logo text
Idagdag sa Library
logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

KABANATA ( 02 ): L-LOLA


MAKAHIYA
Nagpatuloy lamang siya sa pagkanta at hindi man lang natinag sa aking presensya.
       "Uhm...Malapit nang gumabi, b-bakit nandito ka pa?" Lakas-loob kong pagtatanong muli, ngunit tila wala man lang siyang narinig at nagpatuloy muli sa pagkanta.
Habang patagal ng patagal ay palakas ng palakas ang kanyang pag-awit.
Mariin akong napalunok.
       "Hindi kaya h-hinahanap ka na ng mga m-magulang mo?" 
Tumigil siya sa pagkanta.
               Napakurap-kurap ako sa kanyang biglang pagtigil. Hindi makapaniwala. Ngunit hindi pa rin siya kumilos o lumingon man lang.
       "G-gusto mo bang samahan na kita u-umuwi sa inyo?" Nauutal kong alok sa kanya.
Hindi siya kumibo.
       "Huwag kang m-matakot sa'kin di naman ako masamang tao."
Tahimik lamang siyang nakatayo.
       "G-gusto mo bang—"
       "AYOKO."
Bahagya akong napatalon sa bigla niyang pagsasalita.
Huminga ako ng malalim tsaka humakbang papalapit sa kanya.
       "Bata, gabi na kase... Sigurado ako n-nag-aalala na yung mga magulang mo." Pangungumbinsi ko sa kanyang sumama sa akin para makauwi na siya, ngunit hindi na ulit ito nagsalita kaya hinawakan ko siya sa kaliwang balikat.
               Medyo nahawi ang suot niya bistida sa balikat nang ito'y aking hawakan kung kaya't sumilip ang kaunti niyang balat, nanlaki ang mga mata ko nang imbis na balat ang bumungad sa akin ay nakita ko ang kanyang nakausling buto mula roon at ang naaagnas niyang laman, may lumabas ding mga insekto mula roon na nakadagdag sa sangsang ng amoy mula sa kanyang kaagnasan.
Mabilis kong binawi ang aking kamay mula sa pagkakahawak sa kanya at napahakbang paatras.
"P-asensiya na...h-hindi na kita ...p-pipilitin—"
Natigil ako sa aking pagsasalita nang biglang bumagsak sa lupa ang kanyang kaliwang braso.
               Hindi ko namalayang kanina pa pala ako lumuluha't nanginginig at tila kahit anong sandali ay tatakasan na'ko ng lakas sa aking nasaksihan.
Sinubukan kong maglakad palayo, subalit nanghihina at nanlalambot ang aking mga tuhod.
"Gusto ko 'yang braso mo." 
Halos kasabay kong napatalon sa pagkabigla ang puso ko, ngunit mas nagitla ako sa kanyang tinuran.
               Nanuyo ang aking lalamunan at tila nakakulong roon ang sari-saring hikbi, sigaw at tili na kanina pa gustong kumawala sa aking bibig, subalit hindi ko magawa at kahit anong gawin kong pagkontrol sa aking binti ay hindi ko ito maigalaw.
       "Tapyasin mo, ngayon na." 
Marahas akong umiling na animo'y makikita niya ang hindi ko pagsang-ayon.
               Natigil ako sa pag-iling nang narinig kong tumawa siya na animo'y nasisiraan na ng ulo kaya mahigpit kong ikinuyom ang aking mga kamay at pilit tinatagan ang loob.
       "Tumahimik ka! Nababaliw ka na! Bumalik ka kung saang impyreno ka nanggaling! D-demonyo ka!" Galit na galit kong sigaw ngunit alam ko sa sarili kong nanginginig na'ko sa takot dahil tumawa lang siya nang tumawa.
               Sa gimbal ko'y nakarinig ako ng tila pagkabali ng buto nang bigla na lamang umikot ang kanyang ulo paharap sa direksyon ko't aking nakita ang malaki niyang taga sa kanyang mukha pati na rin ang kanyang durog-durog na ilong at mga mata, nakalaylay din ang nakanganga niyang bunganga na batid kong naaagnas na rin.
               Umupo siya't kinuha ang kaniyang braso 'saka ikinabit muli ito sa kanyang balikat. Nang tuluyan siyang tumayo ay nahulog ang isa niyang mata at napisak nang matapakan niya. Tuluyang bumagsak ang aking luha nang nagtalsikan ang laman ng kaagnasan nito sa aking pisngi.
Nabalot ng aking nakabibinging tili ang tahimik na gubat.
               Mabilis niya 'kong sinugod at di'ko alam kung saan niya galing ang sibat na hawak-hawak niya ngayon, ngunit batid kong handang-handa na siyang patayin ako.
              Nagtatakbo ako na animo'y ngayon lang bumalik ang lahat ng lakas na nawala sa'kin kanina habang wala pa ring tigil ang aking pagluha't paghikbi na sinamahan pa ng panginginig.
"Tagu-taguan
Maliwanag ang buwan
Pagbilang ko ng tatlo PAPATAY na ako.
ISA! DALAWA! TATLO!~~ "
              Habang patagal ng patagal ay palakas ng palakas ang kanyang pag-awit. Hindi ko alam kung bakit parang walang saysay ang aking pagtakbo palayo dahil mas lumalakas lamang ang kanyang pagkanta sa aking pandinig.
               Mas naging hindi kaaya-aya ang tunog ng aking pag-iyak sa kaalamang mahahanap niya ako at saka papatayin.
              Mabilis pa rin ang aking pagtakbo at tila wala man lang akong maramdamang pagod o sakit sa aking mga binti nang makarating ako sa maliit naming bahay ng Lola ko, ngunit hindi man lang nabawasan ng kahit na kaunti ang aking panginginig at takot nang dahil sa batang iyon.
             Mapapanatag na sana ang aking kalooban nang biglang may marahas na humigit sa aking braso. Wala pang isang segundo nang ako'y manlaban at pilit kumakawala sa pagkakahawak niya.
      "Apo, ako ito." Nang tingnan ko'y si Lola nga ang aking nasa harapan.
              Mahigpit akong napayakap at humagulhol sa kanyang dibdib at hindi na batid kung ano pang sasabihin dahil hindi ko pa rin mapakalma ang aking sarili.
      "Umalis ka na, apo. Huwag mo silang hayaang mahanap ka." Puno ng pag-aalalang sabi niya sa akin kung kaya't kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya at 'saka siya hinarap.
     "A-anong sinasabi mo L-lola, s-sinong 'sila'?" Puno ng pagtataka kong tanong sa kanya, ngunit  malungkot lamang siyang umiling.
      "Sundin mo nalang ang aking sinabi, umalis ka na rito mahal kong Apo." 
      "Pero Lola—"
      "Umalis ka na!" Bahagya akong napaatras dahil sa pagtaas ng boses ni Lola.
              Napayuko ako at marahang tumango bilang tugon sa kanya tsaka tumalikod sa kanya upang magtungo sa aking silid at makapag-impake na ng damit nang may maapakan akong malapot at masangsang na likido, nang akin itong lingunin ay laking gulat ko nang makita kung ano iyon.
Dugo. 
               Nanghihina akong nagtungo sa kusina upang sundan ang pinagmulan ng nagkalat na dugo sa sahig. Nanginig ako sa tanawin ng lababong barado na may nag-uumapaw na masangsang na dugo mula sa mga lamang loob at tinadtad na mga parte ng katawan ng tao.
              Natutop ko na lamang ang aking bibig nang makita ang pugot na ulo ng aking Lola sa lamesa na nakangiti at dilat ang mga matang tila nakatitig sa'kin.
              Naiwan akong tigalgal at 'di makagalaw sa sindak dahil may lumipad na sibat mula sa aking likuran at tumama sa mismong noo ng pugot na ulo ni Lola at nagtalsikan ang laman, dugo at utak sa pagkabiyak niyon.
       "L-lola."

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    LotivioNarcisa

    Nice story…

    18/08

      0
  • avatar
    Maryjoy Erodias

    Very nice

    26/01

      0
  • avatar
    Celeste Aki

    so nice,

    29/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata