logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Chapter 3: Injustice

Zeignah's POV
"Ate pahingi po ng extrang sabaw!"
Agad kong nilapitan ang kostumer na sumigaw para ibigay ang hinihingi niya. Ramdam ko na ang pagod pero pinipilit ko pa rin panatiliin ang ngiti habang ibinubuhos ang mainit na sabaw mula sa thermos-like pitcher.
Konting oras na lang naman na ay matatapos na rin ang shift ko. Lalo akong nagkaroon ng rason para ipagpatuloy ang pagngiti dahil pay day.
Sigurado akong malaki-laki ang sasahurin ko ngayon dahil sa mga over time ko. Bagamat may dalawang araw akong absent, alam kong nabawi naman ito ng ilang araw kong pag-over time.
Bago kasi ako umabsent upang alagaan si Zini ay lagi akong isa sa mga pinagkakatiwalaan ni Manang Nora sa pag-over time. Lagi rin naman akong pumapayag dahil bukod sa additional payment at malaki rin ang utang na loob ko sa kanya.
Marami na siyang nagawang kabutihan sa akin. She is the sweetest employer I've ever had. She values her employees as much as she values her customers.
Kapag nagkakaproblema kami sa pera, isang sabi lang namin sa kanya ay to the rescue na agad siya. Manang Nora isn't just a business woman, she is also an angel in disguise.
Wala nang mas gaganda pa sa nakikita ko ngayon. Paano ba naman kasi ay ako na ang susunod sa pila ng mga sasahod. Hawak ko nang mahigpit ang DTR ko dahil hindi ko maitago ang excitement ko.
I've been saving for months to buy myself a phone. Sa lahat yata ng mga kaedad ay ako na lang ang walang cellphone. I had a phone before but due to poverty, we sold it at a lower price so we could use the money to supply our needs.
Si mama ay mayroon din cellphone dahil kailangan niya sa kanyang trabaho. She is a public school teacher. Our neighbors are wondering why we are still swimming in the chest-deep waters of poverty when our mama's salary is enough to pull us out of the water.
Isinasagot ko na lang na napupunta sa mga gamot ni Zini at naniniwala naman sila agad. Ayaw ko na lang sabihin na winawaldas ng batugang asawa ni mama ang perang pinaghihirapan niya.
Binilhan nga ni mama 'yon ng cellphone no'ng birthday niya kaya lalo siyang walang nagawa sa buhay. Aksaya na nga sa kuryente, gastador pa sa load.
Hindi naman ako nagtampo kay mama noon dahil hindi ko naman talaga gustong magka-cellphone noon. Ngayon lang ulit ako nagkainteres na magka-gadget.
"Zeignah Madrigal," pagbasa ng kahera sa pangalan ko.
Ilang sandali pa ay hawak ko na ang sobreng naglalaman ng bayad sa paghihirap ko. I can't hide my smile while counting the money I received. I kinda felt suspicious because way it's larger than how much I expected it to be.
However, I forcedly pushed the thought at the back of my mind. Siguro nga ay gusto lang naman ako bigyan ni Manang Nora ng bonus.
Naalala ko tuloy si Zini. Bilhan ko nga siya ng pasalubong at nang mabawasan naman kahit papaano ang kadramahan ng batang 'yon.
"Oh, pwede nang umuwi ang mga nakasahod na para hindi tayo jampacked dito. Sa dami natin dito, kapag may umutot, nako! Ipupurnada ko talaga ang mga sahod niyo," pagbibiro ni Manang Nora.
"Mauna na po ako, manang, " pagpapaalam ko.
Nang magtama ang paningin namin ay dahan-dahang bumaba ang magkabilang gilid ng labi niya na kagagaling lang sa pagbibiro. Mukhang nasira ko ang mood niya ngunig wala naman akong maisip na dahilan kung bakit.
"Zeignah, pumunta tayo sa opisina ko," pag-uutos niya.
"Bakit po?"
Agad akong nagtaka. Sa ilang taon ko rito, kailanman ay hindi pa niya ako pinapunta sa opisina niya. Ngayon pa lang talaga!
It makes me curious kung ano bang nagawa ko para papuntahin niya ako sa opisina niya.
"Sundan mo na lang ako." now she sound weird.
Para siyang nagsusungit.
"Have a seat," pormal niyang utos.
My brows furrowed in confusion. Manang alwats speaks in talagog and would always have a bubbly aura. However, the Manang Nora that I am facing right now is completely different.
She sat down on her swivel chair and stared at blank space. Hindi siya nagsasalita but it seems like she's having a hard time on composing how she could deliver me her news.
Lalo tuloy akong hindi mapakali habang hinihintay ang sasabibin niya.
"I''m firing you, Zeignah." She broke the ice.
Wait...
What?!
My jaw dropped with her sudden words. Ano raw?
"Hindi mo ba ako naintindihan, Zeign? Should I translate it for you?"
This is the first time she insulted me.
"It's not the language I did not understand," sinagot ko siya sa ingles para malaman niyang naiintindihan ko ang lenggwaheng gamit niya. "The content of your statement is vague, Manang - almost nonsense.
Alam kong kahit gaano pa man kami ka-close ni Manang ay hindi ko dapat siya sinasagot nang ganito dahil amo ko pa rin siya. However, I still can't help but to be frank.
I am so confused that I need her to reciprocate my straightforwardness. I want a clear and valid explanation.
"You sound like you're questioning me," sinubukan niyang magsalita sa isang masungit na tono pero nahahalata kong pinipilit niya lang ito.
She's usually not like this. Gaya nga ng sabi ko ay mayroon siyang bubbly personality. Ngayon ko lang siya nakitang nagkaganito kaya nawiwirduhan ako at nalilito.
"I am, Manang," I said bluntly. "Wala akong maisip na rason para tanggalin mo ako sa trabaho. Alam ko pong - "
"I have a reason," pagmamalaki pa niya.
"Then tell me," I sound awfully demanding.
She's obviously trying to search for words. Halatang wala siyang maibigay na reklamo sa serbisiyo ko.
"I-Ilang araw kang absent. Sunod-sunod pa!" nauutal pa siya sa ibinigay na rason sa'kin.
Kumunot ang noo ko dahil napakababaw naman no'n. Isa pa ay personal akong nagpaalam sa kanya noon at sinabi pa niyang h'wag akong mag-alala dahil naiintindihan niya.
Marahil ay napansin niya ang gustong sabihin ng ekspresiyon ng mukha ko kaya agad siyang umaksiyon.
"You're fired, Zeignah. Tanggal ka na sa trabaho. That's it. Hindi na ako tatanggap pa ng kahit anong katanungan mula sa'yo. You can leave now."
Nararamdaman ko ang panginginig ng boses niya habang sinasabi ito sa'kin. Nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko para siguro ay pagmukhaing seryoso siya pero nagmukha lang siyang katawa-tawa para sa'kin.
Firing an employee because of a petty reason? Wala nang mas nakakatawa pa roon.
Sa kabila ng sitwasiyon ay sinikap kong maging kalmado. "Hindi naman po pwedeng alisin niyo na lang ako sa gan'yan kababaw na rason. Hindi makatao 'yan."
"Anong magagawa mo? Sasampahan ako ng kaso?" Pilit siyang tumawa ng pasarkastiko. "Naging mabait ako sa'yo sa loob ng ilang taon tapos ngayong kailangan na kitang tanggalin ay may lakas ng loob ka pang ireklamo ako?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko naman kasi inaakalang darating ang araw na isusumbat niya sa akin ang lahat ng kabaitan niya. I don't know if it makes sense but I do feel betrayed.
"Leave," matigas niyang utos saka itinalikod ang swivel chair.
Hindi ko na ipinaglaban pa ang punto ko. Hindi ko alam kung ano nangyari at bakit bigla na lang niya akong na-trip-an na tanggalin sa trabaho pero hindi na ako aabot pa sa puntong magmamakaawa pa ako.
Throughout those years, I know I did a great job. Kahit napapa-absent ako dahil kay Zini ay sinisiguro ko namang makakabawi ako pagbalik ko. I know that in some point, I am an asset in this cafeteria because I am damn hardworking.
Still.. She chose to do this.

It won't only be my loss, it will also be hers.
Kinuha ko na lahat ng gamit ko sa locker room naming mga empleyado. Ang plano kong bilhan si Zini ng pasalubong ay ipinagpabukas ko na lang. Pumara na ako ng tricycle para makauwi na agad.
This is a stressful day indeed. Binilisan ko na ang paglalakad pagkababa na pagkababa ko pa lang sa tricycle dahil gusto ko na talagang magpahinga. My body is yearning for rest.
Pero mukhang hindi ko pa agad makukuha 'yon...
"Zini!"
Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang natatarantang boses ni mama.
Anong nangyayari kay Zini?!
Lalo akong kinabahan nang matanaw ang kumpulan ng mga kapitbahay sa harap ng bahay namin. Hindi naman sila magkukumpol diyan kung walang ganap sa loob.
"Tabi! Dadaan ako!" malakas kong sigaw na siya namang agad nilang sinunod.
"Anong nangyari?" tanong ko agad nang makaabot sa pintuan ng bahay.
Doon ay nakita ko ang nanginginig na si Zini sa bisig ng kanyang natatarantang ama. Hindi lang siya basta nanginginig dahil tirik ang mata niya.
Kinukumbolsiyon si Zini!
"Mama, maglatag ka ng kumot sa sahig at siguraduhin mong walang maliliit na bagay na nakakalat," utos ko kay mama.
Kahit natataranta siya ay mabilis ang naging pagkilos niya habang ginagawa ang iniutos ko.
"Ibaba mo si Zini nang dahan-dahan," utos ko kay Bert.
"Matigas diyan at malamig! Lalong - "
"Sira ulo! Lalong mahihirapan ang bata sa ganyang posisyon. Ilapag mo na!" bulyaw ko dahil hindi man lang niya ilugar ang pagiging ma-pride.
Pakiramdam niya kasi ay lagi ko siyang kinakakakompitensiya.
Buti na lang at kahit labag sa loob niya ay ginawa pa rin niya ang sinabi ko. Agad ko naman nang pinatagilid ang bata to prevent choking. Nang mahawakan ko ang katawan niya ay talagang mainit siya.
Paano naging ganito ito eh ayos naman siya kaninang umaga?
"Ilang minuto na itong kombulsiyon niya?" kalmado kong tanong.
"Magdadalawang minuto na," nanginginig na tugon ni mama.
Sinikap kong maging kalmado kahit pa napapaligiran ng natatarantang mga tao. Abala ako sa pagoobserba kay Zini sa kung ano ang kulay ng mukha niya, kung may suka ba o ano. Kudos to Zini for wearing loose shirts. Pinagtuonan ko rin ng pansin kung gaano na katagal ang kombulsiyon niya.
It's a good thing I like reading books about children's health.
"Iyan na 'yon? Wala ka nang ibang gagawin?" tanong ng ama niya.
Palibhasa ay sarili lang ang iniintindi kaya wala siyang alam sa kung paano mag-alaga ng bata.
Hindi ko na siya pinansin dahil unti-unti naman nang kumakalma si Zini. Nang tuluyan na siyang bumalik sa dati ay kumalma na rin ang paligid. She looks confused but that's totally normal.
Ngayon ay inaasikaso na siya ni mama at ng ilang matatanda sa amin.
Narinig kong inererekomenda ng mga matatanda na dalhin si Zini sa albularyo o manghihilot para ipatingin ang kondisiyon niya at agad namang nagpantig ang tainga ko. Mamaya ay kung anong tubig ang ipainom sa kanya, lumala pa ang lagay ng bata.
"Mas maganda po kung ipatingin na natin sa doktor si Zini," pagsingit ko sa usapan nila.
Tinignan ako ni mama na may pagod na mata. "Wala pa akong sahod, anak. Wala pa akong pera," nanghihina niyang sabi.
"Mayroon po akong ipon. Sapat po siguro 'yon hanggang sa gamot na irereseta sa kanya kung mayroon man."
Para sana sa cellphone ko 'yon pero mas importante ang kalusugan ni Zini.
"Pero ipon mo 'yon anak..."
Alam kong kahit ganito si mama ay hindi siya kumukuha ng kahit ano sa akin dahil alam niyang pinaghirapan ko ito.
"Kung hindi natin 'yon gagastusin ay ano po ang gagamitin natin? Isa pa ay pera lang 'yon. Mababawi ko rin po 'yon kapag nakahanap na ako ng bagong trabaho."
"Bagong trabaho?" pagsingit ng asawa niyang batugan na nga, chismoso pa. "Naalis ka sa trabaho? Malamang dahil 'yan aa tabil ng dila mo!"
"Ayos lang na mawalan at least alam kong nagkaroon ako, nawala nga lang. Eh ikaw? Walang mawawala kasi wala kang kahit na ano."
"Zeignah 'yang bunganga mo!" pagalit na saway ni mama.
Sa puntong ito ay napuno na rin ako sa lalaking ito. Ganito na nga ang sitwasiyon ay inuuna pa niya ang saltik niya. Kung kanina sa trabaho ay hindi ako nakakuha ng hustisiya, hindi ko na hahayaan pang pati rito sa bahay ay gano'n din.
"Bakit hindi mo suwayin itong childish mong asawa, ma?" pabalang kong sagot. "Siya naman ang - "
"That's enough, Zeignah!" malakas na bulyaw ni mama sa akin. "I've had enough stress today. I'll lose my sanity if I'll have more. Please shut your mouth, hindi ka na nakakatuwa."
What?!
I can't believe the injustice that life's giving me.
"I also had enough but you keep on giving me more," sagot ko sa kanya.
Lakad-takbo kong tinahak ang daan palabas ng bahay namin. I heard her angrily calling my name but I refuse to listen.
I want to take a break.

Komento sa Aklat (91)

  • avatar
    Taryudin Abidin

    kakak

    29/07

      0
  • avatar
    Say Decena

    this stroy ay napaka ganda

    15/07

      0
  • avatar
    John Michae Erin

    nice this story

    13/07

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata