logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

Miracle

Kanilang napag-alaman na dala ng kalasingan ay nagpumilit pala ang lalaki na isayaw ang fake girlfriend ni Kiel kanina. Ngunit ibang sayaw ang natikman nito. Agad na itong inilayo at inilabas ng bar. Sayang at may itsura pa naman ngunit hindi ito umubra sa pekeng nobya niya.
Naging tampulan ng bulung-bulungan ang babae na nakuha nang maupong muli habang namumula pa rin sa galit.
"Grabe, insan! Girlfriend ba kinuha mo o bodyguard?" natatawang tanong ni Teban. Halos ikalaglag kasi ng panga nila ang eksena kanina. "Alam ko mayaman ka pero, kailangan mo ba talaga ng bodyguard?" dagdag pa nito ngunit si Paul lang ang natawa sa sinabi nito. Nananatili lamang kasing tulala si Kiel.
Alam niya kanina pa na may katapangan at may angas ang babae pero hindi naman n'ya naisip na self defense/martial arts expert pala ito.
Tinulak ni Paul sa balikat si Kiel upang siya'y magising at doon nga lang nanumbalik ang ulirat niya. Hawak ang noo ay tumalikod siya. Sumunod ang mga kaibigan niya na pawang nagsitalikod din.
"Ano? Ayaw mo bang ipaalam sa lahat ng tao rito na kasama mo ang babaeng 'yon?"
"Tumigil ka na nga, Teban," saway niya sa pinsan.
"Amazona pala 'yan e, good luck pre! Minsan ka lang magkaka-girlfriend warrior princess pa. Mukhang nakakita ka na ng katapat mo... bugbog ka diyan!" tatawa-tawang sabi ni Paul.
"Hay!" Ang wala nang ganang makipag-usap na si Kiel na tumungga na lang ulit ng alak.
'Mabuti pala't hindi n'ya ako pinatikim kanina ng mga iyon.'
Inubos na muna niya ang laman ng baso niya saka nilingong muli ang babae. Nakita niyang tinanggal nito ang suot na pulang cardigan saka tumayo. Sa white racerback tunic nitong suot ay nakita niya ang makinis at maputi nitong balat. At matapos na tumindig ay ipinatong ang cardigan sa mismo nitong upuan. Ang kaniyang mga mata ay napako na't sinundan ng tingin ang lumalayong dalaga papuntang ladies room. Napasunod din ng tingin ang mga kasama niya rito.
"Oh-oh!" bulalas ni Teban at nagpatuloy, "So hot! Simoy jackpot! Ganiyan pa naman ang mga gusto ko. Iyong mga tipong she's sexy but she doesn't know it."
Tiningnan ni Kiel ang palabirong pinsan. "Kahit kailan ka talaga!"
Mabilis makaagaw ng pansin ang mukha at pigura ng babae na kahit pa nga kaninang ang katawan ay nababalot pa ng tela ay may lumapit na agad na kung sino. Ngayon pa kaya na ito'y parang nakasando na lang na bumagay pa sa suot nitong black leather leggings at black low cut boots. Sino nga naman ba ang hindi mapapatingin?
Tantya niya'y walang balak na magtangal ng pandoble ang babae kung hindi lamang ito nainitan kanina. Ibang-iba kasi ang kilos nito kumpara sa mga babaeng laging laman ng bar na ito.
Pabalik na ang dalaga sa dating pwesto nito pero nakatingin pa rin silang tatlo.
"Ano? Wala ka bang balak lapitan? Kung sabagay parang wala naman din siyang pakialam sa'yo," ani Paul.
"Ayaw mo ba? Akin na lang--" akmang lalakad na sana si Teban palayo at papunta sa babae nang harangan ng kanang braso ni Kiel ang daan nito.
"I can handle this. Maghanap ka ng iyo," ani Kiel dito sabay ngisi.
"Fine... go ahead, Master!" pangungulit ng pinsan n'ya na nag-bow pa't iminuwestro ang kamay paturo sa lugar kung saan naroon ang babae. Animo'y isa itong alipin at si Kiel ang prinsepe.
"Sira ulo talaga ang magpinsan na 'to!" iiling-iling na sabi na lang ni Paul saka muling nagsalita. "T-teka, saan siya pupunta?"
Napalingong bigla ang magpinsan sa nagsusuot na muli ng cardigan na babae. Naglakad ito paalis.
Sa exit kung saan madadaanan sila ng babae. Ang lakas ng prisensya nito ang nagpatayo sa kanila nang tuwid, pero tiningnan lamang sila nito saka walang sabi-sabing lumabas.
"H-hey!" si Kiel na mabilis nang nakasunod dito, "Where are you going?"
"Magpapahangin," tipid na sagot nito at saka huminto nang hustong makalabas. Sa likod ng babae ay napapreno silang tatlo. Nakahinga naman nang maluwag si Kiel. Ang buong akala niya kasi'y lalayasan na siya nito.
