mo. Libre kita?" biglang nagningning mga mata ko. Tumango ako agad.

Komento sa Aklat (20)

  • avatar
    Rona Mae Faraon Amistoso

    Good plot, nice story. Keep it up author 👍👏

    29/05/2022

      0
  • avatar
    Allan Dave Aclan

    ganda 100

    14/07

      0
  • avatar
    Reynold Villalva Mantes

    nice story❤️

    04/06

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata