logo
logo-text

I-download ang aklat na ito sa loob ng app

The Dead Mistress's Play

The Dead Mistress's Play

Karit Pahina Likido


SIMULA

Kasalukuyan akong tumatakbo na animo'y aking ikamamatay ang paghupa ng aking mga binti't mga paa. Subalit tunay ngang si kamatayan ang siyang aking tinatakbuhan.
Kay dilim ng paligid, tanging ang nagniningningang guhit ng mga kidlat ang pansamantalang nagbibigay tanglaw sa pusod ng gubat na ito. Maputik ang daan dulot ng malakas na pagbasak ng ulan.
Tanging kulog, paghampas ng hangin sa mga puno, ulan at kaluskos sa paligid ang tanging maririnig.
Walang magtatangkang sumigaw. Nariyan na siya.
Ramdam ko ang bayolenteng pag-angat at pagbaba ng aking dibdib. Nakabibingi na rin ang pagdagundong ng tambol sa aking puso. Batid naming ito'y amin ding siyang pagkakamali.
"Magimbal kayo sa katiwasayan, mga hangal!
Kayo talaga'y tunay na kahambal-hambal!"
Ini-angat ko ang aking mga nangangatal na mga kamay at mahigpit na ipinantapal sa aking nanginginig na bibig. Mahigpit, animo'y isang busal, kasabay nito'y isang karera ang nagaganap sa pagitan ng aking mga luha.
'Ipanatag mo ang iyong kalooban, Makahiya. Hindi ka niya maaaring makita' paulit-ulit kong sabi sa aking isip na animo'y masisiraan na ng bait.
Maya-maya'y naulinigan ko ang isang kakila-kilabot na halakhak.
"Pag-igihan ninyo ang pagtatago! 'Pagkat ngayon pa lamang magsisimula ang tunay na laro!"
Hindi ko na batid ang aking gagawin. Nakakasiguro akong walang ibang dapat sisihin sa mga nangyayari ngayon kundi ako. Ako ang puno't dulo ng larong ito.
Maya-maya'y narinig ko ang mapaglarong himig ng pambatang kantang a-awitin ng taya.
"Magsisimula na ako, ah? Huwag kayong maligalig! Kabutihan lamang ang aking ibig!" Mapanuya niyang sabi na mas nagpahigpit ng aking hininga.
Kung paano ko siya nauulinigan o kung may iba pa ba sa mga kasamahan ko ang sa kanya'y nakaririnig ay hindi ko na batid pa.
" Tagu-taguan~."
Nanlaki ang aking mga mata nang nagsimula na siyang umawit. Kaya hindi ko na inalintana pa ang pagod, panginginig, takot, pawis, luha at lansa ng malapot na likido ng mga dugong bumalot sa aking katawan.
'Magtago ka, Makahiya.' Tanging bulong ko sa aking isip.
"Maliwanag ang buwan~"
'Dios ko! Kahabagan ninyo ang aming kalagayan, papatayin niya kami. Mamamatay kami.' Paulit-ulit kong usal sa aking isipan.
"Pagbilang ko ng tatlo, papatay na ako~"
Marahan akong gumalaw na may kasamang panginginig habang pilit na isinisiksik ang aking sarili sa nagtataasang mga damo.
"Isa!"
Unti-unti akong nakarinig ng papalapit na mga yabag habang may matinis na tunog ng mga bakal na tila ikinikiskis sa isa't isa. Animo'y kutsilyo o itak na pinagbubunggo upang mas mahasa ang talim. Natigilan ako sa paggalaw.
"Dalawa!"
Mas idiniin ko ang aking mga kamay sa pagkakahawak sa aking bibig. Pigil na pigil na makagawa ng kahit anong hikbi o tunog na maaari niyang marinig. Tila isang busal na kahit anong mangyari'y hindi ko kakalasin sa pagkakadiin sa aking bibig.
Ngunit habang mas tumatagal ay mas lumalakas ang mga yabag. Ngayon, batid kong papalapit na siya.
Maya-maya'y tumahimik ang paligid, nawala ang mga yabag at kaluskos, tanging ang hangin, ulan at mga kulog na lamang ang maririnig.
Hindi ko alam na mas kong ikakatakot ang pagtigil ng tunog ng mga bakal at mga yabag.
May mali. Hindi ito tama.
"HWAAAAAAAAAAAAAAÀAA!"
Impit at pigil na pigil ang aking paghugot ng lahat ng tili at sigaw na gustong kumawala sa aking bibig nang bumalot sa kagubatan ang napakalas na sigaw, dinig ko ang gimbal roon at labis na sakit.
"'WAAAAAAG!! T-TULOOONG!! AHHHHH!"
Nanghina ako sa narinig na mga palahaw at panaghoy ng pagmamakaawa habang tahimik akong pumikit at mariin na kinagat ang aking labi na halos magdugo upang hindi kumawala ang mga hikbi kong nakakulong sa aking lalamunan.
"Aaaaaaaaacckk!"
Narinig ko ang paghahalo ng pagtangis ng pagsusumamo at halakhak ng kamatayan.
"Hindi pa'ko tapos magbilang pero nakita na kita! Ngayon, mamamatay ka na!"
Hindi magkamayaw sa pagbaha ang aking mga luha, lalo na nang makarinig ako ng kaluskos na tila may bagay na hinihila sa maputik na daan.
"Kaasar naman! Magtago ka nga ng mabuti, dyan!"
Nanlaki ang aking mga mata na animo'y sa akin niya ipinaparating ang mga salitang iyon. Nagluluhang muli ang aking mga mata. Nakapanghihina ang sandaling iyon.
"Tatlo!"
Nagpatuloy ang kaluskos na tila may hinihila o kinakaladkad sa putikan nang biglang tinakasan ako ng dugo't namutla nang may sumilip na duguang kamay sa damuhang aking tinataguan.
Lalo na nang biglang kumislot-kislot ang kamay na animo'y aabutin ako.
Mabilis akong gumapang palayo sa duguang kamay at tila malapit nang masiraan ng bait. Wala na akong marinig pa, subalit unti-unti nang pinapatay ang aking kalooban.
'Huminahon ka, Makahiya. Hindi ka niya makikita.'
Mas tumindi ang pagwawala ng aking kalooban nang makaramdaman ako ng mainit at mabibigat na hininga sa aking batok. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata at kinausap ang sarili upang huwag lamunin ng takot at pangamba.
"L-ligtas siguro 'tong p-pinagtataguan ko. H-hindi niya 'ko m-mahahana—hmp"
Sumirit ang masaganang dugo kasabay ng paglantad ng kanyang kaagnasan sa aking mukha.
"KITA KITA!"

Komento sa Aklat (6)

  • avatar
    LotivioNarcisa

    Nice story…

    18/08

      0
  • avatar
    Maryjoy Erodias

    Very nice

    26/01

      0
  • avatar
    Celeste Aki

    so nice,

    29/07/2023

      0
  • Tingnan Lahat

Mga Kaugnay na Kabanata

Mga Pinakabagong Kabanata