Naglabas ng isang stick ng sigarilyo ang babae na siya namang agad na lapit si Teban at nag-offer ng lighter. Ito pa ang mismong nagsindi sa nasa bibig ng stick nito. Tumabi sa kanila si Paul na naki-jamming din habang si Kiel ay nananatiling nasa kanilang likuran at nakapamulsa. Hindi n'ya makuhang maki-jam dahil sa lahat ito ay ang ayaw na ayaw niya. Ang yosi.
Iiling-iling na lumapit siya sa mga ito at tmabi sa kanan ng babae. Siningkitan naman n'ya si Teban at ngumisi ito.
"Nagyoyosi ka rin pala? Ano pa ba ang hindi mo kayang gawin?" tanong ni Kiel ngunit imbes sumagot ang babae ay nilingon lang s'ya nito saka siya binugahan ng usok.
Umiwas siya't lumingon sa kanan pero doon man ay may usok din gawa ni Teban kaya maubo-ubo siyang napalayo sa mga ito.
Ang tumahimik ang tanging alam gawin ng babae habang sina Paul at Teban ay panay ang sikuhan tila nagtuturuan kung sino ang unang magbubukas ng usapan.
Hanggang maubos na ang sigarilyong hinihithit ng dalaga at naisipan ni Kiel na umuwi na.
~•~
"Bye!" paalam nina Teban at Paul sa papasakay na sa kotseng dalaga. Pero hindi sila pinansin nito.
"Oy, insan! Ingatan mo 'yan, ha! Kundi kukunin ko 'yan sa 'yo," sigaw pa ni Teban na hindi na narinig pa ni Kiel dahil mabilis na nitong nailayo ang sasakyan.
Binatukan na lamang ni Paul ang kaibigan na mukhang trip pa ang fake girlfriend ni Kiel.
Habang nasa daan ay wala pa ring imik ang babae. Wala naman ni katiting na pag-aalala sa mukha ni Kiel gayong patungo na s'ya sa pinaka-nakakabahalang palabas na gagawin niya sa buong buhay niya na dapat sana ay kaniyang pinaghahandaan.
"Ehem!" pagpapapansin n'ya. Tiningnan naman s'ya ng babae. "Wala ka bang boyfriend?" tiningnan niya rin ito.
Kumurap ito.
Nakita naman niya ang ganda ng mga mata nito. Para bang nahirapan s'yang huminga kaya ibinaling na lang n'ya ang tingin sa kalsada. Hindi n'ya alam kung sa tanong ba niya s'ya nabahala at baka undayan na lang s'ya ng suntok nito o sa mga mata nito na bagama't kulang sa kislap e para namang mga nangungusap.
'Hay! Ano ba 'yan, Kiel? Tumahimik ka na nga lang!'
"Wala akong boyfriend. Iyon ang bagay na hindi ko pa nararanasan."
Magkaiba na sila ng direksiyong tinitingnan ngunit sa narinig na sagot ng babae gamit ang eyeballs ay kaniya itong sandaling sinulyapan.
Bumusina nang malakas ang sasakyan sa kanilang likuran. Tila nangungulit ang mga sakay niyon na walang iba kundi sina Paul at Teban.Ang nagmamaneho ay si CPR habang sa tabi nito ay ang mestizong unggoy. Paraan lamang naman ito ni Paul para magpaalam. Bahagyang binuksan n'ya ang bintana, inilabas ang kaliwang kamay at nag-dirty finger sa mga ito. Napahalakhak ang dalawa at ilang sandali pa nga'y nag-iba na ng daan ang mga ito.
~•~
Ipinarada agad ni Kiel sa favorite parking spot n'ya ang sasakyan saka lumabas. Sumunod na ring lumabas ang babae na matamang nakatingin sa mala-palasyong bahay na iyon na modern Mediterranean ang style. Bricks and limestone with low-pitched tile roof ang una nitong napansin bilang nasa labas pa lamang sila.
Excited na pumasok si Kiel nang siya ay pagbuksan ng isang guwardiya ng gate at sa likuran n'ya ay si...
"W-wait. Wait!"
Biglang humarap s'ya sa babae habang sa noo ay napapatapik. Sa mahinang tono ay nagtanong siya, "What's your name nga, sh*t! Pa'no tayo papasa sa aktingan kung sa pangalan pa lang bagsak na?"
Natigilan naman ding bigla ang babae sa kakalibot ng tingin.
"Mary Gretchen D. Mondragon," mabilis at walang kaemo-emosyong sagot nito.
"Ang astig pala maging family name mo. Natatakot na talaga ako sa 'yo, huh! Baka naman sa susunod ay bugahan mo na ako ng apoy!" biro pa n'yang nakangiti pa.
"You can call me Mary, at huwag kang mag-alala hindi ko pa napag-aaralang bumuga ng apoy."
"Okay, mabuti kung gano'n. Pero M.G. ang itatawag ko sa 'yo, since parang hindi naman bagay sa'yo ang Mary." Tila ba't sinusubukan niya kung mapipikon ang dalaga.
"Bahala ka."
"I'm Kiel-- Kiel Alonzo," pagpapakilala n'ya.
Hindi uso ang hand-shake sa kanila, at kung kailang tahimik silang nakatingin sa mata ng isa't isa ay doon naman may tumawag sa binata.
"Kiel, anak!"
Mula sa likod ay tinig ng sa isang babae ang bumasag sa katahimikan nila. Kilala ni Kiel ang boses na iyon.
At ngayon magsisimula ang plano n'ya. Agad n'yang inakbayan si Mary bago sa ina ay humarap.
"Mommy!" nakangiti n'yang bati rito.
Sapilitan ding napangiti si Mary na siyang lalong nagpalabas ng natural nitong ganda kahit walang make-up.
"Oh! Hija, finally!" may pananabik ang tono na bati ng Donya sa kasama n'ya. "S'ya na ba ha, hijo?" baling nito muli sa kainya.
"Yup!" confident n'yang sagot.
"Can I embrace you, hija? You are so pretty, alam mo ba 'yon?"
Tumugon naman ang fake girlfriend n'ya, "Thank you po. Kayo rin po napakaganda niyo po. Alam ko na ngayon kung saan kumuha ng kagwapuhan itong si Kiel," pagbabalik puri nito.
Nagkatinginan sila. Napakagat labi si Mary, napangisi naman s'ya.
"Salamat, hija. Halika, pumasok tayo sa loob." Inakay si Mary ng Donya. "Alam mo bang isa itong milagro? Ngayon lamang nagdala ang anak kong ito ng babae rito sa bahay. Kaya naman, ikaw ang kauna-unahan, hija," paliwanag nito habang nakaangkla ang kaliwang kamay sa braso ni Mary.
Nasa likod nila si Kiel.
Habang iginigiya ng Donya papasok ang dalaga ay hindi nito maiwasan ang mamangha sa laki at ganda ng bahay.
Hindi nito akalaing ang estupidong lalaking gaya ni Kiel na nakilala lamang nito kanina ay nakatira sa ganito kagarang bahay. Combination ng chocolate brown, gold and white ang nakita ni Mary na kulay sa labas. Kapansin-pansin din ang mga korteng arkong bintana at limang gallery-style porches. Sa gitna o ikatlong porch sila ay pumasok which is the way towards that huge wooden entry door.
Napapakamot na lang ng batok si Kiel habang tinitingnan ang dalawang babae sa kaniyang harapan.
Sa tarangkahan ng pintuan ay naroo't hindi pa rin mawala ang pagkamangha ni Mary sa pinasukang mansion.
Pinaghalong puti at gold ang pintura nito. Stuccoed ang wall at ang arch motifs sa malalaking bintana ay hindi mawawala. Gano'n din sa mga lagusan o pintuan.
At tila ba't nabuhay ang pagiging babae ni Mary nang dahil sa bahay na ito. Minsan kasi itong nangarap maging isang prinsesa at tumira sa mala-palasyong bahay gaya nito.
Maganda at mabusisi ang pagkakagawa ng mansion. Mula ceiling hanggang sa mga poste at sa grand spiral staircase na nakapuwesto sa kanang gilid ng bahay. Hindi masukal at hindi mahilig sa gamit ang mga tao rito. Minimalist ang alam nitong tawag doon. Kung ano lamang ang kailangang kagamitan ng isang typical na tahanan, iyon lamang ang meron sila. Napaka simple. malinis, maaliwalas at masarap sa pakiramdam.
Nang hustong makapasok ay tinungo nila ang mahabang tweed tufted sofa na kulay puti rin. Maingat na naupo si Mary. Mahirap na kasing makasira ito at wala itong pambayad. Sa harapan ay namataan naman nito ang oak coffee table.
"What's her name nga, hijo?" tanong nang umuupong Donya sa single-seater sofa sa gilid ni Mary.
"Mary Gretchen Mondragon, Mommy," sagot ni Kiel na papaupo naman na sa tabi ni Mary pero biglang napatayo ulit nang marinig ang busina ng kotse na ngayon ay alam niyang pumaparada na.
Nagkatiningan ang mag-ina na ipinagtataka naman ni Mary. Napatayo na rin ang Donya.
Hindi mahulaan ni Mary ang nangyayari kaya bilang pakikisimpatya ay tumayo na rin ito at gaya ng dalawa na nakatingin sa pintuan ay nakitingin din ito ro'n.
Wari bang inaabangan nilang tatlo ang kung sino mang taong iluluwa ng malaking pintuang iyon.

Komento sa Aklat (159)

  • avatar
    Eos Protacio Sauvettre

    I like your writing style, the narration, the plot so creative. Good job Author!

    04/07/2022

      0
  • avatar
    Owbreeeey

    A work that is worth to read for everyone!! Highly Recommended ❤️❤️ Keep the pen bleeding author 😘

    16/06/2022

      0
  • avatar
    AtthaphanMew

    Interesting. Nangangamoy life lessons kaagad. Keep on a good work, Author~ By this story you can inspire more people.

    09/06/2022

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata